"Ashtonnn!" Pumalahaw siya ng iyak habang tila sasabog na ang kanyang puso.
Patay na si Ashton Blumentrint.Ayon kay Indigo ay nasangkot sa aksidente ang kanyang mister. Halos hindi na makilala ang bangkay ng lalaki dahil sumabog ang sinakyan nito matapos tumaob.
"Hindi totoo 'to! Buhay si Ashton. Sabihin niyong prank 'to!" Kulang na lamang ay maglupasay si Amber.
Kausap lamang niya kaninang umaga ang lalaki pagkatapos ay biglang darating si Indigo at sasabihin nitong wala na ang kanyang mister.
"Huminahon ka, Amber. Walang mababago kahit magwala ka pa." Bagama't makikita ang simpatya sa mga mata ng binata ay tila nagpanting pa rin ang tainga niya sa sinabi ni Indigo.
Puno ng hinanakit na bumaling siya kay Dark Indigo.
"Huminahon? Narinig mo ba ang sinabi mo? Nawalan ako ng asawa, Indigo. Nawalan ng ama ang mga anak ko, tapos sasabihin mong huminahon ako?" Dismayado siyang napailing.
"That's not what I want to
Kahit anong pigil ni Amber ay hindi pa rin niya napigil ang sariling mapaluha. "Ashton." Mahinang usal niya kasabay ng pagyakap niya sa unan na ginagamit noon ng kanyang mister. Lalong bumuhos ang kanyang luha nang maalala niya ang mga araw na yakap-yakap siyang matulog ng lalaki. "Ang daya mo, tanders." Humihikbing turan. Pinipilit naman niyang iwaksi si Ashton sa kanyang isipan ngunit kahit saan siya tumingin ay may alaala ang kanyang kabiyak. "Awat na sa kaiiyak." Sumisinok niyang kinausap ang sarili. Pinunas niya ang kanyang luha at mahinang sinampal ang kanyang pisngi. "May baby ka sa tummy kaya dapat strong ka. Hindi ka dapat umiiyak." Iyan ang sabi niya sa sarili ngunit kusa namang tumulo ang kanyang luha. Kahit anong pang-aalo niya sa sarili ay hindi pa rin niya mapatahan ang sarili. Pinagsawa niya ang sariling lumuha. Hanggang sa nakatulugan niya ang pagod sa pag-iyak.
Maganda ang vacation house ng mga Villacorda. Isa iyong modern bungalow house. May floor to ceiling glass wall ang ikalawang palapag na tamang-tama para makita ang view ng dagat na walking distance lamang ang layo. Labis iyong nagustuhan ni Amber. Tila ba hindi kumpleto ang kanyang araw kung 'di siya pupunta sa dagat. Sa tuwing pinapanood niya kasi ang dagat ay tila nakakaramdam siya ng kapayapaan. Tuwing dumadampi ang malamig na hangin sa kanyang balat ay tila ba napapanatag siya. Pakiramdam niya ay tinatangay ng hangin ang kanyang mabigat na dalahin. Umupo siya sa upuang gawa sa kahoy. Pinagsawa niya ang kanyang mga mata sa kulay asul na dagat. Tulad ng araw-araw niyang ginagawa sa nakaraang dalawang linggo ng pamamalagi nila roon. Kahit papaano ay nabawasan ang kanyang pag-iyak. Hindi na katulad noon na kung pwede lang ay umiyak siya ng umiiyak hanggang sa wala na siyang mailuha. Nawala ang atensiyon niya sa dagat nang huminto sa 'di kala
Umuwi si Amber na may baong ngiti. Hiling niya, sana ay masilayan niyang muli ang lalaki. Pakiramdam niya kasi ay si Ashton Blumentrint ang kanyang nasisilayan. Naging magana rin siyang kumain ng hapunan. Hindi napalis ang kanyang ngiti hanggang sa humiga na siya sa kama. "Huwag ko na lang titigan 'yong mata niya." Mahina niyang turan kasabay ng pagyakap niya sa malaking unan. Nang ipikit niya ang kanyang mga mata ay gumuhit sa kanyang balintataw ang mukha nito. Ang medyo kulot nitong buhok, matangos nitong ilong at tila may umbok nitong labi. Aniya sa sarili, kahit trenta uno anyos na ito ay napakakisig pa rin nito. "Gwapo naman ang asawa ko. Pinakagwapo sa balat ng earth." Usal pa ng babae. Nanatili itong nakapikit ngunit sumilay ang munting ngiti sa labi nito. Nakatulugan na niya iyon. At mula nang mawala ang kanyang mister ay ngayon lamang siya nakatulog ng mahimbing. Paggising ni Amber kinab
Hindi nakaimik ang lalaki sa kanyang tinuran. Sa halip ay napatitig ito sa kanya. Hindi kakikitaan ng kahit anumang emosyon sa kanyang mga mata. "Ayos lang naman kung ayaw mo. Walang namang pilitan 'to." Ngunit ang totoo ay tila sinaksak ang puso ni Amber sa ideyang ayaw nitong pumayag. Hindi rin niya maintindihan ang kanyang sarili kung bakit kailangan niyang hilingin iyon sa lalaki. Alam naman niyang hindi ito si Ashton Blumentrint ngunit sa tuwing nakikita niya ito, pakiramdam niya ay ang kanyang mister ang kanyang kaharap. Tingin niya, sa ganoong paraan ay mababawasan ang pangungulila niya sa kanyang namayapang asawa. "I can't promise. But I will try." Wala pa rin itong kangiti-ngiti. Sa tuwing ganoon ang ekspresiyon sa mukha ng lalaki ay tila lalo niyang naaalala si Ashton Blumentrint. Para bang ito mismo ang kanyang kaharap. "Thank you." Mahinang usal niya kasabay ng pagguhit ng mabining ngiti
