Share

Chapter 34

"Hi! How's my baby?" Tanong ni Niko pagka sagot ko sa video call niya.

Napangiti naman ako kaagad at umayos ng pagkakahiga.  Isang buwan na din ang nakalipas pero sobrang lungkot ko pa din. Ipinagpapasalamat ko na lang na may video call kaya kahit malayo siya ay nagkikita pa din kami araw-araw. Hindi ko nga lang siya mayakap!

"Masaya kasi nakita na kita!" Nakangiti kong sabi sa kanya. Napangiti naman siya ng matamis kahit mukhang kagigising pa lang niya. “Kumusta ka diyan? Malapit na mag start class mo?" Tanong ko naman sa kanya.

"Next week na. I miss you so much baby!" Naka pout nitong sabi kaya natawa ako sa itsura niya. Miss na miss ko na siya!

Nagtagal din ng isang oras ang pag-uusap namin. Minsan umaabot kami ng dalawang oras pero alam niya kasing may pasok pa ako bukas kaya  ayaw niya akong mapuyat. Nakapasok kasi agad sa isang private hospital na malapit lang sa bahay nila tita.

Napapikit ako ng mariin pagkagising ko kinaumagahan dahil parang umiikot ang buong paligid ko sa biglaang pagbangon ko. Nanatili muna akong nakaupo dahil baka matumba ako kapag pinilit kong tumayo.

Puro night shift na naman kasi ako  nitong mga nakaraan kaya malamang ay bumaba na naman ang dugo ko. Tinigil ko na naman kasi ang pagti-take ko ng iron nang bumuti ang pakiramdam ko noong nakaraang buwan dahil sa hindi ko talaga magustuhan ang lasang kalawang!

Di pa ako nagtatagal sa pagkakaupo ay parang bumabaliktad ang sikmura ko kaya kahit nahihilo ako ay napatakbo ako sa banyo at nag duwal. Umagang umaga ubos ang energy ko kaya bumalik ako sa pagkakahiga at pinalipas muna ang pagkahilo ko. Buti na lang at maaga akong nagising ngayon dahil kung hindi ay mali-late ako. 

"Hi tita! Good morning." Bati ko kay tita nang madatnan ko siyang naghahain na sa mesa.

"Good morning! Halika na kain na tayo. Siguradong mamayang tanghali pa gigising yang pinsan mo." Tumingin lang siya sandali sa akin dahil nag-aayos siya sa hapag pero muli siyang napatingin sa akin na tila ako sinusuri kaya nagtaka ako.

"Bakit po tita?"

"Ang putla mo at mukha kang nananamlay, Jaz. Anemic ka di ba?" Nagpatingin kasi ako noon sa Baguio bago umalis si Niko dahil nga parang lagi akong walang energy at medyo mababa nga ang hemoglobin ko.

"Nahihilo nga po ako tita dahil siguro sa sunod-sunod na naman na night duty. Tinigil ko kasi ang pagti-take ng ferrous sulfate, pangit kasi ng lasa." Iniisip ko pa lang ang lasa ay naduduwal na naman ako! Ugh!

"Naku, huwag ka ngang pasaway diyan, ha? Nurse ka nga, pasaway ka naman. Baka ikaw maging pasyente niyan ha kaya alagaan mo din sarili at nang hindi rin mag-alala asawa mo." Concern na sinabi sa akin ni tita.

"Opo tita. Bibili ako pagkatapos ng duty ko." Hindi ako masyadong nakakain dahil pakiramdam ko ay ilalabas ko din lahat ng kinain ko. Patingin-tingin naman sa akin si titan a tila nag-aalala kaya mag ti-take na talaga ako ng vitamins. Ang pangit din sa pakiramdam ang hilo na ‘to.

"Are you sure you're okay?" Tanong ni Niko nang mapatawag siya.

Lagi niya akong tinatanong dahil napapansin niya din pala ang pamumutla ko pero pilit ko itong itinatago sa kanya dahil ayokong mag-alala siya sa akin lalo na at nagsimula na din siya sa pag-aaral niya. Mabilis na lumipas ang isang buwan at medyo bumuti naman ang pakiramdam ko kaya hindi na ako nag-abalang sabihin pa sa kanya ito.

May mga pagkakataon pa din na nahihilo ako pero hindi na ganoon kadalas. Sa tingin ko nga ay kailangan ko na ding magpatingin sa ophthalmologist dahil mukhang mata ko na ang may problema. Hindi nga lang ako nagkakaroon ng libreng oras dahil sa hectic na schedule. As usual, understaffed na naman ang problema.

