Masuk
“Kumusta ang inaanak ko, Meg? Nilalagnat pa rin ba?” magkasunod na tanong ni Lydia kay Megan. Isa ito sa pinakamalapit niyang kaibigan at ninang ng kanyang limang taong gulang na anak na si Arabella.
“She’s fine. Medyo bumaba na ang lagnat niya,” nakangiti niyang sagot dito habang inilalapag na ang kanyang bag sa ibabaw ng kanyang mesa. Kasalukuyan na silang nasa kompanyang kanilang pinagtatrabahuan, ang Empire Fashion House. It’s not just a clothing line. It’s a company that was founded in Italy and now has a headquarter in Manila. They create dresses, gowns, suits or anything that only celebrities or people from high society wear. Madalas ding magsagawa ng mga fashion shows ang kompanya. They were trend-setter. Nagpapasimula sila ng mga iba’t ibang istilo ng damit na sadyang pumapatok sa merkado. At kabilang sila ni Lydia sa matatagal nang fashion designer sa naturang kompanya. Minsan pa nga ay sa kanila nagmumula ang mga bagong labas ng disenyo ng mga gowns at dresses na talagang tinatangkilik ng madla. “Maigi naman at maayos na siya,” komento pa ni Lydia. “Si Axel ba ang kasama niya ngayon?” tanong pa nito na ang tinutukoy ay ang asawa niya. Asawa... Megan heaved out a deep sigh. Tumango na lang siya bilang sagot sa tanong ni Lydia saka marahan nang naupo sa kanyang puwesto. Magkatabi lang ang mga mesa nilang dalawa kaya kahit anong oras ay nagagawa nilang magkuwentuhang magkaibigan. At hindi pa nga maiwasang matigilan ni Megan nang mabanggit nito si Axel. Yes, Axel was her husband. Legally, they were really married. Hanggang ngayon nga, matapos ang anim na taon ay nakatali pa rin silang dalawa sa matrimonya ng kasal... kasal na hindi niya ginusto, kasal na nangyari dahil sa isang mabigat na rason. “Anyway, nabalitaan mo na ba ang mangyayari sa Lunes?” Agad na iwinaksi ni Megan ang mga alaalang sumagi sa isipan niya at lumingon nang muli kay Lydia. “Mangyayari sa Lunes? What do you mean?” Bago sumagot sa kanya ay iginala pa muna ni Lydia ang paningin nito sa kanilang paligid. Naroon na rin ang iba pa nilang katrabaho at dahil waring ayaw nitong iparnig sa iba ang sasabihin sa kanya ay sadyang lumapit pa sa kanya ang dalaga. Pinagulong pa nga nito ang kinauupuang swivel chair palapit sa kinaroroonan niya saka pabulong na nagsalita. “Sa Lunes darating ang bagong presidente ng Empire Fashion House. Straight from Italy, Meg. And guess what?” “W-What?” ganting bulong niya rito na wari bang napukaw na rin ang kuryosidad sa mga sinasabi nito. “According to Mrs. De Guzman, the new president is oozing with sex appeal. Makalaglag panty daw.” “Lydia!” Megan almost hissed at her friend. Bahagyang tumaaas kasi ang tinig nito nang sabihin ang mga huling salita. Para kasing kinilig ito dahil doon. “Puwede ba, mag-ayos ka? Bagong big boss natin iyang pinapantasya mo, ah.” “Bakit ba?” buwelta nito na napapangiti pa. “Masama bang hangaan iyong tao? Baka kapag nakita mo rin siya sa Lunes ay sang-ayunan mo ang mga sinasabi ko. I saw him in the picture, Megan. Pinakita ni Mrs. De Guzman. My gosh, papasang artista ang bagong presidente nitong Empire House.” Tinaasan lang ito ng isang kilay ni Megan. Kahit ano pa ang sabihin nito ay hindi niya nakikita ang kanyang sarili na magkakaganoon sa isang lalaki... hindi na. She heaved out a deep sigh and darted her stares on her table. Naroon na sa tapat niya ang kanyang laptop at ilang folders na naglalaman ng mga bagong