“Hi, Ara!” masigla at natutuwang bati ni Kelly kay Arabella nang pagbuksan sila nito ng pinto ng apartment na tinitirhan nito at ni Axel.Waring nasabik din na agad na yumapos ang kanyang anak kay Kelly. “Hi, Tita. Where’s Papa Axel?”“Nasa trabaho na ang Papa Axel mo,” wika ng dalaga saka siya naman ang binalingan. “Tuloy ka muna.”Megan smiled at her. Humakbang nga muna siya papasok sa tinitirhan ng mga ito. Agad siyang lumapit sa pahabang upuang gawa sa plastic rattan saka inilapag doon ang bag na naglalaman ng ilang gamit ni Arabella. May dala siyang ekstrang damit ng kanyang anak, ilang laruan nito at ang paborito nitong snacks na hindi niya nakalilimutang bilhin sa tuwing nagagawi siya sa supermarket.“Here are her things,” saad niya, mas partikular para kay Kelly.“Okay. Just put it there,” anito naman bago muling binalingan ang kanyang anak. “May inihanda akong almusal. Gusto mo bang kumain?” Kelly stopped talking for a while then looked at her as well. “How about you, Meg? Ma
Last Updated : 2026-08-18 Read more