"Pagod lang baby. Ikaw, kumusta ka diyan?” Pilit kong pinasigla ang itsura ko.

"Mag resign ka na baby.” Pakiusap niya sa akin. Lagi niya akong kinukulit na mag resign na ako pero lagi ko din siyang tinatanggihan dahil ayoko namang umasa lang sa kanya.

Ilang beses na din naming napag-usapan ‘yan. Hindi ko daw kailangang magtrabaho dahil siya daw ang gagawa noon. Sayang naman kasi ang pinag-aralan ko at tsaka isa pa wala pa naman kaming anak kaya wala din akong gagawin.

Pati mga cards niya iniiwan niya sa akin at gamitin ko lang daw pero umayaw ulit ako. Halos awayin ko pa siya para lang hindi niya iwan sa akin ang mga ‘yon kaya wala na din siyang nagawa.

At isa pa sa pinaka-inayawan ko ay ang kagustuhan niyang sa mansiyon nila ako manirahan. Alam ko naman na hindi ako gusto ng mommy niya kaya hindi ko ipipilit ang sarili ko doon. Darating din siguro ang time na magiging maayos ang lahat pero wala talaga akong lakas ng loob na tumira doon.

“Baby, napag-usapan na natin yan di ba?” Masuyo kong sagot sa kanya kaya napabuntong hininga na lang siya.

"Stubborn.” Sabi nito sa akin pero nakangiti naman siya kaya napangiti din ako. “Oh by the way, I almost forgot. Its dad’s birthday next week. Punta ka please? Papasundo kita diyan." Pakiusap niya sa akin. Lagi ko na lang siyang tinatanggihan kaya para hindi siya madisappoint ay umoo na din ako. Bahala na.

"Ate Jaz! Andiyan na sundo mo!" Tawag sa akin ni Andrew.

"Oo, andiyan na!" Sabi ko naman at mabilis na tinignan muna ang sarili sa aking full length mirror.

Nagsuot lang ako ng simpleng yellow dress na lalong nagpalutang sa kulay ko. Naglagay ako ng manipis na makeup para hindi masyadong pale ang mukha ko.

Nakahinga din ako ng maluwag nang sabihin sa akin ni Niko na isang simple family dinner lang daw ang gaganapin at nalaman ko pang si ate Pamela ang susundo sa akin. Mabait kasi ang ate Niko at magkasundo kami. Lumabas  na din kami minsan at nagbonding nang makaalis si Niko.

"You look gorgeous, Jaz!" Bati sa akin ni ate nang makalabas ako ng gate. Hindi na pala siya pumaosk sa loob.

"Thanks ate. Pero lalo ka na!" Puri ko din sa  kanya dahil napakaganda naman talaga niya. She’s wearing a simple black dress and she really looked gorgeous.

Medyo nabawasan ang kaba na nararamdaman ko dahil sa masayang pagkukwentuhan namin ni ate Pam pero muli itong kumabog ng malakas nang makarating kami sa bahay nila.

“Relax, Jaz.” Napansin ata ni ate ang biglang pagka tensed ko kaya ngumiti na lang ako kahit halos manlambot na ang mga tuhod ko sa kaba.

Sinalubong kami agad ng lolo at daddy niya nang makalapit kami sa kanila. Natuwa naman ako dahil mukha naman silang masaya na makita ako.

“Happy birthday, tito.” Bati ko kay tito nang magmano ako sa kanya.

“Oh thank you, hija!” Masayang sabi nito sa akin pero may kumausap sa kanya agad kaya doon na nabaling ang atensyon niya.

“Hi apo! I’m glad you came. Feel at home, alright?” Sabi naman ng lolo nito sa akin nang sa kanya naman ako nagmano.

“Opo lolo. Salamat po.” Nakangiti ko namang sabi bago ako iginiya ni ate at ipinakilala sa mga ibang kamag-anak pa nila. Medyo madami-dami din pala sila dahil inimbitahan daw nila ang ilan sa mga kaibigan nila ayon kay ate Pamela.

"Oh my! Look who's here!"  Napalingon ako nang marinig ang boses ni Von! Mabilis itong nakalapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit kaya natawa ako dahil halos hindi ako makahinga!

“Silly!” Tumatawa kong sabi niya pero bahagya akong nailang nang mapansin kong sa amin halos nakatuon ang tingin ng mga tao.

"I missed you, Jazzy girl!" Sabi pa nito at pinisil pa ako sa aking pisngi.

“Andrew, ikaw muna ang bahala kay Jaz ha?” Sabi naman ni ate Pam at nagpaalam siya sa akin dahil may aasikasuhin lang daw siya kaya naiwan ako kay Von.

