BELLA POV. (PANIBAGONG ARAW)
Hindi ko pa rin matanggap ang nangyari kahapon. Hindi rin ako nakatulog nang maayos ka-gabi dahil sa sobrang pag-iisip. "Knock! Knock!" Tunog ng pintuan. Ngunit, tila'y lumabas lang ito sa aking tenga. Maya-maya pa, malakas na sipa ang tumunog rito. Halos masira na nito ang pintuan. Gad akong napatayo, dahil ang mga pumasok ay ang mga lalaking nanakit sa akin kahapon. Ito ang mga tauhan ni Brent. "Anong ginawa niyo??" Pag-aalala ko. Nababahala akong saktan nila ang anak ko. "Miss Gina, oras na para sunduin ka at dalhin sa bahay ni Brent. Wala ka pong pwedeng gawin dahil mapipilitan kaming saktan ka Lalo na ang anak mo. Pasensya na po dahil utos lang ito ni sir Brent sa amin." Kalmado na boses nito. Ngunit, may halong pananakot. Napatingin ako sa anak ko. Hindi ko siya pwedeng iwanan rito. "Pwede bang mamaya na lang. Kailangan ako ng anak ko. Pakiusap dahil wala rin magbabantay sa anak ko." pagsusumamo ko rito. Ngunit imbis na pagbigyan nila ako ay mahigpit nila akong hinawakan sa kamay ko. Nagawa ko pang pumiglas. Ngunit, hindi na kaya ng katawan ko. Halos mapa-iyak ako habang dahan-dahan na lumalayo sa kwarto ng anak ko. Maya-maya pa, naramdaman ko na lang ang malambot na bagay. Subalit, naging masakit 'to sa akin dahil malakas ang pagkatulak nila sa akin. Pilit ko pang binuksan ang pintuan ng kotse. Pero, hindi ko magawa dahil parang naka-lock na ito. "Miss Gina, kapag masira mo ang sasakyan ko. Mas lalo kang maghihirap sa kamay ko." Malalim na boses galing sa likuran ko. Nang hinarap ko 'to. Halos nanlilisik ang kaniyang mga mata sa akin. Ang mga mata ni Brent, na noon ay hindi ko pa nakitang naging ganito. "Brent, ilabas mo ako rito. Kailangan ako ng anak ko!" Hagulhol kong sigaw. Hindi ko talaga matanggap ang mga nangyayari ngayon. "Tsk! Kung kailangan mo ang anak mo. Pwes! Gumalaw ka nang maayos para maging maayos din ang lagay niya." Madiin na boses niya. Tila'y pinipigilan pa nga niya ang tunay na galit sa loob niya. Kung alam mo lang sana na anak mo si Kiel, hindi ka magiging ganito sa amin. Pero, hindi ko masasabi sayo dahil wala kang tiwala sa akin. "Let's go." Malamig na tugon niya sa driver. Umandar naman agad ang kotse. Halos hindi ko iniwas ang tingin ko sa hospital. Laman ng isipan ko ang anak ko ngayon. Sana lang bantayan siya ng ninang niya habang wala ako. Ang ninang niya na matalik kong kaibigan. • • • • • Nang tumigil ang sasakyan, agad siyang lumabas. Ikinatahimik ko na lang ang ginawa niya. Bigla niya akong hinila palabas ng kotse niya at itinulak. Mabuti na lang naka-balanse pa ang katawan ko. "I told you already last day of what you need to do. Magiging alipin kita rito. Huwag na huwag kang magkakamali na gumalaw ng mali! Dahil hindi ako magdadalawang isip na saktan ka Gina!" Kulang na lang isampal niya sa mukha ko ang stepsister ko. Gina! Gina! Gina ang pagkakilala niya sa akin, hindi ang asawa niya! "Dalhin niyo siya sa maid area." Utos niya sa mga tauhan niya. Wala nang nais na salita ang gustong lumabas sa bibig ko. Lalo na alam ko na hindi niya rin ako papakinggan. Ilang minuto lang, iniwan ako ng mga lalaki sa tapat ng isang kwarto. Matapos silang umalis ay agad ko itong binuksan. Pilit na lang akong ngumiti nang tumumbad sa akin ang madumi at magulong kwarto. Laman ng isipan ko na wala na akong magagawa kundi ang tanggapin ang lahat. Ma-ingat kong inayos ang mga gamit rito. Hanggang sa may mga yapak ng paa akong narinig na patungo dito. Kalaunan, iniluwa ng pintuan ang isang Yaya. Ngunit sa kaniyang itsura ay may edad na. "Miss, ito po ang uniporme mo." Hindi ako makapaniwala na magsusuot ako ng uniform ng isang Yaya. "Opo, maraming salamat po." Sabay pilit kong pagngiti. "Pasensya ka na Miss. Sa una ganyan talaga si Sir Brent. Pero, mabait siya, sana maintindihan