Share

Chapter 3

Penulis: Jay Sea
last update Terakhir Diperbarui: 2024-01-06 08:12:39

SHAINA

Sinamahan ako ni Manong Caloy sa magiging kuwarto ko habang dito ako sa pamamahay ng boss namin nagtatrabaho. Ako lang mag-isa sa kuwarto na 'yon dahil wala namang ibang katulong dito sa loob ng pamamahay ni Sir Jacob kundi kami lang ni Manong Caloy. Hindi naman maliit ang kuwarto ko. Tamang-tama naman 'yon sa akin. Inilagay ko muna ang dalang gamit ko doon sa loob ng magiging kuwarto ko bago ako ilibot ni Manong Caloy sa loob ng malaking bahay. Sinabi na rin niya sa akin ang mga gagawin ko araw-araw. Hindi naman ako nagtaka pa sa mga gagawin ko na 'yon dahil alam ko naman talaga ang ginagawa ng isang katulong o kasambahay. Sanay naman na rin ako sa mga gawaing bahay.

"Magsisimula na po ba ako ngayon na magtrabaho?" mahinang tanong ko kay Manong Caloy matapos niyang ilibot ako sa loob ng malaking bahay at sabihin ang mga gagawin ko araw-araw.

Huminga muna ng malalim si Manong Caloy bago sumagot sa tanong ko na 'yon kung magsisimula na ba ako sa pagtatrabaho ngayong araw na 'to.

Nagkibit-balikat pa ito sa harap niya.

"Hindi ko masasagot 'yan sa 'yo dahil wala pa naman sinasabi si Sir Jacob kung magsisimula ka na magtrabaho ngayong araw na 'to," sabi niya sa akin.

"E, paano po 'yan? Wala naman po akong gagawin ngayong araw na 'to kung hindi pa po ako magsisimula na magtrabaho. Hindi naman po puwedeng nakabuntot lang po ako sa 'yo ngayon," nakangusong sagot ko kay Manong Caloy.

"Wala naman tayong magagawa kung hindi ka pa ngayon magsisimula na magtrabaho. Wala naman na kasing sinabi si Sir Jacob kanina. Kailangan na sumunod tayo sa mga sasabihin niya. Hindi puwedeng pangunahan natin siya, eh. Wala namang problema kung hindi ka pa magsisimula na magtrabaho sa araw na 'to. Mabuti nga 'yan ay puwede ka pang magpahinga. Galing ka sa mahabang biyahe, 'di ba? Magpahinga ka na muna, Shaina," sabi pa niya sa akin. Tumango ako kay Manong Caloy pagkasabi niya. Habang nag-uusap kami ay biglang dumating si Sir Jacob.

"Aalis na po kayo patungo sa opisina n'yo?" tanong ni Mang Caloy sa kanya na mabilis naman na tinanguan niya.

"Oo. Aalis na ako patungo sa opisina. Ikaw na ang bahala Mang Caloy dito sa bahay," sabi niya na nakatingin kay Manong Caloy.

"Opo, sir. Paano po pala si Shaina? Hindi pa po ba siya magsisimula ngayon na magtrabaho? Wala ka pong sinasabi kung magsisimula na siya ngayon, sir," sabi ni Manong Caloy. Tinanong niya rin si Sir Jacob kung paano ako.

Tumingin ako sa guwapo niyang mukha. Kita ko ang palunok niya sa kanyang lalamunan bago sumagot sa tanong na 'yon. Tumingin siya sa akin.

"Bukas ka na lang magsimula sa trabaho mo dito sa pamamahay ko, Shaina. Magpahinga ka na muna ngayong araw na 'to. Galing ka sa mahabang biyahe, 'di ba?" sabi niya sa akin.

Tumango-tango na lang ako sa kanya at nagsalita, "Sige po, sir. Bukas na lang po ako magsisimula na magtrabaho dito sa pamamahay n'yo. Maraming salamat po sa pagbigay ng oras na magpahinga sa akin kahit ngayong araw na 'to lang. Maraming salamat po."

