"Naku sana naman andito pa yun." Mahinang usal ko habang kinakapa sa may paso sa gilid ng bahay yung spare key namin ni Jen. Hindi ko na to naalala kagabi dahil sa espiritu ng alcohol sa katawan ko. Sige palusot pa Jazmin, palusot pa!
"Hay salamat! Nandito pa!" Napangiti ako dahil kung hindi, wala akong choice kung hindi bulabugin si Jen.
Pagkapasok ko ng susi sa knob ay nanlaki ang mga mata ko dahil hindi naman pala naka lock! Naku, Jen, pambihira talaga! Paano na lang kung may masamang loob na pumasok? Dahan-dahan ko namang binuksan ang pintuan.
Pagka bukas ko ng pinto, muntik na akong atakehin sa puso sa gulat! Akala ko kung sino ang lalaking nakaupo sa sofa! Yun pala ay si Jeff na ngayon ay nakatingin sa akin ng diretso habang nakahalukipkip sa sofa. My gosh! Para akong anak na nahuli ng tatay na may ginagawang kababalaghan!
Di ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko! Papansinin ko ba o didiretso na lang sa kwarto? Teka bakit ba ako natataranta eh wala naman akong ginawang masama?
Pakiramdam ko nag-init ang mukha ko nang maalala ko na naman ang kagagahan ko kagabi. Kinapa ko ang puso ko pero wala akong maramdamang pagsisisi. Pagkatapos kasi nun ay nag stay kami sa sala nila at naupo ng magkatabi sa sofa. Pinipilit niya ako matulog pero kahit anong pilit ko ay di ako makatulog kaya puyat na puyat ako. Nakaidlip naman siya nang nakahilig sa balikat ko. Nagi-guilty ako dahil may exam pa siya ngayon.
Nang mag aala-singko na ay nagpaalam na din ako dahil gustung gusto ko nang maglinis ng katawan at amoy alak pa ako. At isa pa, kailangan na pa niyang umidlip pa ng kahit kunti at papasok pa siya. Nagpupumilit pa siyang ihatid ako pero hindi ako pumayag at sinabihan ko siyang matulog na.
"Saan ka galing?" Seryosong tanong sa akin ni Jeff kaya napatingin naman ako sakanya. Hindi pala ako nakilos agad kaya para tuloy akong isang criminal na nahuli sa akto. Napakurap naman ako at napangiti ng mapait. Wow ha? Kinakausap niya ako? Magkakilala pala kami?
"Kila Princess.” Malamig pa sa Baguio kong sagot sa kanya pero nag iwas ako ng tingin. Alam niya kasi kung nagsasabi ako ng totoo o hindi. Hindi kasi marunong magsinungaling ang mga mata ko.
"You're lying. Saan ka galing, Jazmin?" Seryoso niyang tanong ulit. Sabi na eh!
"Kila Princess nga! Teka nga, bakit ba? Eh kung hindi nga kila Princess, ano naman sayo ngayon at kelan ka pa nagkaroon ng pakialam sakin?” Singhal ko sa kanya. Hindi ko na talaga kayang pigilan ang bibig ko sa laki ng tampo ko sa kanya.
Bigla namang nagbago ang expression ng mukha niya at lumambot ito. Napabuntong hininga pa siya.
"Im sorry. I’m just worried. Hinatid ko si Jen dito ng three pero wala ka pala.” Concern niyang sabi pero hindi ako nakaimik.
“Jaz, can we talk?" Sabi pa niya. Mukha siyang maamong tupa. Pero di ako papadala sayo ngayon. Akala mo ganun ganun na lang lahat? Hindi mo ako papansinin ng ilang buwan tapos bigla ka na lang susulpot.
"Inaantok na ako eh. Sige." Malamig kong sabi sa kanya at dumiretso na ako sa kwarto.
Yung tampo ko sa kanya abot hanggang langit. Tanggap ko naman nang hanggang magkaibigan lang kami pero yung kung ituring niya ako ay daig ko pa ang stranger, yun ang masakit.
Puro din naman magaganda ang mga naging girlfriends niya pero ang laki ng ipinagbago niya nang maka relasyon niya ang Miss Nursing kuno. Sinong hindi magagalit? Kaya ko din manalo dun kung gugustuhin ko lang sumali! . Lagi nga ako pinipilit sumali diyan mula pa noong first year kami kaso not my cup of tea. Excuse me lang noh? Napailing naman ako sa mga kalokohang pumapasok sa isipan ko. Yang Jeff kasi na yan eh!
