Home / Romance / My Loveless Marriage With Attorney Chandler / Chapter 1: Business Trip Gone Wrong

Share

My Loveless Marriage With Attorney Chandler
My Loveless Marriage With Attorney Chandler
Author: peonixxy

Chapter 1: Business Trip Gone Wrong

Author: peonixxy
last update Last Updated: 2025-09-20 17:33:59

Parang kaluluwang nakalutang si Adaghlia Perez habang naglalakad papunta sa loob ng isang mamahaling restaurant. Sinalubong kaagad siya ng amoy ng scented candles. Mayroon ding mga petals ng bulaklak sa sahig. Nasa entrance palang siya ay natatanaw na niya ang dalawang taong halos magkatagpo na ang mga nguso kahit may mesang nakapagitan.

Walang ibang tao sa lugar maliban sa mga staff at musicians na tumutugtog ng romantikong awitin. Sigurado siyang nirentahan ng dalawa ang lugar na ito para makapag-lovey dovey ito ng walang istorbo.

Bawat hakbang niya'y pabigat ng pabigat. Lakad ng ilang taong poot, pagtitimpi at pagkadismaya. Halos bumabaon na ang takong ng kanyang heels sa sahig ng establisyemento.

Napatingin kaagad ang dalawa sa kanyang direction. Natigilan ang mga ito sa pagsusubuan, parang nakakita ng multo. Sandaling namutla ang babae pero kaagad ding bumalik ang normal na ekspresyon at postura. Pasimple pang itinaas ang isang kilay nito at umirap sa kanya. Ang lalaki naman ay pinanlilisikan siya ng mata. Kung nakakamatay lang ang tingin, tiyak ay kanina pa siya bumulagta sa kanyang kinatatayuan. Ito ay si Grayson Chandler, ang kanyang asawa.

“Why are you here? Paano mo–” gulat na tanong ng lalaki kay Ada. Masyado siyang nagulat sa pagdating nito. Pero ramdam niyang may mali sa presensya nito. Parang ibang tao ang nakikita niya.

“Hindi ba't ako dapat ang magtatanong sa'yo niyan?” putol niya dito.

Natigilan ang lalaki. Hindi ugali ni Ada ang putulin siya habang nagsasalita. Mataas ang respeto nito sa kanya.

“So ano na? Ito ba ang 'out of the country' business trip mo? Hindi man lang kayo nang-invite," sarkastikong sabi niya habang pinagkrus ang dalawang kamay sa dibdib.

Ang paalam kasi ng asawa kay Ada ay tatlong araw pa ito bago makakauwi ng Pinas dahil nasa Europe ito. Bukod sa abogado ito, may business din itong inaalagaan. Pero ang nakapagtataka ay kahit sobrang busy nito, nakuha pa rin nitong lumandi sa iba ngunit pagdating sa kanya ay wala itong oras. Uuwi lang kapag may kailangan. Tanging pampalipas oras at parausan lang ang tingin nito sa kanya.

“It's not what you think, Ada," seryosong sagot ng lalaki.

“Talaga ba?!” sigaw niya sa pagmumukha nito.

Inilibot niya ang paningin sa paligid. Candles. Roses. Musicians. “Hmm… how romantic.”

Malakas na ibinagsak ni Ada ang kamay sa ibabaw ng mesa ng dalawa. Halos matumba na ang mga inumin sa mesa.

Labis na naguguluhan si Grayson. Ito ang kauna-unahang pagkakataong narinig siya nitong sumigaw. Sa mata nito, isa siyang mahinahon, mabait, mapagkumbaba, at maalagang tao. Hindi niya akalain na may ganitong side pala si Ada.

“Wait, Miss. Who are you? And why are you talking to him like that? Don't you know he's a lawyer and he can sue you for this?” naiiritang sabat ng babae. Nagalit yata dahil naistorbo ang kanilang romantic date.

