Share

Chapter 8

Gabi na ng makauwi sa mansion si Mikaela. Nang pumasok siya sa kanilang silid ay napangiti siya ng makita ang kaniyang asawa na mahimbing na natutulog. Marahan ang mga hakbang na lumapit siya sa kama para pagmasdan ang maamong mukha nito. Hindi na niya ginawang gisingin ang asawa dahil mukhang malalim na ang tulog nito. Gusto man niyang halikan ang mapupulang labi nito ay pinigilan niya ang sarili na gawin iyon. Ayaw niyang maistorbo ang pagtulog nito. Minsan lang kung ito ay matulog ng maaga kaya hindi niya ipagkakait ang tulog na kailangan ng katawan nito.

Kumuha siya ng damit pantulog sa closet at tinungo ang banyo para maglinis ng katawan. Dahil masyado nang gabi at wala na siyang oras pa na mag-blower ng buhok kaya nag-half bath na lamang siya. Ang totoo ay antok na rin siya, sa dami ng ginawa niya kanina ay pagod na ang katawan niya at gusto nang magpahinga.

Paglabas niya ng banyo ay presko na ang pakiramdam niya. Sasampa na sana siya sa kama para tumabi ng higa sa kaniyang asaw
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status