Share

Chapter 5: Realization

Author: peonixxy
last update Last Updated: 2025-09-27 14:42:44

Nagising si Ada sa loob ng kanilang kwarto ni Grayson. Unang hinanap niya ang wall clock. Alas dose na pala ng umaga. Nagtaka siya kung sino ang nagdala sa kanya dito pagkatapos mawalan ng malay.

Maya-maya'y may narinig siyang yapak ng paa sa labas ng kwarto. Nang bumukas ang pintuan, pasipol-sipol na pumasok ang kanyang best friend na si Alexa. May dala itong tray ng pagkain. Nang maamoy niya ito, naramdaman niyang kumukulo ang kanyang sikmura sa gutom. Hindi pa pala siya kumakain simula kaninang umaga.

“L-Lex?”mahinang tawag ni Ada sa kaibigan.

“Ay pwet na kulubot! Gising ka na pala! Wala ka namang pasabi! ’Wag ganoon, madam!” gulat na sambit ng kaibigan. Halos matapon na ang laman ng tray nitong dala. Mabuti nalang at nailapag kaagad ito sa malapit na bedside table.

“Sorry...” nanghihinang sabi niya. “T-Teka bakit ka nandito?”

“Ay, grabe siya, oh! Bakit bawal ba ako dito?” nakapout na sabi nito.

“Hindi naman sa ganoon. Kasi–”

“Tinawagan lang naman ako ng magaling mong asawa para kuhanin ka sa bahay ng biyenan mong dragon. Nawalan ka daw ng malay.” Pinagkrus pa ang kamay nito sa dibdib sabay irap sa kanya.

Si Alexa lang ang bukod tanging nakakaalam sa kung anumang nangyayari sa kanila ni Grayson. Siyempre, ito ang kakampi niya sa lahat. Gusto pa nga nitong pagdivorce-in na sila agad noong one month palang silang kasal.

“A-Ah, thank you, best.” Nginitian niya ito ng pilit.

“Walang anuman. Gagawin ko ang lahat para sa‘yo. Alam mo naman 'yon, 'di ba? Kung hindi mo kayang alagaan ang sarili mo, sana naman ah alagaan mo para sa akin.”Tinaasan siya nito ng kilay at saka umiwas ng tingin.

Natahimik si Ada. Alam niya ang tinutukoy nito. Tungkol kay Grayson na naman. Alam na kaagad ni Alexa ang dahilan sa tuwing magkakaganito siya. Madalas siyang nahihimatay sa stress at pagod noon pa man.

“Sorry. I'll try my best.” Bumangon siya at tiningnan ang kaibigan.

“Oo na. Kahit puro pangako ka nalang.” Kinuha nito ang tray at nilapag sa harapan niya.

“Thank you. Hindi ko alam ang gagawin kung wala ka,” marahan niya itong nginitian.

“Sige na. ’Wag mo na akong bolahin pa. Kumain ka na at aalis na rin ako. Babalik pa ako sa clinic.”

Kinuha nito ang sling bag at isinukbit sa balikat. Nag-flying kiss pa ito bago umalis.

Binalot ng katahimikan ang buong kwarto. Hindi niya maiwasang mapatingin sa picture frame kung saan nakalagay ang larawang kuha noong gumala sila sa mall at naglaro ng arcade games noong nakaraang birthday ni Grant. Ang saya nilang tatlo. Habang tinitigan niya ito, biglang pumalit sa pwesto niya si Sofia. Muli na namang bumigat ang kanyang pakiramdam.

Nanumbalik sa kanyang sistema ang lahat ng ginawang panloloko ni Grayson sa kanya mula noon hanggang ngayon. Parang naka-fastforward sa utak niya ang mga imaheng kasama ni Grayson si Sofia na nagsasaya at naglalambingan, ang mga matatamis na pagpapalitan nito ng mensahe...

