Share

Chapter 3: Delusions

Author: peonixxy
last update Last Updated: 2025-09-27 14:39:55

Binalot ng katahimikan ang buong sala. Ang tanging naririnig ni Ada ay ang dumadagundong na tibok ng kanyang puso. Natulala na lang siya habang paulit-ulit na nagrereplay sa utak ang sinabi ng biyenan.

“A-Ano? H-Hindi ba't patay na ang totoong magulang ni Grant?” Hindi napigilan ni Ada ang mautal. Parang may kadenang pumulupot sa kanyang lalamunan pero pinipilit niya pa ring kumalma kahit gusto na niyang magwala.

‘Bakit buhay ka pa? O multo ka nalang ngayon?’ nais niyang sabihin.

Ibig sabihin ba nito ay kukunin na si Grant ng kanyang totoong ina? Hindi maipagkakailang napamahal na siya sa batang ito. Makakaya niya kaya? Pero anong magagawa niya?

Tumingin sa kanya si Sofia nang may mapanudyong ekspresyon. “Five years ago, I have to hide my relationship with Grant due to my career and company contract reasons.”

Nang marinig ito ni Ada, biglang may isang ideyang pumasok sa isip niya. Parang gusto na niyang masuka sa labis na kaba at masamang pakiramdam ng sikmura niya.

Lumunok muna siya kahit nanunuyo na ang kanyang lalamunan. Pagkatapos ay lakas-loob siyang nagtanong.

“Then... Grant's father is...” pumiyok siya at si Sofia na mismo ang tumapos sa sinabi niya.

“Grayson. Grant is our child,” pagmamalaking anunsyo ni Sofia habang nakangisi.

Kaagad na naramdaman ni Ada ang sakit na tumarak sa dibdib niya. Parang ramdam niya ang pagkagutay-gutay nito. Wala nang mas sasakit pa dito.

Napasinghap si Ada at bahagyang napaawang ang labi. Para siyang nasasakal sa sakit na siyang ikinamutla niya.

Ang batang inaalagaan at kinupkop niya ng buong pagmamahal ng limang taon ay anak pala ni Grayson at Sofia!

Isang kasinungalingan lang pala ang lahat simula't sapul palang. Hindi lang pala nagloko si Grayson sa kanilang kasal, ginamit at pinag-uuto pa siya nito!

“Oh, I'm so sorry for hiding this from you, Miss Perez, uh no, Mrs. Chandler, ”malambing na sabi ni Sofia at saka tumikhim nang magkamali sa pagtawag sa kanya kahit saksi ang buong kalangitan na sinadya ito.

“Sa totoo lang, matagal ko nang sinabi kay Grayson na sabihin sa'yo ang totoo. But he said the fewer outsiders knew about this, the better.”

‘Outsiders’. Wow.

Parang sirang plakang paulit-ulit na umalingawngaw sa utak niya ang katagang iyon. Muling gumuhit ang sakit sa puso ni Ada. After all this time, ‘outsider’ lang pala siya sa tingin ni Grayson.

Ang buong akala ni Ada ay maituturing na silang isang pamilya sa loob ng limang taong pagsasama at pag-aalaga ng ‘anak’ kahit walang anumang namamagitan. Ang lahat ng iyon ay isang delusyong gawa-gawa niya.

Hindi niya maintindihan kung bakit hindi ito sinabi kaagad ni Grayson sa kanya. Edi sana hindi siya nahulog dito! Pwede rin naman niyang alagaan si Grant ng limang taon ng walang kasal o kasunduan, kapalit ng kalayaan ng kanyang ina. Pwede naman silang magkasabwat para ingatan ang career ni Sofia. Pero bakit humantong pa ito sa ganito? Ano ba talaga ang totoong pakay ni Grayson sa pagpapakasal sa kanya?

“Anyways, thank you for raising my son very well. As his biological mother, i sincerely thank you.”

