"Good afternoon po." Magalang kong bati sa kanila at bahagya pa akong yumuko.
Kung gaano ka warm ang daddy niya ay siya namang kabaliktaran ng mommy niya. Tipid lang itong ngumiti sa akin. Pinaupo naman ako ni tito sa tabi niya. Magkatabi naman si Gab at madame.
Nang matapos ang ceremony ay lumapit na si Niko sa amin. Tila nagulat naman ito nang makita ako. Nginitian ko siya pero tumingin lang siya sa akin ng seryoso at hindi niya ako pinansin! Nakita ko pang napangisi si Gab at tila nasiyahan pa siya sa pag snob sa akin ni Niko. Hindi ako nakakilos sa kinatatayuan ko dahil hindi ako makapaniwala sa pag trato niya sa kin. Nag yakapan at batian silang lahat at parang hindi nila ako nakikita. Matinding pagpipigil ang ginawa ko para hindi tumulo ang nagbabadyang luha sa mga mata ko.
"Jazzy girl! You’re here!” Napalingon ako nang tawagin ako ni Von. Agad siyang lumapit sa akin at niyakap niya ako. Nakasunod naman sa kanya sila Rust. Nauna nang grumaduate ang mga Architecture noong nakaraang linggo. Bumati silang lahat sa akin. Na miss ko sila dahil bihira na kaming magkita kita nitong mga nakaraan dahil puro kami graduating maliban kay Jen.
Mas lalo naman akong naiiyak nang niyakap nila ako. Buti pa sila kasi yung taong ipinunta ko dito ay parang walang nakita. Si Gab ang nakakapit sa kanya ngayon. Tila nakaramdam naman ang mga mokong dahil obvious na chini-cheer up nila ako. Kapansin pansin din na masama ang tingin ni Von kay Niko.
“Sama ka sa amin Jazzy girl." Aya sa akin ni Von at pinisil pa niya ng bahagya ang pisngi ko.
“Oo nga, baby girl!” Masaya namang sabi sa akin ni Erik. Napalingon ako kay Niko at sandali kong nakitaan ng pagtiim bagang pero agad na itong tumalikod at kinausap ang daddy niya.
"Next time na lang kasi nandito pa sila mommy at may lakad din kami ngayon. Sumaglit lang talaga ako para batiin kayong lahat.” Sabi ko naman sa kanila at pinilit kong ngumiti.
“Von, let’s go na!” Tawag naman ni Gab kila Von. Nagkaka ayaan na sila at mukhang sama sama silang magsi-celebrate.
Para hindi naman masayang ang pagpunta ko dito ay naglakas loob akong lapitan si Niko kahit hindi sila mapag hiwalay ni Gab. Tinaasan naman ako ng kilay ni Gab. Hindi ko alam kung ano ba ang nagawa ko sa kanila para itrato nila ako ng ganito pero pinilit ko pa ding magpakatatag para hindi magmukhang mahina sa harap nila kahit sa totoo lang ay gusto ko nang bumunghalit ng iyak.
“Niko.. Happy graduation.” Lihim akong nagpasalamat dahil hindi ako pumiyok kasi kunti na lang talaga ay mahuhulog na ang luhang kanina ko pa pinipigilan.
"Thanks." Malamig pa sa yelo niyang sagot.
“S-sige, aalis na din ako.” Pilit pa din akong ngumiti at nang akmang aalis na ako ay tinawag ako ng daddy niya.
"Jazmin hija! Halika sama ka sa amin.” Nakangiti nitong aya sa akin. Nakatingin lang ang mommy niya na sigurado akong nagdadasal na para hindi ako sumama.
"Salamat po tito pero m-may pupuntahan pa kasi ako.” Tama nga ako dahil mukhang natuwa ang dalawang bruha na hindi ako sasama sa kanila. Hinding hindi talaga ako sasama sa kanila!
"Ganun ba, hija? Mag- iingat ka kung ganun ha?"
