Mag-log in“Oh, my! Look who's here!” matinis at maarteng sabi ni Sofia.
Natigilan si Ada sa pagkakalikot ng kanyang cellphone. Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Naguguluhan siya kung haharapin ba niya ang dalawa o magpatuloy sa paglalakad at magkunyaring wala siyang narinig. Baka kasi maiyak pa siya sa harap ng mga ito. Pero kung hindi siya namamansin, baka akalain ng mga ito na ang weak niya at sobrang apektado siya. Humugot si Ada ng malalim na hininga at hinarap ang dalawa. Nakaupo si Sofia sa wheelchair at may cast ang isang paa habang tinutulak ito ni Grayson. He is looking expressionless at para bang bored na bored. “Yes? Do you have a problem with that?” Hindi niya maiwasang maglabas ng inis kahit nanginginig ang lalamunan. Anytime, maiiyak na siya. “Uhm, nothing. Nakaharang ka kasi sa daan, eh,”malambing, mabait, at mala-anghel na sagot ni Sofia, na para bang hindi pa ito nagkasala kailanman. Pero makikitang bahagyang tumaas ang isang sulok ng labi nito. “Nakaharang? Are you...” pinasadahan niya ng matalim na tingin si Grayson, ang dakilang tagatulak, “blind? Napakaluwag ng hallway, oh! Ano ka? Santong ipinaparada?” “You, bitch! What did you just say?” kaagad na lumabas ang masamang bruhang nakakubli sa anghel-anghelan nitong mukha. “That's enough. Come on, let's go,” saway ni Grayson sa kanila. Pero walang may balak magpaawat sa kanilang dalawa. “No. I'm not yet done with this bitch right here,” mariing pigil ni Sofia kay Grayson nang nagsimulang itulak nito ang wheelchair. ‘At ako pa talaga ang tinawag niyang bitch? Sobrang kapal talaga ng babaeng ito.’ Ang lakas ng loob na unahan si Ada pero siya itong ang bilis mapikon! Dahil dito, umurong ang luha niya. Umandar na naman ang kanyang mapang-asar na ugali. Siya kasi 'yong tipo ng taong mas ginaganahan mang-asar sa mga mabibilis mapikon, lalo na't siya ang inuunahan. “Huh? I didn't say anything. Baka kailangan mo nang maglinis ng tenga. Now if you'll excuse me. Wala akong oras para sa mga taong katulad niyo,” matabang na sabi ni Ada at tinapunan ng nandidiring ekspresyon ang dalawa. Ngunit bago pa man siya makalakad palayo, halos matumba siya sa pwersang humila sa kanya pabalik sa pamamagitan ng kanyang buhok. “At sinong may sabing makakaalis ka nang ganoon-ganoon na lang?” galit na galit na sabi ni Sofia. Mahigpit itong nakahawak sa dulo ng kanyang buhok. Umabot na kasi sa kanyang beywang ang haba nito kaya ang dali nitong nahahablot kahit nakawheelchair si Sofia. “Hey, stop it, Sofia. That's enough!” Naalarma na si Grayson. May halong pag-aalala at guilt ang gumuhit sa mukha nito. Hinawakan na nito ang kamay ni Sofia para tanggalin sa pagkakahawak sa buhok ni Ada. Ngunit hindi man lang natinag si Sofia. Pilit pa rin nitong hinihila ang kanyang buhok. Pero kahit ramdam ni Ada na parang matatanggal na ang kanyang anit sa sakit, nanatili siyang kalmado. Tiningnan niya ng diretso si Sofia sa mata at walang pasabing dinakot ang leeg nito gamit ang isang kamay. “Fucking let me go or you'll break another bone. But this time, it will be your neck.” Walang pasabing diniinan ni Ada ang pagkakahawak sa leeg ni Sofia. Mabilis na namula ang makinis at maputi nitong balat. Kaagad itong namutla dahil sa takot at parang hinihingal, hindi dahil sa pagkakasakal kundi sa kaba. Napabitaw kaagad si Sofia at umastang hinihimatay. Alam ni Ada ang ginagawa. Hindi naman siya ganoon kasama. Gusto lang niya itong turuan ng leksyon at magbunton ng sama ng loob dahil sa panloloko ng dalawa sa kanya. “Hey, stop it, both of you!” sabat ni Grayson. “Ada, you're being too much! You're going to kill her!” Mabilis nitong sinubukang tanggalin ang kamay ni Ada. Biglang natigilan si Ada. Hindi dahil ayaw niyang mapasobra sa ginagawa, kundi dahil ramdam niya ang labis na pag-aalala ng asawa kay Sofia na kailanman ay hindi niya pa nararanasan. Na para bang ipinamukha nito na siya ang may kasalanan, na siya ang puno't dulo ng lahat. Kahit ang totoo ay nananahimik lang siya kanina at itong ‘kabet’ ang nagsimula ng gulo. Binitawan ni Ada ang leeg ni Sofia. Inuubo-ubo pa ito kahit hindi naman masyadong mahigpit. Artistahin talaga. “What the hell is wrong with you, Ada?!” bulyaw sa kanya ni Grayson. “Ouch, my neck! I'll