Napatunganga ako lalo sa sinabi niya! What the heck? May bahay sila dito sa Baguio pero lumipat sila dito dahil sa akin? Nanlalaki ang mga mata ko at napaawang ang mga labi dahil hindi ako makapaniwala! Bahagya naman siyang natawa sa itsura ko at pinisil ang pisngi ko.
“Yeah I know. Daig ko pa ang stalker but I was desperate, Jaz. I really like you.” Sabi nito at pakiramdam ko ay nagkulay kamatis na naman ang traydor kong mukha.
"Hey..Are you mad?" Untag niya sa akin nang di ako nakapagsalita. Parang hindi ma process ng utak ko sa tindi ng revelations niya! Napakurap naman ako.
"N-no of course not. Hindi lang ako makapaniwala Niko. Sa dami ng nagkakagusto sayo, b-bakit ako?” Nauutal kong tanong sa kanya.
Hinawakan niyang muli ang kamay ko at pinisil ito. “I love you, Jaz.” Masuyo nitong sinabi sa namumungay niyang mga mata
Oh my gosh! Seriously? Kinurot ko ng bahagya ang braso ko. Ouch! Hindi nga ito panaginip!
Hindi ulit ako nakapagsalita ng ilang sandali. “N-niko..” Basag ko sa katahimikan. Hindi ko kasi alam kung anong sasabihin ko. Kinikilig ako, oo! Pero hindi ko naman alam ang gagawin ko ngayong nagtapat siya sa akin.
"It's okay. Maghihintay ako sa sagot mo." Ngumiti siya at hinawakan ako sa baba. Halos matunaw naman ako sa klase ng mga titig at ngiti niya.
"Niko.." Sabi ko sa kanya at naglakas loob na salubungin ang mga titig niya. Nanahimik naman siya at hinihintay ang susunod kong sasabihin. Shocks! Kinakabahan ako. “Niko..I..I’m inlove with you.” Mahina kong sabi. There! Nasabi ko din!
Siya naman ngayon ang napaawang ang mga labi at natulala na tila hindi siya makapaniwala sa narinig niya.
Bahagya niyang ikiniling ang ulo niya na tila nagtatanong kung tama ba ang narinig niya kaya bahagya akong tumango at ngumiti sa kanya. Natawa naman ako nang mapaawang ulit ang bibig niya! Napaka cute niya.
"Kung ganun, g-girl friend na kita?" Nauutal na din siya! Si Niko? Mauutal sa isang babae? At sa akin pa? Uh-oh! This is unbelievable!
“Ikaw? Kung gusto mo?” Napakagat labi kong tanong sa kanya dahil pinipigilan ko talaga ang sarili ko na mapatili.
“O-of course! Really, Jaz?” Tanong ulit niya at hindi pa din siya makapaniwala!
Muli akong tumango tango at ngumiti sa kanya ng matamis! Nagulat naman ako nang marahan niya akong hilain at niyakap niya ako ng mahigpit at hinalikan sa pisngi!
"You just don't know how happy you made me, baby!" Masaya niyang sabi at hindi matanggal ang mga ngiti niya sa kanyang labi.
Kung hindi siya makapaniwala eh di lalo naman ako kaya halos hindi ako nakatulog buong gabi! Late na ulit tuloy akong nagising kinabukasan. Alas diyes na ng umaga! Unang una kong tinignan ang messages ko sa cellphone. Grabe hindi pa ako nakakapag hilamos pero kinikilig na ako! May text galing sa kanya! Galing sa boyfriend ko! Jusko po halos mapatili ako sa kilig. May boyfriend na talaga ako! Totoo na to!
Hindi na ako makapag hintay basahin ang text niya kaya agad ko na tong binuksan.
Kulas: Good morning baby! I love you!
Oh my gulay! Grabe! Umagang umaga nagkulay kamatis na naman ang mukha ko sa kilig! Agad naman akong nagreply.
Me: morning! Just woke up. Love u
So ganito pala ang feeling ng may boyfriend! Para akong baliw dahil napapangiti na lang ako bigla bigla.
Inaya niya akong lumabas mamaya at syempre pumayag naman ako. May date kami mamaya, manonood daw kami ng movie at mag di dinner sa labas! First date, OMG!!!
Paglabas ko naman ng sala ay hindi lang ako ang nakangiti dahil nakahiga sa may sofa si Jen at tila kinikilig ito sa tamis ng ngiti.
"Hoy ginagawa mo diyan?" Untag ko sa kanya.