"Opo salamat po." Nagpaalam na din ako sa kanya pero hindi na ako lumingon kila Niko at bumalik ako sa pwesto nila Von. Nakatingin lang sila sa akin na para ba akong kawawa. Pinilit ko namang pinasigla ang mukha ko dahil ayokong magmukhang kawawa.
"Jaz, are you okay?" Marahang tanong sa akin ni Von at inakbayan pa niya ako. Hinagod naman ni Rust ang likuran ko na para nila akong inaalo. Napansin na ata nilang malapit na akong umiyak!
“Ihahatid na kita, Jaz?” Tanong naman sa akin ni Erik pero umiling iling ako. Ayaw kong makita nila ako sa gantong ayos.
Napabuntong hininga naman si Von. At nang hindi talaga nila ako mapilit ay pinasakay na lang nila ako sa taxi. Isa-isa pa talaga nila akong niyakap bago ako sumakay.
Pagka alis na pagka alis pa lang ng taxi na kinalululanan ko ay nag-uunahan nang bumagsak ang mga luha ko. Grabe, napakabigat ng dibdib ko! Wala akong maisip na masamang nagawa ko sa kanya. Nagsawa na ba siya sa akin? Na realized na ba niyang si Gab talaga ang gusto niya? Lalo akong napahagulhol sa naisip ko.
Instead na sa SM ako tumuloy ay napagpasyahan kong umuwi na lang sa apartment. Nag dahilan na lang ako kay mommy. Buti na lang talaga at kasama nila sila tita Ella dahil kung hindi siguradong pupuntahan ako ng mga yun. Pagkarating ko ng bahay ay wala akong ginawa kundi umiyak ng umiyak hanggang sa nakatulog ako.
"Jazmin, buksan mo ‘tong pinto! Ano ha? Magkukulong ka na lang ba diyan palagi?!" Sigaw ni Jen sa labas. Ni lock ko kasi ang kwarto. Ayokong makita nila akong miserable.
Dalawang linggo na ang lumipas mula nang mangyari yun. Nag stay pa sila mommy at sila tita ng 3 days bago tuluyang lumuwas ng Manila at kailangan na din niyang bumalik sa London. Kinailangan kong magpanggap na masaya ako sa loob ng tatlong araw na iyon dahil ayokong mag-alala sila sa akin. Pero nang makaalis sila ay wala akong ginawa kundi mag kulong at mag- iiiyak dito sa loob ng kwarto.
Sinong hindi maiiyak? Bukod sa hindi pag kibo sa akin ni Niko ay napag-alaman ko ding lumuwas na siya ng Manila right after their graduation! At magkakasama sila pati ang mga pamiya nila ni Gab! Hindi ko alam kung babalik pa siya dito sa Baguio.
"Ano ha? Gigibain ko na ba ‘tong pintuan mo?!" Nanggigigil na sabi ni Jen.
Naulinigan ko na din si Max. "Di pa din ba lumalabas si Jaz?" Malungkot na tanong niya kay Jen.
"Lumalabas lang kapag gagamit ng banyo. Halos di na nga din kumakain yan." Napabuntong hiningang sagot ni Jen.
"Jaz? Buksan mo na oh. Magsisimula na ang review natin. Paano tayo papasa niyan kung ganyan ka?" Mahinahanong sabi ni Max sa labas.
Dahan-dahan akong tumayo at humarap muna ako sa salamin. Halos hindi ko na din makilala ang sarili ko. Anong ginawa mo sa akin Niko? Hindi ko akalaing magagawa mo akong saktan ng ganito. Huminga ako ng malalim. Panahon na din siguro para isipin ko din ang mga kaibigan kong labis nang nag-aalala sa akin.
Huminga ulit ako ng malalim bago ko binuksan ang pintuan ko. Bumungad sa akin ang nag-aalalang si Jen at Max. Agad nila akong niyakap ng mahigpit at natawa na ako nang pare-pareho na kaming umiiyak.
“Sorry..” Humihikbi kong sabi sa kanila.
"Basta nandito lang kami ha? Sige lang iiyak mo na lahat, it’s okay.” Pag-co-comfort naman sa akin ni Max.
