Share

MML 5 - His Wife

"Kung sakali na hindi ako kasal. May chance ba tayo? May chance kaya na magugustuhan mo rin ako?" maya-maya ay tanong niya.

Pareho kami na nakahiga ngayon sa harapan ng sasakyan niya habang nakatanaw pa rin sa nagkikinangan na mga bituwin sa langit.

"Hindi ko alam," sagot ko.

Ramdam ko ang pagbaling niya sa akin ngunit pinanatili ko ang sarili ko na nakatingin sa itaas.

"I mean, sa tingin mo lang. Isipin mo na wala akong asawa tapos ayon nga... nagkagusto ako sa iyo," sabi niya.

"Ano pa ang sense ng pagtatanong mo kung sa reality naman ay may asawa ka talaga," pambabara ko sa kaniya.

Kasi totoo naman. Tatanungin niya iyon tapos kapag sinabi ko na posible ay wala pa rin naman mababago. Ganoon pa rin naman. Sa huli ay may asawa pa rin siya at hindi na mababago pa iyon. Hindi na pwede magkagusto pa sa iba kasi nakatali na siya.

"Mahirap ba sagutin ng oo o hindi?" bakas sa boses niya ang pagkaubos agad ng kaniyang pasensya.

"Hindi naman kasi mababago ang laha—"

"Oo o hindi lang, Ina."

"Ka
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status