mo na lang siya. Dahil, masaklap ang dinanas niya noon. Tapos, paalala ko lang din po miss. Huwag na huwag kang lalapit sa asawa niya. Dahil lubos ni Sir na prinoprotektahan ito." Masakit isipin pero mas mahirap tanggapin na hindi ako ang kasama niya. Napayuko na lang, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. "Miss, huwag kang mag-alala. Balang araw masasanay ka rin kay sir Brent." Dagdag pa nito. Dahan-dahan kong ini-angat ang piningin ko. "Maraming salamat po sa paalala." Nakangiting wika ko. Tumango naman siya at matapos ay lumabas ng kwarto. Punong puno ng sakit ang aking dibdib. Tila'y may maraming punyal ang tumarak sa puso ko. Hindi ko alam kung makakaya ko bang tumira rito. Hindi ko alam kung kailan niya malalaman na ako ang asawa niya. Sobrang sakit, hindi ko inaasahan na magiging ganito ang kahahantungan ng pagmamahalan namin noon. "Miss, pinapatawag po kayo sa kusina. Suotin mo rin po ang uniporme mo." Ikinatigil ko ang biglang babaeng nagsalita. Hindi ko siya hinarap dahil lumuluha ang mga mata ko. "Sige po." Pilit kong inayos sa normal ang boses ko. Nang maka-alis siya. Dali-dali naman akong nagbihis. Kahit labag sa kalooban ko ang lahat ng ito ay wala akong ibang magagawa. Dali-dali kong hinanap ang daan patungo sa kusina. Masyadong maluwag kaya medyo nahirapan ako. Mahigpit na nakahawak din ang mga kamay ko sa maikling palda na suot ko. Maya-maya pa, habang tuliro ako at nagmamadali. Bigla ko na lang narinig ang pangalan ko. "Bella...." Tawag nito sa akin. Nang napaharap ako sa kaniya laking gulat ko na lang ito. Dahil, paano siya nandito? Anong ginagawa niya dito?Sa panibagong araw na ito. Naisipan ni Bella ang bisitahin ang anak niya. Nagpanggap siyang walang nangyari ka-gabi, upang makapagpaalam siya nang maayos kay Brent. "Gusto ko makita ang anak ko. Magpapaalam sana ako sa 'yo," sambit niya na may kalmadong boses.Hindi sumagot si Brent. Bagkus ay pinagtuunan pa niya nang pansin ang pagbabasa niya ng libro. Naisip naman ni Bella na ito ang paraan nang pagsagot ni Brent. Kaya, umalis na lang ito sa harap ni Brent.Tuluyan siyang naglakad nang tahimik. Hanggang sa makalabas siya nang bahay. Subalit, sa hindi inaasahan ay nakasalubong niya si Gina. Akmang hindi niya sana ito pagtutuunan nang pansin. Ngunit, hinila ni Gina ang braso ni Bella."You know what Bella, matigas din ang ulo mo noh? Hindi ka manlang ba nakuntinto sa ginawa ni Brent sa 'yo sa hospital? Ang kapal nang mukha mo para tumungtong dito! Sino ka ba sa inaakala mo? Hindi hamak na mukha kang basura ngayon! Bakit mo pa kasi sinayang ang ang mga ibinigay sa 'yo noon? Ayan tuloy
"Ano pa ang ginagawa mo diyan? Kailangan pa ba kitang alalayan na umupo? Pinahintay mo na nga ako. Tapos dadating ka dito ngayon, para tumunganga diyan?" Ang talas talaga ng bunganga niya. Hindi ko na makilala sa pagkatao niya ngayon ang asawa ko."Hindi ko naman sinabi na hintayin mo ako. I sa, wala akong ganang kumain. Gusto ko nang umalis sa bahay mo. Kaya, paki-usapan mo ulit si lolo, para sa pag-alis ko. Napag-isipan ko rin nang mabuti, na hindi karapat-dapat na makilala ng anak ko ang tulad mo." Hindi ko na kaya ang magpigil pa. Hindi ko na hahayaan na apakan lang ang pagkatao ko. Kahit na gusto ako ng lolo niya. Hindi pa rin dapat na panghawakan ko 'yon, para lang lumapit sa walang pusong lalaki na kaharap ko ngayon. Napansin ko ang pagkuyom ng kamao niya. Galit ang mga ka,may niya, kaya malamang galit na siya sa akin ngayon. Hindi ko pa rin ipagkakaila na, may naramdaman akong takot. Paano ba naman kasi, ang lalim ng mga tingin niya. Parang gustong pumatay ng tao.Kung sa bag
