Share

Chapter 4 Ready To Leave

DAY 2

NATASIA'S POV

Sunod-sunod na ring ng cellphone ang gumising sa akin. Bahagya kong idinilat ang aking mga mata upang tingnan kung saan nakapatong ang cellphone na pinagmumulan ng tunog. 

Ngunit bago ko pa man maabot ang cellphone sa ibabaw ng center table ay mabilis na rin itong dinampot ni Chad. Muntik pa akong malaglag sa couch dahil sa biglaang pagtayo nito.

He went straight to the room and after I heard a click of the doorknob indicating that he locked it from inside.

I sighed, hindi ko na kailangang itanong kung sino ang tumawag. Obviously, hindi naman ito matataranta ng ganito kung work related lang ang call and hindi nya kailangan magtago at maglock sa loob ng kwarto.

With a heavy heart, I got up and walked through the kitchen and started preparing our breakfast.

Tapos na akong magluto ay hindi pa rin lumalabas ng kwarto si Chad.

I started eating, hindi ko na sya hihintayin dahil baka malate pa ako sa work. Habang kumakain ako ay sinubukan kong libangin ang sarili ko para sana mabawasan ang kirot na nararamdaman ko ngayon dahil imagine nandidito nga ang asawa ko, gumising nga ako na katabi siya pero ang babae pa rin niya ang unang kinausap niya.

Dapat pala nilagay ko din sa contract na bawal tumawag ang bitch na yon early in the morning kasi nakakasira ng araw.

I collected the cup and plate that I used and washed it. While I'm drying it, my eyes were fixed on our closed bedroom door. When suddenly it's opened and to my surprised nabitawan ko ang hawak kong plato.

Bago ako yumuko para damputin ang mga piraso ng pingnan ay nakita ko pa ang gulat at pag-aalala sa mukha ni Chad or maybe gulat lang walang pag-aalala.

Dahil lumilipad pa rin ang isip ko ay wala sa sarili na bigla ko na lang dinampot ang pinaso ng bubog na sanhi para masugatan ako sa aking hintuturo.

Habang nakatingin ako sa dumudugo kong daliri I remembered my doctor's advice to avoid myself of getting wound kasi kahit maliit lang ito ay matatagalan bago ito gumaling and baka mainfection pa ito sa sobrang tagal bago humilom ang sugat.

Napapiksi ako ng maramdaman ko ang mainit na bibig ni Chad. Hindi ko namalayan na nakalapit na pala ito at ngayon ay s********p ang dugo na patuloy na umaagos sa aking sugat.

"Bakit hindi ka nag-iingat? Alam mo naman na matagal gumaling kapag nagkakasugat siya."

Napatingin ako sa mukha niya. Aware pala siya na matagal gumaling ang mga sugat ko pero I'm sure tulad ko he thinks that it just normal.

Dahan-dahan kong binawi ang daliri ko na hawak niya. Not because I don't like what he's doing but because I really like it and yung init na nagmumula sa kanyang bibig ay dumadaloy mula sa aking daliri patungo sa aking mga ugat at ngayon ay nagpapainit ng aking dugo.

Kapag hindi pa ako lumayo sa kanya ay baka hindi ko mapigilan ang sarili ko to break my own rule that there's "no sexual contact."

"Ako na bahala dito, maliit lang naman ito, lalagyan ko na lang kaagad ng gamot."

Tumayo na ako para kumuha ng walis at dustpan pero pinigilan niya ako.

"Let me take care of this, baka masugatan ka pa ulit."

Bigyang bumilis ang tibok ng puso ko, until now kinikilig pa rin ako kahit sa mga simple gesture lang niya.

I smiled, "Okay, need ko na din magprepare for work."

"On site ka ba ulit today?"

"Nope, office na."

"Sorry hindi kita mahahatid kasi–"

"It's okay, I can manage." 

Hindi na niya hinayaan na magpaliwanag si Chad para hindi na niya kailangan pang magsinungaling.

***

Dumaan muna ako sa doktor ko bago ako pumunta sa opisina. Kailangan ko ng gamot para sa sugat ko para gumaling ito kagad.

"What happened?" Dr. Ramirez's forehead wrinkled while examining my wound.

"I accidentally touched the broken plate," I said, habang pinapanood ang ginagawa ni Dr. Ramirez.

"Bibigyan kita ng reseta na ointment and antibiotics para madaling gumaling ang sugat mo at maiwasan ang infection."

"Okay po." I nodded and smiled.

"Kumusta naman ang pakiramdam mo lately? May mga sintomas ba na lumalabas?"

Bumalik sa isip ko ang image ng white envelop na napuno ng dugo mula sa ilong ko ng isang araw. But I don't feel like informing my doctor about it dahil baka iinsist na naman nito na kailangan kong magbed rest which I hated most. Feeling ko lalo lang akong magkakasakit kapag maghapon lang akong nakahiga and paano ko ipapaliwag iyon kay kuya Vince and Chad.

I'm not ready… I'm not ready to tell to anyone lalo na sa mga mahal ko na bilang na ang araw na ilalagi ko dito sa mundo.

Although, Dr. Ramirez says that may chance pa naman, through bone marrow transplant but the question is saan naman ako hahanap ng donor. Possible na pwede si kuya Vince kung compatible kami pero ayoko ng abalahin siya. He has his own life and family na kailangan niyang alagaan atleast ako after a month mag-isa na lang ulit sa buhay kaya okay lang na mawala na ako, para matapos na din yung sakit na nararamdaman ng puso ko.

"Hey, are you still with me?" Naiiling na natatawa si Dr. Ramirez. "Sino ba iniisip mo? Yung husband mo?" nanunukso ang mga mata nitong nakatingin sa kanya.

Mabilis akong umiling, "Naku, hindi po. Iniisip ko lang po kung may mga sintomas akong naramdaman. And I think, wala naman," pagsisinungaling niya.

"That's good. So, kailan mo naman isasama si Hubby mo para mapag-usapan natin yung treatment na gagawin natin. And also your brother para mag-undergo na sya ng test."

"Doc…" I paused. I don't know kung ano ang tamang paraan para sabihin na ayaw ko mag-undergo ng bone marrow transplant.

Dr. Ramirez looked at me, straight in my eyes. Is she reading what's in my mind? I looked down to my finger na nakabandage para makaiwas sa mapanuring tingin ni Dr. Ramirez.

"Doc hindi pa ako ready for the treatment eh. I still have lots of things in hand. Kailangan ko muna masettle ang lahat ng iyon."

"I understand how important your work is. But we are talking about your health here… your life. The clock is ticking, if you can give time to work, why not give time to your treatment."

I shut my eyes. It's not that I can't give time but I don't want to give time.. because I've already decided to leave for good.

—-------

AUTHOR'S DISCLAIMER:

I am not a professional physician and have no professional knowledge in medicine. Some medical conditions, treatment, advice, medication, symptoms, etc. may not be accurate. If you have experienced the same thing it is recommended to seek for professional diagnosis and advice. Thank you!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status