Share

Chapter 15

Penulis: _juztine_
last update Terakhir Diperbarui: 2021-06-04 16:47:59

Sinamahan kami ni Niko na nagpa enroll ni Max kahit na bukas pa ang schedule ng enrollment nila.

Nasa lobby kami at hinihintay lang si Max dahil nag punta ng rest room. Alam na din pala ng mga kaibigan namin na kami na ni Niko. Syempre masaya sila para sa amin. Binalita ko na din kila mommy at tita. Masaya sila pero nagpaalala lang na dapat alam daw namin ang limitasyon namin lalo na si tita. Paulit-ulit siyang tumatawag at nagpapaalala na hindi daw masamang  ma inlove basta alam namin  ang limitasyon namin.

Nagulat ako nang bigla niya akong akbayan.

"Where do you wanna eat?" Malambing niyang tanong dahil tanghali na din kasi.

"Ikaw? Saan mo ba gusto?"Balik tanong ko  naman sa kanya.

"Hoy! Ano yan ha? Public display of affection is not allowed here especially when I’m around!” Mataray na sita sa amin ni Max pagkalabas niya ng cr. Nagkatawanan kami at sabay sabay nang naglakad palabas ng building.

Nakasalubong namin si Jeff at napatigil siya sa paglalakad nang mapatingin siya  sa kamay naming magkahugpong ni Niko. Bigla namang pinisil ni Niko ang kamay ko at palagay ko ay nakita yun ni Jeff kaya napatungo siya at umalis na nang hindi namamansin. Nagkibit balikat na lang ako dahil wala namang bago.

Nakakalungkot lang na para kayong hindi magkakilala ng tinatawag mong bestfriend ng ilang taon. Hanggang ngayon ay di pa din malinaw sa akin kung bakit siya nagkakaganyan. Napabuntong hininga na lang ako at naputol ang pag-iisip ko nang pisilin ni Niko ang pisngi ko. Napa aray ako at akmang babawian siya nang sininghalan kami ni Max! Masyado na daw syang naiinggit. Ayun umamin din! Tawang tawa ako sa itsura niya!

Mabilis namang lumipas ang  mga araw at sa totoo lang ay lalo akong nahuhulog kay Niko! Paano? Napaka sweet at thoughtful niya! Madalas pa niya akong haranain kaya naman pakiramdam ko ay sobrang haba ng buhok ko!

Kulas ko: Baby text me when your duty ends. Gonna pick you up

Napangiti ako nang mabasa ko ang message ni Niko. Kanina pa itong text niya pero ngayon ko lang nabasa. Tapos na din ang duty ko ngayon at nag aayos na sana ako pauwi. Swerte ko naman at may sweet boyfriend akong magsusundo sakin. Sana di siya magbago.

Me: sorry, i just read your message. tapos na duty

Kulas ko: wait for me. Love you

"Aysus! Ang ganda ng ngiti natin ah! Iba din talaga kapag may nagpapangiti!" Tudyo sa akin ni Dexter. Ka group ko siya sa duty.

"Tse! Doon ka na nga!" Pabirong singhal ko sa kanya dahil wala siyang ginawa kundi manudyo. Tawa naman siya nang tawa na parang siraulo at kinuha na din ang mga gamit niya at nauna nang lumabas.

"Hey you look tired. Toxic?" Tanong niya nang makasakay ako sa kotse niya. Natututo na din siya sa mga informal terms naming mga nasa medical field.

"Oo tapos masungit pa yong clinical instructor namin. Kay Dexter lang yun mabait eh dahil siya lang naman ang gwapo sa group." Binabae kasi ang clinical instructor namin. Para siyang nag me-menopause na hindi mo maintindihan dahil napaka taray niya. Tuwang tuwa naman ang loko-lokong si Dex sa special treatment sa kanya ni sir. 

"Gwapo?" Sa dinami dami ng sinabi ko yung gwapo talaga ang narinig!

"Oo gwapo." Inulit ko naman at napangiti ako dahil halata namang nagseselos siya.

Sumeryoso naman siya at hindi na sumagot kaya napasimangot ako. Nag focus na siya sa pagmamaneho. Tumahimik din ako kaya napalingon siya sa akin. Muli naman akong napangiti dahil alam kong hindi niya ako matitiis.

"Uy nag seselos siya ayieee!" Tukso ko sa kanya nang ngiting ngiti.

"Huh? Di ah." Pagdi-deny naman niya pero napapangiti na din siya.

