Si Bella Monteverde, pinanganak galing sa mayaman na pamilya. Isang tagapagmana, subalit dahil sa pag-ibig, tinakwil siya ng sarili niyang pamilya. Hanggang sa dumaan ang ilang buwan. Ipinaghiwalay sila ng tadhana ng kaniyang asawa na si Brent De Guzman. Tunay na pagmamahal ang ibinigay nila sa isa't isa. Isang bulag si Brent. Ngunit, ginawa pa rin ni Bella ang lahat upang ipaglaban nito ang kaniyang asawa sa pamilya niya. Hangang sa isang araw, pumunta siya sa hospital dahil masama ang pakiramdam niya. Naging masaya naman si Bella dahil buntis pala siya. Ngunit, pagbalik niya sa kanilang bahay ay hindi na niya naabutan ang asawa niya. Tanging mapanakit na sulat na lang ang natanggap ni Bella. Pitong taon ang nakalipas. Muli siyang bumalik, ngunit hindi na siya tinaggap ng kaniyang ama base sa sinabi ng stepsister niya. At ngayon ang pamana na dapat kay Bella ay pilit na kinuha ng kaniyang step sister. Kahit nagawa man ni Bella ang lumapit sa pamilya niya para sa pagpapagamot ng anak niya. Ay naging walang saysay pa rin ito. Subalit, patuloy pa rin na lumaban si Bella. Hanggang sa hindi niya sinasadyang makatagpo ang isang matanda. Ang matandang ito ay nagpanggap bilang isang pulubi. Subalit, sa likod nito siya ang lolo ni Brent. Na siya ring dahilan nang muling pagkikita ni Bella at ni Brent. Ngunit sa kasamaang palad, hindi na si Bella ang kinikilalang asawa ni Brent. Dahil kinuha ng stepsister niya ang bagay na 'to at nagpanggap bilang si Bella. Gayunpaman, ay nais ng lolo ni Brent na ikasal si Brent kay Bella. Saan hahantong ang ganitong buhay? Muli kaya niyang maibabalik ang kaniyang asawa sa piling niya? Muli kaya niyang mababawi ang dapat para sa kaniya?
Lihat lebih banyakMasayang ikinasal si Bella sa kaniyang asawa na si Brent. Subalit, bulag si Brent. Ganun pa man ay walang ibang ginawa si Bella, kundi ang ipaglaban ito. Tunay ang kanilang pagmamahal. At walang makakapaghiwalay sa kanilang dalawa.
"Dad, I love him. I'm very sorry, hindi ko po talaga kayang mawala sa akin si Brent." Pagsusumamo niya sa kaniyang ama, matapos siyang pinipilit na makipaghiwalay. "Ganyan ka na ba talaga, Bella! Pinalaki kita nang maayos. Pero, mas pinipili mo pa rin ang bulag na 'yon! Makakatulong ba siya sayo! Halata naman na hindi diba! Isa pa, ikaw ang tagapagmana ng lahat na meron ako! Ngayon pa lang mamili ka! Ang bulag na 'yon o ang ama mo!" Galit na galit na boses nito. Gulong-gulo naman ang puso at isipan ni Bella. Dahil, hindi niya rin kaya ang mawalay sa kaniyang ama. Ngunit, wala siyang magagawa dahil mahal na mahal niya si Brent. "Dad, I'm very sorry. Mahal ko po talaga si Brent. Hindi ko pa talaga kaya na mawala siya." Umaapaw ang lungkot na kaniyang nadarama. Halos hindi niya mapigilan ang pagbuhos ng kaniyang luha. "Ganun ba? Sige, hahayaan na kita. Mula ngayon malaya ka na. Basta huwag mong pagsisihan ang naging disisyon mo, total ang tigas naman ng ulo mo!" Tinalikuran siya ng kaniyang ama. Matapos itong umalis, agad na napatayo si Bella sa kaniyang pagka-luhod. Bago siya tuluyan na umalis, maarahang napatingin muna siya sa kaniyang step sister at step mother. Sa itsura nito sobrang nalulungkot, ngunit