Infairness, maganda ito at medyo pamilyar ang mukha. Hindi nga lang matandaan ni Ada kung saan niya ito nakita. 'Yon nga lang, demonyo pala ito sa likod ng mukhang mala-anghel.

“Shut up, you shameless bitch! Wala kang karapatang makisawsaw sa usapan ng ibang tao!”

“What did you just call me?!" Mabilis na lumabas ang totoong ugali ng babae. Tumayo ito at aakmang sasampalin siya pero mabilis niyang nahuli ang kamay nito. Sa halip, sinampal niya ito nang walang paligoy-ligoy. Hindi pa siya nakontento, sinaboy pa niya sa mukha nito ang strawberry shake na hindi pa nagalaw.

“Oh my god! My dress! This is a limited edition! My... My face! I just had a facial treatment!” Halos mahimatay ang babae habang pinagmamasdan ang puting bestida na unti-unting nilalamon ng kulay ng shake. Para itong basang sisiw na nanlalagkit.

“Pwede ba, Ada, tumigil ka na. She's just my client! What happened to you?” Inis na napahilot sa sintedo si Grayson. Pilit nitong hininaan ang boses dahil nasa publikong lugar sila. Tulad ng inaasahan, mabilis itong rumesponde sa babae na para bang isang knight in shining armor.

Napailing si Ada sa sinabi ng lalaki. Kahit ipambala pa ito sa kanyon ay hindi talaga ito aamin. Huling-huli na nga sa akto, nagdedeny pa! Talagang walang mapaglalagyan ang kakapalan ng mukha ng lalaking ito. Hindi lang makapal, singtigas pa ng bakal!

Hindi na niya kailangan pang magpaliwanag. She will just let the evidence talk instead. Halos masira na ang kanyang handbag sa pagmamadali niyang buksan ito.

“Kliyente?!”

Binagsak niya ang isang rolyo ng tarpaulin sa mesa at binuksan ito. May haba itong halos isang metro. Natigilan ang lalaki sa pag-aasikaso doon sa babae. Makikita ang naka-collage na mga larawan ng dalawa na naglalambingan, iba't-ibang anggulo, iba't-ibang okasyon, iba't-ibang lugar...

Pagkatapos ay kinuha na naman niya ang isang rolyo at binuksan ulit sa harap nila. Ito ay naglalaman ng kanilang pagpapalitan ng mensahe sa I*******m. Mga mensaheng nadiskubre niya noon habang nanginginig ang mga kamay.

“Kliyente?! Kliyente pa rin ba?! Ang kakapal ng mukha niyong dalawa! Magsama kayo sa impyerno!”

Halos puputok na ang ugat niya sa leeg sa kakasigaw. Hindi makaimik ang dalawa. Hindi pa siya nakontento, kinuha niya ang mga tarpaulin at binato sa mga ito. Wala na siyang pakialam pa kung sino man ang makarinig or makakita sa kanya na nagwawala.

Pakiramdam niya ay siya ang nanalo. Para siyang nabunutan ng tinik. She felt satisfied. She finally vented out every weight she had in her heart.

Pero mali pala siya ng akala. Bago pa man siya makalayo sa lugar, may isang bagay na sumampal sa kanya.

“You're just my wife in papers, Ada. Baka nakalimutan mo," galit at may pambabantang paalala ni Grayson. Na para bang siya pa ang may kasalanan dahil nahuli niya ito.

Saglit siyang natigilan sa paglalakad. Sa sandaling iyon, wala na siyang ibang naramdaman pa kundi ang masakit na katotohanan. Pero kailangan na niyang tanggapin. Handa na siyang piliin at unahin ang sarili.

“Huwag kang mag-alala, isang buwan mo na lang akong asawa sa papel. Baka nakalimutan mo?”

“You!“ Si Grayson na naman ang natigilan. “I'll make sure you pay for what you did today!”