disenyo ng mga damit na siya pa mismo ang gumuhit. Si Lydia naman ay muli nang pinagulong ang swivel chair nito palapit sa sarili nitong mesa. Itinuon na rin ng kaibigan niya ang atensyon nito sa trabaho habang may naglalaro pa ring ngiti sa mga labi. Hindi pa rin mawala ang kilig na nararamdaman nito para sa bagong presidente ng kompanyang pinagtatrabahuan nila. Napailing na lamang si Megan. She’s only twenty-six years old but she felt like she’s done with that phase. Hindi na siya kinikilig sa ibang lalaki. Ni hindi na rin siya makadama ng paghanga para sa iba. Of course, hindi kabilang doon ang mga lalaking hinahangaan niya ang pisikal na katangian. But to say that she admired a man in a romantic way? It’s impossible to happen. She’s married. She’s still married to Axel. Kahit pa hindi katulad sa iba ang kasal na namagitan sa kanilang dalawa, iginagalang niya pa rin ang katotohanang legal pa rin siyang nakatali rito. At hindi lang ang pagiging may asawa ang dahilan kung bakit hindi na siya makadama ng paghanga para sa ibang lalaki. Alam ni Megan sa kanyang sarili na kaya hindi na magawang tumibok ng puso niya para sa iba ay dahil hanggang sa mga sandaling iyon, may umuukopa pa rin niyon. Kahit pa anim na taon na ang lumipas, hindi niya pa rin ito maalis sa puso niya. Disimulado na niyang hinamig ang kanyang sarili. It had been six years. She wondered where he was now. Was he still mad because of what she did? Maybe yes... He hated her... she saw it in his eyes when she left him six years ago. ***** AGAD na may sumilay na isang ngiti sa mga labi ni Megan nang pagbuksan siya ng p***o ni Axel, ang kanyang asawa. Kinuha pa nito ang dala-dala niyang ecobag na naglalaman ng mga pinamili niyang groceries. Bago kasi tuluyang umuwi mula sa kanyang trabaho ay dumaan muna siya sa isang supermarket at namili ng ilang pangangailangan nilang mag-ina. “Si Arabella?” tanong niya kay Axel habang hinuhubad na ang suot niyang sapatos. Ito naman ay dumiretso sa mesang nasa kusina at inilapag doon ang mga pinamili niya. “Nakatulog na siya,” tugon ni Axel. “Napakain ko na siya kanina at pinainom na rin ng gamot. Medyo sinat na lang ang mayroon siya.” “Thank you so much, Axel,” aniya saka naupo sa mahabang sofa na nasa sala. Sadyang iniunat niya pa ang kanyang mga paa para maipahinga ang mga iyon. “Tired?” her husband asked. Nakatitig na ito sa kanya habang nakasandal pa ang kaliwang balikat sa may hamba ng kusina. She sighed before answering him. “Ang dami lang kailangang gawin sa opisina. Nagpaplano ang kompanya na maglabas ng mga bagong disenyo ng mga damit. That’s our new president’s first project.” “New president?” nagtataka nitong sabi. “Yes,” aniya. “I don’t know what really happened. Someone acquired Empire Fashion House. Magsisimula siyang mamahala ng kompanya sa Lunes.” Axel nodded. Hindi na ito nang-usisa tungkol sa bagay na iyon at sa halip ay tumayo na nang tuwid saka naglakad palapit sa kanya. “Speaking of Lunes,” wika nito sa kanya. “I am seeing Atty. Llaguno on Monday. Pag-uusapan na namin ang tungkol sa gagawin sa annulment natin. Want to come with me?” Napangiti si Megan, kung ngiti man ngang matatawag iyon. Para kasing ismid na ang namutawi mula sa mga labi niya. “I also need to talk to my lawyer about it, Axel. Kapag napag-usapan na namin ang mga dapat pag-usapan saka na natin lakarin iyon.” Muling napatango na lang si Axel. “We will soon be free