Share

MML 6 - Burned Cookies

Buong araw ang nagdaan ngunit parang hindi naman niya sineseryoso ang sinasabi ko na ayaw ko na. Na layuan na lang siguro namin ang isa't-isa.

"Mas maganda kung lagi mong itatali ang mga buhok mo," aniya.

Kanina ko pa pilit na inilalayo sa kaniya ang aking mga buhok ngunit sadyang parang wala lang iyon sa kaniya at lapit pa rin nang lapit.

"Ano ba?!" inis na sambit ko. Hindi na talaga natutuwa sa pinaggagawa niya.

Naiinis ako sa part na ginagawa niya kung ano ang gusto niya kahit na ayaw mo. Kahit na tutol ka ay parang wala kang magawa kasi hindi ka niya pakikinggan at tanging kagustuhan lamang niya ang gusto niya na mangyari.

"May tali ako nakita sa banyo. Wait lang," sabi niya at nagmamadali na umalis.

Salubong na salubong na ang mga kilay ko habang nakatingin sa papalayo niyang likod.

Tumayo na lamang ako sa inuupuan ko at pinatay ang tv saka naman ako pumasok sa silid ko. Tamang-tama at wala na rin naman ako gagawin. Sadyang hindi lang ako dinadalaw pa lang ng antok kaya naman ay
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status