"Papunta na din pala dito si Jeff, Jaz. Sinabi ko na sa kanya.” Humihikbi ding sinabi ni Jen kaya tuluyan na akong natawa dahil mas mukha pa silang broken hearted sa akin.
Maya-maya dumating na din si Jeff at may dalang ilang bottle ng beer at fried chicken na tinake-out pa niya sa Good Taste.
Sa tulong ng mga kaibigan ko ay kahit papaano ay nakakalimot naman ako. Masakit pa din at natatagpuan ko na lang sarili kong umiiyak sa gabi minsan. Syempre mahal na mahal ko siya. Akala ko nakaranas na ako ng heart break kay Jeff dati pero hindi pala kasi hindi ko naman naramdaman ang ganitong klase ng sakit. Akala ko si Jeff ang first love ko pero hindi pala. Masyado ko lang siguro siyang hinangaan dati dahil pakiramdam ko siya ang hero ko.
Dalawang buwan na din ang nakalipas pero hindi na talaga nagparamdam pa si Niko. Nag focus na lang ako sa pagre-review. Hindi ko mapapatawad ang sarili kapag bumagsak ako dahil lang sa kanya.
Naputol ang pagmumuni-muni ko nang kalampagin ni Max ang mesa.
"Nakatulala sa hangin." Kumakanta pa ito kunwari kaya napailing na lang ako.
“Asan na daw si Jen?” Tanong ko sa kanya. Tumambay kasi kami sa SM kasama si Jeff habang hinihintay namin si Jen dahil may klase pa siya.
Mabilis lumipas ang mga araw at hindi ko akalaing kinaya ko namang bumangon kahit papaano. Akala ko kasi ikamamatay ko kapag nawala siya sa buhay ko pero heto buhay pa naman ako! Tapos na ang board exam namin kahapon! Sana naman pumasa kaming tatlo!
“Mag bar na lang kaya tayo tutal tapos naman na ang board exam?” Aya ko sa kanila dahil matagal tagal na din na hindi kami nakakalabas.
"Aba! Ikaw ba yan Jazmin? Gusto ko yan!" Excited at tumatawa na sabi ni Max. Tila hindi pa siya makapaniwala kaya napailing na lang ako.
Habang naghihintay pa din kami kay Jen ay lumapit sa amin ang mga naging blockmates namin na.
"Uy! Look who's here! Kayo ha?! Kayo na pala! Ma sekreto talaga kayo! Break na pala kayo ni Mr. Perfect?" Dire-diretsong sabi ni Karen. Nagkatinginan naman ang iba at siniko pa siya ni Anne.
"Ha?" Sabay pa kami ni Jeff. Anong kami na?
Tila nagulat naman ang mga ito sa naging reaksyon namin ni Jeff. “Hindi ba’t kayo na?” Tanong pa ulit ni Karen.
“Anong kami na?” Sabi ko naman sa kanya nang nakakunot ang noo. Para naman siyang naguluhan sa reaksyon ko kaya nilabas nito ang cellphone niya at tila may hinahanap.
“Heto oh!” Sabi niya sa akin at ipanakita ang cellphone niya. Sabay sabay kaming napatingin nila Jeff at Max at napaawang na lang ang mga labi ko sa nakita ko!