"Cute naman ng baby ko na yan magselos!" Tudyo ko sa kanya sabay pisil sa pisngi niya. Doon na siya napangiti nang tuluyan.

"Lagot ka sakin mamaya!" Kunwaring banta niya sa akin.

"Ahh kinakabahan ako!" Maarte kong sabi at saka tumawa.

"I’m gonna kiss you." Sabi niya ng nakangisi. Ako naman ngayon ang hindi nakapalag at natigil sa pagtawa. Tinawanan naman niya ako nang makita niya ang reaksyon ko. Na tensed ako!

"Kinakabahan ka ba, baby?" Nakangisi niyang tanong at bahagya pa niyang kinagat ang mamula mula niyang labi! Sigurado akong namula na naman ng husto ang buong mukha ko!

Para akong nabunutan ng tinik nang makarating kami sa apartment dahil nandun sila Von at iba pa nilang mga kaibigan. Tumatambay na naman sila dito.

"Mga istorbo!" Inis na bulong ni Niko. Pero alam ko naman na nagbibiro lang siya.

"Anong kaguluhan to ha? Wala ba kayong mga klase?" Tanong ko sa kanila at naabutan namin silang nagtatawanan.

"Uy grabe pinapapaalis na tayo mga pre! Jen, tara baka nakaka istorbo tayo!" Sigaw ni Von. Parang gusto ko tuloy siyang batukan dahil hindi naman namin sila pinapaalis. Napakagaling talaga nito mang asar.

"Ulol!" Sigaw naman ni Niko sa kanila kaya lalo pa silang napahagalpak ng tawa. Napakababaw nila kaya napailing na lang ako na natawa.

"Sira!" Sigaw ko din sa kanila at dumiretso ako kay Jen na nasa kusina at nagluluto. Mukhang pakakainin na naman namin itong mga matatakaw na to dito.

"Ano niluluto mo?" Tanong ko sa kanya.

"Eh nagrequest yang mga yan ng bulalo kaya heto at pinapalambot ko. Dala nila yan. Pwede naman silang kumain na lang diyan sa karinderya. Ang a-arte!" Nagustuhan kasi nila ang mga luto ni Jen kaya napapadalas ang kain nila dito. Marunong din naman sila lalo na si Niko pero baka gusto din nila ng ibang lasa.

"Naku matagal lumambot yan! Sino ba kasing naglilihi sainyo diyan ha?" Tanong ko sa kanila.

"Kaming lahat baby kaya bilisan nyo na please!" Sabi naman ng loko lokong si Erik. Kaya nasapak tuloy siya ni Niko.

"Hoy! Matagal pa to! Sa dinami dami ba naman ng ulam, bulalo pa talaga!" Singhal naman sa kanila ni Jen.

"Magluluto muna ako ng snack natin, Jen. Mamayang gabi pa yan maluluto." Sabi ko sa kanya para hindi siya madaliin ng mga barakong yan. Tamang tama namalengke kami nung isang araw kaya meron kaming mga stocks diyan na kung anu-ano.

"Bananaque or turon?" Tanong ko sa kanila dahil meron kami saging na saba. Meron din kaming malalaking patatas, gawin ko na lang na fries.

"Turon baby ko! Thank you baby!” Pabirong sagot ni Von saka ulit sila nagtawanan. Tinutukso kasi nila lagi si Niko. Gustung gusto nilang inisin dahil napaka possessive daw niya. Inirapan ko na lang siya at nagbihis muna ako bago nagsimulang magluto.

"Napakasarap naman nito. Swerte talaga ni Niko sayo baby!" Si Jeremy naman ang bumanat at saka sila nag apir ni Erik. Mga sira talaga!

"Shut up dude! Stop calling her baby!" Inis na sita ni Niko sa mga kaibigan niya kaya lalo silang nagtwanan dahil panalo na naman sila at nainis na nga siya. Napailing na lang ako sa mga kalokohan nila.

Magkatabi kaming naupo ni Niko dito sa mahabang sofa at sila Von  naman ay sumalampak sa floor namin. Si Jen naman ay mukhang may tinatapos at tinutulungan naman siya ni Rust. Hindi ko nga alam kung anong meron sa kanilang dalawa kasi napaka sweet din naman nila sa isa’t isa pero kahit anong pagpapa amin ang gawin namin ni Max kay Jen ay wala nga daw talaga.

Pagkatapos naming kumain ng dinner ay nagsi uwian na sila dahil pinalayas na sila ni Jen at may tatapusin pa daw siya. Pero naririnig ko naman sa mga mokong kanina na may lakad talaga sila. Aakyat daw sila ng ligaw! Mga playboy, manliligaw?

