Home / Romance / My Loveless Marriage With Attorney Chandler / Chapter 2: Grayson Has Been Lying To Me All Along

Share

Chapter 2: Grayson Has Been Lying To Me All Along

Author: peonixxy
last update Last Updated: 2025-09-27 14:38:34

Nakatulog si Ada sa kakaiyak pagdating sa bahay nila. Alam niyang hindi uuwi ang asawa pero para naman siyang tangang umasa. Malamang doon na naman iyon nagpalipas ng gabi sa kabit nito.

Nagising nalang siya sa malakas na tunog ng kanyang cellphone. Pilit niyang idinilat ang namumugtong mata para abutin ito. May tumatawag. Sino naman kaya ang tatawag sa kanya ng ganitong kaaga? Hindi pa nga sumikat ang araw.

‘Mommy Grace calling’

Napairap siya nang makita ang pangalan ng biyenan. Kailangan na pala niya dapat palitan ang contact name nito. Dapat ‘Grace’ o di kaya'y 'Bruha' nalang.

“Pumunta ka dito, ngayon din,” malamig at seryosong sabi nito sa nang-uutos na paraan, dahilan para hindi siya makatanggi.

Walang emosyon siya sumagot at kaagad ding tinapos ni Grace ang tawag.

Sa loob ng limang taong lihim na kasal kay Grayson, kailanman ay hindi siya nagustuhan ni Grace. Pero sanay na si Ada rito.

Sa katunayan, isa ang mga Chandler sa mga makapangyarihang pamilya sa kanilang lugar. Bagama't siya ay mula sa mayamang pamilya ng mga Perez, hindi naman maayos ang pagtrato ng mga ito sa kanya. She is an unfavored abandoned daughter.

Limang taon na ang makalipas nang aksidenteng mapatay ng kanyang ina ang kanyang ama in an act of self-defense noong lumala ang pag-aaway nito sa kanilang pamamahay.

Sa isang iglap lang, wala na ni isa na kumilala sa kanya bilang kapamilya. Tanging siya lang ang tumatayo sa panig ng ina. Ang pamilya ng kaniyang ama ay nagkaisa upang mahatulan ng death penalty ang kanyang ina bilang hustisya. Samantalang ang Pamilya Cruz, ang pamilyang pinagmulan ng kanyang ina ay hindi nagdalawang-isip na putulin ang ugnayan sa kanilang dalawa. Tuluyan na silang inabandona ng dalawang panig.

Dahil sa kawalan ng pag-asa, nakalimutan na niyang isipin ang sariling kapakanan. Saka pa lamang siya natauhan sa pinaggagawa nang tapos na siyang magpakasal ng lihim kay Grayson Chandler, ang abogadong inirekomenda sa kanya ng mentor na si Elvis Corpuz.

Matatag at pulido ang background ng Pamilya Chandler na kahit magsama-sama pa ang Pamilya Perez at Cruz ay hindi ito mapapagsak. Kaya literal na kumapit si Ada sa patalim.

Sa usaping batas, kailanman ay hindi pa natatalo si Grayson sa anumang kasong kanyang hinahawakan.

Nagtagumpay si Grayson na mapababa ang sentensya ng kanyang ina ng limang taon. Pero ang kapalit nito ay ang pagpapakasal niya kay Grayson ng lihim. Walang ibang sinabing rason kung bakit ginusto nitong magpakasal sila. Ang tanging alam niya lang ay may adopted son ito na nagngangalang si Grant.

Si Grant ay anak ng malapit na kaibigan ni Grayson na nasawi sa isang aksidente. Two months old palang ito nang mawala ang biological parents.

Samantala, isang buwan nalang at makakalabas na ang kanyang ina sa kulungan, at magtatapos na rin ang kanilang kasunduan.

Malinaw pa sa sikat ng araw na walang salitang ’pag-ibig’ sa kasunduang ito. Both of them benefited from this. Walang nawala sa kanila. Pero kahit na alam ni Ada ang kondisyones dito, hindi niya pa rin napigilang mapamahal ng lihim kay Grayson.

