Tila nanigas si James sa sinabi ni Alex, at pansalamantala siyang nanahimik. Napakagat sa ibabang labi si James at ipinaling ang kanyang ulo sa gilid. Nagbuntong hininga ito bago muling magsalita.“Alam kong galit ka sa akin. At hindi kita pipigilan doon. Pero, Alex… Hihintayin pa rin kita.”Natawa si Alex na tila ba nakarinig siya ng nakakatawang biro, bago ito mariing tiningnan si James na tila ba nandidiri ito sa mga narinig. “Alam mo… Payo lang. Bumalik ka na ng ospital. Mukhang kailangan mo ipatingin muli ang ang ulo mo mukhang may tama na.” sagot ni Alex.“May tama sayo.” sagot ni James pabalik na ikinailing ni Alex.“Alam mo… Wala nang patutunguhan ang usapang ito. Sabihan mo ako kung magkano ang magagastos mo sa ospital para bayaran kita.” saad ni Alex na halatang dismayado sa mga binibitawang salit ni James.Binuksan ni Alex ang pintuan ng kanyang kotse, at papasok na sana sa driver’s seat, nang maalala niya ang naging usapan nila ni Mary ANne, ina ni James.“Ah… Bago ko maka
“You're late.” Tila umurong ang dila ni Alex sa pagkabigla nang sinita ang pagkahuli niya ng dating sa interview.“Alexandra Bautista, tama ba?” tanong niya.“O-opo.” Nauutal na sagot ni Alex.“Alam mo ba ang oras ng schedule interview mo?” “Alas nuwebe po ng umaga.”“Anong oras na ngayon?” tanong ng babae.Napansin naman ni Alex na agad na siniko ng marahan ang isang babae ng kanyang katabi. Lumingon ito sa katabing lalaki at naiinis na tila ba masama ang loob niyang sinuway siya. May binubulong ang lalaking katabi nito sa babae bago ito ngumuso ito at di na nagsalita pa. “Alas onse po. Pasensya na po talaga kung late ako ng dating. Nagkaroon lang po ako ng emergency.”“It’s okay, Miss Bautista. Naiintindihan namin. Pasensya na din at mukhang hindi maganda ang gising ng kasama namin.” Pabiro niyang sabi na ikinagaan ng mood ng paligid.Nakahinga naman ako ng maluwag na ang lalaking HR na ang nakipag-usap sa kanya. “Ako pala si Ezekiel Ramos. Head ng HR department. And I will be le
“Huh?” Nanlaki ang mga matang nagtataka si Alex.Muli, tiningnan niya ang screen ng kanyang cellphone at numerong hindi nakarehistro.“Bakit?” Nag-aalalang pabulong na tanong ni Grace, na nakakunot na rin ang noo.Nagkibit balikat na lamang si Alex.“Anong wedding gown po? Pasensya na mali po ata kayo ng tinawagan.” Saad ni Alex sa kausap.“Hindi po ba kayo si Alex Bautista?” tanong muli ng kausap niya.“Opo. Ako nga pero baka ibang Alex Bautista.” Sagot ni Alex.“Pero nagpaappointment po si Mr. James Alexander Lopez po para sa fitting ng gowns po.” Napasapo na lamang ng noo si Alex nang mabanggit ang pangalan ni James.“Sino nga itong kausap ko?” tani ni Alex.“Barbie Chui po. From Wedding couture. At ako po ang wedding planner po ninyo. Ako rin po ang sasama sa inyo mag asikaso ng mga kakailanganin sa kasal po ninyo ni Mr. Lopez.” pagpapakilala niya.“Okay, Miss Chui… Mawalang galang na. Pero gusto ko po ipaalam sa inyo na walang kasal na magaganap, at kung meron man, paniguradong d