Mabilis nabaling ang atensyon ko kay Niko kahit mahigit dalawang buwan pa lang kaming magkakilala dahil nandiyan siya palagi para sa akin. Lalo ng mga panahong feeling broken hearted ako kay Jeff. Pero syempre hindi alam ni Niko yun. Masarap sila kasama ng mga kaibigan niya lalo na siya kaya nakakalimutan ko ang bigat ng dibdib ko tuwing nandiyan siya.
Hindi ko rin maintindihan kung ano ba ang nararamdaman ko para sa kanya. Oo, kinikilig ako at kumakabog ng malakas ang puso ko kapag andiyan siya. Pero in love nga ba ako? Nabibilisan kasi ako sa sarili ko! Samantalang ilang taon akong nabaliw kay Jeff.
Sino ba kasing hindi mai-inlove kay Nikolas? Nakakatuwa pa nga dahil Mr. Perfect pa ang bansag sa kanya ng mga kaklase niyang babae dahil nasa kanya na daw ang lahat. Napaka gwapo kasi talaga niya, matangkad, matipuno, matalino, mabait, gentleman, sweet, thoughtful.. as in nasa kanya na lahat! Kaya hindi ko rin masisi ang mga babaeng naiinis sa akin ngayon dahil madalas kaming magkasama ni Niko.
Napapangiti talaga ako kapag naiisip ko si Niko at lalo akong kinikilig ngayon na alam ko na ang pakiramdam kung paano mahalikan ng isang Niko! Bago pa ako mamilipit sa kilig ay lumabas na ako ng kwarto para maligo dahil para na akong nandidiri sa sarili ko. Nasa sala pa din si Jeff at nakahiga na siya sa sofa.
Pagkatapos kong magpatuyo ng buhok ay nahiga na ako at pinipilit makatulog na pero pambihira ayaw pa din akong dalawin ng antok kahit puyat na puyat ako! Puro Niko ang isinisigaw nito!
Makalipas ang ilang sandali pa ay nakarinig ako ng katok mula sa labas. Sino naman kayang kakatok ng ganito kaaga? Tumayo ako at idinikit ang tenga ko sa pintuan ko. Narinig ko namang binuksan ni Jeff ang pinto sa sala. Hindi pa talaga siya umaalis. Ano kayang nakain ng lalaking yan?
"Si Jaz?" Nanlalaki ang mga mata ko nang maulinigan ko ang boses ni Niko! Agad kong binuksan ang pintuan ko at lumabas.
Naabutan ko silang nagsusukatan ng tingin ni Jeff! Lumampas naman ang tingin niya kay Jeff nang dumating ako. Ngumiti siya at kumaway kaya umalis sa pagkakaharang sa pintuan si Jeff pero bago siya tumalikod at bumalik sa sofa ay muli pa silang nagkatinginan!
"Niko?” Nagtataka kasi ako bakit siya nagpunta dito pero itong puso ko ay nagwawala na naman!
“Hi Jaz! You left your phone. Here.” Nakangiti niyang sabi sabay abot sa cellphone ko! Para na naman akong mahihimatay sa simpleng pagdadaiti ng mga kamay namin at sa mga ngiti niyang yan! Pati nga cellphone ko ay hindi ko na maaalala dahil sa kaiisip sa kanya! Bagong ligo din siya at preskong presko, mas presko pa sa umaga!
Oh my gosh! Oo nga pala, buking ako kay Jeff! Sabagay, wala naman kamng ginawang masama. Pero ang mukha ko pakiramdam ko ay nagkukulay kamatis na naman! Bigla namang tumikhim si Jeff kaya napalingon doon si Niko at tila nagtatanong din kung sino siya. Ang awkward pero ang rude naman kung hindi ko sila ipapakilala sa bawat isa.
"Niko, si Jeff pala. Pinsan ni Jen.” Napatango naman siya saka naman ako bumaling kay Jeff.
“Si Niko.” Tipid kong sabi sa kanya. Buti naman at kahit papaano ay nagtanguan naman sila.
"Oh sorry! Tara pasok ka Niko. Dito ka na mag breakfast." Hinging paumanhin ko dahil ni hindi ko man lang siya naalalang papasukin. Puro kasi kalandian ang nasa isip!
"Gusto ko sana pero you need to rest na din dahil wala ka pang tulog. Hindi na rin ako magtatagal, Jaz. I need to get ready na din at maaga exam ko today." Nagulat ako nang bigla niya akong hapitin sa bewang at dinampian ng halik sa noo!
Sigurado akong hindi lang ako ang nagulat kundi pati si Jeff na siguradong nakamasid sa amin ngayon! Parang gustong iparating ni Niko na pag-aari niya ako? Totoo ba to? Possessive?
