Share

Chapter 4: Unending Pain

Author: peonixxy
last update Huling Na-update: 2025-09-27 14:41:30

“No! Mommy! Don't leave me!” sigaw ni Grant nang marinig na maiiwan siya sa pamamahay ng kanyang abwela.

“I don't like grandma's house! I want to go home with you!” mas lalong humigpit ang pagkakayakap ng bata kay Ada at mas lalo ng umiyak hanggang mamaos ang boses nito.

Sa loob ng limang taong pag-aaruga ni Ada sa batang ito, ngayon lang niya ito nakitang umiyak ng ganito. Hindi niya maiwasang mag-alala. Bumuntong-hininga siya at tiningnan ang biyenan.

“Grant is too emotional to listen right now. Dadalhin ko muna siya. I will explain it to him when he's finally calm.”

Kinuha ni Ada ang kamay ng bata at inakay palabas ng sala. Gusto nang makaalis agad ni Grant kaya binibilisan nito ang paglalakad na parang takot maiwan kapag mabagal siya.

“Grant!”

Sa hindi inaasahan ni Ada, sumigaw si Sofia at humabol sa kanila.

Nasa parking area na sila nang biglang hatakin ni Sofia ang isang kamay ni Grant.

“Grant, baby, please don't go. Mom was wrong but she had her reasons. Mom loves you!”

“Bad woman! Let me go!”

Pinipilit tanggalin ni Grant ang pagkakahawak ni Sofia pero sobrang higpit nito. Namimilipit na rin siya sa sakit.

“Mom! Mom, please help me! This bad woman wants to take me away!”

Mariing tiningnan ni Ada si Sofia na animo'y tigreng galit. Narealize ni Sofia na hindi basta-bastang nagpapatalo si Ada pagdating kay Grant. Kaya, si Ada nalang ang pinunterya niya.

Tumingin si Sofia kay Ada na luhaan pero ang ganda pa rin at kung sino man ang nakakakita sa kanyang ganito ay talagang maaawa.

“Ada, nagmamakaawa ako sa ’yo. Grant is the child I risked my life to carry for nine months. Alam kong ikaw ang nag-aalaga sa kanya for the past five years, but a child is not a tool for you to use to bind Grayson. Huwag mo siyang gamitin sa ganito, okay?”

Ngayon, paawa effect na naman ang papel ni Sofia. Talagang kinareer nito ang pagiging actress. Gamit na gamit ang talent, eh.

Hindi makapaniwalang tiningnan ni Ada si Sofia. Really? Napakagaling talaga nitong umarte at talagang kuhang-kuha ang inis niya. Hindi niya alam kung bakit inakusahan siya ng biyenan at ni Sofia na pinagsamantalaan niya ang kamusmusan ng bata.

Humabol na rin sa kanila si Grace. Nang makitang mahigpit na hinawakan ni Ada si Grant, inutusan nito kaagad ang mga katulong para itulak siya palayo. Malakas ang pagkakatulak sa kanya at muntik na siyang mapasubsob sa mga halamang nakahilera sa gilid ng parking area.

Napahawak si Ada sa kanyang puson. Mas ramdam na niya ang sakit nito. Namimilipit niyang tiningnan si Grant habang pilit na dinadala pabalik kay Sofia at Grace.

“Let me go! I want to go home with my mom!” pagsisigaw at pagpupumiglas ng kawawang bata.

Tuluyan nang nawalan ng pag-asa si Ada habang pinapanood ang eksena. Ang isa ay lola ng bata at ang isa ay ang tunay na ina. Kumpara sa kanila, siya ay isang hamak na ‘outsider’ lamang.

Habang ganoon ang eksena, may biglang dumating na itim na Bentley. Nang marinig ito ni Ada, saktong paglingon niya ay iniluwa dito si Grayson. Naka-black suit ito at ipinagsisigawan ng awra nito ang kakisigan kahit sa seryosong ekspresyon.

Tinapunan lamang nito ng malamig at walang kaemo-emosyong tingin si Ada. Saka pa lamang nagbago ang ekspresyon ang mukha nito nang makita si Grant na walang humpay sa pag-iiyak.

“Come here, Grant!” tawag nito sa anak.

Kaagad naman itong binitawan ng mga maid. Nang makalapit na ito kay Grayson, kaagad itong nagsumbong.

“Dad, you're finally here!”

"What's wrong? Tell Dad what happened,” mahinahong hinaplos ni Grayson ang ulo ng bata.

Bago pa man makasagot si Grant, nasa tabi na nila si Sofia. Pinahid nito ang mga luha at pilit na ngumiti.

“It was all my fault. I didn't think it through and showed up rashly that's why he got a little emotional. I'm so sorry.”