Ilang minuto ding tahimik ang kabilang linya. Kaya muling nagsalita si Alex upang magpaliwanag.“Ganito kasi yon… Ahm… Magpapanggap ka lang naman na nobyo ko lalo na kapag kailangan kita. Magpanggap lang naman… Hindi totoo.”Napahigit ng hininga si Alex sa paghihintay na sumagot ang lalaki. Ngunit bumagsak ang kanyang balikat ng iba ang sinagot nito matapos ang dalawang minutong katahimikan.“Nakainom ka ba?” Tanong ni Brandon na tila seryoso na din sa kabilang linya.“Hindi na mahalaga pa iyon. Sagutin mo na lang ang tanong ko kung payag ka o hindi.”“Saan ka? Sa labas ka ba?” Tanong muli ni Brandon.“Wala na sayo kung nasa labas ako-” naputol ang kanyang sasabihin ng hablutin ni Grace ang kanyang telepono at siya ang sumagot sa tanong ni Brandon.“Andito siya sa bahay ko. At kami lang dalawa ang magkasama kaya huwag kang mag-alala.” Pagpapaalam ni Grace sa kanya bago binalik ang telepono kay Alex.Tila naman nabunutan ng tinik ang lalaki ng makumpirmang nasa maayos na kalagayan ang
“Alex,” Marahas na napabintong hininga si Alex nang marinig ang pamilyar na boses na ayaw niya na sanang marinig.Nilingon niya ang laaki. “Bakit ka andito? Paano mo nalamang andito ako? Naiiritang tanong ni Alex. Nakakunot ang noo nito at mahigpit na hinawakan ang kanyang telepono, handa sa kung ano man ang gagawing paghakbang ng lalaki.“Bakit di ka pumunta sa Laguna?” pabalik na tanong ni James.Hahakbang pa sana siya palapit kay Alex ngunit pinigilan siya nito.“Isang hakbang mo pa. Hindi ako magdadalawang isip na tumawag ng pulis para ireport ka.”“Alex… Seryoso ako. Ikaw lamang ang babaeng papakasalan ko at gusto kong makasama habang buhay. Sana paniwalaan mo iyon.”Umiiling- iling na natatawa si Alex sa nasambit ni James, na tila ba may nakakatawa sa sinabi nito.“Talaga ba? Nanawa ka na ba sa pakikipaglaro mong bahay-bahayan at tatay-tatayan kay Ivy at sa magiging anak nito, kaya ka lumalapit sa akin ngayon?” Mapang-asar na tanong ni Alex.“Maniwala ka man o sa hindi… Si Ivy,
Nanginginig ang buong kalamnan ni Alex sa galit niya kay James. Gayunpaman, palingon-lingon siya sa paligid upang masiguradong hindi na nga siya sinundan pa ni James. Nakahinga ng maluwag si Alex nang mapansing wala na nga si James. Pumasok siya sa kanyang bahay at siniguradong naka doble ang siradura ng kanyang pinto.Nang makapagbihis ay umupo si Alex sa kahoy na upuan sa kaniyang sala, ipinatong ang kanyang mga paa rito at niyakap ng mahigpit. Ikinulong ang mukha sa pagitan ng kanyang mga tuhod at tahimik na tumutulo ang kanyang mga luha. “Kailan pa ba ako lulubayan ng lalaking iyon?” tanong niya sa sarili.Nag angat siya ng ulo nang marinig na tumunog ang kanyang telepono. Agad niya itong kinuha mula sa lamesa at tiningnan ang mensahe. ‘Pwede ba tayong magkita bukas?’ tanong ng lalaking kanyang nakapalitan ng mensahe sa isang dating app.“Okay.” tanging sagot niya.‘Huling iyak ko na sana ito para sa lalaking iyon.’ Pangako ni Alex sa sarili.Napagpasyahan niyang matulog na upang
“Hindi na ako nakainom ngayon. Pwede ka bang makausap na?” Palakad lakad si Alex sa kanyang sala, habang mahigpit na hinahawakan ang kanyang telepono at naghihintay ng reply mula kay Brandon. Ngunit kalahating oras na ang lumipas at wala pa ring mensahe mula sa lalaki.‘Marahil ay nasa trabaho pa siya.’Kinansela na rin ni Alex ang kanyang pakikipagkita sa kanyang kablind date ng tanghali at pinakiusapang alas sais na lamang ng gabi sila magkita. Mabut at pumayag ang lalaking kanyang kausap. Maya-maya pa ay nakatanggap siya ng mensahe mula kay Brandon, na agad niyang ikinaalerto.Bumilis ang tibok ng kanyang puso nang mabasa ang nakarehistrong pangalan na nagpadala ng mensahe sa kanya.“Marami pa akong ginagawa. Gusto mo pumunta ka dito sa site. Nasa open field ako.”Ang open field na area ay kung saan nila nilagyan ng espesyal na lugar ang mga magkasintahan na balak isiwalat ang kanilang nararamdaman. Mas tinatawag nila itong Confession Park. Napapaligiran iyon ng iba’t-ibang uri ng
