Share

Chapter 3 Living Together Again

DAY 1

NATASIA'S POV

Nagising ako dahil sa mga kaluskos sa labas ng kwarto, probably sa sala or kitchen. Napabalikwas ako ng bangon ng naisip ko na baka magnanakaw iyon.

Nilibot ko ang aking paningin sa loob ng kwarto at naghanap ng matigas na bagay na maaari kung magamit pangdepensa. I saw the figurine of husband and wife, actually regalo ito sa amin ng kasal namin ng aking bestfriend na si Trish. Dinampot ko iyon, who cares kung mabasag iyon tutal sira na rin naman ang relasyon namin.

I slowly opened the door making sure that I didn't create any noise. I peeked outside but the delicious aroma of bacon and fried rice welcomed me.

Binuksan ko na ng tuluyan ang pinto at nakita ko ang familiar na likod ng lalaki na abala sa harap ng kalan.

"Chad."

Mahina lang ang boses ko pero sapat na 'yon para marinig niya. Humarap siya sa akin at sinalubong ako ng matamis na ngiti.

"Love...halika breakfast na tayo."

I didn't expect this but this made me happy. I've been longing for this. Matagal na rin ng huli niya akong ipinagluto ng almusal.

"Paano ka nakapasok?"

He chuckled, "Hindi mo pa kasi binago yung passcode."

Oh yes, sa sobrang abala ko hindi ko na rin napagtuunan ng oras na baguhin iyon. Well, it's a good thing naman kasi malaya siyang nakapasok na hindi kailangan istorbohin ang pagtulog ko.

Nilapag ko ang hawak ko na figurine sa console na nadaanan ko patungo sa kitchen. I'm not sure kung napansin niya na hawak ko yon, but I hope not.

"Ang bango ah, bigla tuloy akong nagutom."

Nginitian niya lamang ako ng marinig iyon. After three months ngayon lang ulit ako kakain ng breakfast. Simula kasi ng naghiwalay kami coffee na lang ang naging breakfast ko dahil lage akong walang ganang kumain, even nga lunch nakakalimutan ko pa kung hindi pa ako tatawagan ni kuya Vince to remind me eh baka hindi na talaga ako makakain. Sa dinner naman ay sandwich na lang din ang kinakain ko.

Siya na rin ang naglagay ng fried rice, bacon and egg sa plato ko dahil parang nakatulala lang ako sa harapan ng kainan, because honestly, I felt like I'm dreaming, I'm only dreaming.

"Let's eat na, I need to be early ngayon dahil meron kaming meeting kaya after I dropped you in your office, I'll go straight to my office din."

"No, huwag mo na akong ihatid. May site visit kasi ako today kaya hindi muna ako dederetso sa office."

"Ah okay, basta sabay na lang tayo magdinner mamaya. Uwi ka ng maaga."

Ngumiti ako sa kanya at tumango.

***

"Are you sure wala ka ng gustong gawing revision sa design Mr. Villaforte?"

Nandito kami ngayon sa isang Italian restaurant sa BGC. Nagyaya kasi magdinner si Mr. Villaforte with the Engineering team after namin magsite visit sa pinapagawa nitong bahay.

"Yes, your design is perfect and suits my style."

"I'm glad to hear that."

Itinaas niya ang glass wine na hawak niya at nakipagtoss sa akin. Hindi ko inaasahan na madali niyang maaprobahan yung design na pinasa ko dahil ayon sa CEO ng A & G Homes, which is my boss, ay mahigpit at maselan daw itong si Mr. Villaforte kaya nga sa akin niya pinahawak ang project na ito. And being the multi-awarded and topnotch architect in the country ay sa akin lang daw niya pwedeng ipagkatiwala ang project.

I'm glad that for the past five years ay nakapagcreate na ako ng magandang pangalan sa construction industry. The A & G Homes was actually started as partnership between Mr. Ronald Aguilar, our CEO and my father, Enrique Gonzales.

After my father died, ako na ang pumalit sa posisyon niya as COO, ayaw kasi ni kuya dahil hindi ito ang line of interest niya. And since architecture nga ang course ko kaya mas may knowledge din talaga ako in terms of building constructions.

"Of course, actually I considered myself lucky na ang best architect in the country ang nagdesign sa bahay ko."

Uminit ang pisngi ko, surely I'm blushing right now. At nakita ko ang amusement sa magandang mga mata ni Mr. Villaforte. Mabilis kong pinasadahan ng tingin ang kanyang mukha, ngayon ko lamang ito napagmasdan ng mabuti.

Kung hindi ako nagkakamali ay halos kasing edad ko lamang ito o kung masmatanda man ay mga isa o dalawang taon lamang. Makapal ang mga kilay nito na bagay sa almond shape na mata at mahahabang pilikmata. Matangos din ang ilong nito at mapupula ang mga labi. His jawline is well defined at lalong nagpaangat sa manly look nito. Siya ang depenisyon ng salating "adonis" dahil sa kagwapuhang taglay nito.

"I'm sure matutuwa ang future wife mo kapag nakita ang bahay mo," panunukso ko.

Isang malakas na halakhak ang pinakawalan nito, "Wala pa nga eh...wala pang nagkakamali..." pabirong tugon nito.

"Hindi nga?" I really can't believe how an established man with good career, wealth and awesome personality is still single.

"Well maybe malapit ko na siyang mameet o pwede ding nakilala ko na siya."

I suddenly felt uncomfortable ng tumitig siya sa akin. Muli naramdaman ko na naman ang pag-iinit ng aking mukha. Kasunod noon ay isang matamis na ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi.

I flinched when my phone rang. It's Chad, napatingin ako sa wrist watch ko, 10 p.m. na pala at may usapan kami na sabay na magdidinner. I excused myself to answer the call.

"Hello"

[Are you still at the office?]

"No, actually hindi na ako nakapunta sa office kasi after sa site dito na kami dumeretso sa BGC."

[BGC? Anong ginagawa mo dyan?]

"I'm with the client and engineering team. The client invited us to have dinner with him."

[So, nakakain ka na pala.]

"Yes, kaya ikaw kumain kana rin dyan. I'll be home soon."

[Okay, ingat ka pag-uwi.]

"I will, bye."

I immediately ended the call and go back to my seat. Gustong-gusto ko ng umuwi dahil naghihintay sa akin si Chad kaya lang nahihiya akong magpaalam.

After few more minutes, finally nagyaya na rin si Mr. Villaforte na umuwi. I walked and run para mabilis akong makarating sa aking kotse medyo may kalayuan din ang parking lot na nahanap ko kanina dahil puno na yung parking na nakalaan sa mga customers ng restaurant.

When I entered the house, nakita kong natutulog na si Chad sa couch sa living area. Nilapitan ko siya para gisingin. Marahan kong tinapik ang kanyang balikat ngunit laking gulat ko ng bigla niyang hinila ang aking braso dahilan para matumba ako sa ibabaw niya. Sinubukan kong bumangon pero mahigpit na niya akong niyakap, tumingin ako sa kanyang mukha at nakita kong nakapikit pa rin siya. Marahil ay nanaginip lamang ito.

Hindi na ako nagpumilit na bumangon, hinayaan ko na lamang ang aking sarili na muling maranasan na makulong sa kanyang mga bisig at maramdaman ang init ng kanyang katawan.

Nang gabing iyon, ipinikit ko ang aking mga mata na may ngiti sa aking mga labi.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status