sa loob ng mga ito ay lubos na natutuwa pa. Dahil una pa lang ay gusto nilang mawala si Bella sa buhay nila. ..... Nakangiting bumungad si Bella sa kanyang asawa. Kahit hindi nakikita ni Brent ang kaniyang ngiti. Pinaramdam pa rin ni Bella, na masaya siya at hindi pinagsisihan ang kaniyang disisyon. "Mahal ko, ayos lang ba sayo ang naging kasal natin?" Paglalambing na tanong ni, Bella. "Of course, it's okay. Basta ikaw ang naging asawa ko. Mahal, ayaw kong mawala ka sa akin. Kahit bulag ako, sana hindi mo ako iiwan." "Ano ka ba, matagal na tayong nagsasama. Isa pa, sabi ng doctor malaki pa rin ang possibility na gagaling ang mga mata mo. Sa ngayon hindi mo ako makikita, pero balang araw, makikita mo rin ang ganda ko." Biro pa ni Bella. Ngunit, taglay naman talaga niya ang ganda, mas lalo na kaniyang pag-uugali. Matapos ang gabing ito. Maraming masasayang araw naman ang dumaan sa dalawang mag-asawa. Tila'y umiikot sa kanilang dalawa ang masayang mundo. Isang araw, nakaramdam ng masama si Bella. Hindi man niya batid kung ano. Nais niya pa rin siguraduhin ang lagay niya. Dahil, araw araw na lang siya sumusuka. Kaya, kinagabihan nito nagpaalam siya kay, Brent. "Mahal ko, bukas pala may lalakarin ako. Ayos lang ba sayo na maiwan kita ulit dito sa bahay?" "Ahm, ayos lang naman. Basta sa akin ka pa rin uuwi ahh." "Opo, uuwi lang ako sayo." "Good. Oo nga pala, huwag mo itong huhubarin ahh. Ingatan mo 'to, dahil isa itong nagsisimbolo ng pag-ibig ko sayo." May bracelet na ibinigay si, Brent sa kaniya. Valuable din ang bagay na ito dahil pamana ito ng kaniyang ama. "Salamat, mahal ko." Hinalikan ni Bella si Brent sa pisngi nito. ..... Kina-umagahan, muling nagpaalam si Bella kay Brent. Agad naman na nagtungo si Bella sa hospital. Ilang oras din siyang naghintay sa resulta. Hanggang sa ibinalita sa kaniya ng doctor na nagdadalang tao siya. Dahil dito, lubos na kaligayahan ang kaniyang natamo. Excited siyang maka-uwi upang ipaalam ito kay, Brent. Dali-dali naman siyang umuwi. Subalit, nang nasa tapat na siya ng kanilang bahay. Tila'y napalitan ang kaligayahan niya ng matinding kaba at pagkatakot. Subalit, patuloy pa rin siyang naging positibo. Nakangiti siyang pumasok sa loob. Ngunit, ilang tawag na niya sa kaniyang asawa ay walang sumasagot. Hanggang sa makita niya ang isang sulat na nakalagay sa mesa. "Sorry love, kailangan ko nang umalis. Pasakit lang ako sayo. Patawad, ang totoo hindi naman talaga kita mahal. Ang totoo, ginagamit lang kita para alagaan ako. Ito na rin ang takdang panahon para tumayo sa sarili ko. Ipapagamot ko ang aking mata, gusto kong makakita. Pero, sa pagmulat ng mga mata ko. Kahit anino mo lang ay ayaw kong makita." Nanlambot ang mga tuhod ni, Bella sa kaniyang nabasa. Halos napa-upo siya sa sahig dahil sa sobrang sakit. Napansin niyang printed ang sulat. Kaya pumasok sa kaniyang isipan na hindi ito galing kay, Brent. Muli siyang tumayo, mabilis na napatakbo sa labas, tumawag ng sasakyan upang magtungo sa airport. Airport ang pumapak sa isipan niya dahil sa America lang naman siya ooperahan. At wala na rin siyang ibang maisip kundi ang sundan ang asawa niya. Naniniwala siyang hindi totoo