Bumuntong hininga si Alex “At…” ‘Sa totoo lang gusto kita. Gusto na kita. Kaso natatakot ako. Natatakot akong masaktan muli. O baka masaktan kita. Naguguluhan ako sa sarili ko ngayon.’ Gustong sabihin ni Alex ang lahat ng iyon. Ngunit alam niya rin sa sariling hindi pa siya handang pumasok sa isang relasyon. “At ano?” tanong ni Brandon. Umiiling si Alex at napangiti “Wala.” tanging sambit niya. “At gusto din kita.” Nanlaki ang mata ni Alex sa sinabi ni Brandon na tila ba nababasa nito ang sinabi niya sa kanyang isip. Tila nang init ang kanyang pisngi at bumilis ang pagtibok ng kanyang puso. “A-anong sinasabi mo diyan?” Nauutal nitong tanong at agad na nanag alis ng tingin. Pakiramdam ni Alex ay nag-iinit ang kanyang pisngi sa hiya. Tumikhim si Alex bago muling magsalita matapos ang ilang minutong katahimikan sa pagitan nilang dalawa. “So, ano? Pumapayag ka na bang maging pekeng boyfriend ko?” tanong ni Alex kay Brandon. “Hindi.” Napaguso si Alex kasabay ang pag-irap nito sa
Napaawang ang bibig ni Alex at hindi makapaniwalang tiningnan si Brandon.Lalalabas na sana sila ng bahay nang huminto si Alex at binawi ang kanyang kamay mula sa pagkakahawak ni Brandon.“Ganyan ka ba sa lahat ng babae?”Napalingon si Brandon kasabay ang pagkunot ng noo nito? “Hah?” nagtatakang tanong ni Brandon.“I mean… Hindi mo lang siguro napapansin, at naiintindihan ko naman na lalaki ka at nagiging maginoo ka sa lahat ng babae. Pero ganyan ka ba sa lahat ng nakakasalamuha mo na mga babae?”Tila nagugulumihanan pa rin si Brandon sa mga nangyayari. Hindi niya alam kung saan patungo ang tanong ni Alex. “Anong ibig mong sabihin?” tanong ni Brandon.“Yung ganito… Aasikasuhin ako… Papayag ka na maging nobyo ko kahit pagpapanggap lamang ang lahat ng ito. Iyong aalagaan ako. Sinisigurado mong nakakain na ko, at ngayon… H-hinahawakan ang kamay ko. Ganyan ka ba sa iba?” Tanong ni Alex na tila naguguluhan na din sa kanyang nararamdaman. Bumibilis ang tibok ng kanyang puso sa tuwing nakaka
Natapos ang kanilang usapan nang mapansin ni Alex ang orasan na nakasabit sa pader ng kaniyang bahay.“Alas siyete na pala. Kailangan ko nang mag-ayos.” Palusot ni Alex sa kanyang kausap.“Okay, miss. Ingat po sa lakad mo. Enjoy mo nalang ang party. Huwag mo na pansinin si Boss James. He-he.” Natatawang sambit ni Cynthia.Natawa na lamang din si Alex sa sinabi sa kanya ng kausap. “Sige na. Babay na.” saad nito bago pinatay ang tawag.Saktong pagpindot nito ng end button sa kaniyang selpon, ay narinig naman nito ang pagbukas ng pinto mula sa katabing pintuan.‘Kararating lang ni Brandon… Mauuna na lang siguro ako. Message ko nalang siya na magkita na lamang kami sa entrance ng hotel.’ Sabi ni Alex sa sarili.Lumabas si Alex at napansing, nakaawang ng bahagya ang pintuan ng bahay ni Brandon.‘Ano ba itong lalaking ito… Bakit di niya man lang sinarado ang bahay niya. Tapos na din kaya siya? Sinuot na kaya niya ang binili kong damit para sa kanya?’ MAraming katanungang pumapasok sa isipa