What’s the score ba? Hindi ko din alam. At diko rin alam kung paano ko pakikiharapan ang galit na lalaki dito ngayon. Dahil pagkasarang pagkasara ko ng pintuan ay agad niya akong kinompronta.
"Kila Princess pala ha?” Sarkastiko niyang sabi. Napabuntong hininga naman ako sa inis sa tono ng pananalita niya.
"Totoo naman eh. Tumuloy na lang ako sa kanila kanina kasi naiwan ko yung bag ko kila Princess. Andun yung susi ko. Happy?" Sagot ko sa kanya. Buti na lang napigilan ko ang sarili kong singhalan siya.
Napabuntong hinga na lang siya at napailing. “Mauna na ako. Pakisabi na lang kay Jen.” Paalam niya at lumabas na ng bahay.
PAGKAGISING ko ay tila ako na disorient dahil madilim na. Agad kong kinapa ang cellphone ko at tinignan ang oras. Ala sais na pala ng gabi! Hindi rin naman kasi ako nakatulog agad kanina. Hindi mawala sa isipan ko yung nangyari kagabi ay madaling araw pala. Idagdag mo pa yung awkward moment kanina.
Di pa din ako makapaniwalang may first kiss na ako! Kaya kahit anong pikit ko kanina, yun at yun ang nakikita ko. Napapikit ako ng mariin nang maisip kong ako pa talaga ang nag initiate! Muli akong napapikit nang maalala ko nang sabihan niya ako ng ‘I love you’. Nakatulugan ko na nga ang pag-iisip kung sinabi ba talaga niya yun o nag hahallucinate na ako? Oh my gosh, Jaz!
Lumabas na ako ng kwarto makalipas ang ilang sandali at dumiretso sa kusina dahil naaamoy ko ang mabangong niluluto ni Jen. Amoy adobong manok! Nagugutom na ako dahil hindi na ako nakapag lunch!
"Aba! Gising na ang prinsesa! Saan ka natulog kagabi?" Heto na nga ba ang sinasabi ko.
"Anong ulam? Di pa ako kumakain mula pa kaninang umaga. Nagugutom na ako.” Mangiyak ngiyak kong tanong sa kanya para iwala yung tanong niya.
"Sus! Winawala ang usapan. Dika makakatakas sakin mamaya. Malapit na maluto yan. Handa mo na lang yung table." Sabi naman nito.
"Ay oo nga pala dito din daw mag di dinner si Max. Nasa kanya daw bag mo. Hintayin natin kunti, malapit na din siguro yun." Dagdag pa niya habang tinitikman ang niluluto niya.
Napangiwi na lang ako dahil siguradong wala akong ligtas sa dalawa.
NIKO'S POVMy heart was beating so fast and my tears began to roll down my cheeks when I saw her walking slowly down the aisle. God, she’s so beautiful. I just can’t believe she’s all mine.“Dude, you’re cheesy.” Von who’s standing beside me chuckled when he saw me in tears so he handed me his hanky. But he’s obviously emotional as I am! I just smiled nervously as I wiped off my tears. Ah, can’t help it.“Niko, oo naalala ko nga ang unang beses na nagkasalubong tayo..napaka suplado mo at sinungitan mo pa ako.” She said smiling.“But I never thought na ‘yong guwapong suplado na ‘yon ay ang magiging asawa ko pala. I actually wrote my vow but I won’t read it anymore and I will just speak my heart out today; my vow to you in front of God and of our loved ones.”