Nagpakawala si Ada ng malalim na hininga bago naglakad papunta sa bathroom. Naramdaman na naman niya ang mapurol na pananakit ng kanyang puson. Ilang araw na itong pabalik-balik. Hindi naman ito masyadong masakit, pero alam niyang hindi ito pwedeng balewalain. Bigla siyang nakaramdam ng pagkabahala.

“Hindi kaya...?” mahinang sabi niya sa sarili.

Palagi naman silang gumagamit ng proteksyon, maliban nalang noong lasing na umuwi si Grayson, isang buwan na ang nakalipas.

Uminom naman siya ng gamot kinabukasan pero may chance pa ring hindi ito gagana. Para makasigurado, bumili muna siya ng pregnancy test kit sa pharmacy bago pumunta sa bahay ng mga Chandler.

Habang nasa kotse, bigla niyang naisip ang nangyari kagabi at ang banta ng asawa. Hindi naman siguro nalaman ng ina nito ang ginawa niya, ‘di ba?

Kung sa bagay, napakametikuloso ni Grayson. At isa pa, hindi ito palasumbong. Kumbaga, kung ano ang nangyayari sa kanilang mag-asawa ay tanging sila lang ang nakakaalam.

‘Oh, bakit paniwalang-paniwala ka pa rin diyan, Ada? Niloloko ka na nga ng harap-harapan,’ pagrerebelde ng utak niya.

Ganito ba niya kamahal si Grayson? Na kahit ilang beses siya nitong pinagsinungalingan at niloko, nakakaya niya pa ring maniwala dito?

'Diyos ko! Hanep ka talaga magdesisyon, Ada! Tingnan mo at paldong-paldo ka na sa problema!’

Napahilamos nalang siya sa mukha nang walang tubig. Maya-maya'y pinaandar na nito ang kotse at binabaybay ang daan patungo sa lugar ng mga Chandler.

Makalipas ang halos kalahating oras, nakarating na rin si Ada sa villa ng biyenan. Palakas ng palakas naman ang kaba sa kanyang dibdib. Ganito naman palagi sa tuwing tatapak siya sa lugar na 'to. It feels like walking on eggshells.

Pagkalabas niya pa lang sa kotse, tinatapunan na kaagad siya ng malamig na tingin ng mga katulong bago ito nagpatuloy sa kanilang ginagawa. Aba, sosyal! Pati mga katulong nahawa na rin sa ugali ng kanilang amo.

Pero hindi nagpapatinag si Ada dito. Kalmado lang siyang naglalakad papunta sa sala kahit hindi niya nagustuhan ang pakiramdam sa kanyang puson.

Sa loob ng limang taong kasal kay Grayson, palagi na siyang minamaliit ng biyenan. Pati mga katulong ay minamaliit din siya. Kung hindi dahil kay Grant ay hinding-hindi na siya aapak sa kasumpa-sumpang pamamahay na ito.

“Mommy!”

Umalingawngaw ang malinaw na tinig ng isang bata pagkapasok niya sa sala. Isang maliit at pamilyar na imahe ang sumalubong sa kanya.

“Mommy, grandma just lied to me. Ayaw niyo na raw po sa akin,” pagsusumbong ng limang taong gulang na si Grant. Mahigpit itong yumakap kay Ada na animo'y koala.

Natigilan si Ada at napatingin sa biyenang si Grace na bahagyang nakaismid.

Nakasuot ito ng mamahaling damit at halos isuot na nito ang buong koleksyon ng alahas.

Ngunit labis niyang ikinagulat kung sino ang katabi nito...

Bakit nandito ‘to? Anong ginagawa nito dito? Ipinapakilala na ba ito ni Grayson sa pamilya niya bilang kapalit niya? Mapapaaga ba ang divorce nila nila?

Hindi niya maiwasang ikompara ang sarili dito. Mukha talaga itong anghel, mukhang hindi makabasag ng pinggan pero may kakatihan palang tinatago sa loob. Ang mas nakakainis pa ay inosenteng nakatingin lang ito kay Ada na para bang walang ginawang katarantaduhan. Kabaligtaran ang ipinapakita nito ngayon–mahinhin, maamo, at sopistikada kaysa sa ka-oa-han at kamalditahan noong nakaraang gabi.

“Mom, why aren't you talking?” Tumingala si Grant sa kanya ng may matang nangungusap. “Totoo ba ang sinabi ni Lola? Will you leave Dad? Don't you want me anymore?”