“Lalo na kapag andito si boss… Naku! Manggigil ka sa sobrang pagkalambot niya… Nasobrahan sa pagkakapakulo sa kaniya. Alam mo yun!!! Kaunting kilos… Kunwari mahihimatay… Tapos itong si Boss James naman… Todo alalay sa kanya. Para bang pinaparamdam niya sa mga tao dito na anak ni Boss James ang dinadala niya.” Dagdag ni Cynthia.“Malay natin. Baka nga.” Sagot ni Alex.“Talaga ba?!” Tila nagulat si Cynthia sa sinabi ni Alex. “Kung talagang anak nga iyon ni Boss James… Ibig sabihin.. Matagal ka na nga palang niloloko ni Boss?”Bumuntong hininga si Alex sa kabilang linya.“Pero miss… Kung talagang anak ni Boss James ang ipinagbubuntis niya… Sa ugali niya, malamang ipangangalandakan niya iyon. At hndi siya magmamalaki, dahil nilokoko ka nila. Pero hindi eh… Lagi niya sinasabi sakin na may utang na loob daw siya sayo. At malaki daw iyon.” dagdag ni Alex.Napakamot ng sintido si Alex sa narinig mula kay Cynthia.“Nasa kanya na iyon… Siguro naman alam niya kung sino ang nakabuntis sa kanya. A
Hindi nakapagsalita si Ivy na naiwang nakanganga ang bibig, habang nakatingin kay Alex na papalayo ng boutique. Hanggang sa mapagtanto niyang hindi siya nakaganti ng salita sa babae.“Grrr!!!” Nagngitngit sa galit si Ivy na ngayo’y masama na ang titig kay Alex.“Pakibilisan ng pagbalot!” Naiiritang pasigaw na utos ni Ivy sa mga staff ng boutique.‘May araw ka din sa akin, Alex.’ sabi niya sa isip.***Salamantala… Habang si Alex ay naglalakad palabas ng mall… Napansin niyang tumunog ang kanyang telepono. Nang makita niya kung sino ang tumatawag, ay agad niyang sinagot.“Hello,”“Hello… Nakalimutan ko palang itanong… Anong oras pala mamaya at saang lugar?”“Sa hotel ng mga Lopez. Alas otso ng gabi.” Sagot ni Alex kay Brandon sa kabilang linya.“May kailangan ba akong dalhin?” tanong ni Brandon.Napatingin si Alex sa dala niyang bagong binili na pangreregalo sa magdiriwang ng kaarawan.“Hindi na kailangan. Nakabili na rin ako.” Sagot ni Alex.“Sige… Susunduin na lamang kita ng alas siye
Bumalik si Alex sa mall, at napagdesisyunang pumunta sa isang luxury brand ng mga aksesoryang panlalaki. At naisipan niyang bilhan ng cufflinks si Anthony Lopez. Alam niyang mahilig itong magsuot ng mga tuxedo at iba pang suits at isa sa mga aksesorya niya ang cufflinks.Lumapit si Alex sa babasaging estante kung saan mayroong nakalatag na cufflinks na may iba’t ibang desenyo.“Magandang araw po. Ano pong maitutulong ko? Ano pong hinahanap niyo?” Tanong ng isang sales staff nang may magiliw na ngiting iginawad sa kanya.Ngumiti din si Alex bilang ganti. “May bagong designs kayo ng cufflinks?” Tanong ni Alex.“Pwede ko bang malaman para kanino ang cufflinks?”“Para sa tito ko.” sagot ni Alex.Tumango ang sales staff at umalis ito. Sa kanyang pagbalik, kasama na nito ang kanilang manager na may hawak na cufflinks na nakasilid sa nakabukas na kahon na tila ba ingat na ingat. May dala rin ang sales staff na kausap ni Alex. Ngunit ang kumuh ng kanyang atensyon ay ang cufflinks na hawak ng
‘Wala akong dapat na ikatakot. At pawang mga katotohanan ang sinabi ko bukod sa balitang magnobyo kami. Dahil lahat ng ito ay nangyari sa amin ni Brandon. At mas kapani-paniwala ang aming relasyon kung ito ang sasabihin ko.’ Sabi ni Alex sa sarili.Ang kaninang mahigpit na pagkakahawak sa braso ni Alex ay unti-unting lumuwag. Ngunit mariing tinitigan parin ng lalaki si Alex at tinatya kung ito nga ba ay nagsasabi ng totoo. Ngunit nang mapagtantong totoo nga ang mga sinabi ni Alex, tuluyan na siyang binitawan ni John. Yumuko ito upang hindi mapansin ng dalaga ang malungkot nitong mga mata. Ngunit pansin naman sa kanyang katawan ang panginginig, dahilan upang mapakunot ng noo si Alex at pilit na titigan si John sa kanyang mata.Namumula ang mga ito, at tila ba ay maiiyak na. Naglalabasan na din ang mga ugat sa kanyang noo, dala ng pagpipigil ng kanina pang gustong sumabog na emosyon.Sakit, pagkadismaya, at pagsisi… Pagkadismaya dahil kung bakit palagi na lamang siyang nahuhuli… Pagsisi