ang naka-saad sa sulat. Nang makarating siya sa airport. Gulong-gulo ang kaniyang emosyon pati na rin ang itsura niya. Halos maubos na ang kaniyang boses sa kaka-sigaw habang patuloy na bumuhos ang kaniyang mga luha. Ngunit, sa kabila ng lahat ay hindi na niya natanaw pa si Brent."Ikaw apo ahh, lumalakas ka na ngayon," dagdag pa ng lolo ko."Who's that po?" singit ng anak ko. Kaya napatingin ako sa kaniya. Ngunit, wala pa akong balak sa ngayon na sabihin kay lolo na kasama ko rin si Kiel. Na naging kasama ni lolo o kalaro noon sa park. Para, maging surpresa naman ang pagkikuita nilang dalawa."Apo, who's that? Parang bata ang nagsalita? Familiar sa akin ang boses niya. Siya ba ang kasama niyp ni Bella? Siya ba si Kiel? Ang anak ni Bella ba ang kasama niyo diyan?" sunod-sunod na tanong ni lolo."Lolo, mag-usap na lang po tayo kapag magkita na po tayo. Mag stay ka lang po sa bahay. Habang wala pa po ako. Darating naman agad kami diyan," tanging pagmamadali kong sagot."Sandali lang, hindi mo pa sinasagot ang tanong ko apo.""Lolo, may ginagawa p apo ako. Soon makikilala mo rin kung sino ang kasama namin ni Bella dito. HUwag ka na po muna ma excite.""Ohh sige na lang. Mag-iingat kayo diyan. Sana, bumalik agad kayo sa bahay. Nasasabik na akong makita ka at si Bell
"Ewan ko sa 'yo. Inaantok na ako, kaya magpapahinga na muna ako. Hmm, ikaw na muna ang bahala sa anak natin ahh. Magpapahinga lang ako sa dating kwarto natin," nakangiting sabi ko. Hindi naman ako pinigilan ni Brent. Bagkus ay inalalayan pa niya akong maglakad upang magtungo sa kwarto namin. 'Di ba? Ganito pala siya mas naging gentle man sa sakin. I mean, sa amin ng anak niya. Nang makarating naman kami sa kwarto, ay agad na siyang nagpaalam. Upang, mabantayan si Kiel. Maayos naman ang pagpapaalam niya, kaya hinayaan ko na rin siyang umalis. Agad akong napahiga sa malambot na kama namin. Hanggang sa tuluyan na akong makatulog.BRENT DE GUZMAN POINT OF VIEWNang matapos kong ihatid ko Bella sa kwarto niya. Agad akong bumalik sa sala. Wala akong ibang magawa o ibang naging reaksyon kundi tuwa. Paulit-ulit kong, pinagmasdan ang mga litrato namin ng asawa ko. Niw, I know, why walang kahit na isang litrato ang ibinigay sa akin ang tunay na Gina. Nang matapos ako ay akmang aalis na sana ak
BELLA POINT OF VIEWNakahanda na ang gamit at oras na para pumunta kami sa lugar kung saan nararapat. Hinihintay na lang din namin ng anak ko si Brent na inaayos ang lahat sa loob ng sasakyan namin. Habang nakatanaw kami sa kaniya. "Mommy, saan po tayo pupunta ni Dad" My son said."Just wait na lang baby, malalaman mo rin kung saan," mahinahon na aniya ko sa anak ko. "Okay po mommy. I hope po mamasyal po tayo," sabay ngiti ni Kiel. "Mahal ko, anak, hali na kayo, ready na ang sasakyan natin," singit ni Brent. Kaya naman bumaling sa kaniya ang atensyon namin ng anak ko. Nakangiting nagkatitigan kami ni Kiel. Tila na sasabik na siya sa lakad namin ngayon. Nagmadali kaming lumakad at lumapit kay Brent. Pareho naman kaming inalalayan ni Brent na pumasok sa sasakyan. Ilang minuto din ang byahe. Hanggang sa kalaunan lamang ay --sa wakas nakarating na rin kami. Sa sobrang tuwa ko. Mabilis akong lumabas ng sasakyan, kahawak ang anak ko. "Mommy, asan po tayo? Kaninong house po ito?" tanong
