Share

KABANATA 7

Penulis: Megan Jurado
last update Terakhir Diperbarui: 2024-09-25 05:51:19

Nakahinga ng maluwag si Alex sa narinig, na tila ba siya ay nabunutan ng tinik sa lalamunan.

“Bago pa man mamatay si Bryan, ibinilin na niya sakin si Ivy.”

Dalawang buwan na ang nakalipas mula nang pumanaw ang kaibigan ni James. At hanggang ngayon dala-dala pa rin sa puso ni James ang guilt na nararamdaman. Naalala ni Alex noong araw ng aksidente. Umuwi si James na magulo ang buhok, gusot gusot ang suot na long sleeves, ang necktie ay hindi na nakatali ng maayos sa kanyang leeg. Nagmukha siyang madungis na kumawala mula sa mga umabosong sindikato.

‘Gaano ba kalalim ang relasyon nilang magkaibigan na pati ang asawa nito ay ihinabilin sa fiance ko? I get it. Naiintindihan ko ang unang isang buwan na dadamayan niya ang asawa ng kaibigan niya. Pero hindi ba at sobra na din ang pag-aasikaso niya to the point na aalis siya kahit madaling araw para puntahan ang babaeng ito?’ Tanong ni Alex.

Ganoon pa man ay ipinagsawalang bahala na lamang ni Alex ang mga naganap. 

‘Marahil nga ay ginagawa lamang ni James ang mga iyon kay Ivy dahil sa bilin ng namayapang kaibigan nito. Kailangan ko pang lawakan ang aking pag-iintindi.’

“Iyong nangyari kanina, hindi ko talaga ginawa iyon sa batang iyon. Akala ko kasi matutumba ako kaya napahawak ako sa kanya,” pagpapaliwanag muli ni Alex.

Hinawakan ni James ang pisngi ni Alex at hinalikan ito sa kanyang labi. “Naiintindian ko. Pero sa susunod, huwag ka nang aalis ng mag-isa.”

Nagpout naman si Alex ng labi nang bahagyang kinurot ni James ang kanyang pisngi. “Kasama ko si Grace kanina. Nauna lamang siya umalis kasi may emergency sa ospital.”

Pagpapaliwanag ni Alex.

“Guardian po ni Miss. Sanchez, pumunta sa nurse station.”

Narinig ni Alex at James ang announcement na siyang ikinalungkot na naman ni Alex. Iniwan na lamang sana nila si Ivy sa ospital.

“Puntahan muna natin si Ivy, bago tayo umuwi.” Tumango na lamang si Alex at sumunod kay James.

“Ikaw po ba ang guardian ni Miss Ivy Sanchez?” Tanong ng nurse pagkalapit nila sa nurse station. Tumango naman si James bilang sagot.

“Paki-fill up na lamang po ng form.” Hawak ni James ang form nang biglang bumukas ang pinto ng emergency room. Lumabas mula rito ang doktor na tumingin kanina kay Ivy.

“Dok, kamusta po si Ivy at ang bata sa tiyan niya?” tanong ni James.

“Maselan ang pagbubuntis ng iyong asawa. Kung maaari lamang ay iwasan niyang mastress o di kaya ay maglalalakad. Sa ngayon mas makabubuti ang magpahinga siya sa inyong bahay at huwag munang magkikilos. May mga irereseta din akong gamot pampakapit at ilan pang vitamins para sa baby.” Pagpapaliwanag ng doktor.

“Sige po, dok. Pakigawan po ng paraan na mastay ang baby.” Sabi ni James bago pinirmahan ang medical record ni Ivy bilang guardian ng pasyente.

Nakita pa ni Alex na inilagay ni James na isa siyang family member. Hindi man bilang asawa, pero nakaramdam ng kaunting pagseselos ang dalaga. Alam niya sa sarili na ang papel laman na iyon ay isa lamang medical record, at hindi importante kung sino ang magpirma doon. Ngunit ang tawagin ang mapapang-asawa niya na asawa ng iba, at hindi mana lamang itinaman ni James ang sinabi ng doktor, iyon ang hindi niya kayang tanggapin. Alam ni Alex sa sarili na baka dala lamang ng kanyang pregnancy hormones ang nararamdamn ngunit bakit ganoon na lamang kasakit? Para siyang sinaksak ng sampung beses sa dibdib ngayong araw.