Sa wakas, lumabas na rin ang totoong kulay ng asawa. Kung dati ay nagtitimpi ito kapag nasa harap ng ibang tao, ngayon ay hindi ito nagdalawang-isip na ipakita kung ano siya. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na tinaasan siya nito ng boses sa labas ng kanilang pamamahay. Na para bang pinapamukha nito na hindi siya kawalan sa harap ng kerida nito.

Hindi na niya ito pinansin pa at naglakad nalang palabas habang nagpipigil ng luha.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
BellaDonna
Nice Story, update ka po mga 150k words
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • My Loveless Marriage With Attorney Chandler    Chapter 13

    Umuwi si Ada sa condo kasama si Grant. Hindi na sumama pa ang mga yaya at bodyguards. Pumayag nalang muna ang biyenang si Grace para makakain ng maayos ang bata. Kahit papaano ay concerned naman ito sa kalusugan ng apo. Panay banggit kasi ito na namimiss daw ang luto ni Ada at ayaw kumain. “Mommy, the eggs! Nasusunog na po!” Habang suot ang apron na dilaw at may pizza prints, napapitlag si Ada sa pagkakatulala sa kawalan nang marinig ang natatarantang boses ni Grant. May hangover parin siya sa engkwentro nilang dalawa ni Sofia kanina. Hanggang ngayon ay sobrang bigat pa rin ng kanyang pakiramdam habang iniisip ang lahat. “Naku! Oo, nga pala!” Nagkandaugaga niyang pinatay ang apoy pero huli na kasi nagiging uling na ang kabilang side nito. Hindi niya na rin napansin ang pagtulo ng luha sa kanyang mga mata. “Sorry, baby. Magluto nalang ako ulit.” Ginulo niya ang buhok ng bata at saka pinahid ang luha. Naghanda kaagad ulit siya ng pamalit sa na

  • My Loveless Marriage With Attorney Chandler    Chapter 12

    Tahimik lang si Ada habang kalong si Grant, pero sa loob-loob niya ay parang may nagliliyab. Hindi dahil sa sigaw ni Sofia, kundi dahil sa pagbalik ng sakit na ilang beses na niyang kinuyom — ang malaman na wala siyang laban sa tunay na ina ng batang minahal niya nang higit sa sariling kaligayahan. Pero ngayong nakikita niya ang pamumula ng pulsuhan ni Grant, biglang may tumarak na kakaibang sakit sa kanyang dibdib. Nasasaktan siya sa nakikita. Ni langaw ay ayaw niyang dapuan ang bata. ‘Kahit buntis ako. Kahit bawal akong ma-stress. Hindi ako papayag na apak-apakan na lang.’ Humigpit ang yakap niya sa bata. “Baby, go with Rosita muna. I’ll talk to this woman first.” “Ayoko! Mommy—” “Baby, please.” Mahinahon pero mariin ang boses ni Ada. “Go with Rosita. I’ll be fine.” Nag-aatubili man pero sumunod pa rin si Grant nung makita niyang hindi na nanginginig ang tinig ng ina. Tulad ng dati, si Ada pa rin ang pinakikinggan niya. Pagkaalis ng bata, nag-iba ang ihip ng hangin s

  • My Loveless Marriage With Attorney Chandler    Chapter 11: Other Mom

    Nakilala kaagad iyon ni Ada. That's Grant's voice. Mabilis niyang isinarado ang kotse pagkatapos itong i-park. Lakad-takbo ang ginawa niya para makapasok sa loob ng studio. Kaagad naman siyang pinagbigyan ng daan ng mga lalaking nakaitim ng suit. Sa gitna ng mga nagkukumpulang maid ay ang adopted son na halos gumugulong na sa sahig habang nagtatantrums. “I want my mommy back! Or else I won't eat!” pagmamatigas nito. “Young master, kailangan mong kumain muna. Your mom will be here soon,” pilit na inaamo ni Rosita ang bata. “Liar! All of you are liars! You told me she's here but she's not! Get away from me, you liars!” sigaw ni Grant habang umiiyak. Nang makita ni Ada ang bata, parang piniga ang puso niya. Kapansin-pansin ang pangangayayat nito. Hindi niya alam kung bakit nagkaganito ito. “Mommy!” Hindi pa man siya makapagsalita, kaagad na tumakbo palapit sa kanya ang bata nang makita siya nito. “Baby!”