Dito niya napagtanto na may rason naman pala si Grayson. Pero ang labis na ikinagalit niya ay kung bakit hindi ito kaagad nakipaghiwalay sa kanya. Bakit kailangan niya pang pagdusahin siya ng matagal kung nagkabalikan na pala sila ni Sofia?

Napakasakit at napaka-unfair nito sa part niya! Hindi pa ba sapat na kabayaran sa patulong nito sa kanyang ina ang paninilbihan niya rito ng limang taon bilang asawa? Hindi pa ba sapat na mahalin at alagaan niya ng buong puso ang adopted son nito? Kailangan pa bang sirain nito ang buong pagkatao niya?

Sa relasyong ito, si Ada ang palaging accommodating at mapagkumbaba. Kahit nagmumukha na siyang tanga at sunud-sunuran, bakit hindi man lang makita ni Grayson ang mga sakripisyo at paghihirap niya?

Oo na't kasalanan ni Ada ang mahalin ang isang taong hindi naman dapat mahalin. Maliwanag pa sa sikat ng araw ang kanilang kasunduan na walang feelings ang dapat mainvolve dito. Pero hindi niya pa rin maiwasang magmahal. Kaya deserve niya ang kinahinatnan ngayon, ‘di ba? Ang landi-landi niya kasi!

Kung may ibang paraan lang sana siya noon, hinding-hindi siya magpapakasal ng padalos-dalos. Ang lahat ng ito ay para sa kanyang ina. Hindi siya pwedeng magsisi ngayon dahil nangako siyang gagawin niya ang lahat para makalabas ito sa kulungan.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • My Loveless Marriage With Attorney Chandler    Chapter 5: Realization

    Nagising si Ada sa loob ng kanilang kwarto ni Grayson. Unang hinanap niya ang wall clock. Alas dose na pala ng umaga. Nagtaka siya kung sino ang nagdala sa kanya dito pagkatapos mawalan ng malay. Maya-maya'y may narinig siyang yapak ng paa sa labas ng kwarto. Nang bumukas ang pintuan, pasipol-sipol na pumasok ang kanyang best friend na si Alexa. May dala itong tray ng pagkain. Nang maamoy niya ito, naramdaman niyang kumukulo ang kanyang sikmura sa gutom. Hindi pa pala siya kumakain simula kaninang umaga. “L-Lex?”mahinang tawag ni Ada sa kaibigan. “Ay pwet na kulubot! Gising ka na pala! Wala ka namang pasabi! ’Wag ganoon, madam!” gulat na sambit ng kaibigan. Halos matapon na ang laman ng tray nitong dala. Mabuti nalang at nailapag kaagad ito sa malapit na bedside table. “Sorry...” nanghihinang sabi niya. “T-Teka bakit ka nandito?” “Ay, grabe siya, oh! Bakit bawal ba ako dito?” nakapout na sabi nito. “Hindi naman sa ganoon. Kasi–”

  • My Loveless Marriage With Attorney Chandler    Chapter 4: Unending Pain

    “No! Mommy! Don't leave me!” sigaw ni Grant nang marinig na maiiwan siya sa pamamahay ng kanyang abwela. “I don't like grandma's house! I want to go home with you!” mas lalong humigpit ang pagkakayakap ng bata kay Ada at mas lalo ng umiyak hanggang mamaos ang boses nito. Sa loob ng limang taong pag-aaruga ni Ada sa batang ito, ngayon lang niya ito nakitang umiyak ng ganito. Hindi niya maiwasang mag-alala. Bumuntong-hininga siya at tiningnan ang biyenan. “Grant is too emotional to listen right now. Dadalhin ko muna siya. I will explain it to him when he's finally calm.” Kinuha ni Ada ang kamay ng bata at inakay palabas ng sala. Gusto nang makaalis agad ni Grant kaya binibilisan nito ang paglalakad na parang takot maiwan kapag mabagal siya. “Grant!” Sa hindi inaasahan ni Ada, sumigaw si Sofia at humabol sa kanila. Nasa parking area na sila nang biglang hatakin ni Sofia ang isang kamay ni Grant. “Grant, baby, please don't go. Mom was wrong but she had her reaso