Inilipat muna sa ward pansamantala si Ivy at ipinayo ng doktor na manatili muna siya sa ospital ng isang araw. Maputla ang kanyang mukha, mamula mula ang kanyang mga mata. Ang kaninang mukhang diyosang bumaba sa lupa ay nag mistulang kaawa-awa.

“James,” tawag ni Ivy at lumapit naman si James.

Tila ito ay iiyak na batang gustong magsumbong sa ama.

“Huwag ka mag-alala okay lamang ang bata.” Sagot ni James na hinawakan ngayon ang kamay ng babae.

“Natatakot ako.” Pag-amin ni Ivy. Nagbabadyang pumatak ang mga luha ni Ivy habang nakatingin kay James. Agad naman siyang binigyan ni James ng tissue.

Samantalang ang kapatid nito na si Oliver ay nasa isang sulok, at nagpupunas rin ng kanyang luha. Sinisisi niya ang sarili sa muntikang pagkawala ng kanyang magiging pamangkin.

Dumapo naman ang tingin ni Alex sa magkahawak ng kamay nina Ivy at James. Kung hindi niya sila kilala, mapagkakamalang magkarelasyon nga ang dalawa. Kumunot ang kanyang noo nang unti-unting hinatak ni Ivy ang braso ni James upang yumakap ito sa kanya kaya di na nakatiis si Alex at tumayo ito mula sa pagkakaupo sa di kalayuan at lumapit na sa dalawa.

“Paano kung mawala si baby? Ano-” 

“Sis, huwag ka mag-alala. Sabi naman ng doktor na okay na kayo ng baby mo,” Nakangiting sabi nito sabay bawi niya ng kamay ni James at ipinalit niya ang kanyang kamay upang hawakan si Ivy.

Napatingin naman na may pagtataka si James, ngunit tumayo nalamang ito upang mabigyan ng espasyo si Alex at makalapit pa ito kay Ivy.

“Ang kailangan mo lang ay sundin ang utos ng doktor. Magpahinga ka muna at iwasan mo ang umiyak ng umiyak.” inilapit pa ni Alex ang kanyang mukha sa tenga ni Ivy. “Nakakapangit kasi iyon.” bulong niyang sabi ng may pagbibiro.

Nilingon naman ni Alex si James at dumapo ang mga tingin niya sa kamay ni James na basa pa ng luha, kaya’y napangiwi si Alex.

Si Alex ay may mysophobia, kaya tumayo siya at agad siyang kumuha ng wet wipes, at alcohol upang punasan ang kamay ni James. Pakiramdaman ni Alex na dinumihan ng iba ang pagmamay-ari niya.

Nang mapansin naman ito ni Ivy ay agad itong humingi ng tawad.

“Pasesnya ka na, James. Nabasa ko pa tuloy ang iyong kamay ng luha ko.” Tatayo pa sana siya upang lapitan si James, ngunit hinarang siya ni Alex.

“Sis. Mas mabuting humiga ka muna. Ako na ang bahala rito.” Sagot ni Alex nang may halong pagka-irita. Tumigil nalamang sa gitna si Ivy at di na lamang lumapit kay James.

Nang makapabas sila ng ward, ay nagmistulang kakaiba ang hangin sa paligid. Huminto si Alex sa paglalakad at binitawan ang kamay ni James na nakahawak sa kanya. Lumingon naman ang fiance at tiningnan na may pagtataka si Alex.

“May problema ba?” tanong niya.

“May gusto ba sayo si Ivy?”