"A-anong ibig sabihin niyan?" Gulat kong tanong sa kanila. Agad namang inagaw ni Max ang cellphone ni Karen at napanganga din siya at hindi agad nakapag salita.Merong gumawa ng fake facebook account ko dahil pangalan ko ang nakalagay doon at may post pa na sinasabing yun ang bago kong account. Pinag a-add din nito ang mga friends namin. At ang higit na nakakaloka ay ang profile picture! Nakaakbay sa akin si Jeff at parang masayang masaya kaming dalawa. Iisipin talaga ng kung sino mang makakakita na mag boyfriend kami dahil saktong sakto na nakatingin kami sa isa’t isa at malaki ang mga ngiti sa aming mga labi.Stolen shot ito at halatang naka zoom in lang. Itong yung gabi ng graduation namin na kung saan ay nag celebrate kami kasama ang family ni Jeff.Naglolokohan kasi kami nun nila Jen ha
"Baby!" Tawag niya ulit sa akin nang hindi ko siya pinansin at nagpatuloy ako sa mabilis na paglalakad nang makabawi ako. Kahit na medyo nahihilo pa din ako ay hindi ko na inalintana.Baby mo mukha mo! Kapal naman ng mukha mong bigla ka na lang babalik. Bumalik ka na lang dun sa Gab mo!Patawid na sana ako nang matapilok ako kaya natumba ako. Ouch naman! Ang sakit ah! Nakakainis naman. Tatayo na sana ako nang muli na naman akong natumba. Para lalo tuloy akong nahilo.“Are you hurt? Are you okay?” Nakalapit na nga siya at hinawakan niya ako sa braso pero agad kong iwinaksi ang mga kamay niya pero mapilit pa din siya.“Bitawan mo nga ako! Umalis ka na nga at hindi kita kailangan dito!” Sigaw ko sa kanya pero kahit anong pagpupumiglas ko ay hindi pa din siya nagpaawat at napasigaw na lang ako nang bigla niya akong buhatin!“Ano ba! Ibaba mo’
"Hi, sleepyhead!" Nakangiting bati sa akin ni Niko pagmulat ko ng mata ko. Kalalabas niya ng bathroom at bagong ligo. Naka boxer shorts lang siya and oh-my! Pakiramdam ko ay pinamulahan ako ng pisngi umagang umaga kaya agad akong nag-iwas ng mukha. Tinawanan naman niya ako at agad na nilapitan. "You're so cute, baby.." Nakangiti nitong sabi at kinintalan ako ng halik sa labi. "Still sleepy?" Tanong niya pa ulit habang sinusuklay ang buhok ko ng kamay niya. Tumango naman ako dahil inaantok pa talaga ako. "What time is it?" Tanong ko naman sa kanya dahil hindi ko makapa ang cellphone ko. Hindi ko alam kung saan ko naipatong. "It's 1 in the afternoon, baby. Matulog ka pa if you're still sleepy. I'll just cook." Sabi naman niya at muli akong dinampian ng halik sa labi. Nakakahiya, hindi pa ako ng tu-toothbrush! Nagbihis muna siya ng maong pants at tshirt saka na siya na
“Ano ba kasi talaga ang nangyari, Niko? I think now is the best time for us to talk about what really happened." Tanong ko sa kanya habang nakaupo kami pareho sa sofa nila at nanonood ng movie. Umuwi na din pala ng Manila si Von. Napabuntong hininga naman siya at tipid na ngumiti sa akin. "I saw your pictures with that bastard.” "Anong picture ba yang sinasabi mo? May gumawa ng fake account ko at picture namin ni Jeff yung profile picture. ‘Yon ba?" Nakakunot noo kong tanong sa kanya. "No, not only that. There’s a lot, actually. Meron sa school at meron din sa mga duty niyo. Magkasama kayo lagi..” Sabi nito at iwas na iwas ang tingin sa akin na parang nagpipigil magtampo. "What?! That gave me goosebumps! Niko, sinong kukuha ng mga litrato namin? Kahit outside Benguet na duty namin?” Tanong ko sa kanya at tumango naman siya at nakitaan ko din sya ng pag-aalala. May duda na agad akong kay Gab ‘yon galing pero paano mangyayari ‘yon eh hindi
Hindi ako mapakali at ayaw kumalma ng puso ko! Ano na naman ba to? Sa tuwing masaya kami ni Niko, maya-maya may problemang dumarating.Bakit hindi siya nagre-reply? Niloloko ba ako ni Niko? I shivered with the thought! Hindi ko ‘yon kakayanin!Napaigtad ako nang tumunog ang cellphone ko kaya dali-dali kong tinignan sa pag-aakalang si Niko yun. Nalaglag naman ang balikat ko nang makitang hindi pala siya ang nag message sa akin kundi si Jeff.Jeff: Naka online ka pa. Bakit gising ka pa?Nag type naman ako agad.Me: oo.Jeff: Nakita mo ba?Me: ooJeff: labas ka muna dito. May sasabihin ako.Lalo lang akong kinabahan sa message ni Jeff! Anong sasabihin niya? May alam ba siya? Hindi na ako mapakali kaya agad na akong bumangon at lumabas sa sala. Nakita ko siyang nakaupo sa sofa at tila may malalim na iniisip.