Bumagsak ang dalawang balikat ni Ada. Parang family portrait ang nakikita niya. Sinampal na naman siya ng katotohanan. Ngayon ay ramdam niyang hindi na niya kayang pigilin pa ang luha na kanina pa nagbabadyang tumulo. Hindi na niya kaya. Gusto na niyang lisanin ang lugar na ito bago pa siya tuluyang maiyak. Ayaw niyang makita ng lahat na ganito siya kahina.

Tumalikod na si Ada nang walang pasabi. Para siyang lasing na naglalakad habang hawak ang masakit na puson. Kulang na lang ay gumapang siya. Wala na siyang pakialam pa kung ano ang iisipin nila. Ang gusto niya lang ay makaalis sa impyernong kinaroroonan.

“No! You are not my mom! You're a bad woman! ” sigaw na naman ni Grant. Hindi nito sinadyang mapalakas ang tulak kay Sofia at natapilok ito sa suot na heels.

Narinig pa ni Ada ang mga ito na nagkakagulo sa likod niya. Halatang nag-alala ang lahat. Nang malapit na siya sa kanyang kotse ay saka naman biglaang nangitim ang paningin niya. Mabuti na lang ay napigilan pa niya ang sarili na huwag matumba. Halos dalawang metro nalang ang layo niya sa kotse.

Nang biglang...

“Watch out! Get out of the way! I need to bring Sofia to the hospital!”

Umalingawngaw ang nag-aalalang boses ni Grayson habang binubuhat ng naka-bridal style si Sofia papuntang kotse nito. Dahil aligaga si Ada sa sariling karamdaman, hindi niya napansing siya pala ang sinisigawan ng asawa. Sobrang nanghihina na talaga siya. Nasagi lang ng takong ni Sofia ang kanyang braso ay tumilapon na kaagad siya.

Napahiga siya sa may bandang damuhan. Pakiramdam niya ay parang sinusuntok ang kanyang puson sa sakit habang unti-unting nilalamon ng kadiliman ang kanyang paningin. Bago pa siya tuluyang nawalan ng malay, ang huling eksenang nakikita niya ay ang kanyang asawang natataranta at alalang-alala para sa totoong ina ng kanyang anak. Napangiti siya ng mapakla at tuluyang pumikit. Kumawala sa kanyang mga mata ang luhang kanina pa niya pinipigilan. Luha ng isang taong nagdurusa at paulit-ulit na nasasaktan sa kabila ng pagbibigay ng lahat para sa kanyang taong minamahal

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • My Loveless Marriage With Attorney Chandler    Chapter 13

    Umuwi si Ada sa condo kasama si Grant. Hindi na sumama pa ang mga yaya at bodyguards. Pumayag nalang muna ang biyenang si Grace para makakain ng maayos ang bata. Kahit papaano ay concerned naman ito sa kalusugan ng apo. Panay banggit kasi ito na namimiss daw ang luto ni Ada at ayaw kumain. “Mommy, the eggs! Nasusunog na po!” Habang suot ang apron na dilaw at may pizza prints, napapitlag si Ada sa pagkakatulala sa kawalan nang marinig ang natatarantang boses ni Grant. May hangover parin siya sa engkwentro nilang dalawa ni Sofia kanina. Hanggang ngayon ay sobrang bigat pa rin ng kanyang pakiramdam habang iniisip ang lahat. “Naku! Oo, nga pala!” Nagkandaugaga niyang pinatay ang apoy pero huli na kasi nagiging uling na ang kabilang side nito. Hindi niya na rin napansin ang pagtulo ng luha sa kanyang mga mata. “Sorry, baby. Magluto nalang ako ulit.” Ginulo niya ang buhok ng bata at saka pinahid ang luha. Naghanda kaagad ulit siya ng pamalit sa na

  • My Loveless Marriage With Attorney Chandler    Chapter 12

    Tahimik lang si Ada habang kalong si Grant, pero sa loob-loob niya ay parang may nagliliyab. Hindi dahil sa sigaw ni Sofia, kundi dahil sa pagbalik ng sakit na ilang beses na niyang kinuyom — ang malaman na wala siyang laban sa tunay na ina ng batang minahal niya nang higit sa sariling kaligayahan. Pero ngayong nakikita niya ang pamumula ng pulsuhan ni Grant, biglang may tumarak na kakaibang sakit sa kanyang dibdib. Nasasaktan siya sa nakikita. Ni langaw ay ayaw niyang dapuan ang bata. ‘Kahit buntis ako. Kahit bawal akong ma-stress. Hindi ako papayag na apak-apakan na lang.’ Humigpit ang yakap niya sa bata. “Baby, go with Rosita muna. I’ll talk to this woman first.” “Ayoko! Mommy—” “Baby, please.” Mahinahon pero mariin ang boses ni Ada. “Go with Rosita. I’ll be fine.” Nag-aatubili man pero sumunod pa rin si Grant nung makita niyang hindi na nanginginig ang tinig ng ina. Tulad ng dati, si Ada pa rin ang pinakikinggan niya. Pagkaalis ng bata, nag-iba ang ihip ng hangin s