Ibinaba ni Ada ang tingin kay Grant na maluha-luha na. Hindi niya alam kung paano ito ipaliwanag sa bata. Nakaramdam siya ng pait sa puso niya.

Sa loob ng limang taon, parang tunay na anak na ang trato ni Ada kay Grant. Ginagawa niya ang lahat para dito. Masasabi niyang hindi peke ang pagiging mag-ina nila. Nakaramdam siya ng pag-aatubiling iwan ang bata pagkatapos ng divorce. Hindi. Hindi niya kayang iwan ito.

“Come here, Grant,” tawag ni Grace sa apo.

“Ayoko!” Mas humigpit pa ang yakap ng bata kay Ada. “I want to go home with my mommy!”

Dumilim ang ekspresyon ni Grace at mariing nagsalita, “How many times do I have to tell you na hindi mo totoong ina ang babaeng iyan? Your real mother is this popular actress, Sofia Angeles!”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • My Loveless Marriage With Attorney Chandler    Chapter 13

    Umuwi si Ada sa condo kasama si Grant. Hindi na sumama pa ang mga yaya at bodyguards. Pumayag nalang muna ang biyenang si Grace para makakain ng maayos ang bata. Kahit papaano ay concerned naman ito sa kalusugan ng apo. Panay banggit kasi ito na namimiss daw ang luto ni Ada at ayaw kumain. “Mommy, the eggs! Nasusunog na po!” Habang suot ang apron na dilaw at may pizza prints, napapitlag si Ada sa pagkakatulala sa kawalan nang marinig ang natatarantang boses ni Grant. May hangover parin siya sa engkwentro nilang dalawa ni Sofia kanina. Hanggang ngayon ay sobrang bigat pa rin ng kanyang pakiramdam habang iniisip ang lahat. “Naku! Oo, nga pala!” Nagkandaugaga niyang pinatay ang apoy pero huli na kasi nagiging uling na ang kabilang side nito. Hindi niya na rin napansin ang pagtulo ng luha sa kanyang mga mata. “Sorry, baby. Magluto nalang ako ulit.” Ginulo niya ang buhok ng bata at saka pinahid ang luha. Naghanda kaagad ulit siya ng pamalit sa na

  • My Loveless Marriage With Attorney Chandler    Chapter 12

    Tahimik lang si Ada habang kalong si Grant, pero sa loob-loob niya ay parang may nagliliyab. Hindi dahil sa sigaw ni Sofia, kundi dahil sa pagbalik ng sakit na ilang beses na niyang kinuyom — ang malaman na wala siyang laban sa tunay na ina ng batang minahal niya nang higit sa sariling kaligayahan. Pero ngayong nakikita niya ang pamumula ng pulsuhan ni Grant, biglang may tumarak na kakaibang sakit sa kanyang dibdib. Nasasaktan siya sa nakikita. Ni langaw ay ayaw niyang dapuan ang bata. ‘Kahit buntis ako. Kahit bawal akong ma-stress. Hindi ako papayag na apak-apakan na lang.’ Humigpit ang yakap niya sa bata. “Baby, go with Rosita muna. I’ll talk to this woman first.” “Ayoko! Mommy—” “Baby, please.” Mahinahon pero mariin ang boses ni Ada. “Go with Rosita. I’ll be fine.” Nag-aatubili man pero sumunod pa rin si Grant nung makita niyang hindi na nanginginig ang tinig ng ina. Tulad ng dati, si Ada pa rin ang pinakikinggan niya. Pagkaalis ng bata, nag-iba ang ihip ng hangin s

  • My Loveless Marriage With Attorney Chandler    Chapter 11: Other Mom

    Nakilala kaagad iyon ni Ada. That's Grant's voice. Mabilis niyang isinarado ang kotse pagkatapos itong i-park. Lakad-takbo ang ginawa niya para makapasok sa loob ng studio. Kaagad naman siyang pinagbigyan ng daan ng mga lalaking nakaitim ng suit. Sa gitna ng mga nagkukumpulang maid ay ang adopted son na halos gumugulong na sa sahig habang nagtatantrums. “I want my mommy back! Or else I won't eat!” pagmamatigas nito. “Young master, kailangan mong kumain muna. Your mom will be here soon,” pilit na inaamo ni Rosita ang bata. “Liar! All of you are liars! You told me she's here but she's not! Get away from me, you liars!” sigaw ni Grant habang umiiyak. Nang makita ni Ada ang bata, parang piniga ang puso niya. Kapansin-pansin ang pangangayayat nito. Hindi niya alam kung bakit nagkaganito ito. “Mommy!” Hindi pa man siya makapagsalita, kaagad na tumakbo palapit sa kanya ang bata nang makita siya nito. “Baby!”

