Share

Kabanata 10

"ANONG ngiti 'yan, ah?" napabaling ako sa boses na nanggagaling sa gilid ko. Napangiti ako bago umiling kay Mommy.

"Wala po. Malapit na po ba tayo?" tiningnan ko ang labas ng bintana nitong kotseng sinasakyan namin. Paalis na kaming mansyon. Nakapagpaumanhin na rin ako kila Tita kanina dahil sa pagsigaw ko kay Luis. Mabuti nalang at naiintindihan nila. Kaso, mukhang hindi pa maayos kay Luis ang pagsigaw ko at pag alis sa harapan niya ng ganon ganon nalang kanina.

Ilang minuto lang kaming ipinagdrive ng driver papuntang bahay namin. Pagkatigil na pagkatigil ng sasakyan sa harap ng bahay, agad akong nagpasalamat sa driver at saka dali dali sila Mommy na hinalikan sa pisngi.

Kita ko man sa mga mukha nila ang pagkabigla, tumalikod rin ako at tumatakbong nakangiti papuntang loob ng bahay.

Nang makapasok, pumunta agad akong kuwarto. Binuksan ko ang pintuan nito at saka mas lalong napangiti nang makita ang malambot kong kama. Tumakbo ako ng napakabilis papunta roon at saka pa tumayo sa kama.
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status