Kahit gaano pa kaganda ang pananalita nito, hindi nawawala ang pagkaarogante at pagkasarkastiko sa tono nito. Lalo pa't sinasabayan ng mapanuksong ngiti ni Sofia. Ngiting panalo. Ngiting nagsasabing isa siyang talunan at uto-uto.

Hindi pa rin makaimik si Ada. Para siyang binagsakan ng langit at lupa. Biglaan ang lahat at hirap pa siyang iproseso ang mga ito.

Napatitig nalang siya kay Sofia. Her pale lips were tightly pursed habang bahagyang nanginginig ang kamay na nakayakap kay Grant.

“No way! You're lying. I only have one mommy. I only want my mother!” sigaw ni Grant sa inang si Sofia.

“You bad woman! Why do you think you can be my mom? I don't want you to be my mom!”

Napatulala si Sofia at napatakip sa kanyang bibig. Hindi niya inakalang sasabihin ito ng kanyang sariling anak. Namumula ang sulok ng mata nito na parang aping-api at gustong kaawaan ng lahat.

Mas lalong lumamig ang mukha ni Grace.

Tumayo ito at dinuro-duro si Ada.

“Is this how you raise your children? Wala ka talagang respeto sa mga nakakatanda!”

Sobrang napukaw ang galit ni Ada dahil dito pero wala siyang lakas para makipag-away sa biyenan, alang-alang na rin sa kapakanan ng bata.

“Bata pa lang si Grant. Let's just give him time to digest it.”

“Do you think I don't know what you're up to?” umismid si Grace. “We're all women, Adaghlia. Don't think I can't see through your little tricks.”

“Rosita!” tawag ni Grace sa mayordoma.

Mabilis na dumating ang babaeng halos kaedaran lang ni Ada nang marinig ang pangalan. Ito ang yaya ni Grant.

“Yes po, Madam?”

“Get your young master out of here. Ayokong maimpluwensyahan siya nitong babaeng may masamang motibo.”

Kahit nahihiya, kinuha pa rin ni Rosita si Grant sa pagkakayakap kay Ada at inilayo ito.

“No! Let me go! Mom, I want to go home with you!”Umiiyak na sigaw ni Grant.

Napasinghap si Ada. Hindi niya kayang makita ang bata na umiiyak ng ganoon.

“Grant has asthma. Pwede bang huwag niyo siyang pilitin ng ganyan?” malamig na sabi ni Ada habang tinitingnan ang batang nagpupumiglas.

Natigilan ang biyenan nang marinig ito. Tumayo naman si Sofia at maluha-luhang kumapit sa braso nito.

“Tita, please ask Rosita na hayaan na lang si Grant. I'm fine. It's my fault for not fulfilling my responsibilities as a mother. I deserve it if the child doesn't recognize me.” Maluha-luhang sumabat si Sofia pero palihim itong tumingin sa kanya at bahagyang ngumisi.

Napabuntong-hininga na lang si Grace at natakot na baka atakehin ng asthma si Grant. Sinenyasan nalang nito si Rosita na hayaan ang bata.

“Mom!”

Mabilis na tumakbo si Grant pabalik kay Ada. Muntik na siyang mawalan ng balanse at aksidenteng nabundol ang kanyang puson. Naramdaman niyang mas lalo itong sumakit. Namutla siya.

“Mom, grandma is a liar, right? You are my mom! I don't want any other mom!” Humagulhol ang bata.

Marahang hinaplos ni Ada ang bumbunan ng bata at nasasaktan para dito. Pinanganak itong mahina ang katawan at may asthma kaya bawal itong umiyak ng matagal.

“Be good, baby. Hindi ka iiwan ng mommy so stop crying, okay?”

Gusto lang naman ni Ada na tumahan na ang bata. Pero nang marinig ito ni Grace ay kaagad na naman itong nanigaw sa kanya.

“Adaghlia Perez! Wala ka na talagang hiya, ano? Grant is not your son at all! How dare you say such things?!”

