MasukBELLA POV.
"Bakit mo ba ginagawa 'to Gina? Hindi ka naman ganito sa akin dati diba? Bakit ba ganito ka! Ano ba ang nagawa ko sayo!" Hindi ko mapigilan ang sakit na nararamdaman ko ngayon. "Bella, Bella, Bella...." Sabay ilang beses na pagpalakpak niya. Hindi ko maintindihan ang ginagawa niya. Pero parang pinapahiwatig niya na wala akong halaga sa kaniya. Tila'y para sa kaniya ay wala kaming pinagsamahan. "Masaya na ang buhay ko ngayon. Sobrang saya ko nang mawala ka. Pero, bakit ba bumalik ka pa ngayon???? Pwede bang lumayo ka kasama ang anak mo! Isa pa, pinagsasabihan kita ngayon na huwag na huwag kang lumapit kay Brent!" Galit na galit na boses nito. Kasabay nang pagtaas ng kilay niya. "Bakit mo kilala si Brent? Bakit mo 'yan sinasabi? Ano bang meron kayong dalawa!" Gulong-gulo kong wika, kasabay ng paghagulhol ko sa pag-iyak. "Bella! Asawa ako ni Brent! Masaya ako sa piling niya! Isa pa, ako ang nag-iisang kinikilala niyang Bella Monteverde! Kaya kung pwede lang umalis ka sa buhay niya! Kung gusto mong magka-ayos pa tayo, then gawin mo!" Halos nanlambot ang aking mga tuhod. Matatalis na punyal ang paulit-ulit na tumusok sa aking dibdib. Hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko. Anong asawa niya? Paano siya naging ako! "Gina, pinagsasabi mo! Ako si Bella, huwag mong gamitin ang pangalan ko para lang makapanloko nang iba!" Bulalas ko rito. "Hindi ko naman siya niloloko. Hindi ko rin kasalan na ako ang kinilala niyang Bella Monteverde. Malay ko ba na sobrang ganda ko kaysa sayo!" Ang lakas nang loob niyang sabihin ang lahat ng ito sa akin. Hindi ko na alam kung ano ang sasabihin ko, kaya napatahimik na lang ako. Ngunit sa isipan ko patuloy na umaandar ang mga ala-ala namin ni Brent. "Bella, ikaw na si Gina. Forget your past and accept the present. Don't worry, masaya naman sa akin si Brent, at hindi ka niya paniniwalaan." Mataray niyang wika. Hindi man lang siya na kokonsensya sa mga sinasabi niya. "Bella, siguro ang batang 'to anak mo sa ibang lalaki! Kung sa bagay sa sobrang tigas ng ulo mo kay Dad, naging malandi kang babae!" Gigil niyang boses. Parang gusto kong tumawa, ang sama niya. Akala ko ba siya ang palaging aalalay sa akin katulad ng pangako niya sa akin noon. Pero, ngayon nakikita ko na ang totoong ugali ni Gina. Napatingin ako sa anak kong masarap ang tulog sa kama. Pilit pa rin akong ngumiti, habang kaharap siya. Patawarin mo ako anak dahil kasalanan ko ang lahat. "Bella, ngayon pa lang isipin mo na kung ano ang nararapat sayo. At 'yon ang maging mahirap kasama ang walang kwentang anak mo! Bumalik ka na kung saan ka nagtago noon! Dahil tahimik na ang buhay namin. Kahit nga si Dad, ayaw ka na rin niyang makita!" Halos maguho ang mundo ko. Hindi ko na alam kung makikinig ba ako. Subalit, biglang kumulo ang dugo nang dinamay niya ang anak ko. "Labas dito ang anak ko! Wala kang karapatan para sabihin ang lahat ng 'yan! Gina, inagaw mo na ang lahat sa akin! Siguro na tuwa ka pa nang umalis ako sa bahay noon!" "Yes of course dahil sa wakas wala na akong ka-agaw!" "Walang hiya ka!" Pinilit kong tumayo ngunit, inunahan niya ako nang sabunot. Dahil wala akong sapat na lakas, madali akong natumba at natilapon. "Wala ka nang magagawa pa! Tanggapin mo na lang ang lahat! Dahil 'yan ang kapalaran mo Bella!" Sigaw pa nito. Halos napakuyom na ang mga kamao ko. Muli akong bumangon. Sa sobrang sakit bigla na lang akong napatakbo sa kaniya. Ngunit, nang hawakan ko siya bumukas na lang ang pinto. Sabay kaming napalingon at tumumbad sa amin si Brent. "Aray! Tama na Gina! Pumunta ako rito para bisitahin ang anak mo! Please, ang sakit sakit tama na!" Ikinagulat ko ang ginawa niyang pagdrama. Tinawag pa niya ako sa mismong pangalan niya. Agad ko siyang binitawan lalo na nanlilisik ang mga mata ni Brent na tumama sa akin. "How dare you to do this to my wife!" Malakas na sigaw ni Brent, habang malalim na malalim ang paningin niya sa akin. Mahigpit niya akong