Share

My Last Days With You
My Last Days With You
Author: Sweet Page

Chapter 1 The Divorce

NATASIA’S POV

“Let’s get divorce!”

I flinched when I heard that familiar voice. Sa sobrang tutok ko sa aking ginagawa ay hindi ko na namalayan na nakatayo na pala sa aking harapan ang lalaking ilang buwan ko na ring hindi nakikita.

I slowly looked up to him, hiding my longingness to see him again. But deep inside namiss ko siya ng sobra. 

Hindi ko napigilian ang sarili ko na titigan ang maganda niyang mukha. Mula sa aking kinauupuan ay kitang-kita ko ang malalantik niyang pilikmata, ang matangos niyang ilong at maninipis na mapupulang labi, lahat ay nagcocompliment na nagpapalutang sa kanyang kagwapuhan.

Isang malalim na buntunghininga ang aking pinakawalan bago ako nagsalita.

“Masyado ka naman yatang nagmamadali na mapawalangbisa ang ating kasal?” Isang mapait na ngiti ang gumuhit sa aking mga labi. Ngunit inaasahan ko na rin naman na darating ang araw na ito.

“There’s no use of keeping it anyway, hindi naman na kita mahal,” sarkastikong sagot ng lalaki.

I clenched my fist tight to hold my emotion, to prevent my tears from falling kahit na sobrang sakit ng aking nararamdaman dahil sa tila libo-libong karayom na kasalukuyang nakabaon sa aking puso, ngayon ng muli kong marinig ang mga salitang iyon na minsan ng dumurog sa aking puso. Bakit ba napakadali lang para sa kanya na sabihin ang mga salitang iyon?

Tatlong buwan na ang nakaraan ng una kong narinig iyon at iyon din ang araw ng walang pagdadalawang-isip siyang umalis sa aming bahay, sa aming tahanan na aming naging pahingahan, ang lugar na saksi ng aming pagmamahalan. 

Marahil alam niya na hindi ako papayag na umalis siya kung hindi rin lang naman iyon ang dahilan.

At ngayon nga ay naririto ulit siya sa aking harapan upang hilingin naman na tuluyan ng mapawalang-bisa ang aming kasal.

Pero hindi pa ako handa, hindi ko pa kaya.

Ang bilis ng mga pangyayari, kailan lamang ay nagdiwang pa kami ng 3rd year wedding anniversary namin, but then I realized that we haven’t really celebrated it dahil hindi naman siya dumating.

I still remembered how excited I was that night when I called him after my whole day of preparation. 

“Love what time ka uuwi? I prepared dinner for us, medyo matagal na din tayong hindi nagdidinner together.” I smiled widely kahit alam kong hindi naman niya nakikita.

Narinig ko pa ang mahina niyang buntong-hininga bago siya nagsalita. 

[Oo nga Love, it’s been a while. I also want to go home early kaya lang tambak pa itong papers sa harap ko na kailangan kong ireview dahil meron kaming board meeting tomorrow.]

I felt the coldness in his voice that added to the sadness that I’m feeling after knowing na hindi namin macecelebrate ang aming 3rd year wedding anniversary.

Then I heard an unfamiliar woman’s voice over the phone. Biglang kumabog ang aking dibdib, women's intuition, I guess. I felt like my whole body was freezing. Unconciously, my free hand moved to hold tight the wrist of my hand holding my phone, supporting my shaking hand para hindi ko mabitawan ang cellphone na hawak ko.

“Are you with someone?” my voice cracked out of nervousness even though I tried to stay calm.

[Oh…s-she’s my se-secretary. I asked her to stay just in case I needed something, like missing documents.]

My eyebrows furrowed, bakit lalo lamang bumilis ang kabog ng aking dibdib ng maramdaman ko ang kaba sa pagsagot niya? I trust my husband, I really do, pero bakit nakaramdam ako ng pagdududa sa sagot niya? But then, I still accepted it, “I see.”

I sadly looked sa mga food na nakahain sa table na pinaghirapan kong lutuin lahat para lang maging espesyal ang celebration na ito. Then my eyes turned to the velvet box na naglalaman ng wrist watch na gift ko para sa kanya.

“Sige hindi ko na lang muna ililigpit itong food para pagdating mo na lang tayo kumain tutal hindi pa naman ako gutom.” 

[Ikaw ang bahala. Bye.]