Si Grace, na palaging ipinagmamalaki ang kanyang pagiging marangal at kagalang-galang, ay hindi na ngayon itinatago ang kanyang pagkamuhi kay Ada, at lubusan ng inanunsyo ang kanyang kalupitan.

“Kaya pala hindi malapit sa akin si Grant at pinagpipilitan nitong ikaw lang ang kikilalaning ina. You must have brainwashed him!”

Hindi na kinaya ni Ada ang magtimpi. Sumusobra na ang kanyang biyenan. Hindi na niya hahayaang ang sarili na pagsalitaan ng ganito sa harap ng maraming tao.

“Mrs. Chandler, hindi ko hiningi ang opinyon mo noong pinakasalan ko ang anak niyo. If you don't recognize me as your daughter-in-law, I won't force you. Pero sa harap ng isang bata, naiisip mo ba kung magandang ihemplo ang ugaling pinapakita niyo? Sino ba ang walang respeto sa atin?”

“You!” Hindi inasahan ni Grace na sagutin siya ni Ada kaya nag-aapoy na ito sa galit. “Are you provoking me now?”

“I don't need to,“ pabalang na sagot ni Ada.

Tiningnan niya sa mata ang galit na galit na biyenan. Tinging walang pakialam kahit pa atakehin ito sa puso at bumulagta sa harapan niya.

“Whether Grayson and me gets a divorce or not, this matter is only between us. Grant can stay. Hindi na ako makikipagkompetensya pa sa inyo.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • My Loveless Marriage With Attorney Chandler    Chapter 5: Realization

    Nagising si Ada sa loob ng kanilang kwarto ni Grayson. Unang hinanap niya ang wall clock. Alas dose na pala ng umaga. Nagtaka siya kung sino ang nagdala sa kanya dito pagkatapos mawalan ng malay. Maya-maya'y may narinig siyang yapak ng paa sa labas ng kwarto. Nang bumukas ang pintuan, pasipol-sipol na pumasok ang kanyang best friend na si Alexa. May dala itong tray ng pagkain. Nang maamoy niya ito, naramdaman niyang kumukulo ang kanyang sikmura sa gutom. Hindi pa pala siya kumakain simula kaninang umaga. “L-Lex?”mahinang tawag ni Ada sa kaibigan. “Ay pwet na kulubot! Gising ka na pala! Wala ka namang pasabi! ’Wag ganoon, madam!” gulat na sambit ng kaibigan. Halos matapon na ang laman ng tray nitong dala. Mabuti nalang at nailapag kaagad ito sa malapit na bedside table. “Sorry...” nanghihinang sabi niya. “T-Teka bakit ka nandito?” “Ay, grabe siya, oh! Bakit bawal ba ako dito?” nakapout na sabi nito. “Hindi naman sa ganoon. Kasi–”

  • My Loveless Marriage With Attorney Chandler    Chapter 4: Unending Pain

    “No! Mommy! Don't leave me!” sigaw ni Grant nang marinig na maiiwan siya sa pamamahay ng kanyang abwela. “I don't like grandma's house! I want to go home with you!” mas lalong humigpit ang pagkakayakap ng bata kay Ada at mas lalo ng umiyak hanggang mamaos ang boses nito. Sa loob ng limang taong pag-aaruga ni Ada sa batang ito, ngayon lang niya ito nakitang umiyak ng ganito. Hindi niya maiwasang mag-alala. Bumuntong-hininga siya at tiningnan ang biyenan. “Grant is too emotional to listen right now. Dadalhin ko muna siya. I will explain it to him when he's finally calm.” Kinuha ni Ada ang kamay ng bata at inakay palabas ng sala. Gusto nang makaalis agad ni Grant kaya binibilisan nito ang paglalakad na parang takot maiwan kapag mabagal siya. “Grant!” Sa hindi inaasahan ni Ada, sumigaw si Sofia at humabol sa kanila. Nasa parking area na sila nang biglang hatakin ni Sofia ang isang kamay ni Grant. “Grant, baby, please don't go. Mom was wrong but she had her reaso

