LOGIN“If you're still holding on to that legal wife card, then do whatever you want. You only have one month left, remember?” parang nag-aalinlangang sagot ni Grayson.
Hindi man lang ito na-threaten sa banta ni Ada. Parang alam na alam nito ang ginagawa at ang mga posibleng mangyari. Parang napakakumpiyansa nito. “You will see it sooner, Grayson. ‘Wag kang atat. Asikasuhin mo 'yang kabit mo at baka matuluyan 'yan,”matatag na sabi ni Ada sabay irap kay Sofia na nanginginig sa hapdi habang hawak ang namamagang pisngi. Napuruhan yata pati panga. “You will definitely pay for this, Adaghlia,” galit na banta ni Sofia. “Kailan ba? Ang tagal mo nang sinasabi sa akin 'yan, ah? Baka pumuti na ang uwak at hindi mo pa 'yan magawa-gawa. Kung may ghost projects, may ghost threats din pala.” Ngumisi si Ada ng nakakaasar dito. “Just you wait! Let's go, sweetheart! I think she broke my jaw,”utos nito kay Grayson. At ang magaling niyang asawa ay sumunod naman kaagad na para bang inosenteng tuta. Tahimik lang at walang reklamo. Napansin ni Ada na ilang araw na itong tahimik na parang aligaga at may malalim na iniisip. Na kahit sobrang gulo na ng paligid, hindi pa rin ito lumalabas sa sariling mundo. Halata na rin ang dark circles nito sa mata. Parang laging puyat. Nang dumaan ang dalawa sa harapan ni Ada, gumanti rin si Sofia ng irap. Napailing na lang si Ada. Mabuti na lang talaga at walang sinuman ang nakakakita sa kanila kanina. Private hospital kasi ito kaya hindi masyadong matao. Mostly, mga bigating personalidad at mayayaman ang nandirito. May access lang si Ada sa hospital na ito dahil kay Grayson. Nang makalabas na ng hospital, tinawagan ni Ada si Manong Rommy. Maya-maya pa'y dumating na ito at nagpahatid papunta sa sariling condo unit kung saan katabi lang ng unit ni Alexa. Pagkabukas niya palang ng pinto, bumungad sa kanya ang amoy ng lavender air freshener. Namiss niya ito. Sa loob limang taon paninirahan sa poder ni Grayson bilang asawa, mabibilang lang sa daliri ang mga pagkakataong nakapagbisita siya dito. Tanging ang caretaker lang ang nandito bawat linggo para maglinis, si Aling Nena. Habang tinitingnan ni Ada ang kabuuan ng sala, biglang tumunog ang kanyang cellphone. Si Alexa pala. Umupo muna siya sa kulay dark green na velvet sofa at saka ipinatong sa glass table ang bitbit na handbag. “Hey, welcome back, neighbor,”masiglang bati nito sa kabilang linya. “Anong gusto mong foods mamaya for dinner? Ako na ang bibili.” Alam ni Ada na si Manong Rommy ang nagsabi sa kaibigan na nakarating na sya sa condo niya. Napangiti nalang siya dito. “As usual,”maikling sagot niya. “Okay lang ba 'yon?” pag-aalinlangang sabi ni Alexa. “Oo naman. Anong pakialam ko sa kanila?” pasimple siyang napairap sa kisame. “Hay! Finally! I'll buy your favorites. My treat!” “Thank you, best! You're the best!” “Sure! See you later.” “See you.” May sinusunod kasi siyang strict diet dahil pinapakialaman ng kanyang biyenan pati ang mga kakainin niya. Ayaw daw nito ng may malabalyenang pigura ang asawa ng kanyang anak. Nakakahiya daw sa mga kaibigan nitong sosyalin. Pati na ang kanyang balat at buhok. Gusto nito ng perpektong daughter-in-law sa lahat ng aspeto. Pero ngayon, wala nang pakialam si Ada. Para siyang ibong nakalaya sa kulungan. Makakakain na siya ng mga paborito niyang pagkain nang walang nagtatalak dahil baka daw tumaba siya. Napabuntong-hininga nalang siya. Ganoon pala siya kasunud-sunuran. At ipinangako niyang wala siyang balak na makita ulit ang sarili sa ganoong sitwasyon. Pagkatapos niyang ilapag ang kanyang cellphone sa mesa, biglang umiikot ang kanyang paningin. Kasabay nito ang pag-iba ng kanyang pangamoy na para bang tumagos sa kanyang baga ang amoy ng lavender na air freshener. Parang babaligtad na ang kanyang sikmura kaya pasuray-suray siyang naglakad papunta sa CR. Mabuti na lang at umabot siya sa bowl at doon ibinuga ang laman ng kanyang tiyan. Nanlamig ang kanyang paa, kamay, at batok. Halos kalahating oras din siya doon bago pa naging okay ang kanyang pakiramdam. Wala na siyang ibang naisip pang dahilan. Malakas ang kanyang kutob na nagsasabing tama ang nasa isip niya. Dali-dali niyang kinuha ang isang bagay sa kanyang handbag at bumalik ulit sa CR. Pagkatapos ng ilang minuto... Para siyang kaluluwang nakalutang sa hangin. Ang lakas ng kabog ng kanyang puso. Magkahalong emosyon. Hindi niya mawari kung ano ang dapat niyang maramdaman. Pero sigurado siyang hindi niya ito pinagsisihan at tanggap niya ito ng buong puso. Nakatulala lang si Ada sa kawalan habang hawak ang pregnancy test na may dalawang violet na linya. Hindi niya namalayan ang sunud-sunod na tunog ng doorbell. Maya-maya pa'y iniluwa nito si Alexa na alalang-alala. “Ano'ng nangyari? Ayos ka lang ba? Bakit ang putla mo?” sunud-sunod na tanong nito matapos ilagay sa ibabaw ng glass table ang dalang mga pagkain. Hindi pa rin natinag si Ada. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Dahil wala pa rin siyang imik, si Alexa na mismo ang nakakita sa pregnancy test na hawak niya. “Oh, my God! T-totoo ba ‘to?” Napaatras ito habang nanlalaki ang mata sabay takip ng bibig. “Y-You‘re pregnant...” Matamlay na tiningnan ni Ada ang kaibigan na gulat na gulat pa rin sa balita. Tumango lang siya sa kaibigan bilang pagkumpirma. “I'm... I'm so happy for you... Magiging tita na ako.” Kaagad na yumakap si Alexa sa kanya habang naluluha sa saya. Hindi pa rin siya nagsasalita. Gulung-gulo ang isip niya. “Hey, are you okay?” nag-aalalang tanong ni Alexa pagkatapos bumitaw ng yakap. Namayani ang katahimikan ng ilang segundo. Inobserbahan muna siya ng kaibigan bago ito nagsalita. “If you're worried about Grayson and Tita Grace, huwag kang mag-alala. I'll always be here to support you.” Tama nga ang kaibigan. Nahulaan kaagad nito ang iniisip niya. Alam niya ang ugali ng biyenan. Literal na lahat ng gusto nito ay nakukuha nito. Paano na lang kung kukunin nito ang anak niya? “Who's pregnant?” Halos magsiliparan na ang kaluluwa nilang dalawa dahil sa gulat. Hindi nila napansin ang pigurang kanina pa nakatayo sa nakabukas na pinto ng condo.Umuwi si Ada sa condo kasama si Grant. Hindi na sumama pa ang mga yaya at bodyguards. Pumayag nalang muna ang biyenang si Grace para makakain ng maayos ang bata. Kahit papaano ay concerned naman ito sa kalusugan ng apo. Panay banggit kasi ito na namimiss daw ang luto ni Ada at ayaw kumain. “Mommy, the eggs! Nasusunog na po!” Habang suot ang apron na dilaw at may pizza prints, napapitlag si Ada sa pagkakatulala sa kawalan nang marinig ang natatarantang boses ni Grant. May hangover parin siya sa engkwentro nilang dalawa ni Sofia kanina. Hanggang ngayon ay sobrang bigat pa rin ng kanyang pakiramdam habang iniisip ang lahat. “Naku! Oo, nga pala!” Nagkandaugaga niyang pinatay ang apoy pero huli na kasi nagiging uling na ang kabilang side nito. Hindi niya na rin napansin ang pagtulo ng luha sa kanyang mga mata. “Sorry, baby. Magluto nalang ako ulit.” Ginulo niya ang buhok ng bata at saka pinahid ang luha. Naghanda kaagad ulit siya ng pamalit sa na
Tahimik lang si Ada habang kalong si Grant, pero sa loob-loob niya ay parang may nagliliyab. Hindi dahil sa sigaw ni Sofia, kundi dahil sa pagbalik ng sakit na ilang beses na niyang kinuyom — ang malaman na wala siyang laban sa tunay na ina ng batang minahal niya nang higit sa sariling kaligayahan. Pero ngayong nakikita niya ang pamumula ng pulsuhan ni Grant, biglang may tumarak na kakaibang sakit sa kanyang dibdib. Nasasaktan siya sa nakikita. Ni langaw ay ayaw niyang dapuan ang bata. ‘Kahit buntis ako. Kahit bawal akong ma-stress. Hindi ako papayag na apak-apakan na lang.’ Humigpit ang yakap niya sa bata. “Baby, go with Rosita muna. I’ll talk to this woman first.” “Ayoko! Mommy—” “Baby, please.” Mahinahon pero mariin ang boses ni Ada. “Go with Rosita. I’ll be fine.” Nag-aatubili man pero sumunod pa rin si Grant nung makita niyang hindi na nanginginig ang tinig ng ina. Tulad ng dati, si Ada pa rin ang pinakikinggan niya. Pagkaalis ng bata, nag-iba ang ihip ng hangin s
Nakilala kaagad iyon ni Ada. That's Grant's voice. Mabilis niyang isinarado ang kotse pagkatapos itong i-park. Lakad-takbo ang ginawa niya para makapasok sa loob ng studio. Kaagad naman siyang pinagbigyan ng daan ng mga lalaking nakaitim ng suit. Sa gitna ng mga nagkukumpulang maid ay ang adopted son na halos gumugulong na sa sahig habang nagtatantrums. “I want my mommy back! Or else I won't eat!” pagmamatigas nito. “Young master, kailangan mong kumain muna. Your mom will be here soon,” pilit na inaamo ni Rosita ang bata. “Liar! All of you are liars! You told me she's here but she's not! Get away from me, you liars!” sigaw ni Grant habang umiiyak. Nang makita ni Ada ang bata, parang piniga ang puso niya. Kapansin-pansin ang pangangayayat nito. Hindi niya alam kung bakit nagkaganito ito. “Mommy!” Hindi pa man siya makapagsalita, kaagad na tumakbo palapit sa kanya ang bata nang makita siya nito. “Baby!”