“Nobyo ko, kuya. Boyfriend ko in english.” Sarkastiko nitong pag-uulit sa sinabi.Tila nanigas si John sa pasabog na balita ni Alex, dahilan upang hindi ito agad makapagsalita.Alam ni Alex na maigiging ganito ang reaksyon ni John. Lingid sa kanyang kaalaman na may gusto ito sa kanya at sinabi niya iyon noon. Bakas sa mukha ni John ang sakit ng malaman niya iyon. Ngunit para kay Alex, makabubuti na ito upang tigilan na siya ni John, James at ng kanilang ina sa pagpupumilit sa kanya at magising sila sa katotohanang ayaw na niya.“S-sino siya?” Nauutal nitong tanong na tila ba hindi pa rin makapaniwala sa balitang pinasabog ni Alex.“Si Brandon,” Agad nitong sagot.Ang kaninang hindi maipintang mukha ni John ay mas lalong kumunot.“Alex…”“Tama ang pagkakarinig mo, Kuya. Si Brandon Montenegro.” Pag-uulit ni Alex.“Pero…”“Kuya John, naiintindihan ko ang gusto mong sabihin. Pero hindi ako nakikipagbiruan pagdating sa relasyon. Masaya ako sa piling niya ngayon. Sana masaya din kayo para sa
Nang maalala ni Alex ang kanyang magiging pakay sa pamamahay ng mga Lopez, ay agad niyang ipinaalam ito kay John.“Kamusta na pala sila Tito at Tita?”“Aray ko naman… Ako ang andito pero sila ang hinahanap mo.” Pagbibiro nito na ikinairap ng mga mata ni Alex.“Okay lang naman sila. Namimiss ka na nila. Pero mas namiss kita.” Hirit pa ni John.“Tigil-tigilan mo na nga ako sa pagbibiro mo, kuya.” Inis na sambit ni Alex.Tumawa na lamang ang lalaki. Maya-maya pa ay matagal niyang tinitigan si Alex. “Ikaw, kamusta na?” tanong nito.Sa titig pa lang ni John, alam na ni Alex na may alam ang lalaking nasa kanyang harapan ang pinaggagawa ng kapatid nito. “Sa totoo lang… Hindi okay…. Kasi…”“Kasi ano?” Naningkit ang mga matang nakatingin si John kay Alex habang naghihintay ito ng sagot.Humugot ng malalim na hininga ang dalaga. “Alam mo ba na ang kapatid mo ay iniipit ang kompanyang pinagtatrabahuhan ko ngayon?” Tanong nito.Bakas sa lalaki na hindi na ito nagugulat sa sinabi ni Alex. Kaya na
Dahil sa nangyari, hindi na hininitay ni Alex ang isa pang araw at nilapitan na niya si Ezekiel upang maipagbigay alam sa mga boss nito ang nangyayaring crisis sa kompanya.“Sir… Pasensya na po pero kailangan niyo na pong malaman. At alam ko pong kasalanan ko lahat ng ito. Kung hindi dahil sa akin, hindi mag-aalisan ang mga investors sa project na pinahawak mo sa akin.”Ngumiti si Ezekiel at tinapik ang balikat ni Alex upang aluin. “Huwag mong sisihin ang sarili mo. Normal lang ang ganyang bagay sa industriyang ito. Kung nagsialisan sila, ibig sabihin hindi sila para atin. Ipagpatuloy mo lang ang paggawa mo at pagdevelop ng mga bagong ilaw. Makakahanap din tayo ng investors para diyan. At huwag ka magpaapekto sa problema ngayon.”Gumaan ang loob ni Alex sa sinabing pampatibay ng loob ni Ezekiel. Na kahit sa kabila ng pambabatikos ng ibang mga kasamahan niyang nawalan ng tiwala sa kanya, ay may isang taong naniniwala sa kanyang galing at kahusayan sa larangang ito.“Maraming salamat sa