Natuwa naman si Niko nang makaalis ang mga kaibigan niya. Nagpa iwan kasi siya kaya tumambay muna kami sa terrace. Nakahilig ako sa balikat niya habang nakaakbay naman siya sa akin.

"Are you cold?" Malambing na tanong niya pero di pa ako nakakasagot ay tinanggal na niya ang jacket niya at ipinatong sa balikat ko.

"Paano ka? Naka sweatshirt naman ako eh." Masuyo ko namang sinabi sa kanya.

"Im good, dont worry." Pag-aasure naman niya sa akin at muli siyang umakbay sa balikat ko. Muli akong humilig sa balikat niya at ipinikit ko ang mga mata. Napagod ako sa duty.

"Baby?" Untag niya sa akin maya-maya.

"Hmm?" Sagot ko naman nang hindi kumikilos.

Pero nang di siya sumagot ay minulat ko ang aking mga mata at lumingon sa kanya. Kumabog naman ng malakas ang puso ko dahil sobrang lapit na ng mukha niya sa akin. Nakatingin na siya sa labi kong napaawang  at diko din mapigilan ang sarili kong mapatingin sa mga labi niya.

"Sisingilin na kita ha?" Mahina niyang sabi at unti-unti niya pang inilapit ang mukha niya at dahan-dahang idinampi ang kanyang labi sa aking mga labi. Hindi ko alam ang gagawin ko sa pagkabigla. Pero napapikit na lang ako nang lalo niya pa itong idiin at nagsimulang sumimsim.

Oh gosh! This is heaven! Lalo pang lumalim ang halik niya nang iyakap ko ang mga braso ko sa leeg niya. Hinapit niya pa ako lalo sa bewang at naramdaman ko na lang ang mga kamay niyang  humahagod sa likod ko ng pataas at pababa. Para kaming gutom na gutom sa bawat isa. We just can't stop. We could kiss until forever!

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • My Mr. Perfect (Girlfriend Series #1)   Epilogue

    NIKO'S POVMy heart was beating so fast and my tears began to roll down my cheeks when I saw her walking slowly down the aisle. God, she’s so beautiful. I just can’t believe she’s all mine.“Dude, you’re cheesy.” Von who’s standing beside me chuckled when he saw me in tears so he handed me his hanky. But he’s obviously emotional as I am! I just smiled nervously as I wiped off my tears. Ah, can’t help it.“Niko, oo naalala ko nga ang unang beses na nagkasalubong tayo..napaka suplado mo at sinungitan mo pa ako.” She said smiling.“But I never thought na ‘yong guwapong suplado na ‘yon ay ang magiging asawa ko pala. I actually wrote my vow but I won’t read it anymore and I will just speak my heart out today; my vow to you in front of God and of our loved ones.”

  • My Mr. Perfect (Girlfriend Series #1)   Chapter 50

    Jazmin's POV"Sabagay ma'am Jazmin, hindi na talaga kami magtataka na na- in love sa’yo si Boss Niko. Sa ganda mong yan ma'am!"Nalaman na nila na asawa ko si Niko. Gulat na gulat sila pero hindi na daw nakapagtataka. Mga bolero."Kaya pala magre-resign na si ma'am, siguro aalagaan na lang niya si sir!" Tudyo naman ng iba."Pero ma'am bakit iba ‘yong kasama ni boss no’ng nag random inspection sila tapos parang hindi kayo magkakilala?"My gosh, napapansin nila lahat! Mga kalalaking mga tao, mga tsismoso."Mas maganda ka naman do’n ma'am Jazmin! May LQ lang siguro, ‘di ba ma'am? Bawing bawi naman si sir ngayon. Parang nililigawan ulit si ma'am!" Sabi naman ng isa pang engineer. Kaloka sila.Halos dalawang linggo na din mula noong nagkausap kami. Hindi ko pa din siya kinikibo hanggang ngayon pero ayan nga at inar