  • My Loveless Marriage With Attorney Chandler    Chapter 11: Other Mom

    Nakilala kaagad iyon ni Ada. That's Grant's voice. Mabilis niyang isinarado ang kotse pagkatapos itong i-park. Lakad-takbo ang ginawa niya para makapasok sa loob ng studio. Kaagad naman siyang pinagbigyan ng daan ng mga lalaking nakaitim ng suit. Sa gitna ng mga nagkukumpulang maid ay ang adopted son na halos gumugulong na sa sahig habang nagtatantrums. “I want my mommy back! Or else I won't eat!” pagmamatigas nito. “Young master, kailangan mong kumain muna. Your mom will be here soon,” pilit na inaamo ni Rosita ang bata. “Liar! All of you are liars! You told me she's here but she's not! Get away from me, you liars!” sigaw ni Grant habang umiiyak. Nang makita ni Ada ang bata, parang piniga ang puso niya. Kapansin-pansin ang pangangayayat nito. Hindi niya alam kung bakit nagkaganito ito. “Mommy!” Hindi pa man siya makapagsalita, kaagad na tumakbo palapit sa kanya ang bata nang makita siya nito. “Baby!”

  • My Loveless Marriage With Attorney Chandler    Chapter 10: Do You Dare?

    “Ms. Perez, I never knew you have this disgusting side. You are still married to my son. Wala ka man lang delikadesa. Kating-kati na ba at hindi na makapaghintay ng isang buwan? If my informants didn't tell me, hindi ko mapapatunayang may tinatago ka pala talagang kakatihan,” galit na pagtatalak ng biyenan habang nandidiring nakatingin kay Ada. Natameme nalang si Ada. Nawindang siya sa mga pinagsasabi ni Grace. Hindi niya alam kung ano ang pinagsasabi nito. Parang siya pa ang lumabas na masama. “Alam mo, Grace,” pagdidiin ni Ada sa pangalan nito. “Nakakawalang respeto ka. I already promised to leave your son alone. Tama na ang pagsunud-sunod sa akin, pwede ba? Buhay ko 'to. Ano'ng pakialam mo? If you only knew how much of a cheater your son is. Dapat sa mga kunsintidor ay mabulok sa impyerno, eh!” ganti ni Ada. “How dare you say that!” singhal ng biyenan at dahan-dahang inilapit ang bibig sa kanyang tainga. “Hindi mo kilala ang binabangga mo, Ms. Perez.

  • My Loveless Marriage With Attorney Chandler    Chapter 9: Long Time No See

    “G-Grayson?” gulat na sambit ni Ada sa asawa. “Yeah, it's me. Not a ghost. Not a hallucination,”pilosopong sagot ni Grayson. “What are you doing here?” napalunok si Ada. Makikita sa mukha ni Grayson ang galit at pagkadismaya. Ngunit hindi alam ni Ada kung bakit ganito ang reaksyon ng asawa. Hindi ba't nasa bahay ito at nagpapasarap kasama si Sofia? “Why? You own this park? Your mom...” saglit itong napahinto sa pagsasalita na tila ba nagdalawang-isip o hindi sigurado sa sasabihin, “tumawag siya akin dahil hindi ka raw sumasagot. It turns out you were having a little sweet reunion with your childhood friend.” ‘Ay, taray? Kung makapagsalita na para bang hindi ko sila naabutang gumagawa ng milagro? Parang siya pa ang na-bitter, ah? Na para bang siya ang biktima dito. Ang galing din pala nitong umarte. Match made in heaven talaga sila ni Sofia.’ Tumingin ito sa ibang direksyon. Tila iniiwasan nitong ang makitang magkadikit silang dalawa ni

  • My Loveless Marriage With Attorney Chandler    Chapter 8: Surprise!

    “Z-Zach?! A-Anong ginagawa mo dito?” bulalas ni Alexa. “Come on. Am I not allowed to visit my girlfriend when I miss her?” nakangising sabi nito at sabay nag-wink kay Alexa. “Baliw! Eh, kasi, bigla ka nalang sumusulpot, eh! Kabute ka ba?” nahimasmasang sabi ni Alexa sa nobyo. “Sorry naman. Kanina pa kasi ako tawag ng tawag sa'yo. Hindi ka naman sumasagot so I just came to visit you. Pero wala ka rin sa condo mo and I noticed Ada's place was open.” “Oh, okay. Sorry about that. Pero paaala ko lang. What you heard today must stay within this room,” babala ni Alexa kay Zach. “I know. Hindi naman ako ganoong tao. I've known you both for a long time. I know what to do,” Zach reassured her. “T-Thank you, Zach,”halos walang boses na sabat ni Ada. “No problem. Just focus on yourself and the baby. Nandito lang kami para sa'yo,” paalala ni Zach at nilock na ang pinto. Nagpahinga muna siya habang nasa kusina ang magkasintahan upang m

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status