"Mama!" Halos magkasabay ang dalawang bata sa pagtawag sa kanya. Nanlaki naman ang mata ni Amber at kaagad na napabaling sa lalaking kasama niya. Taranta niyang pinaglipat-lipat ang tingin sa mga batang nakasilip sa bintana ng sala at kay Grei. Nakahinga siya ng maluwag nang masiguro niyang hindi pa nakikita ng dalawang bata si Grei dahil natakpan ito ng mayabong na halamang hibicus. "Magtago ka, dali!" Kaagad niyang turan sa lalaki. Gumuhit naman ang pagkabigla sa mukha ng lalaki ngunit wala na siyang nagawa nang mabilis siyang hilain ni Amber patungo sa tapat ng halaman sa tabi ng gate. "Magkubli ka!" Marahan niya itong tinulak paupo. Nang mapunta ang tingin niya sa bahay na kanyang tinutuluyan ay nakita niyang nasa labas na ng pintuan ang kanyang kambal na anak. Pinilit na lamang ngumiti ni Amber. Gayunpaman ay kitang-kita pa rin ang pagkabalisa sa babae. Mula sa liwanag na n
"I will think about it." Iyan ang nakuhang sagot ni Amber mula sa estrangherong si Grei. Matapos ang sandaling pag-uusap nila ay umalis din agad ang lalaki. Wala itong ibinigay na kasiguraduhan ngunit gusto pa ring umaasa ni Amber. Ngunit lumipas ang dalawang araw na kahit anino ni Grei ay hindi niya nakita. Ang umaasa niyang puso ay tila naging isang lantang halaman sa isang iglap. Naiintindihan naman niya ang lalaki. Hindi biro ang pabor na kanyang hinihiling. "Baka umuwi na siya sa lugar nila." Pang-aalo niya sa isip habang nakatanaw sa malaking bintana ng kanyang silid. Aniya sa sarili, sa sandaling panahon na nakilala niya ang lalaki ay nakita niya kung gaano ito kabuti. Kahit mukha itong masungit at hindi marunong ngumiti ay ramdam niyang mabuting tao ito. "Lady Amber." Tila bumalik si Amber sa reyalidad dahil sa pagtawag. Nang lumingon siya sa pinagmulan ng tinig ay natagpuan ng kanyang mga mata ang katulong. Hindi niya naiwasan ang mag
Halos bumuntot na ang dalawang bata kay Grei. Halos hindi na bumitaw sa kanya ang dalawa. Matapos hawakan ng kambal ang magkabilang kamay ni Grei ay hinila nila ito patungo sa sofa. "C'mon, Daddy. Let's watch together." Walang naman siyang narinig na kahit anong reklamo mula kay Grei. Nagpatianod ito sa gusto ng mga bata. Puro tango at ngiti ang sukli niya sa mga hiling ng kambal. Ang isang kinatatakutan ni Amber ay hindi pa kilala ni Grei ang mga bata. Maaaring anumang oras ay mabuko sila. Buntong-hininga na lamang siyang lumapit sa kinaroroonan ng tatlo. "Mga anak, pwede ko bang mahiram saglit ang papa niyo? Kakausapin ko lang siya saglit." Napatingin naman sa isa't-isa ang kambal. "Saglit lang naman, kakausapin ko lang ang papa niyo sandali." Ginawaran niya ng ngiti ang mga bata. "Please." "Okay po." Marahang tumango si Hyde. Tila naguguluhan namang tumayo mula sa pagkakaupo si Grei. Nang tuluyan itong makatayo ay kaagad siya
"Magmeryenda muna kayo." Pilit pinasigla ni Amber ang kanyang tinig kasabay ng tuluyang paglapit sa mesa na ilang hakbang lang ang layo mula sa mga bata. "Yeheyy! We have snack." Kaagad naman siyang sinalubong ni Hade. Tuluyan na ring tumayo si Hyde at lumapit sa mesa kung saan nakapatong ang dala ni Amber na pagkain. Tuluyan na nitong nakalimutan ang pinag-uusapan nila ng lalaking inaakala niyang ama. Nanatili naman si Grei sa pwesto nito at pinagsawa ang kanyang mga mata sa mag-iina. Hindi naman iyon nakaligtas sa paningin ni Amber. Nang makapwesto ng upo at magsimulang kumain ang dalawang bata ay saka kumuha si Amber ng pagkain at lumapit kay Grei. "Meryenda muna." Iniabot nito ang ginawa niyang sandwich at isang baso ng pineapple juice. "Salamat." Tuluyan na ring tumayo sa pagkakaupo si Grei at saka tinanggap ang hawak ng babae. "Pasensya ka na sa mga anak ko, Grei." Hinging paumanhin niya