Sa kasabik kong kumain ng nilaga. Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya naman ayan. Na ubos ko naman agad ito. Samanatalang ang asawa ko. walang ibang ginawa kundi ang manahimik habang nasa akin ang kaniyang titig. Na para bang ewan. Hindi ko alam kung ano ang isniisip nia. Basta kumakain lang ako dito. At gusto ko pang kumain. Kaso nga lang, parang heto na naman ang pakiramdam na ito. Nadadapuan na naman ako ng kaantukan ko. Ang daya talaga nito. Ngunit, ano pa nga ba ang gagawin ko? Ede sumunod sa gusto ng katawan ko. Baka mamaya ay ako pa ang malagot at bigla na lang bumagsak kung hindi ko iisipin ang health ko. DUSTINE POINT OF VIEWIto pala ang bahay ng Cordova? Grabe naman ang laki pala nito." Hindi ko maiwasan ang mapatigala. First ko lag ang makapasok ng ganitong bahay na isa na rin palasyo kung sasabihin. Kahit anak pa ako ng mayaman. Mas malaki pa rin ito kaysa sa amin. Nababalutan ng makinang na tila ba mga ginto at diamonds ang bahay. I didn't expect na mas malaki pa p
BELLA POINT OF VIEWPinagmamasdan ko ang mga dating litrato naming ng asawa ko. Habang katabi ko naman ang anak ko. Kaulanan, napatayo ako at naghanap ng mga bag na pwedeng lagyan ng damit. Upang, madala naming patungo sa lugar kung saan kaming tumira ng asawa ko. Sa pagkakataon ngayon, sa wakas, makakasama na rin naming ni Brent ang mga anak namin sa simpleng bahay na ‘yon. Tanging mga importanteng gamit ang naisip kong dalhin. Dahil, magiging pabigat lang sa bag ang mga walang silbi. PARANG SI ANO LANG NAMAN.Nang matapos ako, nakaramdam agada ko ng pagod. Kaya naman ay napa-upo muna ako sa kama. Upang, makapag-ipon nang lakas. Hanggang sa bumukas ang pintuan at iniluwa naman nito si Brent.“Hmm mahal ko, nandito ka lang pala. I thought, doon ka nagpahinga sa kwarto natin.” Wika ni Brent at lumapit sa akin. Hinawakan nia ang kamay ko. Kaya naramdaman ko agad ang pananabik niya at ang mainit niyang pagmamahal.“Sorry, may mga inayos kasi akong mga gamit din naming ng anak ko. Ehh, na
BRENT DE GUZMAN POINT OF VIEW"Hello, sir, hindi po ba kayo papasok sa company? Ilang araw na po kayo hindi pumapasok. Baka, malugi na po ang Company niyo." My secretary said, when I'm talking to her at phone. "No, babalik na lang ako diyan kapag tapos na ako sa mga ginagawa ko. Kayo na muna ang bahala sa Company. Kung sakaling magkaroon ng problema ang Company, ipaalam niyo agad sa akin." I said with my cold tone. "Okay po sir. Pero, gusto ko lang po sanang sabihin na bumisita po dito ang Dad mo kanina lang. Hinahanap ka po siya sir. Pero, hindi ko nasabi kung na saan ka ngayon. Lalo na hindi mo rin naman po pinaalam sa amin kung saan ka pupunta," she said. Walang dahilan para makipagkita sa akin si Dad. Mang gugulo lang siya sa akin lalo na sa pamilya ko. "Good." I coldly said."Po? Anong good po sir?" pagtataka nito."Basta, huwag niyong pabayaan ang company. Babalik din ako, bye." Then I off the call. Hindi ko na siya hinintay pang magsalita ulit. Baka humaba pa ang usapan.Nar
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Komen