Share

Chapter 18

Nagtungo si Bella sa bahay ni Kashmiere upang muling makipag-usap tungkol sa malamig na trato sa kaniya nito. Napansin kasi niya na hindi siya masyadong sumasama sa gala ng kanilang barkada. Naisip nito na iniiwasan siya tuwing ito'y kakausapin niya sa kanilang eskwelahan.

Batid niyang wala itong masyadong oras dahil alam niyang malapit na ang pagtatapos ng kaniyang nobyo. Nang marating nito ang bahay ng nobyo ay nabigla siya dahil bukas ang gate. Sumilip siya, wala naman ibang tao. Kumunot ang kaniyang noo nang makarinig ng halinghing sa loob ng bahay.

Mabilis siyang pumasok at umawang kaniyang bibig nang makita ang nobyo na may hinahalikang babae. Nahulog ang kaniyang bag dahilan para mapatigil ang paghalik ng babae sa kaniyang nobyo. Napalingon ang dalawa sa kaniya, kalmado siyang nakatingin sa kanila.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status