CHAPTER 133RD POV “Bugbugin niyo ang lalaking ‘yan!” Sigaw ng lalaki ng dumating ang mga bodyguard nito. Taka naman silang napatingin kay Gray at agad na nagyuko ng kanilang mukha. “Ano pang hinihintay niyo? Gawin niyo na ang inutos ko!” Malakas na sigaw nito.“Bakit naging tauhan na kayo ng lalaking ‘yan? ‘Wag niyong sabihin na ‘yan na ang amo niyo?” Tanong niya rito. “Anong pinagsasabi mo?” Taka na wika ng lalaki sa kanya. “Alam na ba ‘to ni Lola?” Galit na wika niya at hindi pinansin ang lalaki. “Inutusan lang po kami ni Ma'am Apple, Sir. Gray.” Lalong nagulat ang lalaki, dahil sa narinig nito. “Ganun ba? Kung ganun bugbugin niyo ang lalaking ‘yan!” Sigaw niya habang gulat na napatingin sa kanya ang babae. “Sandali! Bakit siya ang sinusunod niyo? Baka nakalimutan niyo na ako ang bos-.” “Dalhin niyo na silang lahat sa labas!” Muling sigaw niya, kaya agad na hinawakan ng kanyang mga tauhan ang lalaki pati na rin ang Ginang at ang babaeng kasama nito. “Ayos lang ba kayo?” Ta
CHAPTER 123RD POV “Mabuti at naisipan mo ng umuwi.” Pagod na wika niya sa kapatid niyang si Apple.“Bakit? Ayaw mo pa bang umuwi?” Wika nito. “Anong ayaw? Dalawang linggo na tayo rito.” “Ano naman? Dala-dala mo naman ‘yang laptop mo.” Wika nito, kaya hindi siya naka-sagot. “Iligpit mo nalang ‘yang mga gamit mo, baka mag-bago pa ang isip ng kapatid natin.” Bulong sa kanya ni Greeg. “Anong pinag-uusapan niyo?” Tanong nito sa kanila. “Wala, bilisan mo na para makauwi na tayo.” Sagot ni Greeg dito. Habang nasa eroplano ay iniisip niya si Arya, hindi niya kasi mapigilan ang sarili niya na ma-miss ang mga bata.“Gray, may ipapakilala pala ako sa ‘yo.” Wika ni Apple, kaya napakunot ang kanyang noo. “Ipakilala?” Ulit na wika niya, habang tumango ito. “Malay mo magustuhan mo siya.” Ngiting wika nito sa kanya. “Hindi ako interesado, bakit hindi mo nalang ibigay kay Greeg?” “Ayoko, baka mapahiya ako. Alam mo naman si Greeg, walang patawad pagdating sa babae.” “Gusto ko ikaw.” Muling
CHAPTER 113RD POV “Papakasalan mo si Arya?” Wika nito, habang tinitigan siya. “Oo, kaya hindi na niya kailangan na magpakasal sa taong sinasabi mo.” Sagot niya rito. Napakunot ang noo ni Gray, nang bigla nalang itong napa-halakhak. “Mukhang hindi mo kilala ang taong sinasabi ko. Alam mo bang mayaman si Mr. Robles?” Wika nito, habang napangiti si Gray at nailing. “Talaga?” Ngiting wika niya habang umupo sa sofa. “Akin na ang phone ko.” Wika niya kay Arya, dahil hawak nito ang lahat ng personal niyang gamit. “Ito po Sir.” Mahinang wika nito sa kanya. “Ipasara mo ngayon ang lahat ng negosyo ni Marcos Robles.” Wika niya habang nasa tainga niya ang kanyang phone. Napakunot naman ang noo ng lalaki, dahil sa narinig mula kay Gray. “Kilala mo si Mr. Robles?” Taka na tanong nito. “Hindi lang kilala. Kilalang-kilala, at ‘wag kang mag-alala. Bukas hindi na siya mayaman, katulad ng sinasabi mo.” Sagot niya, habang napakunot ang noo nito, pero ilang sandali lang ay napa-halakhak na naman