hinawakan sa balikat ko katulad nang ginawa niya kanina. Napa-iling-iling na lang ako at pilit na pinipigilan ang sobrang sakit. Ngunit, mas lalo lang akong nasasaktan. Hindi ko na alam kung ano ang sasabihin ko. Hindi ko alam kung ipaglalaban ko pa ba ang sarili ko. Dahil sa sitwasyon na nakikita ko ngayon. Mas pinapaniwalaan niya si Gina. "Kanina lang, nagpanggap ka na ikaw si Bella! Then now! Makikita ko kung paano mo siya sinasaktan!" Mas lalong bumuhos ang mga luha ko. "Gina? Gina right? Pwes! Ito lang ang masasabi ko sayo! Wala ka bang utak! Gumagawa ka nang masamang bagay sa harap ng anak mo! Bakit ano ba ang gusto mo! Turuan siya nang masama kagaya mo! Anong silbi kang ina para sa kaniya at anong silbi kang babae!" Halos makita ko na ang mga ugat niya sa leeg niya. Sobrang sakit, sobrang sakit na marinig ang mga salitang 'to. Hindi ko 'to kaya, malayong malayo siya sa Brent na nakilala ko noon. "Miss Gina! Magpasalamat ka pa rin dahil narito ako para sa lolo ko!" Sabay malakas na pagbitiw niya sa akin. Dahilan nang aking pagtumba. Hindi ko na rin magawang tumayo nang maayos dahil sa panginginig ng buong katawan ko. "Babe, tama na. Hayaan mo na lang siya. Umuwi na lang tayo..." Mala-anghel na boses ni Gina. Isa naman siyang masamang tao. "Wait. May sasabihin lang ako sa babaeng 'to." Kitang-kita ko kung gaano siya ka-alala kay Gina. Matapos niyang himasin ay ayusin ang buhok ni Gina, hinalikan pa niya sa noo. Mas lalong ikinadurog pa ito ng puso ko. "Gina! Para mqpagbayaran mo ang ginawa mo sa asawa ko. Bukas na bukas uuwi ka sa bahay ko at magiging alipin ko! Tandaan mo 'rin 'to. Kahit na sino ay walang nakakatakas sa akin. Kaya, magbabayad ka sa mga ginawa mo!" Madiin na boses nito at galit na galit. Nanatili lamang akong tahimik. Dahil umatras na ang dila ko. Inalalayan niyang lumabas si Gina. Subalit bago pa sila tuluyan na maglaho sa harap ko. Ngisi ang ibinigay sa akin ni, Gina.ISANG TAON ANG NAKALIPAS Sa mga pagsubok na dumating sa buhay ni Bella at Brent pati na rin sa kanilang kanya-kanyang pamilya. Nagkaroon muli ng kulay at pagkakaisa ngayon. Naging masaya ang kanilang pamilya. "Mahal, pwede bang paki-ayos muna sa ibaba? May gagawin lang ako dito sa itaas. Ilang oras na lang darating na ang mga bisita natin," sabi ni Bella habang abala siyang ginagawa ng mga desenyo para sa unang kaarawan ng kanilang bunsong anak. Maayos naman na sumunod si Brent. Samantalang, abala rin ang lahat lahat na mga katulong sa pag-aayos ng bahay ay pagluluto. Ang kanilang anak na si Kiel ay abala din sa paglilibang sa kaniyang kapatid. Halata sa batang ito na labis ang kaniyang pagmamahal sa kaniyang nakababatang kapatid. Sa kalagitnaan, ilang oras din natapos ang kanilang preperasyon. Hanggang sa kalaunan, dumating na nga ang kanilang mga bisita. "Hello po Lolo," nakangiting wika ni Bella at Brent nnag dumating si Don Juanito. Kasama nito sina Gina at Wanda gayundin si
BRENT POINT OF VIEW"Son, bakit hindi mo kasama si Tito Kent mo? Did you know where is he?" I asked calmly to my son. Iniling niya ang ulo niya bilang sagot niya. I'm thinking now, kung bakit nga wala si Kent. Dahil, alam ko na pupunta siya dito. "Okay, mahal, anak, aalis lang ako saglit. May tatawagan lang ako, saglit lang babalik agad ako, okay?" maayos kong pagpapaalam sa mag-ina ko."Mag-ingat ka mahal, bumalik ka agad," my wife said. Hindi na ako nag-alinlangan pang lumabas sa kwarto. Tanging naririto lang ang mga tauhan galing sa Cordova Family. Kinuha ko agad ang cellphone ko. Tinawagan ko si Kent, hanggang sa sumagot ito."Where are you?" I asked seriously."I'm sorry bro, nandito ako ngayon sa presinto. And now, umamin na ang dad mo. Siya ang may kagagawa ng lahat. Sa ngayon din, kami na muna ni Dustin ang bahala dito. Aasikasuhin mo nang mabuti si Bella, babalik kami agad diyan." He answered with his calmed voice.Hindi na ako nagsalita pa. I don't know why. Pero, labis an