  • My Loveless Marriage With Attorney Chandler    Chapter 3: Delusions

    Binalot ng katahimikan ang buong sala. Ang tanging naririnig ni Ada ay ang dumadagundong na tibok ng kanyang puso. Natulala na lang siya habang paulit-ulit na nagrereplay sa utak ang sinabi ng biyenan. “A-Ano? H-Hindi ba't patay na ang totoong magulang ni Grant?” Hindi napigilan ni Ada ang mautal. Parang may kadenang pumulupot sa kanyang lalamunan pero pinipilit niya pa ring kumalma kahit gusto na niyang magwala. ‘Bakit buhay ka pa? O multo ka nalang ngayon?’ nais niyang sabihin. Ibig sabihin ba nito ay kukunin na si Grant ng kanyang totoong ina? Hindi maipagkakailang napamahal na siya sa batang ito. Makakaya niya kaya? Pero anong magagawa niya? Tumingin sa kanya si Sofia nang may mapanudyong ekspresyon. “Five years ago, I have to hide my relationship with Grant due to my career and company contract reasons.” Nang marinig ito ni Ada, biglang may isang ideyang pumasok sa isip niya. Parang gusto na niyang masuka sa labis na kaba at masamang pakiramdam ng sikmura niya.

  • My Loveless Marriage With Attorney Chandler    Chapter 2: Grayson Has Been Lying To Me All Along

    Nagising si Ada sa malakas na tunog ng kanyang cellphone. Pilit niyang idinilat ang namumugtong mata para abutin ito. May tumatawag. Sino naman kaya ang tatawag sa kanya ng ganitong kaaga? Hindi pa nga sumikat ang araw. ‘Mommy Grace calling’ Napairap siya nang makita ang pangalan ng biyenan. Kailangan na pala niya dapat palitan ang contact name nito. Dapat ‘Grace’ o di kaya'y 'Bruha' nalang. “Pumunta ka dito, ngayon din,” malamig at seryosong sabi nito sa nang-uutos na paraan, dahilan para hindi siya makatanggi. Walang emosyon siya sumagot at kaagad ding tinapos ni Grace ang tawag. Sa loob ng limang taong lihim na kasal kay Grayson, kailanman ay hindi siya nagustuhan ni Grace. Pero sanay na si Ada rito. Sa katunayan, isa ang mga Chandler sa mga makapangyarihang pamilya sa kanilang lugar. Bagama't siya ay mula sa mayamang pamilya ng mga Perez, hindi naman maayos ang pagtrato ng mga ito sa kanya. She is an unfavored abandoned daughter. Limang taon na ang mak

  • My Loveless Marriage With Attorney Chandler    Chapter 1: Business Trip Gone Wrong

    Parang kaluluwang nakalutang si Adaghlia Perez habang naglalakad papunta sa loob ng isang mamahaling restaurant. Sinalubong kaagad siya ng amoy ng scented candles. Mayroon ding mga petals ng bulaklak sa sahig. Nasa entrance palang siya ay natatanaw na niya ang dalawang taong halos magkatagpo na ang mga nguso kahit may mesang nakapagitan. Walang ibang tao sa lugar maliban sa mga staff at musicians na tumutugtog ng romantikong awitin. Sigurado siyang nirentahan ng dalawa ang lugar na ito para makapag-lovey dovey ito ng walang istorbo. Bawat hakbang niya'y pabigat ng pabigat. Lakad ng ilang taong poot, pagtitimpi at pagkadismaya. Halos bumabaon na ang takong ng kanyang heels sa sahig ng establisyemento. Napatingin kaagad ang dalawa sa kanyang direction. Natigilan ang mga ito sa pagsusubuan, parang nakakita ng multo. Sandaling namutla ang babae pero kaagad ding bumalik ang normal na ekspresyon at postura. Pasimple pang itinaas ang isang kilay nito at umi

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status