from each other, Meg. Hopefully, ito na ang simula para magawa naman natin ang mga gusto nating gawin.” Sukat sa mga sinabi nito ay napaupo na nang maayos si Megan. Isang mapait na ngiti na lamang ang iginawad niya rito bago marahang napayuko. Posible pa kayang mangyari iyon? Ang magawa nila ang mga bagay na gusto nila? After six years of being married? Parang ang hirap nang magsimula ulit. Ang dami nang nangyari mula nang kapwa sila napasok ni Axel sa kasal na iyon. “Will you be okay?” mayamaya ay narinig niyang tanong ni Axel. Bakas pa sa tinig nito ang pag-aalala para sa kanya. “Of course,” maagap niyang sagot dito. “We waited for this, right? Mapapawalang-bisa na rin natin ang kasal nating dalawa.” “How about Ara?” anito na sadyang sumulyap pa sa p***o ng kuwarto nilang mag-ina. “She will be fine,” tugon niya na pilit pang ngumiti. “Hindi ka naman tuluyang mawawala, hindi ba? Y-You will still visit us?” “Oo naman,” saad ni Axel na matamis pang ngumiti sa kanya. “Mahal ko si Ara, Meg. I will always be her Papa Axel.” Agad na napayuko ulit si Megan dahil sa mga sinabi nito. Totoong matagal nilang hinintay na mapawalang-bisa ang kasal nilang dalawa. Pero sa kabila niyon, hindi niya pa rin maiwasang malungkot, hindi para sa kanyang sarili kundi para kay Arabella. Her daughter loved Axel. Malapit ito sa kanyang asawa at paniguradong maghahanap ito oras na tuluyan na silang maghiwalay. Ngayon pa nga lang ay nagtatanong na ito kung nasaan ang Papa Axel nito. She and Axel were not leaving together. Halos magdadalawang taon lang silang nagsama matapos ng kanilang kasal. After that, they decided to live separately. Doon na rin siya nagsimulang magtrabaho dahil hindi niya naman gustong umasa lang kay Axel lalo pa’t alam niyang nagsisimula na rin itong bumuo ng sariling buhay kasama si Kelly, ang kasintahan nito. Pero sa kabila niyon ay hindi naman sila lubusang tinalikuran ni Axel. Madalas pa rin itong dumalaw sa kanila ni Arabella. Minsan nga ay kasama pa si Kelly. Maging kasi sa dalaga ay malapit din ang kanyang anak. Nag-aabot din ng sustento sa kanila ang kanyang asawa kahit pa sa maraming pagkakataon ay tinatanggihan niya iyon. Kaya niya rin namang buhayin ang anak niya. Ang sinasahod niya sa Empire Fashion House ay sapat din naman sa lahat ng pangangailangan nilang dalawa ni Arabella. But Axel would always insist for her to accept his money. Kasal pa raw silang dalawa. Legally, responsibilidad pa raw sila nito. Dahilan pa nga iyon para wala siyang magawa kundi ang tanggapin na lang ang sustentong ibinibigay nito sa kanila ni Arabella. “Anyway,” untag na ni Axel sa kanya. “I am going now. Iyong niluto kong ulam, natatakpan sa mesa.” Agad nang tumayo si Megan saka nagsalita rito. “Thank you so much, Axel. Alam kong abala na ito sa iyo kaya maraming salamat talaga.” “It’s fine, Meg. Day off ko naman sa trabaho kaya hindi kaabalahan ito. Besides, always remember that Arabella is also important to me. Walang problema sa aking bantayan siya.” Megan smiled at him. Ilang saglit pa ay nagpaalam na rin ito sa kanya. Hinatid niya pa nga ito hanggang labas ng kanilang bahay at nang makaalis na sakay ng sarili nitong motor ay saka lang siya pumask sa loob. Siniguro niya pang naka-lock na ang p***o bago pa siya naglakad na patungo sa kuwarto nilang mag-ina. Sa may hamba pa lang ng silid nila ay natigilan na si Megan. Mula sa kanyang kinatatayuan ay tanaw na niya si