Hindi siya ngumiti sa akin. Seryoso pa rin ang mukha niya kahit ganoon ay guwapo pa rin siya. Wala akong masabing iba, 'yon lang talaga.

"Walang anuman 'yon, Shaina," sagot niya sa akin at inilipat niyang muli ang kanyang tingin kay Mang Caloy para magsalita dito.

"Bukas na lang po siya magsisimula. I'm giving her a chance para magpahinga kahit ngayong araw lang. Kagagaling lang naman niya sa mahabang biyahe mula sa probinsiya niya kaya kailangan na muna niyang magpahinga." Tumango si Manong Caloy sa kanya.

"Sige po. Maliwanag na maliwanag po 'yon, sir," sabi ni Mang Caloy sa kanya. Muli siyang tumingin sa akin matapos na magsalita ni Mang Caloy sa kanya. Siguro ay may sasabihin pa siya sa akin. Nararamdaman ko 'yon.

"Kung may kailangan ka ay magsabi ka lang kay Mang Caloy. Maliwanag ba 'yon sa 'yo, Shaina? Sanayin mo na ang sarili mo dito sa loob ng pamamahay ko. You'll stay here for so long," sabi pa niya sa akin na ang nagawa ko ay tumango lang ako sa kanya bago sumagot.

"Opo, sir. Maliwanag po 'yon sa akin. Maraming salamat po ulit," sagot ko sa kanya. Tumango muli siya sa harap ko at nagpaalam na sa aming dalawa ni Mang Caloy.

Naiwan kaming dalawa ni Mang Caloy sa loob ng pamamahay niya. He has a driver na nagda-drive sa kanya palagi. May tatlong sasakyan doon sa malaki niyang garahe. Sa kanya siguro ang lahat ng 'yon. Nakita ko lang kanina na pagikot-ikot namin ni Mang Caloy.

"Saan po bang opisina pupunta si Sir Jacob?" tanong ko sa kanya. Gusto ko lang naman malaman kung saan na opisina siya pupunta. Marami pa akong hindi alam tungkol sa boss namin, eh.

"Pupunta na siya sa opisina ng kompanya nila ngayon. Hindi mo pa siguro nalalaman ang tungkol doon, eh. 'Wag kang mag-alala dahil handa kong sabihin ang mga nararapat na malaman mo sa boss natin," nakangising sagot ni Mang Caloy sa akin. Ngumiti na rin ako sa kanya bilang ganti.

"Sige po. Marami pa po akong hindi nalalaman sa boss natin, eh, kaya gusto ko po na malaman para alam ko na po. Hindi ko rin po siya lubusang kilala," sagot ko pa sa kanya.

"Malalaman mo rin ang lahat ng tungkol sa boss natin, Shaina. Makikilala mo rin siya n'yan. Pupunta siya ngayon sa opisina ng kompanya niya dahil siya ang CEO ng kompanya na 'yon. No'ng nabubuhay pa ang daddy niya ay ito ang CEO ng kompanya na 'yon. Ngayon na wala na ito ay siya na ang ipinalit. Alam mo ba kung ano ang CEO, huh?" sagot ni Mang Caloy sa akin.

"Hindi po, eh. Hindi ko po masyadong alam 'yon, eh. Ano po ba ang CEO?" tanong ko sa kanya. Mabilis naman na ipinaliwanag ni Mang Caloy kung ano ang ibig sabihin ng CEO. Naintindihan ko naman kaagad kung ano 'yon.

"Iyon po pala ang ibig sabihin ng CEO. Ngayon po ay alam ko na. Hindi ko naman po kasi naririnig ang ganyan, eh. Dito lang po sa Maynila. Matagal na po bang patay ang daddy niya? E, ang mommy niya po ay nasaan? Bakit wala po dito sa bahay niya?" sabi ko kay Mang Caloy. Nagtanong na rin ako tungkol sa mga magulang ni Sir Jacob.