Jazmin's POV"Sabagay ma'am Jazmin, hindi na talaga kami magtataka na na- in love sa’yo si Boss Niko. Sa ganda mong yan ma'am!"Nalaman na nila na asawa ko si Niko. Gulat na gulat sila pero hindi na daw nakapagtataka. Mga bolero."Kaya pala magre-resign na si ma'am, siguro aalagaan na lang niya si sir!" Tudyo naman ng iba."Pero ma'am bakit iba ‘yong kasama ni boss no’ng nag random inspection sila tapos parang hindi kayo magkakilala?"My gosh, napapansin nila lahat! Mga kalalaking mga tao, mga tsismoso."Mas maganda ka naman do’n ma'am Jazmin! May LQ lang siguro, ‘di ba ma'am? Bawing bawi naman si sir ngayon. Parang nililigawan ulit si ma'am!" Sabi naman ng isa pang engineer. Kaloka sila.Halos dalawang linggo na din mula noong nagkausap kami. Hindi ko pa din siya kinikibo hanggang ngayon pero ayan nga at inar
"Daddy! Daddy!" Nagulat ako nang sumigaw si Aedin at masayang masaya siyang nakatingin sa dalampasigan!Halos malaglag ang panga ko nang makita si Niko na masayang nakatingin sa amin! Kung hindi pa ako siniko ni Max ay hindi pa ako makakakilos sa kinatatayuan ko.Kaagad namang nagpababa si Aedin kay Jen dahil nasa mababaw na lang kami at tumakbo na ito patungo kay Niko. Kaagad naman niya itong sinalubong ng yakap at binuhat. Nakangiti sila pareho pero napasimangot ako at padabog na umahon mula sa dagat.Nakangiti siyang nakatingin sa akin na akala mo ay parang walang nangyari kaya tinignan ko siya ng masama nang tuluyan akong makaahon. Tinawag niya ako nang nilampasan ko siya pero hindi ko siya pinansin at dumiretso na ako sa lounge chair dahil nandoon ang tuwalya ko.Para naman siyang nagulat sa inakto ko pero sumunod pa din siya habang karga si Aedin. Hinawakan niya ako sa braso ko nang hindi ako tumitingin sa kanya kaya iwinaksi ko ito."Mommy,
"Jazmin, hindi ka na ba talaga mag-i-extend?" Tanong ng project manager sa akin.Sa totoo lang ay hindi na malinaw ang magiging plano ko ngayong bumalik na si Niko. Hindi pa malinaw sa amin ang lahat. Gusto ko ding mainis sa sarili ko dahil hindi pa ito malinaw kung tutuusin pero ilang beses ko nang naipagkaloob sa kanya ang aking sarili. Ganon ako karupok pagdating sa kanya. Oo nga at mag-asawa nga kami pero matagal kaming nagkahiwalay at ni hindi pa kami nakapag-usap sa mga nangyari.Sinabi niyang mag-uusap kami pagkabalik niya dahil kinailangan niyang magpunta sa Davao kinaumagahan no’n. Nagkaroon daw kasi ng problema kaya kahit ayaw niya pa sanang umalis ay wala siyang nagawa.“Papasok na din po sa preschool ang anak ko kaya kailangan ko muna siyang personal na asikasuhin sir. Pasensiya na po..” Magalang kong sagot kaya naintindihan naman niya ako.Si Aedin na muna ang aasikasuhin ko
“Getting back together?” Nakangiting tanong ni Ethan habang nagmamaneho siya pero hindi ito umabot sa kaniyang mga mata.Sa huli ay kay Ethan din ako sumama dahil mahuhuli na talaga ako sa trabaho at isa pa, ayaw din siyang payagang umalis ni Aedin kaya lihim akong nagpasalamat."I..I honestly don't know. Ethan, I’m sorry.." Halos makurot ko ang mga daliri ko at hindi ako makatingin sa kaniya.Pakiramdam ko kasi ay napaka unfair ko sa kaniya. Lagi siya sa tabi ko at kasama ko siya sa pagpapalaki kay Aedin pero ilang araw ko pa lang nakakasama si Niko ay tumiklop na ako agad. Hindi man niya aminin ay alam kong kahit papaano ay umaasa pa din siyang maibaling ko sa kaniya ang pagmamahal ko. Sinubukan ko naman..pero iisa lang tala ang itinitibok ng puso ko."It's okay, Jaz. You don't have to be sorry. As long as you and Aedin are happy then I am also happy. You know that, right?"Ano bang nagawa ko at bakit napakabuti niya sa akin? Na
"Mommy, I want to be near the window!"Pinahiga ko kasi siya sa gitna ng kama. Ano bang gagawin ko sa’yo anak? Nakadikit kasi sa wall malapit sa bintana ang kama namin dahil malikot siyang matulog. Doon ang kinasanayan niyang pwesto maliban na lang kagabi na pinagitnaan namin siya ni Niko dahil tulog naman na siya. Ngayon, gising na gising pa at ayaw nga niyang pumayag na sa gitna ko siya patutulugin.Nagdahilan ako kanina na may gagawin pa ang daddy niya at kailangang umuwi pero umiyak lang siya nang umiyak kaya wala na nga akong nagawa. Mukha namang tuwang tuwa ang kumag at hindi halatang handa siya dahil may dala na siyang damit niya sa sasakyan!Napabuntong hininga na lang ako. "Alright, sleep ka na.""I'll wait for daddy!" Sabi niya kahit na inaantok na siya. Napailing na lang ako at parang gusto ko nang magselos dahil puro siya daddy!"Daddy!" Tuwang tuwa niyang sigaw nang makalabas ng banyo si Niko. Kaagad pa siyang b