"Nanonood ng kdrama! Nakakakilig kainis!" Sabi niya at impit pang napapasigaw.
Napangiti na lang ulit ako at napailing dahil hopeless romantic din yang kaibigan kong yan.
"Uy Jaz! May chika pala ako sayo!" Bigla naman nitong sabi nang nasa banyo ako at nagsisipilyo. Napakunot noo naman ako at sumilip sa sala. Maliit lang itong apartment kaya magkakalapit lahat.
"Ha? Ano yun?" Tanong ko habang nagsisipilyo.
"Break na si Jeff at si Camilla! Nakita ko yung update ni girl sa f******k kanina. Single na daw!" At napangisi siyang nakatingin sa akin at hinihintay ang magiging reaksyon ko.
Mabilis ko nang tinapos ang pagsisipilyo ko at agad na lumapit sa kanya.
"Oh eh ano naman?" Tanong ko sa kanya at umupo sa tabi niya at siya naman tong tila nagulat.
"Uy uy uy! Naninibago ako sayo ha? Dati rati kapag ganyan ang balita, nagtatatalon ka na sa tuwa?"
"Eh di ba kayo na din naman yung may gusto na tanggapin ko nang wala na talaga at mag move on na ako?" Balik tanong ko sa kanya. Napangiti naman siya at napabuntong hininga.
"Sabagay! Paulit ulit ka lang aasa at masasaktan. Wala na ba talaga?" Seryoso naman nitong tanong sa akin.
"Siya na mismo ang tumulong sa akin para makalimutan ang narararamdaman ko para sa kanya." Seryoso ko ding sagot sa kanya. Pero bigla na naman itong napangisi.
"In love ka kay Niko noh?!" Nanunukso niyang tanong.
Napangiti ako ng matamis nang marinig ko ang pangalan ni Niko. Pero agad itong napalis nang makita ko ang reaksyon niya na parang namatanda! Nanlalaki ang mga mata niya at napaawang ang mga labi at ikiniling ang ulo na tila nanantiya. Ganun na ganun yung reaksyon ko kagabi ah! Napakunot naman ang noo ko dahil hindi siya nakapagsalita agad.
"Wait lang! So, in love ka nga talaga?! Nangniningning yang mga mata mo oh!” Hindi siya magkandaugaga sa katatanong nang makabawi siya. Natawa ako bigla at nahampas siya sa balikat.
"Eh kung sabihin kong oo?" Sabi ko naman sa kanya at hindi na talaga mawala ang mga ngiti ko.
"Omg! That's great! Boto ako sa kanya! Nanliligaw na ba ha? Sagutin mo na!" Sabi niya at niyuyugyog pa ako sa balikat. Parang mas kinikilig pa siya sa akin!
"Hoy ang OA mo ha!" Tumatawa kong sabi dahil mas mukha pa siyang baliw kesa sa akin. Paano pa kaya kapag sinabi kong kami na kaya lalo akong napangisi.
"Wag ka na magpakipot diyan! Ikaw na lang ang di pa nagkaka boyfriend oh!" Tudyo pa niya sa akin.
"Hoy grabe ka! Kulang na lang i benta mo na ako sa kanya ha!" Singhal ko naman sa kanya.
"Eh kung pwede nga lang eh!" Tawa ng tawa niyang sinabi.
"Jen..actually kami na ni Niko." Bigla kong sinabi sa kanya.
Wala na! Halos magwala na siya sa buong bahay. Daig pa niya ang nanalo sa lotto. Kilig na kilig ang bruha!
"Thanks Niko. I really enjoyed our.. first date." Sabi ko nang makarating na kami dito sa apartment.
Nanood kami ng movie sa SM, doon na din kami kumain ng dinner. At naglakad lakad kami sa Session road after nun. Ganun pala ang feeling ng may ka-‘hhww’ holding hands while walking. Dati rati ay naiinggit lang ako kapag may nakikitang magka hawak kamay. Ngayon, ako naman. Napangiti naman ako sa naisip ko.
"I should be the one to thank you.” Pinisil pa niya ang pisngi ko.
"Tara, pasok ka muna. Coffee tayo." Aya ko sa kanya sa loob at agad naman siyang pumayag. Parang ayoko pang matapos ang araw na to. Napakasaya ko!
Nadatnan namin si Jen sa sofa na nanonood na naman ng kdrama. Grabe, napaka adik niya!
"Aba! Aba! Sana all may jowa! Eh di kayo na!" Sabi niya nang makita kami. Tumawa naman kami ni Niko.