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Ledarolf Lim
Hindi Kona ituloy ang pagbabasa kapareho din ito sa ibang kwento na tanga ang character ng babae
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • My Husband's Hidden Heart   KABANATA 145

    ‘Pero imposible. Ganun na ba kaliit ang mundo?’ Napuno ng pagtataka ang isipan ni Alex. ‘Hindi… Baka nililito lamang niya si Tita para di na ito magkwento ng patungkol sa amin ni James. Pero mamaya kausapin ko siya tungkol dito.’ sabi ni Alex sa isip.Nagdesisyon siyang lumapit na sa kumpulan. Agad naman siyang nginitian ni Mary Anne nang mapansing papunta ito sa kanilang gawi. “Iha… Nasaan ang tito Anthony mo?” agad niyang tanong ng makalapit na si Alex sa grupo.“Susunod daw po siya.” maiksing sagot ni Alex.Kumunot ang noo ni Mary Anne at nanliit ang kanyang mata na tila ba binabasa nito ang kung ano man ang nangyayari sa kanilang pag-uusap. “Alex, mahal ka ng tito mo na parang kanyang tunay na anak-”Nauulinigan ni Alex ang ibig ipahiwatig ni Mary Anne kaya agad na siyang sumagot. “Opo. Alam ko po iyon. Huwag po kayong mag-alala, maayos ang pag-uusap namin ni Tito.” sagot ni Alex na ikinahinga ng maluwag ng ginang.“Kamusta ka?” pabulong na tanong ni Brandon kay Alex kasabay ng pa

  • My Husband's Hidden Heart   KABANATA 144

    Tila nanigas sa kinatatayuan ang matandang Lopez, halatang nabigla sa tanong ni Alex. Nanginig ang kanyang katawan dahilan upang muntikan na itong matumba. Mabuti na lamang at mabilis si Alex at agad niyang inalalayan si Anthony.“Tito,”Nang makaayos ng tayo si Anthony, agad itong tumingin kay Alex.“Bakit mo naitanong?” tanong ni Anthony.Agad na naalala ni Alex ang paalala sa kanya ni Brandon, na huwag sabihin ang kanyang paghihinala. ‘Bakit di ulit sila magsabi ng totoong nangyari.’ sabi nito sa isip.“Naalala ko po kasi bigla sila mama at papa. Hindi ko maalala ang mga nangyari noon kaya gusto ko sanang tanungin sa inyo.” Ang mga ngiti ng kanyang tiyuhin ay napawi mula nang mabanggit niya ang tungkol sa mga magulang ni Alex.“Ang nangyari sa inyo noon ay isang aksidente. Nang dumating ako sa lugar ng pinangyarihan ng aksidente, bumangga ang kotse niyo sa isang malaking puno. Akala namin noon ay walang makakaligtas sa inyo dahil sa lakas ng pagkakabangga. Ngunit. Niligtas ka ng iy

  • My Husband's Hidden Heart   KABANATA 143

    Kinuha ni Anthony ang isang kamay ni Alex at tinapik ito na tila ba pinapagaan ang kanyang loob. “Kung gayun… binasbasbasan ko ang realasyon niyo. Susuportahan ko kayong dalawa.”Nanlaki ang mga mata ni Alex sa sinabi ng ginoo. Hindi niya lubos maisip na tatanggpin ng Ginoo ng bukal sa puso ang relasyon nila ni Brandon. Dahil sa buong akala niya ay susuportahan nito ang kanyang sariling anak, at ipipilit pa siya nito kahit isa sa mga anak nitong lalaki. Pero hindi iyon nangyari. Sa halip, lantarang nitong sinabi na suportado niya ang relasyon nila.Walang pagsidlan ng tuwa ang nararamdaman ni Alex at tila ba ay nabunutan siya ng malaking tibik sa dibdib. Sa mag-asawa. Si Anthony ang malapit sa kanya kaya… mahalaga para sa kanya ang opinyon at sasabihin nito.Sa kanyang tuwa ay niyakap niya ang matanda. “Maraming salamat po, tito. Akala ko po na katulad ni tita, ay hindi niyo po ako mauunawaan sa desisyon ko.”Kahit magkayakap pa, ay naramdaman ni Alex ang pag-iling ng matanda. “Alam k