BELLA POV. Nang magising ako, nakita ko agad ang cellphone ko sa tabi ko. Kinuha ko ito at binuksan. Halos manlaki ang mga mata ko. Hindi ko man lang napansin na tumawag sa akin si Dustine. Paano na 'to baka mamaya important 'yon. Dali-dali ko itong tinawagan. Tumutunog, pero sana sumagot naman siya. Hindi ko alam pero natataranta ako. Maya-maya pa, mabuti na lang at sinagot niya ito. "Hello, Dustin?" mahinang tawag ko. Naririnig ko ang tunog ng sasakyan. Hmm, mukhang nagmamaneho siya ngayon. "Hayts, sa wakas naman at tumawag ka Bella. Kanina pa ako naghihintay na mag response ka. Ano ba ang ginagawa mo? Nag-aalala na ako sa 'yo. Hindi ko alam kung saan kita hahanapin. Hindi ka man lang nagpaalam ehh," puno nang pag-aalala niya. Mabuti pa si Dustine iniisip ako. Ehhh, ang asawa ko? Kailan ba niya ako maiisip? "Ahmm, sorry, nakatulog kasi ako ehh. Hindi ko napansin ang tawag mo. Pero, huwag kang mag-alala dahil ayos lang naman ako ehh. Isa pa, naging busy lang din ako. P
"She's right Lolo, so don't push me to her.I don't want to marry a girl na alam kong hindi ko mahal. Ilang beses ko ba apat ulitin sa 'yo sabihin 'to lolo. Kaya ko o gawin ang lahat ng iuutos niyo. Pero, pag-abot sa kasal ako na po ang ang-decide." Hindi ko na talaga kaya. Gusto ko na ang umalis pero hindi matutuwa sa kin si lolo."Ok sige, sa ngayon hindi na ako mamimilit. Iisipin ko na lang na nabigla ko lang kayo sa desisyon ko. Pero, gusto ko pa rin na umabot sa tamang panahon na ikasal kayong dalawa. Gusto ko rin na tumira dito sa bahay ang anak mo Bella. T gusto ko na makatulog kayo nang maayos sa maayos na kwarto. Hindi ka pwede sa maid's room. Dahil hindi kita pinapunta dito para maging alipin." Hindi ko maintindihan si lolo kung bakit niya ito ginagawa. Simple lang naman ang nagawa ko sa kaniya nang isang araw. Kaya, parang sobra na 'to.Napansin kong sasatsat pa si Brent, Ngunit, nang tumingin siya sa akin ay hindi na niya itinuloy pa."Chairman, oras na po para magpahinga,
"Ayan na Lolo, narinig mo na ang sagot niya ayaw niya huwag natin pilitin. Ayaw ko rin naman, ilang beses ko ba dapat sabihin," pagrereklamo pa rin ni Brent. "Hindi, hindi pwede, hindi ako papayag na hindi kayo ikasal. Brent makinig ka naman sa akin. Alam mo naman na mahina na ako diba? Kaya kung pwede ba, umayos ka ngayon at pagbigyan mo ang Lolo mo. Ito lang ang hiling ko bago ako tuluyan na mawala sa mundong 'to. Isa pa, gusto ko ang batang anak niya, mabait siya at mapaglaro, marunong makisama katulad ng Mama niya...* Laking gulat ko na lang na marinig ito. "Ano po ang ibig niyong sabihin Lolo? Nagkita na ba kayo ng anak ko?" pagtataka ko. Hindi ko naman na pansin na nagkita na sila at nagka-usap. "Bella, may mga pangyayari na hindi inaasahan. Sa totoo lang, matagal ko nang nakita at nakilala ang anak mo. Kaya, nang araw na 'yon na nalaman kong anak mo pala ang batang palagi kong nakakalaro noon sa park ay agad akong nag donate ng pera para ma-operahan siya. Nasaksihan ko rin
Nanigas ako sa takot. Ayaw kong humarap dahil tiyak akong malalagot talaga ako nito. "I'm talking to you, wala ka bang dila!" galit na sigaw nito. "A-ahmm, sir---" "Yaya, leave! Sa susunod na makita ko pang nakikinig sa sa usapan ng iba ay nawawalan ka ng trabaho!" Inakala kong ako ang pagagalitan niya. Ngunit, parang nadamay ko pa ang ibang tao. Ako dapat pa rin ang sisihin niya hindi ang yayang 'to. Hindi ko pa rin nagawang humarap sa kaniya. Hanggang sa nanlaki na lang ang paningin ko sa biglang pagluhod ng Yaya. "Patawad po sir, kasalanan ko po. Hindi na po mauulit," paghingi nito ng tawad. Akmang gagalaw na sana ako upang itayo ang babae. Ngunit, isang malakas na sigaw ang pagtawag sa akin ni Brent. "What are you doing Gina! Pinapunta ka rito, kaya lumapit ka. Kanina ka pa naka-tayo diyan. Ano ba ang iniisip mo!" sigaw pa nito. Sa sakit na hinatid nito sa dibdib ko parang iiyak na naman ako. "Sige na, umalis ka na. Huwag mo na siyang galitin pa," wika sa akin ng Yaya.