"Oo. Matagal nang patay ang daddy ni Sir Jacob. Limang na taon na nang mamatay ito. Limang taon na rin siyang CEO ng kompanya na 'yon. Wala na rin ang mga mommy niya. Kamamatay lang nito noong isang taon. Ulilang lubos na si Sir Jacob," kuwento niya sa akin. Nalungkot naman ako sa sinabi niya na 'yon na ulilang lubos na si Sir Jacob. Naalala ko tuloy ang papa ko na sumikabilang buhay na rin.

"Ganoon po ba? E, may mga kapatid po ba siya?" tanong ko pa.

"Wala, eh. Solong anak lang siya ng mga magulang niya, Shaina. Siya lang ang nag-iisang tagapagmana ng lahat ng mga ari-arian at kayamanan ng pamilya niya," sagot niya sa akin. Tumango naman kaagad ako pagkarinig ko sa sinabi niya. May nalalaman na rin ako tungkol sa guwapong boss namin ni Mang Caloy.

"Wala po ba siyang girlfriend? Wala pa po ba siyang asawa?" usisa ko pa.

"Wala pa. Wala pa siyang girlfriend at asawa," sagot niya sa akin.

"Kaya po pala napakatahimik dito sa loob ng pamamahay niya kahit sa labas ay dahil kayong dalawa lang po ang nakatira dito. Kasama na rin po kayo dahil nandito ka naman na po, eh," sagot ko sa kanya.

"Ganoon naman na talaga dito. Tahimik na tahimik lalo na kapag ako na lang ang mag-isa sa bahay na 'to. Kung uuwi siya ay gabi na. Minsan nga ay madaling araw na, eh," kuwento pa niya.

"E, bakit walang ibang katulong dito sa bahay niya?" tanong ko na nakakunot ang noo.

"May mga katulong dito dati, eh, kaso nga lang ay umalis na sila kaya wala nang natira pa. Tanging ako na lang ang natira, eh," sabi ni Mang Caloy sa akin.

"Wala pa lang tumatagal na katulong dito maliban sa 'yo po," sagot ko at tumango naman siya sa akin.

"Oo nga, eh. May ugali kasi 'yan si Sir Jacob na kailangan dapat hindi ka palaging nagkakamali sa mga ginagawa mo. Dapat kapag sinabi niya na gawin mo ay gawin mo na hindi ka nagkakamali. Masungit rin kasi 'yan. Kaya walang tumatagal na katulong dahil palagi niyang sinisita kapag palaging nagkakamali. May pagka-perfectionist kasi 'yan si Sir Jacob kaya kung ako sa 'yo n'yan ay ayusin mo ang trabaho mo dito sa loob ng pamamahay niya. Iwasan mo na magkamali dahil siguradong pagagalitan ka niya, Shaina. Sa 'yo ko lang sinabi 'to ha, huwag mo nang ipagsasabi pa sa iba. Maliwanag ba 'yon?" sabi pa ni Mang Caloy sa akin.

"Hindi naman po. Hindi ko naman po 'yon ipagsasabi kahit kanino lalo na kay Sir Jacob. Salamat po sa pagsabi ng mga 'yan sa akin," sabi ko sa kanya. Nakaramdam tuloy ako ng takot sa sinabing 'yon niya na may pagka-perfectionist si Sir Jacob at iwasan ko na magkamali para hindi ako mapagalitan. Napansin ko rin na masungit talaga siya. Palaging seryoso ang mukha pero guwapo siya. Malaki ang katawan.

"Nakakatakot naman pala kung ganoon siya. Natatakot tuloy po ako. Baka hindi rin ako tumagal nito," sabi ko na natatakot matapos malaman ang mga sinabi ni Mang Caloy sa akin.

"Hindi mo naman kailangan na matakot. Gawin mo lang nang tama ang trabaho mo at iwasan mo na huwag magkamali lalo na sa mga bagay na hindi naman kailangan pag-aralan pa na kahit nakapikit ka ay kaya mong gawin," sabi pa niya sa akin. "Kung may hindi ka alam ay sabihan mo lang ako dahil tutulungan kita para malaman mo kung paano gawin."

"Opo. Natatakot pa rin po ako sa kanya dahil sa nalaman ko na 'yon mula sa 'yo Mang Caloy," sabi ko sa kanya na nakanguso.