Nag kwentuhan kaming tatlo pero maya-maya nagpaalam nang papasok sa kwarto nya si Jen at mukhang nakakaistorbo daw sya. Baliw talaga. May palagay akong na i chismis na nyan kay Max na kami na ni Niko.
"Hindi ka na ba uuwi ng Manila?" Tanong ko sa kanya nang mapag-isa kami.
"Nope. Enrollment na next week. How about you?” Balik tanong niya naman sa akin.
"Hindi na din dahil namasyal naman na sila tita dito nung nakaraan." Maiksi lang naman ang bakasayon kaya hindi na ako uuwi. Buti sana kung malapit lang ang Manila. Nakakapagod bumiyahe.
"Sabay na tayo mag enroll next week, Jaz."
"Oo naman."
Maya-maya ay marahan niyang kinuha ang kamay kong nakapatong sa hita ko at pinghugpong ito sa kamay niya at nilaro laro ito. Naloloka na ako sa kilig!
Maya-maya ay nag ask siya ng permission kung pwede ba siyang humiga kaya umusod ako pero nagulat ako nang sa lap ko siya umunan. Napangiti na lang din ako at sinuklay suklay ko ang buhok niya ng mga daliri ko. Di pa din ako makapaniwalang boyfriend ko tong gwapong to.
Ipinikit niya ang kanyang mga mata. Sigurado akong puyat siya kaya kahit hindi niya sabihin ay alam kong inaantok siya. Hinawakan ko ang kilay niyang makakapal, ilong na matangos, at oopss stop. Muntik na tayo dun! Grabe, ang pula ng mga labi niya. Maghunos dili ka Jazmin!
Naalimpungatan ako nang gumalaw siya. Nakatulog din pala ako nang nakasandal sa sofa at nakahiga pa din siya sa lap ko.
"Oh, I’m sorry. Nakatulog pala ako.” Hinging paumanhin niya at agad bumangon mula sa pagkakahiga.
“It’s okay. Nakaidlip nga din ako.” Sabi ko naman ng nakangiti.
"What time is it?" Tanong niya at nag inat. Napatingin kaming sabay sa wall clock. Ala una na pala!
"I’ll go home now so you could sleep already.” Masuyo niyang sinabi at tumayo na.
"Huwag mo na akong ihatid sa labas. I love you." Dagdag niya at hinalikan ako sa pisngi at pinisil ng bahagya ang pisngi ko.
Kelan kaya mauulit yung ano.. yung kiss. Hala, ang landi!
NIKO'S POVMy heart was beating so fast and my tears began to roll down my cheeks when I saw her walking slowly down the aisle. God, she’s so beautiful. I just can’t believe she’s all mine.“Dude, you’re cheesy.” Von who’s standing beside me chuckled when he saw me in tears so he handed me his hanky. But he’s obviously emotional as I am! I just smiled nervously as I wiped off my tears. Ah, can’t help it.“Niko, oo naalala ko nga ang unang beses na nagkasalubong tayo..napaka suplado mo at sinungitan mo pa ako.” She said smiling.“But I never thought na ‘yong guwapong suplado na ‘yon ay ang magiging asawa ko pala. I actually wrote my vow but I won’t read it anymore and I will just speak my heart out today; my vow to you in front of God and of our loved ones.”