Arabella na mahimbing nang natutulog. Waring may kung ano pang humaplos sa kanyang dibdib habang pinagmamasdan ito. Her heart almost tightened. She couldn’t help it. Sa lahat ng nangyari noon, ang buhay ni Arabella ang lubos na naapektuhan. Isang malalim na buntonghininga pa nga ang pinakawalan niya bago lumapit na sa kama. Naupo siya sa tabi ng kanyang anak saka marahan pang hinaplos ang buhok nito. “I love you so much, Ara. Sorry kung hindi ka mabibigyan ni Mama ng kompletong pamilya,” she murmured with so much loneliness on her voice. Megan knew it was so impossible to happen. Matapos ng mga nagawa niya noon, wala nang pag-asa pang mabuo ang pamilyang noon pa lang ay gusto na niyang magkaroon... wala nang pag-asang maging maayos pa ang lahat sa pagitan nila ng ama ng kanyang anak--- the man she had only loved in her entire life...Tuluyan nang naglandas ang mga luha ni Megan sa kanyang mga pisngi matapos niyang marinig ang mga sinabi ni Killian. Nakalakip sa tinig nito ang labis na hinanakit at galit na alam niyang laan para sa kanya. Dama niya rin ang diin ng pagkakadaiti ng noo nito sa kanyang noo na wari bang nagpipigil din ng labis na emosyon.And she wasn’t able to answer his question. How could she explain everything to him without putting Arabella’s life in risk? Alam ng Diyos na gustong-gusto niyang sabihin dito ang totoo... na gustong-gusto niyang ayusin ang lahat sa pagitan nilang dalawa.But how could she ever do that without compromising her daughter’s safety? Baka malaman ni Don Antonio Virelli. Paano kapag may gawin itong hindi maganda kay Arabella? Siya nga ay walang pagdadalawang-isip nitong pinagbantaan ang buhay kung hindi niya susundin ang nais nitong mangyari noon, paano siya makasisiguro na wala itong gagawin sa anak niya?And that idea made her heart tightened. She was torn between telling
Megan swallowed hard as she heard what Killian said. Tuluyan na itong naglakad palapit sa kanya na mas nagpadagdag pa ng pagkailang na nadarama niya. His whole presence was enough for her to feel uneasy. At gustuhin niya mang umiwas dito ay hindi na niya nagawa. Nakalapit na ito sa kanya at agad nang hinawakan ang baba niya saka pilit na pinagtagpo ang kanilang mga paningin.“I didn’t force you on this, Megan,” wika nito sa mariing tinig. “I gave you time to think and here you are, telling me you are accepting my offer. Whatever my rule... whatever payment I ask you, you’ll do it. So, tell me, are you really into this?”“T-The payment, is it really... is it really---” Hindi niya matapos-tapos ang nais niyang sabihin. Ni hindi niya pa alam kung ano ang tamang salitang bibitawan.At dahil nga hindi siya makapagsalita ay napaismid na lamang si Killian. Wari bang ikinaaliw pa nito ang pagkautal niya.“What? You mean fvcking?” he said without hesitating to use the F word. Para bang hindi n
Kahihinto pa lang ng kotseng sinasakyan ni Megan nang igala na niya ang kanyang paningin sa harap ng establisyementong nasa kanilang harapan. Hindi pa siya kailanman nakapasok sa ganoong lugar at ngayon nga ay hindi niya pa maiwasang kabahan sa kung ano ang makikita niya sa loob niyon--- ang Velvet Room Bar, ang bar kung saan ayon kay Killian ay magkita silang dalawa.Wala na ngang napagpilian si Megan kundi ang tawagan ang binata. Hindi niya sana nais pumayag sa inaalok nito. Kailanman ay hindi niya nakita ang kanyang sariling ibebenta niya ang kanyang katawan sa isang lalaki, kahit pa ang lalaking iyon ay minsan nang naging parte ng buhay niya.But she didn’t have any choice. Kung nais niyang makalikom agad ng kabuuang halagang kakailanganin niya para sa operasyon ni Arabella, si Killian lang ang malalapitan niya. He had the money and the connection that could give her daughter the best surgeon.Dahilan nga iyon para pikit-mata niya na lamang na tinanggap ang alok nito kahit na hind