"Huwag ka nang matakot pa sa kanya. Gawin mo lang nang tama ang trabaho mo. Hindi ka niya pagagalitan, Shaina. Hindi ko na siguro sa 'yo sinabi ang tungkol doon. Natatakot ka na tuloy sa kanya. Pero mas mabuti nang alam mo na 'yon para aware ka na ngayon. 'Di ba gusto mo na malaman ang tungkol sa kanya? Kaya kailangan mo na malaman 'yon." Muli akong tumango pagkasabi niya.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (2)
goodnovel comment avatar
Emy Vicente
I want continue plssssssss
goodnovel comment avatar
Mujaja A Etaliana
more update plz
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • My Maid, My Love (Filipino)   Author's Note

    Hello guys! Maraming salamat po sa inyong lahat na mga nagbasa ng kuwentong 'to. Sana po kayo ay nagandahan sa kuwentong 'to na sinulat ko. Sana ay may napulot kayong aral kahit papaano. Please share this book to your friends. Maraming salamat po sa inyong lahat! Basahin n'yo rin po ang kuwentong 'to "In Love With My Husband's Son" at sana po ay suportahan n'yo po 'yon kagaya ng pagsuporta n'yo sa kuwentong 'to. Support n'yo pa rin po ang ibang stories ko lalo na itong mga sumunod:• In Love With My Husband's Son • No Love Between Us• Release Me, Mr. Billionaire• A Perfect Man For Me• My Mom's Ex-Boyfriend• Save Me, Mr. Billionaire• Playboy's KarmaMaraming salamat po sa suporta n'yong lahat! Mahal na mahal ko po kayong lahat!❤️❤️❤️

  • My Maid, My Love (Filipino)   Chapter 118 [End]

    SHAINA Mula sa delivery room ay inilipat na ako sa isang private room matapos ko na ipanganak ang panganay naming dalawa ng asawa ko na si Jacob. Isang malusog na lalaking sanggol ang isinilang ko. Dinala na rin siya sa room kung saan ako ngayon. Katabi ko na nga siya, eh. Maayos naman ang panganganak ko. Hindi naman nagkaroon ng problema. Kasama ko ngayon dito sa kuwarto ko ang asawa ko na si Jacob, pinsan niya na si Camille at Tita Delia. Wala pa sina mama at mga kapatid ko dahil papunta pa lang sila dito sa Maynila.Masayang-masaya kami sa binigay sa amin ng Panginoon na napakaguwapong anghel sa buhay namin ng asawa ko na si Jacob. Kamukhang-kamukha niya ang baby boy namin. Walang nagmana sa akin. Lahat ay nakuha sa kanya. Ang lakas talaga ng dugo ng asawa ko. Naluluha ako habang pinagmamasdan namin siya sa tabi ko."Ano ba ang ipapangalan natin sa kanya, baby?" tanong sa akin ng asawa ko na si Jacob kung ano ang ipapangalan namin sa baby boy namin.Hindi muna ako nagsalita sa ta

  • My Maid, My Love (Filipino)   Chapter 117

    SHAINA Doon pa rin ako sa bahay namin natulog habang si Jacob naman na boyfriend ko ay bumalik sa hotel na pinag-check-in-an niya para doon siya matulog. Hinatid naman nga niya ako sa bahay namin matapos namin na mamasyal. Madilim na nga nang umalis siya sa bahay pabalik sa hotel na pinag-check-in-an niya.Isinama namin sina mama at mga kapatid ko sa airport para ihatid kaming dalawa ni Jacob. Umaga ang flight namin pabalik ng Maynila. First time ko na sasakay ng eroplano. Medyo kinabahan nga ako. Mahigpit na niyakap ko sina mama at mga kapatid ko bago kami pumasok sa loob ng airport. Naluluha muli ako habang niyayakap ko sila. Hindi ko alam kung kailan ko sila muling makikita at makakasama. Hindi naman ako sigurado na makakasunod silang dalawa sa Maynila lalo na nag-aaral ang mga kapatid ko. Ilang buwan pa bago magbakasiyon sila.Sabay kaming pumasok ni Jacob sa loob ng airport matapos na magpaalam ako sa kanila ay yakapin ko sila nang napakahigpit na para bang wala nang bukas pa.