That night, I already knew that there was something wrong. Obviously, nakalimutan niya na anniversary namin na nakapagtataka lang dahil for 10 years simula ng naging magboyfriend kami ay siya pa ang laging nauunang bumati sa akin at laging nag-iinitiate na magcelebrate kami. So how come na parang bigla niyang nakalimutan ang mahalagang araw na ito? And that woman, from then on hindi na maalis sa isip ko ang pagdududa.

I got back to my senses and spoke again, “Papayag ako in one condition.”

Kitang-kita ko ang pagtataka sa kanyang mukha at ang pagsalubong ng kanyang mga kilay. “Go spill it out.”

Yumuko ako upang buksan ang aking drawer at mula doon ay inilabas ko ang isang brown envelope na naglalaman ng isang kasunduan.

Iniabot ko iyon sa kanya. Kumunot ang kanyang noo at tila nagdadalawang isip na abutin ito. Nakipagtitigan siya sa akin, sinusukat kung gaano ako kaseryoso at kung gaano kahalaga ang laman nito. Sa huli ay kinuha niya rin ito at nagmamadali niyang inilabas ang laman upang basahin iyon.

Unti-unting dumilim ang kanyang mukha habang binabasa ito, habang ako ay nanatiling nakatitig lamang sa kanyang mukha. Inaasahan ko na rin na ganito ang kanyang magiging reaction.

Matapos niya itong basahin ay nag-aapoy sa galit na mga mata ang isinalubong niya sa akin. “Are you that desperate?”

I felt insulted but I didn’t care. Ang gusto ko lang ay makasama siyang muli kahit sa loob ng isang buwan lang. Gusto ko lang ulit maranasan ang pagmamahal niya. Kung paano namin inaalagaan at pinapahalagahan ang isa’t isa noong bago pa lang kaming mag-asawa.

“You read naman all my conditions there. Gusto ko lang ulit magsama tayo sa iisang bubong sa loob lang naman ng isang buwan. Magkatabi ulit tayong matutulog sa kama pero huwag kang mag-alala dahil nakalagay din naman diyan na no sexual contact. Pero syempre meron pa rin tayong physical contact like holding hands, hugging, a light kiss kahit sa cheeks at forehead lang, siguro okay na yan para kahit papaano mafeel ko pa rin na mag-asawa tayo. Sasamahan mo din ako kapag may mga lakad ako, just like before. And most importantly, on the last week we will go on vacation, no work during that time dapat ilaan lang natin yung time para sa isa’t isa. Then after that, I will sign the divorce paper.”

“This is too much!”

Dinig ko ang galit sa kanyang boses. Kumurap-kurap ako upang pigilang tumulo ang nangingilid kong luha. Ayokong makita niya kung gaano ako nasasaktan sa walang awang pagtanggi niya na muli akong makasama.

Lumunok muna ako bago muling nagsalita hoping na hindi lumabas sa boses ko ang tunay kong nararamdaman, “It’s your choice. I’m giving you a favor here kung gusto mong mapawalang-bisa kaagad ang kasal natin at kung ayaw mong kasuhan ko kayo ng kabit mo.”

I smirked ng makita ko na namutla siya ng marinig ang sinabi ko. Kahit papaano pakiramdam ko ay nakaganti rin ako. But at the same time ay lalo lang akong naawa sa sarili ko. So ganito niya kamahal ang babaeng iyon, takot na takot siya na makulong ang babae niya.

“I’ll think about it.” Dinampot niya muli ang papel na naglalaman ng mga kondisyon ko na itinapon niya kanina sa table ko. “I’ll just call you kapag nakapagdesisyon na ako.”

Mabilis na niya akong tinalikuran pagkatapos sabihin iyon, ni hindi na niya hinintay na sumagot ako. Sinundan ko na lamang siya ng tingin hanggang tuluyan na siyang makalabas sa pintuan ng aking opisina.

At kasabay ng pagsasarado ng pinto ay ang pagpatak ng mga luha na kanina ko pa pilit na pinipigilan. Natuon ulit ang aking mata sa nakabukas na drawer at wala sa sariling dinampot ko ang white envelope na naroroon.

The warm liquid suddenly flowed from my nose and dripped onto the white envelope. I flinched when I saw the red droplets all over the white envelope, inside this envelope is a result of my medical condition…na tanging ang doktor at ako lamang ang nakakaalam.

“Magbago kaya ang isip niya kapag nabasa niya ito?” malungkot na bulong ko sa hangin.

—-------

AUTHOR'S DISCLAIMER:

I am not a professional physician and have no professional knowledge in medicine. Some medical conditions, treatment, advice, medication, symptoms, etc. may not be accurate. If you have experienced the same thing it is recommended to seek for professional diagnosis and advice. Thank you!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status