  • My Husband's Hidden Heart   KABANATA 142

    “Ano bang maibibigay mo kay Alexandra?” Bakas na sa tono ng ginang ang inis.“Hindi po ako mayaman katulad niyo, pero kaya ko po sa kanya ibigay ang lahat ng nasa akin. Kaya kong magtrabaho para matugunan ang pangangailangan niya. At kahit ang pinakaimposibleng bagay na hihilingin niya sa akin ay gagaan ko ng paraan para makuha iyon, para lamang maging masaya siya.” Tagos sa pusong sagot ni Brandon. Na tila ba ipinararating nito sa dalaga kung gaano niya kamahal si Alex na gagawin niya ang lahat para sa kanya. At tila ipinararating ni Brandon ang totoong kahulugan ng pag-ibig. Iyong kahit hindi mo kayang kunin ang mga bituin, pero para sa taong mahal niya, gagawin niya ang lahat para lamang makuha ang bituin at maiparamdam dito kung gaano niya ito kamahal.Hindi inaasahan ni Alex ang sagot na iyon. Napaawang na lamang ang kanyang mga labi habang tulalang nakatingin kay Brandon. Ramdam niya ang bawat salitang sinasabi ng binata. Kung hindi niya alam napagpapanggap lamang ang lahat ng

  • My Husband's Hidden Heart   KABANATA 141

    “Sige. Pero bago iyan… Kami muna ang magtatanong.” Sabi ni Anthony.“Kayo-”“Magkaibigan kayo, hindi ba?” Pagputol ni Mary Anne sa sasabihin ni Anthony.“Oo nga po pala. Kilala niyo naman na po si Brandon Montenegro. Nobyo ko po.” Lakas loob na pagpapakilala ni Alex sa kanyang kasama.Walang bakas ng pagkagulat sa mga mukha nila. Alam ni Alex na walang balitang hindi malalaman ng mag asawang Lopez.“Maligayang kaarawan po muli, Chairman. Ito nga po pala munting regalo ko, sana ay magustuhan mo.” Inilabas ni Brandon ang isang maliit na parihabang karton na nakabalot sa isang kulay asul na pangregalo. Binuksan iyon ni Anthony at namangha nang makitang isa iyong limited edition na customized pen na may nakaukit na pangalan niya. Ang panulat na iyon ay nabibili lamang sa ibang bansa at inaabot ng isang buwan ang pag-oorder noon. Maging si Alex ay napasinghap sa regalong binigay ng lalaki. Dahil alam niya na may kamahalan ang panulat na iyon. Kalaunan ay kunot-noo niyang tiningnan ang nag

  • My Husband's Hidden Heart   KABANATA 140

    Matapos ang nakakakabang biyahe, nakarating na din sa wakas sina Brandon at Alex sa hotel kung saan pinagdiriwang ang kaarawan ni Anthony Lopez, ama ni James. Nang makita naman ng mga guwardiya mula sa bukana ng hotel si Alex, ay agad siya nitong pinapasok. Ibingay naman ni Brandon ang susi ng kontse sa vallet at nagpasalamat dito, bago sinundan si Alex papasok sa loob ng hotel. Huminto si Alex sa isang malaking pintuan at hinintay si Brandon na papalapit sa kanya. Huminga muna nang malalim si Alex bago tuluyang itulak ang malaking pinto na papasok sa isang ballroom. Sa kanilang pagpasok, nakuha nila agad ang atensyon ng mga bisita, na animo’y sila ang mga artistang inaabangang dumating sa salo-salo.“Hindi ba siya ang fiance ni James? Bakit ibang lalaki ang kaniyang kasama?” Nanlalaki ang mga matang nakatingin ang iba pa ay hindi paiwasang suminghap ng mapansin ang nakalingkis na kamay ni Alex sa braso ng matipunong lalaki na kanyang kasabay sa pagpasok.“Nobyo niya kaya ang katabi

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status