  • My Maid, My Love (Filipino)   Chapter 116

    SHAINA Tinulungan ako ni mama na mag-impake muli ng mga gamit ko pagkagaling ko sa bahay nina Sir Albert. Kinuwento ko rin naman sa kanya ang naging pag-uusap namin doon. Kinahapunan, akala ko ay aalis na kaming dalawa ni Jacob pabalik sa Maynila ngunit sinabi niya sa akin na bukas na lang kami aalis. Pinuntahan muli niya ako sa bahay namin. Gusto muna raw niyang magikot-ikot dito sa amin kaya pumayag naman ako na samahan siya. Si mama ang naiwan sa bahay namin kasama ang mga kapatid ko. Pinakilala ko rin pala kay Jacob ang mga kapatid ko. Ayaw nga nila na lumapit sa kanya. Nahihiya siguro ang mga 'to dahil ngayon lang nila nakita si Jacob.Sinamahan ko si Jacob na mamasyal dito sa amin. Pumunta kami sa mga pasyalan dito sa amin na gusto niyang mapuntahan.Magkatabi kaming dalawa na nakaupo sa loob ng sasakyan. Kasama pa rin niya si Kuya Alan na naging tour guide na nga niya. May bayad naman si Kuya Alan sa pagsama sa kanya kaya walang problema."Nakausap mo na ba ang lalaking 'yon?

  • My Maid, My Love (Filipino)   Chapter 115

    SHAINA Pumunta ako sa bahay nina Sir George kinabukasan. Inagahan ko ang pagpunta ko sa kanila. Tamang-tama ay kakatapos pa lang nila na kumain ng breakfast. Ayaw sana akong kausapin niya ngunit nakiusap ako na kausapin niya. May kailangan akong sabihin sa kanya. Doon kaming dalawa nag-usap malapit sa may garden ng bahay nila kung saan ginanap ang birthday party ng daddy niya. Isa-isang pinaliwanag ko sa kanya ang mga narinig at nakita niya kahapon. Hindi ko siya gustong saktan ngunit kailangan niya na malaman 'yon dahil 'yon ang totoo."Pinaasa mo lang pala ako, Shaina. Hindi mo naman pala ako mahal..." nakangusong sabi niya sa akin matapos kong sabihin ang kailangan niya na marinig mula sa akin.I cleared my throat first and sighed deeply."Hindi po kita pinapaasa, Sir George. Nagsasabi po ako ng totoo sa harapan mo. Mas mabuti na po sigurong malaman mo ang totoo ngayon, eh, para matanggap mo kaagad na hindi po kita mahal. Sinubukan ko na mahalin ka o makaramdam ng pagmamahal sa '

  • My Maid, My Love (Filipino)   Chapter 114

    SHAINA Gusto akong sumama ni Jacob sa hotel kung saan siya naka-check in ngunit hindi ako sumama sa kanya. Tumanggi ako sa kanya. Tumagal siya ng ilang oras sa bahay namin. Nakita niya ang hitsura ng bahay namin. Wala naman siyang komento sa bahay namin. Alam naman niya na mahirap lang kami kaya aware naman siya kung ano ang hitsura ng bahay namin. Matagal na nag-usap silang dalawa ng mama ko. Hindi ko alam kung ano ang pinag-usapan nilang dalawa. Mabait naman siya sa mama ko. Wala naman siyang pinakita na hindi kanais-nais dito. Hindi naman siya nagmayabang o ano p. Hindi mo nga siya mapagkakamalan na mayaman sa hitsura ngayon niya. Simple lang suot niyang damit.Nang makaalis siya sa bahay namin ay nag-usap kaming dalawa ni mama. Sabi niya sa amin ni mama ay babalik raw siya bukas dito sa bahay namin. Masayang-masaya ako sa pagkikita naming dalawa. Pinuntahan talaga niya ako para makita. Ginawa niya 'yon dahil mahal niya ako. Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na nandito siya sa

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status