  • My Loveless Marriage With Attorney Chandler    Chapter 10: Do You Dare?

    “Ms. Perez, I never knew you have this disgusting side. You are still married to my son. Wala ka man lang delikadesa. Kating-kati na ba at hindi na makapaghintay ng isang buwan? If my informants didn't tell me, hindi ko mapapatunayang may tinatago ka pala talagang kakatihan,” galit na pagtatalak ng biyenan habang nandidiring nakatingin kay Ada. Natameme nalang si Ada. Nawindang siya sa mga pinagsasabi ni Grace. Hindi niya alam kung ano ang pinagsasabi nito. Parang siya pa ang lumabas na masama. “Alam mo, Grace,” pagdidiin ni Ada sa pangalan nito. “Nakakawalang respeto ka. I already promised to leave your son alone. Tama na ang pagsunud-sunod sa akin, pwede ba? Buhay ko 'to. Ano'ng pakialam mo? If you only knew how much of a cheater your son is. Dapat sa mga kunsintidor ay mabulok sa impyerno, eh!” ganti ni Ada. “How dare you say that!” singhal ng biyenan at dahan-dahang inilapit ang bibig sa kanyang tainga. “Hindi mo kilala ang binabangga mo, Ms. Perez.

  • My Loveless Marriage With Attorney Chandler    Chapter 9: Long Time No See

    “G-Grayson?” gulat na sambit ni Ada sa asawa. “Yeah, it's me. Not a ghost. Not a hallucination,”pilosopong sagot ni Grayson. “What are you doing here?” napalunok si Ada. Makikita sa mukha ni Grayson ang galit at pagkadismaya. Ngunit hindi alam ni Ada kung bakit ganito ang reaksyon ng asawa. Hindi ba't nasa bahay ito at nagpapasarap kasama si Sofia? “Why? You own this park? Your mom...” saglit itong napahinto sa pagsasalita na tila ba nagdalawang-isip o hindi sigurado sa sasabihin, “tumawag siya akin dahil hindi ka raw sumasagot. It turns out you were having a little sweet reunion with your childhood friend.” ‘Ay, taray? Kung makapagsalita na para bang hindi ko sila naabutang gumagawa ng milagro? Parang siya pa ang na-bitter, ah? Na para bang siya ang biktima dito. Ang galing din pala nitong umarte. Match made in heaven talaga sila ni Sofia.’ Tumingin ito sa ibang direksyon. Tila iniiwasan nitong ang makitang magkadikit silang dalawa ni

  • My Loveless Marriage With Attorney Chandler    Chapter 8: Surprise!

    “Z-Zach?! A-Anong ginagawa mo dito?” bulalas ni Alexa. “Come on. Am I not allowed to visit my girlfriend when I miss her?” nakangising sabi nito at sabay nag-wink kay Alexa. “Baliw! Eh, kasi, bigla ka nalang sumusulpot, eh! Kabute ka ba?” nahimasmasang sabi ni Alexa sa nobyo. “Sorry naman. Kanina pa kasi ako tawag ng tawag sa'yo. Hindi ka naman sumasagot so I just came to visit you. Pero wala ka rin sa condo mo and I noticed Ada's place was open.” “Oh, okay. Sorry about that. Pero paaala ko lang. What you heard today must stay within this room,” babala ni Alexa kay Zach. “I know. Hindi naman ako ganoong tao. I've known you both for a long time. I know what to do,” Zach reassured her. “T-Thank you, Zach,”halos walang boses na sabat ni Ada. “No problem. Just focus on yourself and the baby. Nandito lang kami para sa'yo,” paalala ni Zach at nilock na ang pinto. Nagpahinga muna siya habang nasa kusina ang magkasintahan upang m

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status