  • My Loveless Marriage With Attorney Chandler    Chapter 3: Delusions

    Binalot ng katahimikan ang buong sala. Ang tanging naririnig ni Ada ay ang dumadagundong na tibok ng kanyang puso. Natulala na lang siya habang paulit-ulit na nagrereplay sa utak ang sinabi ng biyenan. “A-Ano? H-Hindi ba't patay na ang totoong magulang ni Grant?” Hindi napigilan ni Ada ang mautal. Parang may kadenang pumulupot sa kanyang lalamunan pero pinipilit niya pa ring kumalma kahit gusto na niyang magwala. ‘Bakit buhay ka pa? O multo ka nalang ngayon?’ nais niyang sabihin. Ibig sabihin ba nito ay kukunin na si Grant ng kanyang totoong ina? Hindi maipagkakailang napamahal na siya sa batang ito. Makakaya niya kaya? Pero anong magagawa niya? Tumingin sa kanya si Sofia nang may mapanudyong ekspresyon. “Five years ago, I have to hide my relationship with Grant due to my career and company contract reasons.” Nang marinig ito ni Ada, biglang may isang ideyang pumasok sa isip niya. Parang gusto na niyang masuka sa labis na kaba at masamang pakiramdam ng sikmura niya.

  • My Loveless Marriage With Attorney Chandler    Chapter 2: Grayson Has Been Lying To Me All Along

    Nagising si Ada sa malakas na tunog ng kanyang cellphone. Pilit niyang idinilat ang namumugtong mata para abutin ito. May tumatawag. Sino naman kaya ang tatawag sa kanya ng ganitong kaaga? Hindi pa nga sumikat ang araw. ‘Mommy Grace calling’ Napairap siya nang makita ang pangalan ng biyenan. Kailangan na pala niya dapat palitan ang contact name nito. Dapat ‘Grace’ o di kaya'y 'Bruha' nalang. “Pumunta ka dito, ngayon din,” malamig at seryosong sabi nito sa nang-uutos na paraan, dahilan para hindi siya makatanggi. Walang emosyon siya sumagot at kaagad ding tinapos ni Grace ang tawag. Sa loob ng limang taong lihim na kasal kay Grayson, kailanman ay hindi siya nagustuhan ni Grace. Pero sanay na si Ada rito. Sa katunayan, isa ang mga Chandler sa mga makapangyarihang pamilya sa kanilang lugar. Bagama't siya ay mula sa mayamang pamilya ng mga Perez, hindi naman maayos ang pagtrato ng mga ito sa kanya. She is an unfavored abandoned daughter. Limang taon na ang mak

  • My Loveless Marriage With Attorney Chandler    Chapter 1: Business Trip Gone Wrong

    Parang kaluluwang nakalutang si Adaghlia Perez habang naglalakad papunta sa loob ng isang mamahaling restaurant. Sinalubong kaagad siya ng amoy ng scented candles. Mayroon ding mga petals ng bulaklak sa sahig. Nasa entrance palang siya ay natatanaw na niya ang dalawang taong halos magkatagpo na ang mga nguso kahit may mesang nakapagitan. Walang ibang tao sa lugar maliban sa mga staff at musicians na tumutugtog ng romantikong awitin. Sigurado siyang nirentahan ng dalawa ang lugar na ito para makapag-lovey dovey ito ng walang istorbo. Bawat hakbang niya'y pabigat ng pabigat. Lakad ng ilang taong poot, pagtitimpi at pagkadismaya. Halos bumabaon na ang takong ng kanyang heels sa sahig ng establisyemento. Napatingin kaagad ang dalawa sa kanyang direction. Natigilan ang mga ito sa pagsusubuan, parang nakakita ng multo. Sandaling namutla ang babae pero kaagad ding bumalik ang normal na ekspresyon at postura. Pasimple pang itinaas ang isang kilay nito at umi

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status