  • My Mr. Perfect (Girlfriend Series #1)   Chapter 49

    "Daddy! Daddy!" Nagulat ako nang sumigaw si Aedin at masayang masaya siyang nakatingin sa dalampasigan!Halos malaglag ang panga ko nang makita si Niko na masayang nakatingin sa amin! Kung hindi pa ako siniko ni Max ay hindi pa ako makakakilos sa kinatatayuan ko.Kaagad namang nagpababa si Aedin kay Jen dahil nasa mababaw na lang kami at tumakbo na ito patungo kay Niko. Kaagad naman niya itong sinalubong ng yakap at binuhat. Nakangiti sila pareho pero napasimangot ako at padabog na umahon mula sa dagat.Nakangiti siyang nakatingin sa akin na akala mo ay parang walang nangyari kaya tinignan ko siya ng masama nang tuluyan akong makaahon. Tinawag niya ako nang nilampasan ko siya pero hindi ko siya pinansin at dumiretso na ako sa lounge chair dahil nandoon ang tuwalya ko.Para naman siyang nagulat sa inakto ko pero sumunod pa din siya habang karga si Aedin. Hinawakan niya ako sa braso ko nang hindi ako tumitingin sa kanya kaya iwinaksi ko ito."Mommy,

  • My Mr. Perfect (Girlfriend Series #1)   Chapter 48

    "Jazmin, hindi ka na ba talaga mag-i-extend?" Tanong ng project manager sa akin.Sa totoo lang ay hindi na malinaw ang magiging plano ko ngayong bumalik na si Niko. Hindi pa malinaw sa amin ang lahat. Gusto ko ding mainis sa sarili ko dahil hindi pa ito malinaw kung tutuusin pero ilang beses ko nang naipagkaloob sa kanya ang aking sarili. Ganon ako karupok pagdating sa kanya. Oo nga at mag-asawa nga kami pero matagal kaming nagkahiwalay at ni hindi pa kami nakapag-usap sa mga nangyari.Sinabi niyang mag-uusap kami pagkabalik niya dahil kinailangan niyang magpunta sa Davao kinaumagahan no’n. Nagkaroon daw kasi ng problema kaya kahit ayaw niya pa sanang umalis ay wala siyang nagawa.“Papasok na din po sa preschool ang anak ko kaya kailangan ko muna siyang personal na asikasuhin sir. Pasensiya na po..” Magalang kong sagot kaya naintindihan naman niya ako.Si Aedin na muna ang aasikasuhin ko

  • My Mr. Perfect (Girlfriend Series #1)   Chapter 47

    “Getting back together?” Nakangiting tanong ni Ethan habang nagmamaneho siya pero hindi ito umabot sa kaniyang mga mata.Sa huli ay kay Ethan din ako sumama dahil mahuhuli na talaga ako sa trabaho at isa pa, ayaw din siyang payagang umalis ni Aedin kaya lihim akong nagpasalamat."I..I honestly don't know. Ethan, I’m sorry.." Halos makurot ko ang mga daliri ko at hindi ako makatingin sa kaniya.Pakiramdam ko kasi ay napaka unfair ko sa kaniya. Lagi siya sa tabi ko at kasama ko siya sa pagpapalaki kay Aedin pero ilang araw ko pa lang nakakasama si Niko ay tumiklop na ako agad. Hindi man niya aminin ay alam kong kahit papaano ay umaasa pa din siyang maibaling ko sa kaniya ang pagmamahal ko. Sinubukan ko naman..pero iisa lang tala ang itinitibok ng puso ko."It's okay, Jaz. You don't have to be sorry. As long as you and Aedin are happy then I am also happy. You know that, right?"Ano bang nagawa ko at bakit napakabuti niya sa akin? Na

  • My Mr. Perfect (Girlfriend Series #1)   Chapter 46

    "Mommy, I want to be near the window!"Pinahiga ko kasi siya sa gitna ng kama. Ano bang gagawin ko sa’yo anak? Nakadikit kasi sa wall malapit sa bintana ang kama namin dahil malikot siyang matulog. Doon ang kinasanayan niyang pwesto maliban na lang kagabi na pinagitnaan namin siya ni Niko dahil tulog naman na siya. Ngayon, gising na gising pa at ayaw nga niyang pumayag na sa gitna ko siya patutulugin.Nagdahilan ako kanina na may gagawin pa ang daddy niya at kailangang umuwi pero umiyak lang siya nang umiyak kaya wala na nga akong nagawa. Mukha namang tuwang tuwa ang kumag at hindi halatang handa siya dahil may dala na siyang damit niya sa sasakyan!Napabuntong hininga na lang ako. "Alright, sleep ka na.""I'll wait for daddy!" Sabi niya kahit na inaantok na siya. Napailing na lang ako at parang gusto ko nang magselos dahil puro siya daddy!"Daddy!" Tuwang tuwa niyang sigaw nang makalabas ng banyo si Niko. Kaagad pa siyang b

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status