Share

Chapter 2 Agreement

NATASIA'S POV

"Are you crazy? Bakit kasi pinagpipilitan mo pang makasama ulit ang gagong 'yon. Lalo mo lang sasaktan at pahihirapan ang sarili mo!"

Halos mabingi ako sa lakas ng boses ni kuya Vince ng malaman niya ang tungkol sa kasunduan. Naiintindihan ko naman kung bakit ganun na lamang ang galit niya, kaming dalawa na lamang ang magkaramay sa mundong ito, simula ng mamatay ang aming mga magulang ay siya na rin ang tumayong magulang ko.

Tulad ko ay masayang-masaya din siya noon ng maikasal na kami ni Chad. Botong-boto siya dito dahil nasaksihan naman niya kung gaano ako kamahal ni Chad...noon.

Kapag si Chad ang kasama ko ay panatag ang loob niya dahil alam niya na iingatan at poproktektahan ako nito.

Kasama pa nga ni Chad si kuya Vince sa pagpaplano ng nagpropose ito sa akin. At hanggang sa preparation ng aming kasal ay katuwang namin si kuya.

Kaya ngayon na naghiwalay na kami ni Chad ay sobrang nasasaktan din siya at nagagalit kay Chad dahil sinira nito ang kanyang tiwala.

"Kuya please, just this one. For the last time pagbigyan mo naman ako."

Tuluyan ng pumatak ang luha ko, napayuko na lamang ako upang maitago iyon kay kuya Vince. Bago pa man lumakas ang aking paghikbi ay naramdaman ko na umupo siya sa aking tabi at kinabig ako upang yakapin.

"Magiging masaya ka ba kung makakasama mo siyang muli kahit alam mong napipilitan lang siya?"

Napayakap na rin ako ng mahigpit sa kanya. Of course not, alam kong mas lalo lamang akong masasaktan pero gusto ko lang naman muling makasama ang asawa ko, ang lalaking pinakamamahal ko bago ako mamatay–pero hindi ko iyon pwedeng sabihin kay kuya Vince kung gusto kong mapapayag siya, so instead I said, "Kahit masakit pipilitin kong maging masaya sa loob ng isang buwan."

Tumango-tango si kuya habang hinihimas-himas ang aking likod para pakalmahin ako.

"Sige kung yan ang gusto mo. Pero pagkatapos nito kalimutan mo na siya ha. Alam ko mahirap pero kung kailangan mong lumayo para lang makalimot hindi kita pipigilan."

"Thank you kuya for always supporting me."

"Of course, you're my princess eh."

***

CHAD'S POV

"What? Isang buwan? Isang buwan ka ulit titira sa bahay ng babaeng iyon! Ang kapal talaga ng mukha niya, baka may balak lang siyang agawin ka sa 'kin."

Hindi na ako nagulat na ganito ang naging reaction ni Jasmine. Nang mabasa ko pa lang ang mga kondisyon ni Natasia ay alam ko na na malaking gulo iyon.

Alam ko naman na matindi ang selos na nararamdaman ni Jasmine kay Natasia at ayaw na ayaw nito na makipagkita ako sa dati kong asawa kaya lalo ng hindi nito magugustuhan na muli kong makasama sa iisang bubong si Natasia.

"We have no choice, kung gusto natin na mapapayag siyang pumirma sa divorce paper kailangan nating sundin ang mga kondisyon siya. And also..." napahinto ako sa pagsasalita hindi ko alam kung paano ko ito sasabihin na hindi siya masasaktan at mag-aalala dahil hindi ito makakabuti sa kondisyon niya.

"What? Bakit nakatulala ka na diyan?" Pukaw sa akin ni Jasmine ng ilang segundo na rin pala akong nakatitig lang sa kanya.

Napapikit ako habang ang kanang kamay ko naman ay naisabunot ko sa aking buhok. Sumasakit na ang ulo ko sa dalawang babaeng ito pero wala naman akong ibang pwedeng sisihin kundi ang sarili ko.

"Alam mo naman na legal pa rin kaming mag-asawa at kung hindi tayo mag-iingat o susunod sa gusto niya ay pwedeng-pwede nya tayong kasuhan, pwede nya tayong ipakulong."

"At hahayaan mo naman na gawin niya yon sa atin...sa akin?"

Nakita ko ang takot sa kanyang mata kaya mabilis kong kinuha ang kanyang kamay at ikinulong yon sa aking mga palad, "Huwag kang mag-alala, I won't let that happen. Kaya nga kahit labag sa kalooban ko ay papayag ako sa kondisyon niya para maprotektahan kita… at ang baby natin." 

I brought my hand to her belly at maingat na hinimas ang maliit na umbok na batid ko sa loob nito ay ang may isang buhay na nangangailangan ng aking pag-aaruga at pagmamahal. Hindi ko man inaasahan ang biglaang pagdating nito ay handa ko namang isakripisyo ang sarili kong kaligayahan para lamang maparamdam ko sa kanya kung gaano ko sya kamahal.

"Talaga ba?"

She pouted, ang cute niyang tingnan kaya naman napangiti na rin ako. Jasmine is really moody but I believed dahil ito sa hormonal changes base na rin sa paliwanag ng kanyang OB-GYN. Ikinulong ko siya sa aking mga bisig at masuyong hinalikan ang kanyang mga labi.

"Don't worry too much, nabasa mo naman ang laman ng kasunduan di ba? I'm confident naman na susundin yan ni Natasia."

Kumawala ito mula sa aking yakap at matalim na tumingin sa akin. "So ipinagtatanggol mo pa sya ngayon."

"No! Of course not, I'm only stating here kung ano ang pagkakakilala ko sa kanya. Okay? Stop being jealous of her, ikaw na ang pinili ko di ba?"

"Okay pero kapag kailangan kita dapat pupuntahan mo ako kaagad ha."

I smiled at her and nodded.

***

I glanced once again at Jasmine who was now peacefully asleep before I closed our bedroom door and walked to the living area.

It's past midnight now but I'm still wide awake. 

Habang hawak ko ang aking cellphone sa kanang kamay I lightly tapping it to my left palm habang palakad-lakad dito sa sala. I've been doing this almost an hour now pero hindi pa rin ako makahugot ng lakas ng loob na idial ang number ni Natasia.

I'm really worried and afraid. At the back of my mind I know maslalo lang masasaktan si Natasia after a month at lalo lang ako kakainin ng konsensya kung makikita ko siyang lalo nasasaktan. I hate myself kapag nakikita ko siyang umiiyak because she doesn't deserve this. Ang gago at ang tanga ko lang kasi kaya eto hindi ko natupad ang pangako ko sa kanya na hindi ko siya sasaktan at paluluhain.

Kaya gusto ko na kaagad mapawalangbisa ang kasal namin ay para wala na kaming dahilan para magkita pa ulit. Para hindi ko na siya makitang nasasaktan. At kung ang kasunduang ito ang tanging paraan then I will grab it.

With my trembling hand I dialed her number.

[Hello.]

"Let's do it...your condition."

[Oh, okay.]

An awkward silence enveloped us. I'm waiting for her to continue but I guess she wasn't expecting my call at this hour.

"So when?"

[When?]

After a moment we asked in unison.

"You decide when since it's your idea."

I heard her clear her throat before speaking again. 

[The sooner the better, so let's start tomorrow.]

"I'll be there early in the morning. Bye."

[Bye.]

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status