make sure you'll pay for this, you bitch!” matuwid na sigaw ni Sofia sa pagmumukha ni Ada. “Really, Grayson? Ako pa talaga ang may kasalanan? Ayaw mo pala ng gulo, eh. Edi dapat pinigilan mo 'yang kabet mo na 'yan simula't sapul pa lang! Kunsintidor 'yan?” Hindi makaimik si Grayson. Parang ngayon lang nito narealize ang pinaggagagawa. Pero bakas sa mukha nito na naguguluhan ito at para bang may ibang iniisip. All of a sudden, nagfa-flash sa kanyang isipan ang dating sweet, caring, mapagmahal, at mahinanon na Adaghlia Perez. Napakalaking kabaligtaran nitong Ada na nasa harapan niya ngayon. Binalingan naman ng tingin ni Ada si Sofia na panay ubo ng peke. “At ikaw, you already got the man. You already have his child. I*****k mo pa ang lalaking 'yan sa baga mo, wala akong pakialam. Why can't you leave me alone? Aren't you powerful, rich, and a thousand times better than me? Why are you so threatened by my presence? What are you so afraid of? Well, kung ako ang nasa position mo, I'd also feel threatened because as long as the man is legally married, you will always be a mistress.” Sobrang sumimangot ang mukha ni Sofia. Halos magkatagpo na ang dalawang kilay nito. Halatang nasapol sa sinabi niya. “You! I knew you're just like your mother! Pareho kayong mamamatay-tao! Murderer!” sigaw nito, halos puputok na ang litid nito sa leeg. Nanlaki ang mata ni Ada nang marinig iyon. Para itong sirang plaka na paulit-ulit na umalingawngaw sa tenga niya. Bumilis ang tibok ng kanyang puso. Wala na siyang maramdaman kundi purong galit. Insultuhin na siya ng kung anu-anong masasakit na salita, huwag lang ang mommy niya. Isa ito sa pinakaayaw niyang mangyari. Sa pagkakataong ito, hindi na niya napigil ang kamay at nasampal ng pagkalakas-lakas si Sofia. Halos tumilapon ito sa wheelchair. “Ouch! Oh my god! My face!” napaiyak sa sakit si Sofia. Humulma ba naman ang buong palad ni Ada sa mukha nito. “W-What did you just do, Ada?! Are you fucking insane? She just broke her ankle because of you! Hindi ka pa ba nakontentong sakalin siya and now you slapped her? Look, Ada. Whatever happens to you because of your recklessness, it's beyond my control anymore. ” Umiigting ang panga ni Grayson sa galit. Halos lamunin na nito ng buhay si Ada. Pero ang tono nito ay parang may halong pag-aalala. “Hindi mo ba nakita at kailangan mo pang magtanong? Yes, I did slap her. And no, I'm not scared. I am no lawyer like you, Grayson. But I am still your legal wife. Whatever tricks you're going to play to twist the facts, I have so many countermeasures. Hindi porket abogado ka, malulusutan mo na ang lahat.”“Oh, my! Look who's here!” matinis at maarteng sabi ni Sofia. Natigilan si Ada sa pagkakalikot ng kanyang cellphone. Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Naguguluhan siya kung haharapin ba niya ang dalawa o magpatuloy sa paglalakad at magkunyaring wala siyang narinig. Baka kasi maiyak pa siya sa harap ng mga ito. Pero kung hindi siya namamansin, baka akalain ng mga ito na ang weak niya at sobrang apektado siya. Humugot si Ada ng malalim na hininga at hinarap ang dalawa. Nakaupo si Sofia sa wheelchair at may cast ang isang paa habang tinutulak ito ni Grayson. He is looking expressionless at para bang bored na bored. “Yes? Do you have a problem with that?” Hindi niya maiwasang maglabas ng inis kahit nanginginig ang lalamunan. Anytime, maiiyak na siya. “Uhm, nothing. Nakaharang ka kasi sa daan, eh,”malambing, mabait, at mala-anghel na sagot ni Sofia, na para bang hindi pa ito nagkasala kailanman. Pero makikitang bahagyang tumaas ang isang sulok n
Nang magising si Ada, unang sumalubong sa kanya ang puting kisame. Sa amoy palang ng kwartong ito, alam niyang nasa hospital siya. Maya-maya'y may narinig siyang yapak ng paa sa labas ng kwarto. Nang bumukas ang pintuan, pasipol-sipol na pumasok ang kanyang best friend na si Alexa. May dala itong tray ng pagkain. Nang maamoy niya ito, naramdaman niyang kumukulo ang kanyang sikmura sa gutom. Hindi pa pala siya kumakain simula kaninang umaga. “L-Lex?”mahinang tawag ni Ada sa kaibigan. “Ay pwet na kulubot! Gising ka na pala! Wala ka namang pasabi! ’Wag ganoon, madam!” gulat na sambit ng kaibigan. Halos matapon na ang laman ng tray nitong dala. Mabuti nalang at nailapag kaagad ito sa malapit na mini table. “Sorry...” nanghihinang sabi niya. “T-Teka bakit ka nandito?” “Ay, grabe siya, oh! Bakit bawal ba ako dito?” nakapout na sabi nito. “Hindi naman sa ganoon. Kasi–” “Tinawagan lang naman ako ng magaling mong asawa para kuhanin ka sa bahay ng biyenan mong dragon. Naw