Nanlaki ang mga mata ni Megan nang marinig niya ang mga sinabi ni Killian. Gusto niya pang isiping kinaringgan niya lamang ang mga binitiwan nitong salita. O hindi kaya ay isang biro lamang iyon at agad din naman nitong babawiin ang mga sinabi.But Megan knew that it was impossible for him to joke like that. Sa uri na ng relasyong mayroon sila ngayon... sa galit na mayroon ito para sa kanya, isang himala kung magbitaw pa ito ng isang biro. Idagdag pang ang uri ng ekspresyong mayroon ngayon sa mukha ng binata ay hindi man lang nagbabadyang nagbibiro nga ito. His expression was so serious while he was looking down at her as if waiting for what she would say.Megan slightly opened her mouth to speak, then closed it again as if she didn’t know what to say.“What?” he snapped at her impatiently. “You know I am a busy man, Megan. Don’t waste my time so answer me.”“A-Are you insane?” tanging naitanong niya sa kawalan ng masabi.Bagay iyon na muling nagpatikwas pataas ng isang sulok ng mga l
“Megan...”Mula sa pagkakayuko ay agad na napalingon si Megan nang marinig niya ang pagtawag na iyon sa kanyang pangalan. Napatayo na rin siya nang tuwid saka hinintay na makalapit nang tuluyan sa kanya ang bagong dating.It was Axel. Halos lakad-takbo pa nga ang ginawa nito para lang makarating sa kinatatayuan niya.“W-What happened? Nasaan na si Arabella?” magkasunod nitong tanong sa kanya.“N-Nasa loob pa,” sagot niya sabay turo pa sa direksyon ng emergency room. “Baka ilipat na rin siya ng silid.”“Ano ba ang nangyari? Nang sabihin mong narito kayo ay agad na akong nagpaalam sa trabaho,” imporma pa nito sa kanya na agad niyang ikinangiti kahit na hilam pa rin sa luha ang kanyang mga mata.Kanina nga ay tinawagan niya ang kanyang ‘asawa’ para ipaalam dito ang nangyari kay Arabella. Maging ang ospital na kinaroroonan nila ay nabanggit niya na rin dito.Hindi niya inobligang magtungo roon si Axel. She just wanted to inform him of what happened to her daughter. Maliban sa legal pa rin
Agad na hinamig ni Megan ang kanyang sarili nang marinig niya ang tinig ni Killian. Pinahid niya rin ang mga luhang pilit na kumawala mula sa kanyang mga mata bago sinagot ang tanong nito.“M-My daughter had an accident in her school,” wika niya sa mahinang tinig. Kinaringgan pa ng labis na pag-aalala ang boses niya. “I know this is a very important meeting, Mr. Virelli, but can I take the rest of the day off? I really need to go to the hospital.”Hindi siya sigurado kung papayagan siya nito. They weren’t in good terms. Baka sa halip na pagbigyan siya nito ay tuluyan pa siyang alisin ng binata sa kanyang trabaho.Pero hindi na iyon mahalaga sa kanya nang mga sandaling iyon. Ang tanging nasa isipan niya lamang ay ang mapuntahan na si Arabella at malaman kung ano ang kalagayan nito.“I-I would understand if you won’t agree---”Megan stopped in midsentence when abruptly, Killian walked towards her. Agad nitong hinawakan ang kanang palapulsuhan niya saka siya iginiya sa paglalakad. Nataga