Jazmin's POV"Sabagay ma'am Jazmin, hindi na talaga kami magtataka na na- in love sa’yo si Boss Niko. Sa ganda mong yan ma'am!"Nalaman na nila na asawa ko si Niko. Gulat na gulat sila pero hindi na daw nakapagtataka. Mga bolero."Kaya pala magre-resign na si ma'am, siguro aalagaan na lang niya si sir!" Tudyo naman ng iba."Pero ma'am bakit iba ‘yong kasama ni boss no’ng nag random inspection sila tapos parang hindi kayo magkakilala?"My gosh, napapansin nila lahat! Mga kalalaking mga tao, mga tsismoso."Mas maganda ka naman do’n ma'am Jazmin! May LQ lang siguro, ‘di ba ma'am? Bawing bawi naman si sir ngayon. Parang nililigawan ulit si ma'am!" Sabi naman ng isa pang engineer. Kaloka sila.Halos dalawang linggo na din mula noong nagkausap kami. Hindi ko pa din siya kinikibo hanggang ngayon pero ayan nga at inar
"Daddy! Daddy!" Nagulat ako nang sumigaw si Aedin at masayang masaya siyang nakatingin sa dalampasigan!Halos malaglag ang panga ko nang makita si Niko na masayang nakatingin sa amin! Kung hindi pa ako siniko ni Max ay hindi pa ako makakakilos sa kinatatayuan ko.Kaagad namang nagpababa si Aedin kay Jen dahil nasa mababaw na lang kami at tumakbo na ito patungo kay Niko. Kaagad naman niya itong sinalubong ng yakap at binuhat. Nakangiti sila pareho pero napasimangot ako at padabog na umahon mula sa dagat.Nakangiti siyang nakatingin sa akin na akala mo ay parang walang nangyari kaya tinignan ko siya ng masama nang tuluyan akong makaahon. Tinawag niya ako nang nilampasan ko siya pero hindi ko siya pinansin at dumiretso na ako sa lounge chair dahil nandoon ang tuwalya ko.Para naman siyang nagulat sa inakto ko pero sumunod pa din siya habang karga si Aedin. Hinawakan niya ako sa braso ko nang hindi ako tumitingin sa kanya kaya iwinaksi ko ito."Mommy,
"Jazmin, hindi ka na ba talaga mag-i-extend?" Tanong ng project manager sa akin.Sa totoo lang ay hindi na malinaw ang magiging plano ko ngayong bumalik na si Niko. Hindi pa malinaw sa amin ang lahat. Gusto ko ding mainis sa sarili ko dahil hindi pa ito malinaw kung tutuusin pero ilang beses ko nang naipagkaloob sa kanya ang aking sarili. Ganon ako karupok pagdating sa kanya. Oo nga at mag-asawa nga kami pero matagal kaming nagkahiwalay at ni hindi pa kami nakapag-usap sa mga nangyari.Sinabi niyang mag-uusap kami pagkabalik niya dahil kinailangan niyang magpunta sa Davao kinaumagahan no’n. Nagkaroon daw kasi ng problema kaya kahit ayaw niya pa sanang umalis ay wala siyang nagawa.“Papasok na din po sa preschool ang anak ko kaya kailangan ko muna siyang personal na asikasuhin sir. Pasensiya na po..” Magalang kong sagot kaya naintindihan naman niya ako.Si Aedin na muna ang aasikasuhin ko
“Getting back together?” Nakangiting tanong ni Ethan habang nagmamaneho siya pero hindi ito umabot sa kaniyang mga mata.Sa huli ay kay Ethan din ako sumama dahil mahuhuli na talaga ako sa trabaho at isa pa, ayaw din siyang payagang umalis ni Aedin kaya lihim akong nagpasalamat."I..I honestly don't know. Ethan, I’m sorry.." Halos makurot ko ang mga daliri ko at hindi ako makatingin sa kaniya.Pakiramdam ko kasi ay napaka unfair ko sa kaniya. Lagi siya sa tabi ko at kasama ko siya sa pagpapalaki kay Aedin pero ilang araw ko pa lang nakakasama si Niko ay tumiklop na ako agad. Hindi man niya aminin ay alam kong kahit papaano ay umaasa pa din siyang maibaling ko sa kaniya ang pagmamahal ko. Sinubukan ko naman..pero iisa lang tala ang itinitibok ng puso ko."It's okay, Jaz. You don't have to be sorry. As long as you and Aedin are happy then I am also happy. You know that, right?"Ano bang nagawa ko at bakit napakabuti niya sa akin? Na
"Mommy, I want to be near the window!"Pinahiga ko kasi siya sa gitna ng kama. Ano bang gagawin ko sa’yo anak? Nakadikit kasi sa wall malapit sa bintana ang kama namin dahil malikot siyang matulog. Doon ang kinasanayan niyang pwesto maliban na lang kagabi na pinagitnaan namin siya ni Niko dahil tulog naman na siya. Ngayon, gising na gising pa at ayaw nga niyang pumayag na sa gitna ko siya patutulugin.Nagdahilan ako kanina na may gagawin pa ang daddy niya at kailangang umuwi pero umiyak lang siya nang umiyak kaya wala na nga akong nagawa. Mukha namang tuwang tuwa ang kumag at hindi halatang handa siya dahil may dala na siyang damit niya sa sasakyan!Napabuntong hininga na lang ako. "Alright, sleep ka na.""I'll wait for daddy!" Sabi niya kahit na inaantok na siya. Napailing na lang ako at parang gusto ko nang magselos dahil puro siya daddy!"Daddy!" Tuwang tuwa niyang sigaw nang makalabas ng banyo si Niko. Kaagad pa siyang b