"Oh Jaz, ano na ngayon ah. Akala ko ba uuwi ka na ng Manila?" Tanong sa akin ni Jen.Isang linggo na din mula nang..ikasal kami pero umuuwi ako sa apartment namin tuwing gabi para hindi mag duda si Jen. Hindi ko pa kasi alam kung paano ko sasabihin sa kanila ang naging desisyon namin ni Niko."Nakalimutan ko nga palang sabihin! Dito ko na lang muna hihintayin 'yong result ng board exam. Nasabi ko na din kila tita." Nanliliit ang mga mata niyang tumingin sakin. Napakalakas talaga ng radar ng babaeng to!"At bakit nagbago ang ihip ng hangin?" Nagdududa niyang tanong."Wala! Mami miss ko kayo ni Max!" Hindi kaso ako makatingin sa kanyang diretso siguro dahil hindi ko pa magawang umamin sa kanila."Weh?! Baka kamo si Niko! Akala ko ba sa Manila na din siya?" Nakakunot noo niyang tanong."May inaasikaso pa siya dito kaya dito na din muna ako. Daming tanong!" Inirapan ko na lang siya dahil gumagana na naman ang kakulitan niya."Nakakahalata
"Hello?" Nagmamadali kong sagot sa tawag ni Niko habang nag-aayos ng mga gamit ko. Katatapos lang ng duty ko at sinusundo na niya ako."You done, baby? I’m here already.” "Yep baby, diyan na po."Pagkatapos naming mag oath taking ay wala na kaming pinalampas na sandali at nag training na kami nila Max at Jeff sa Red Cross, at iba pang mga training tulad ng Basic Life Support, Advanced Cardiovascular Life Support, at IV Therapy Training. Napakarami pang dapat gawin katulad na lang ng kailangan pa namin ng magandang hospital experience bago ma hire talaga bilang staff nurse kaya pagkatapos naming mag training ay nag-apply na kami agad sa isa sa pinaka malaking hospital dito sa Baguio. Kaya heto, apat na buwan muna kaming magti-training at pagkatapos ay magti-take na naman kami ng exam dito para makapasok bilang job order. Ugh! Napaka komplikado din pala pero tyaga na lang talaga ang kailangan."Aysu
Kahit nilalamon na ako ng anxiety sa pinagsasabi ng mommy ni Niko ay ayaw ko munang basta-basta na lang maniwala. Kailangan muna naming pag-usapan ‘to. Bakit hindi? Mag-asawa na kami! Yan ang gusto kong isigaw sa pagmumukha ng mommy niya kanina.Napabuntong hininga na lang ako. Hindi ko pa ito pwedeng sabihin kay Niko ang tungkol dito dahil meron pa siyang exam bukas kaya kahit hindi maganda ang pakiramdam ko ay hindi ako nagpahalata."Hi! How's my baby? I missed you!" Sinalubong ko siya kaagad ng yakap pagkapasok pa lang niya ng pintuan. Gumanti naman siya agad ng yakap at kinintalan ako ng halik sa labi.No. Hindi ko kayang mawalay sa asawa ko."Na miss? Agad-agad?" Biro ko sa kanya pero sa totoo lang mas na miss ko siya at parang ang tagal naming di nagkita. Ni hindi ko nga magawang bumitaw sa kanya. Pakiramdam ko kasi kapag bumitaw ako sa kanya ay bigla na lang siyang mawawala. Ayaw ko man ay hindi ko mapigila