“Kumusta?” Tanong ko sa kanya nang makaupo kami. Masaya kaming nagkwentuhan at laking pasasalamat ko talaga na nandito siya.

Nakita ko na din ang mommy  ni Niko at halatang umiiwas na mapadako kung nasaan ako kaya hindi na din ako nag-abalang lumapit pa. Napabuntong hininga na lang ako. Magiging  maayos din ang lahat.. sa tamang panahon.

"So, talagang hindi ka na pinakawalan ni Nikolas ah! Daya nyo, hindi kayo nagasabi!" Kunwaring nagtatampo nitong sabi pero tinawanan ko na lang ang pag-iinarte niya.

"Alam mo naman siguro na ipapakasal siya sa iba kaya ayun. Hindi nga din alam ni Jen at Max eh kaya huwag ka nang magtampo diyan.” Sabi ko sa kanya pero bigla siyang natahimik. Ah nabanggit ko kasi si Max.

Napabuntonghininga na lang siya at tipid na ngumiti sa akin. “Kumusta naman siya?” Tanong niya pero alam kong si Max ang tinatanong niya.

"Nag wo-work na siya sa Baguio." Sabi ko naman sa kanya. Sa totoo lang hindi ko din alam kung ano ba talagang meron sa kanila ni Max. Pareho ko silang hindi mabasa.

Nang magsasalita pa sana siya ay biglang may lumapit at kinausap si Von kaya nagpaalam muna akong mag c-cr. Dahil kabisado ko naman na dito sa ay dumaan ako sa likuran at dumiretso na sa cr.

Nang matapos ako ay agad na akong lumabas. Pero laking gulat ko pagkalabas ko dahil ang mommy ni Niko ang bumungad sa akin at halatang inaabangan ako dahil nakahalukipkip pa siya. Lumakas na naman ang pagkabog ng puso ko!

"You seemed very happy ha kahit malayo ang anak ko?” Nakataas ang isang kilay nitong sabi sa akin kaya hindi ako nakapagsalita. “Well, sabagay.. masayang masaya din naman si Paulo doon at madalas maikwento sa akin ni Gab na lagi nga silang magkasama. Madalas din daw makitulog si Paulo sa apartment niya.” Patuya niyang sinabi sa akin.

Para akong nanigas sa kinatatayuan ko at bahagyang nanginig ang mga kamay ko kaya ikinuyom ko ito. Hindi pwedeng ganito na lang palagi dahil wala naman akong ginagawang masama! Bakit hindi niya kayang pakisamahan ako bilang asawa ng anak niya at hindi ganito na sisiraan pa niya si Niko sa akin. Bakit kailangan niyang ipamukha sa akin na masaya si Niko at Gab?

"With all due respect ma'am pero kasal na po kami ni Niko kaya kung plano niyo po ay ang sirain kaming dalawa, sigurado po akong hindi kayo magtatagumpay." Magalang ko pa ding sinabi sa kanya at pinilit ko pa ding ngumiti kahit na gusto ko nang bumunghalit ng iyak.

Nasasaktan ako sa pag trato niya sa akin at aaminin kong nasaktan din ako sa kaalamang laging magkasama si Niko at Gab at doon pa ito madalas na natutulog!

"How dare you! Baka nakakalimutan mong merong annulment? Mabilis lang yan gawan ng paraan! Sigurado akong pinagsawaan ka na ng anak ko kaya nagpapakasaya na siya kay Gabrielle ngayon!" Sabi pa nito na halos matunaw ako sa kalse ng tingin na iginagawad niya sa akin. "Madalang siyang tumawag sayo, tama ba ako? Alam lahat ni Gab ‘yan. Kasi tuwing tumatawag ka, andun siya.. nabanggit ba yun sayo ng asawa mo?" Sabi pa nito.

Kahit nanginginig na ako at nanlalambot na ang mga tuhod ko dahil sa mga sinabi niya ay pinilit ko pa ding magpakatatag. Hindi ko hahayaan na matuwa siya kapag nagpakita ako ng takot.

"Mawalang galang po pero tapos na po kayo? Kasi kung tapos na po kayo ay aalis na po ako." Hindi ko napigilan ang pagtigas ng boses ko kaya napamulagat na lang siya sa akin at tila hindi makapaniwalang hindi ako apektado sa mga sinabi niya.

Pero sa totoo lang ay durog na durog na ang puso ko kaya kinailangan ko  nang lumayo dahil baka tuluyan na akong manlambot sa harapan niya.

"Bastos!" Galit na galit nitong sigaw sa akin nang makabawi siya pero hindi na ako lumingon pa.

 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status