CHAPTER 18 3RD POV “A-anong ibig mong sabihin?” Taka na tanong niya kay Marie. “Pumayag na si Lola na makikipag-divorce ako sa ‘yo!” Tuwang wika nito sa kanya, habang bumitaw. “D-divorce?” Utal na sambit niya, habang mabilis itong tumango. “Oo, makakalaya kana!” Tuwang wika nito, habang pilit siyang ngumiti rito.“T-talaga?” Wika niya habang mabilis itong tumango. “Alam mo bang masayang-masaya ako para sa ‘yo, dahil hindi kana mahihirapan pa.” Wika nito. Hindi niya naman maintindihan ang sarili niya, kung bakit hindi siya masaya sa nalaman niya. “‘Wag kang mag-alala ako na ang bahala na magpaliwanag sa mga magulang mo.” Hindi niya mapigilan ang sarili niya na tumitig kay Marie. “Kung ganun, hindi kana ba sasama sa akin pabalik ng bahay?” Tanong niya rito.“Hindi na, ‘wag mong alalahanin ang mga gamit ko, dahil ipapakuha ko ‘yon sa katulong namin at Gael, pwede mo na siyang kunin at isama pabalik.” Hindi niya alam kung bakit bigla nalang siyang nakaramdam ng lungkot. Ang kanina
CHAPTER 17 3RD POV Hindi mapigilan ni Marie ang paluwa habang nakatingin kay Gael at Edward na nag-aaway. Alam niya na dahil ito kay Jessica, dahil ito ang narinig niya kanina. Gusto niya man na awatin sila pero hindi niya ito magawa, dahil alam niyang lalo lang magalit si Gael. Pinunasan niya ang kanyang mga luha at kinuha ang susi sa kotse ni Gael. Nang makapasok sa kotse ay mabilis niyang binuhay ang makina at mabilis na pinapatakbo ang kotse palabas ng gate, ayaw niya kasi na maabutan siya ni Gael. Hindi kasi mawala sa isip niya ang palagi nitong sinasabi sa kanya, ang saktan siya. “Nasa loob ba si Mama?” Tanong niya sa guard matapos nitong buksan ang gate. “Opo Ma’am Marie.” Sagot nito, kaya agad siyang bumaba ng kotse. “Marie, Anak?” Gulat na wika ng kanyang ina, nang makita siya nito. “Anong nangyari?” Taka na tanong nito, habang nilapitan niya ito at mahigpit na niyakap. Hindi niya naman mapigilan ang sarili niya at kusa na nag-lalandas ang kanyang mga luha sa kanyang
CHAPTER 16 3RD POV “Bakit?” Tanong niya matapos sagutin ang tawag ni Edward. “Dude, alam mo ba kung nasaan si Marie?” Tanong nito, kaya hindi niya na-pigilan ang sarili niya na makaramdam ng inis dito.“Bakit mo siya hinahanap?” “May ibibigay lang sana ako sa kanya. Ang sabi kasi ng secretary niya, hindi raw siya pumasok.” Sagot nito. “Bakit? Ano bang kailangan mo sa kanya?” Tanong niya rito. Habang hindi maintindihan ang sarili niya, kung ano ang kinagagalit niya. “May ibibigay lang sana ako sa kanya. Alam mo ba kung nasaan siya?” “Hindi ko alam, at bakit ba sa kanya ka nagkaka-interest? Ang pangit naman ng babaeng ‘yon, bakit hindi ka nalang humanap ng iba?” Inis na tanong niya rito. “Hindi ganun kadali ‘yon, Dude. Alam mo siguro kung una pa lang nalaman ko na na siya ang mapapangasawa mo, baka ako pa mismo ang pumigil sa kasal niyo.” Wika nito sa kanya, kaya lalo siyang naiinis. “Alam mo ang maganda mong gawin, kalimutan si Marie, dahil mapapahamak ka lang. Kilala mo ang
CHAPTER 15 WARNING MATURED CONTEXT!!!SPG 3RD POV Hindi napigilan ni Gael ang sarili niya na lapitan si Marie. Nag-yuko naman ito nang mukha habang hinaplos niya ang kamay nito, patungo sa braso nito. Hinawakan ng isang kamay niya ang baba ni Marie. Nang magka-salubong ang kanilang mga mata ay napansin niya na mabilis na nag-iwas si Marie, kaya sa inis niya ay mabilis niyang siniil ng halik ang labi nito. Hindi niya naman napansin na tumutol si Marie, sa ginawa niya kaya lihim siyang natuwa. Iniisip niya na nagugustuhan na nito ang ginagawa niya at ang lalong nagpasaya sa kanya ay, dahil alam niyang nagustuhan na siya ni Marie. Pinasok niya ang isa niyang kamay sa loob ng suot nitong bathrobe. “Fvck..” Napamura si Gael, nang mahawakan ang isang dibdib ni Marie. Hindi niya mapigilan ang kamay niya na masahe-in ito, dahil sa lambot ng dibdib nito. Dahil sumasakit na ang puson niya ay mabilis niyang hiniga si Marie sa kama at tinanggal ang tali sa suot nitong bathrobe. Hindi niya
CHAPTER 14 3RD POV Nang makarating sa kumpanya ni Marie, ay mabilis niyang inakyat ang hagdan. Patungo sa opisina nito, dahil may gumagamit sa elevator at hindi na niya ito mahi-hintay pa. Nang makarating sa mismong opisina nito ay natigilan siya nang makita si Edward at ang mga magulang ni Marie. “Gael!” Ngiting wika sa kanya ng ina ni Marie, habang lumapit siya sa kanila. Nang makita niyang katabi ni Marie si Edward ay mabilis niyang hinila si Marie at hinalikan sa labi. Wala rin siyang pakialam kung nasa harapan sila ng mga magulang nito. “Pasensya kana, may ginagawa pa ako, kaya natagalan ako sa pagsundo sa ‘yo.” Wika niya, habang tumingin sa kaibigan niya. “Akala ko nga hindi kana darating, ako nalang sana ang maghatid sa kanya.” Ngiting wika sa kanya ni Edward. Pilit niya naman kinalma ang sarili niya, dahil ayaw niyang mahalata ng kaibigan niya na galit siya. “Gael, may driver naman na pwede mong tawagan, sa susunod. ‘Wag ka nang mag-alala sa asawa mo.” Wika ng ina ni Ma
CHAPTER 133RD POV“Ihahatid na kita.” Wika nito habang hinawakan ang kamay niya. Habang naglalakad sila palabas ng kumpanya ay hindi pa rin nawala sa isipan ni Gael, kung paano ngumiti si Marie, sa kaibigan niya. ‘Alam ko na..’ Lihim siyang napangiti habang nilingon ito. Nang makarating sila sa parking lot ay binuksan niya ang pinto ng kotse, habang nakikita niya sa mukha nito ang pagtataka. “Ano pang hinihintay mo? Sumakay kana.” Wika niya, kaya agad itong sumakay. Habang umikot siya patungo sa driver seat ay lihim na naman siyang napangiti. Buo na ang plano niya, gusto niyang mahulog ang loob ni Marie sa kanya at kung mangyari ‘yon ay iiwan na niya ito. “Maghintay ka sa akin mamaya. Ako ang susundo sa ‘yo.” Wika niya matapos itong maihatid sa opisina nito. “At ‘wag na ‘wag kang sumama kahit kanino Marie. Lalo na sa kaibigan ko.” Muling wika niya. “B-bakit?” Na-pakunot ang kanyang noo, dahil sa sagot nito sa kanya. “Anong bakit? Pwede bang sundin mo nalang ang gusto ko.” Ga