“No! Mommy! Don't leave me!” sigaw ni Grant nang marinig na maiiwan siya sa pamamahay ng kanyang abwela. “I don't like grandma's house! I want to go home with you!” mas lalong humigpit ang pagkakayakap ng bata kay Ada at mas lalo ng umiyak hanggang mamaos ang boses nito. Sa loob ng limang taong pag-aaruga ni Ada sa batang ito, ngayon lang niya ito nakitang umiyak ng ganito. Hindi niya maiwasang mag-alala. Bumuntong-hininga siya at tiningnan ang biyenan. “Grant is too emotional to listen right now. Dadalhin ko muna siya. I will explain it to him when he's finally calm.” Kinuha ni Ada ang kamay ng bata at inakay palabas ng sala. Gusto nang makaalis agad ni Grant kaya binibilisan nito ang paglalakad na parang takot maiwan kapag mabagal siya. “Grant!” Sa hindi inaasahan ni Ada, sumigaw si Sofia at humabol sa kanila. Nasa parking area na sila nang biglang hatakin ni Sofia ang isang kamay ni Grant. “Grant, baby, please don't go. Mom was wrong but she had her reaso
Binalot ng katahimikan ang buong sala. Ang tanging naririnig ni Ada ay ang dumadagundong na tibok ng kanyang puso. Natulala na lang siya habang paulit-ulit na nagrereplay sa utak ang sinabi ng biyenan. “A-Ano? H-Hindi ba't patay na ang totoong magulang ni Grant?” Hindi napigilan ni Ada ang mautal. Parang may kadenang pumulupot sa kanyang lalamunan pero pinipilit niya pa ring kumalma kahit gusto na niyang magwala. ‘Bakit buhay ka pa? O multo ka nalang ngayon?’ nais niyang sabihin. Ibig sabihin ba nito ay kukunin na si Grant ng kanyang totoong ina? Hindi maipagkakailang napamahal na siya sa batang ito. Makakaya niya kaya? Pero anong magagawa niya? Tumingin sa kanya si Sofia nang may mapanudyong ekspresyon. “Five years ago, I have to hide my relationship with Grant due to my career and company contract reasons.” Nang marinig ito ni Ada, biglang may isang ideyang pumasok sa isip niya. Parang gusto na niyang masuka sa labis na kaba at masamang pakiramdam ng sikmura niya.
Nakatulog si Ada sa kakaiyak pagdating sa bahay nila. Alam niyang hindi uuwi ang asawa pero para naman siyang tangang umasa. Malamang doon na naman iyon nagpalipas ng gabi sa kabit nito. Nagising nalang siya sa malakas na tunog ng kanyang cellphone. Pilit niyang idinilat ang namumugtong mata para abutin ito. May tumatawag. Sino naman kaya ang tatawag sa kanya ng ganitong kaaga? Hindi pa nga sumikat ang araw. ‘Mommy Grace calling’ Napairap siya nang makita ang pangalan ng biyenan. Kailangan na pala niya dapat palitan ang contact name nito. Dapat ‘Grace’ o di kaya'y 'Bruha' nalang. “Pumunta ka dito, ngayon din,” malamig at seryosong sabi nito sa nang-uutos na paraan, dahilan para hindi siya makatanggi. Walang emosyon siya sumagot at kaagad ding tinapos ni Grace ang tawag. Sa loob ng limang taong lihim na kasal kay Grayson, kailanman ay hindi siya nagustuhan ni Grace. Pero sanay na si Ada rito. Sa katunayan, isa ang mga Chandler sa mga makapangyarihang pamilya sa kanilan
Parang kaluluwang nakalutang si Adaghlia Perez habang naglalakad papunta sa loob ng isang mamahaling restaurant. Sinalubong kaagad siya ng amoy ng scented candles. Mayroon ding mga petals ng bulaklak sa sahig. Nasa entrance palang siya ay natatanaw na niya ang dalawang taong halos magkatagpo na ang mga nguso kahit may mesang nakapagitan. Walang ibang tao sa lugar maliban sa mga staff at musicians na tumutugtog ng romantikong awitin. Sigurado siyang nirentahan ng dalawa ang lugar na ito para makapag-lovey dovey ito ng walang istorbo. Bawat hakbang niya'y pabigat ng pabigat. Lakad ng ilang taong poot, pagtitimpi at pagkadismaya. Halos bumabaon na ang takong ng kanyang heels sa sahig ng establisyemento. Napatingin kaagad ang dalawa sa kanyang direction. Natigilan ang mga ito sa pagsusubuan, parang nakakita ng multo. Sandaling namutla ang babae pero kaagad ding bumalik ang normal na ekspresyon at postura. Pasimple pang itinaas ang isang kilay nito at umi