“Ms. Perez, I never knew you have this disgusting side. You are still married to my son. Wala ka man lang delikadesa. Kating-kati na ba at hindi na makapaghintay ng isang buwan? If my informants didn't tell me, hindi ko mapapatunayang may tinatago ka pala talagang kakatihan,” galit na pagtatalak ng biyenan habang nandidiring nakatingin kay Ada. Natameme nalang si Ada. Nawindang siya sa mga pinagsasabi ni Grace. Hindi niya alam kung ano ang pinagsasabi nito. Parang siya pa ang lumabas na masama. “Alam mo, Grace,” pagdidiin ni Ada sa pangalan nito. “Nakakawalang respeto ka. I already promised to leave your son alone. Tama na ang pagsunud-sunod sa akin, pwede ba? Buhay ko 'to. Ano'ng pakialam mo? If you only knew how much of a cheater your son is. Dapat sa mga kunsintidor ay mabulok sa impyerno, eh!” ganti ni Ada. “How dare you say that!” singhal ng biyenan at dahan-dahang inilapit ang bibig sa kanyang tainga. “Hindi mo kilala ang binabangga mo, Ms. Perez.
“G-Grayson?” gulat na sambit ni Ada sa asawa. “Yeah, it's me. Not a ghost. Not a hallucination,”pilosopong sagot ni Grayson. “What are you doing here?” napalunok si Ada. Makikita sa mukha ni Grayson ang galit at pagkadismaya. Ngunit hindi alam ni Ada kung bakit ganito ang reaksyon ng asawa. Hindi ba't nasa bahay ito at nagpapasarap kasama si Sofia? “Why? You own this park? Your mom...” saglit itong napahinto sa pagsasalita na tila ba nagdalawang-isip o hindi sigurado sa sasabihin, “tumawag siya akin dahil hindi ka raw sumasagot. It turns out you were having a little sweet reunion with your childhood friend.” ‘Ay, taray? Kung makapagsalita na para bang hindi ko sila naabutang gumagawa ng milagro? Parang siya pa ang na-bitter, ah? Na para bang siya ang biktima dito. Ang galing din pala nitong umarte. Match made in heaven talaga sila ni Sofia.’ Tumingin ito sa ibang direksyon. Tila iniiwasan nitong ang makitang magkadikit silang dalawa ni
“Z-Zach?! A-Anong ginagawa mo dito?” bulalas ni Alexa. “Come on. Am I not allowed to visit my girlfriend when I miss her?” nakangising sabi nito at sabay nag-wink kay Alexa. “Baliw! Eh, kasi, bigla ka nalang sumusulpot, eh! Kabute ka ba?” nahimasmasang sabi ni Alexa sa nobyo. “Sorry naman. Kanina pa kasi ako tawag ng tawag sa'yo. Hindi ka naman sumasagot so I just came to visit you. Pero wala ka rin sa condo mo and I noticed Ada's place was open.” “Oh, okay. Sorry about that. Pero paaala ko lang. What you heard today must stay within this room,” babala ni Alexa kay Zach. “I know. Hindi naman ako ganoong tao. I've known you both for a long time. I know what to do,” Zach reassured her. “T-Thank you, Zach,”halos walang boses na sabat ni Ada. “No problem. Just focus on yourself and the baby. Nandito lang kami para sa'yo,” paalala ni Zach at nilock na ang pinto. Nagpahinga muna siya habang nasa kusina ang magkasintahan upang m