  • My Loveless Marriage With Attorney Chandler    Chapter 10: Do You Dare?

    “Ms. Perez, I never knew you have this disgusting side. You are still married to my son. Wala ka man lang delikadesa. Kating-kati na ba at hindi na makapaghintay ng isang buwan? If my informants didn't tell me, hindi ko mapapatunayang may tinatago ka pala talagang kakatihan,” galit na pagtatalak ng biyenan habang nandidiring nakatingin kay Ada. Natameme nalang si Ada. Nawindang siya sa mga pinagsasabi ni Grace. Hindi niya alam kung ano ang pinagsasabi nito. Parang siya pa ang lumabas na masama. “Alam mo, Grace,” pagdidiin ni Ada sa pangalan nito. “Nakakawalang respeto ka. I already promised to leave your son alone. Tama na ang pagsunud-sunod sa akin, pwede ba? Buhay ko 'to. Ano'ng pakialam mo? If you only knew how much of a cheater your son is. Dapat sa mga kunsintidor ay mabulok sa impyerno, eh!” ganti ni Ada. “How dare you say that!” singhal ng biyenan at dahan-dahang inilapit ang bibig sa kanyang tainga. “Hindi mo kilala ang binabangga mo, Ms. Perez.

  • My Loveless Marriage With Attorney Chandler    Chapter 9: Long Time No See

    “G-Grayson?” gulat na sambit ni Ada sa asawa. “Yeah, it's me. Not a ghost. Not a hallucination,”pilosopong sagot ni Grayson. “What are you doing here?” napalunok si Ada. Makikita sa mukha ni Grayson ang galit at pagkadismaya. Ngunit hindi alam ni Ada kung bakit ganito ang reaksyon ng asawa. Hindi ba't nasa bahay ito at nagpapasarap kasama si Sofia? “Why? You own this park? Your mom...” saglit itong napahinto sa pagsasalita na tila ba nagdalawang-isip o hindi sigurado sa sasabihin, “tumawag siya akin dahil hindi ka raw sumasagot. It turns out you were having a little sweet reunion with your childhood friend.” ‘Ay, taray? Kung makapagsalita na para bang hindi ko sila naabutang gumagawa ng milagro? Parang siya pa ang na-bitter, ah? Na para bang siya ang biktima dito. Ang galing din pala nitong umarte. Match made in heaven talaga sila ni Sofia.’ Tumingin ito sa ibang direksyon. Tila iniiwasan nitong ang makitang magkadikit silang dalawa ni

  • My Loveless Marriage With Attorney Chandler    Chapter 8: Surprise!

    “Z-Zach?! A-Anong ginagawa mo dito?” bulalas ni Alexa. “Come on. Am I not allowed to visit my girlfriend when I miss her?” nakangising sabi nito at sabay nag-wink kay Alexa. “Baliw! Eh, kasi, bigla ka nalang sumusulpot, eh! Kabute ka ba?” nahimasmasang sabi ni Alexa sa nobyo. “Sorry naman. Kanina pa kasi ako tawag ng tawag sa'yo. Hindi ka naman sumasagot so I just came to visit you. Pero wala ka rin sa condo mo and I noticed Ada's place was open.” “Oh, okay. Sorry about that. Pero paaala ko lang. What you heard today must stay within this room,” babala ni Alexa kay Zach. “I know. Hindi naman ako ganoong tao. I've known you both for a long time. I know what to do,” Zach reassured her. “T-Thank you, Zach,”halos walang boses na sabat ni Ada. “No problem. Just focus on yourself and the baby. Nandito lang kami para sa'yo,” paalala ni Zach at nilock na ang pinto. Nagpahinga muna siya habang nasa kusina ang magkasintahan upang m

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status