"Kung ganun ano na ang gagawin niyo?" pagtatakang tanong ko. "I think, we don't need to think about it. Ako na ang bahalang tumapos sa lahat ng problema 'to. So everyone, mas mabuti kung huwag na natin masyadong problemahin ito. Especially your Bella, unahin mo ang sarili mo, the baby." Kuya Kent said. "Yeah, mas mabuti pa nga," sabi naman ng asawa ko. Ito na naman, wala na naman akong magagawa nito kundi ang sumunod. "Yeah, okay." Tanging sabi ko na lamang kaysa sa magreklamo pa ako. After sa mahabang pag-uusap namin. Nakaramdam ako ng kakaibigang hapdi sa tiyan ko. Hayts, kanina pa ito ahh. Parang hindi na yata ito naghihilom. "Ate Bella, is there something wrong?" pag-aalala ni Gina matapos niyang mapansin ang paghimasbko sa tiyan ko. "Ahmm, Wala lang ito. Don't worry," sabay ngiti ko. Subalit, hindi ko maipagkakaila na masakit na masakit na rin talaga ang tiyan ko. Dahilan para huminga ako nang malalim. Dito na rin napatayo ang asawa ko at lumapit sa akin. "Mahal, may
"Brent?" Gulat na gulat ako. Nagbigay si Brent ng matamis niyang ngiti kama sina kuya at Dustin. Laking pasasalamat kong muli silang nakabalik agad ngayon."Daddy!" excited na sigaw ng anak ko. Napatakbo na lamang si Kiel papunta sa daddy niya. "Hello baby, daddy is back. Did you miss me?" paglalambing ng asawa ko habang karga niya ang bata. Hindi ko magawang lumakad. Siguro, dahil sa sobrang tuwa ko at hindi makapaniwala. Maya-maya pa, lumapit sila sa amin. Ngunit, natameme pa rin ako sa pwesto ko. Hanggang sa, maramdaman ko ang malambot na kamay na humimas sa pisnge ko. "I mean you, mahal ko." Labis na paglalambing ni Brent. Dito ko na nagawang yumakap sa kaniya nang mahigpit."I miss you too, mahal ko. I'm happy at nakabalik ka ng ligtas kasama sina kuya. Mabuti na lang talaga mahal," natutuwang wika ko. Sa tuwa ko, hindi ko na rin napigilan ang emosyon ko. Kaya, dahan-dahan akong napaluha. "Hayts, ano ba naman 'yan. Hindi ba pwedeng respeto naman sa mga walang love life dito?"
Matapos ang lahat kanina sa paghahanda ko. Of course, hinihintay ko na lang ngayon ang anak ko dito sa tapat ng pintuan. Hindi ako mapakali, sadyang miss na miss ko na talaga si Kiel. At syempre, dapat lang talaga na ako ang unang sumalubong sa anak ko. Para naman matuwa siya sa akin. Sa loob ng ilang minuto, nakita ko na ang sasakyan na paparating dito sa bahay. Nakilala ko agad ito, ang sundo ni Kiel. Labis akong natuwa, pagkat sa wakas ay nandito na ang anak ko. Hanggang sa Kalaunan lamang, matapos i-park ang sasakyan, iniluwa ng pintuan ang napakagwapo kong anak."Mommy!" natutuwang sigaw ng anak ko. Kasabay nito ang pagtakbo niya papalapit sa akin. Nang nakalapit na sa akin si Kiel, walang alinlangan na yumakap siya sa akin. "Mommy, I miss you so much po. You know what mom, maganda din po sa school. Natutuwa po ako dahil may mga new friend na rin po ako doon. Tapos, pwede po bang makapunta din po sila dito sa bahay? natutuwang sambit ng anak ko. Kahit ako din naman ay natutuwa
BELLA POINT OF VIEW Naghahanda ako ng pagkain namin para mamaya. Habang si Lolo naman abala sa kung anong bagay. Kanina ko pa siya napapansin na may kinakausap sa cellphone niya. 'Yon nga lang Hindi ko Siya pwedeng isturbohin. Ang anak ko naman pumapasok na rin sa skwela kaya wala siya rito ngayon. Ganun din si Gina at Tita Wanda. Pareho silang dalawa ang wala rito. Dahil, bumisita sila sa puntod ni Tito, ang Daddy ni Gina. At syempre, kahit na ganun. Nakangiti pa rin ako sa pagluluto ko. Ilang oras na lang namin, kakain din kami ng sabay. Ang nakakalungkot nga lang. Wala pa rin si Brent at sina kuya Kent. "Madam ito na po ang pinapabili niyo." Lumapit sa akin ang isang katulong na inutusan ko kanina lang. "Maraming salamat," nakangiting wika ko sabay kuha ko sa kaniya ng gulay na inaabot niya sa akin. "Walang anuman po madam. Kung gusto niyo po, tulungan ko na po kayo sa niluluto niyo. Para naman madali pong matapos," nakangiting pagbuluntaryo nito."Ahmm, hindi na kailangan. Ayo