CHAPTER 103RD POV “Bakit kaya pareho tayo?” Tanong niya rito, matapos niya itong bihisan. Damit niya rin ang isinuot dito, dahil nakalimutan niyang bumili ng damit nito. “Boss, matutulog na ako.” Wika nito habang kinuha nito ang bote, na may laman na gatas.“Sige.” Sagot niya, habang nilagyan ito ng kumot. “Ayoko niyan Boss, mainit.” Wika nito, habang natigilan siya. Ganitong-ganito rin siya, ayaw niya sa kumot dahil mainit. Napangiti siya, dahil sa kanyang naisip. ‘Imposible, dahil ngayon ko lang nakita si Arya.’ Nagising si Gray, nang marinig niya ang iyak ni Alexander.“Hey…” Mahinang wika niya, habang tinapik ito. “Mommy…” Hikbing wika nito at niyakap siya ng mahigpit. “Bukas nalang kita ihatid.” Sagot niya rito, habang niyakap ito ng mahigpit. “‘Wag ka nang umiyak, nandito ako. Hindi kita iiwan.” Wika niya, habang tumigil ito sa pag-iyak. Kina-umagahan ay napabalikwas si Gray, nang marinig niya ang tunog ng doorbell. “Sir Gray, magandang umaga po.” Wika sa kanya ni Ar
CHAPTER 93RD POV “Bakit? Kilala mo ba siya?” Tanong niya rito. “Oo, nakita ko na siya, sa lamay ni June.” Sagot nito sa kanya. “Ang daming laruan!” Sigaw ng isang bata, kaya napangiti si Daisy. “Nagustuhan niyo ba?” Tanong nito, habang nilapitan ang mga bata. “Pasensya kana kung bigla kaming pumunta rito.” Wika niya kay Arya. “Ayos lang po ‘yon, Sir. Masaya nga po ako at sinama niyo si Ma'am Daisy.” Ngiting sagot nito. “Hindi namin alam kung anong gagawin sa kanya, para malimutan niya ang asawa niya.” Malungkot na wika ni Gray, kaya napatingin sa kanya si Arya. “Masasanay rin po si Ma'am Daisy, Sir. Lalo na at na r'yan kayo lagi para sa kanya.” Sagot nito, kaya napalingon siya rito. Matapos makipaglaro ni Daisy, sa mga bata ay agad na siyang nagpaalam kay Gray. Gusto sana ni Gray, na manatili ito sa tabi niya, dahil baka babalik na naman ito sa lugar kung saan sumabog ang eroplano. Pero sinabi nito na hindi na siya babalik do'n. “Mauna na rin ako Arya.” Paalam niya rito. “
CHAPTER 8 3RD POV “Tama na Gray, umalis na tayo.” Mahina na wika sa kanya ni Apple. “Umalis? Hindi mo ba naririnig ang sinab-.” “Ang sabi ko tama na at umalis na tayo.” Madiin na wika nito at iniwan siya. Masama niya naman na tiningnan ang lalaki at agad na sinundan ang kapatid niya. “Kilala mo ba ‘yon?” Tanong niya habang nasa loob na sila ng kotse. Tumango ito, habang malungkot na tumingin sa lalaki, na kausap ang babae kanina. “Sino ba ang taong ‘yon? At bakit niya sinasabi na apo siya ng mga Wang? Alam mong hindi natin siya kadugo Apple?” “Sinabi ko na sa ‘yo tama na, at hayaan mo nalang si Michael.” Napakunot ang kanyang noo, dahil sa sinabi nito. “Hayaan? Hayaan na ano? Na angkinin ang pagkata-.” Gray…” Sambit nito habang hinawakan nito ang kanyang braso. “Mahal ko siya… Noon paman gusto ko na siya.” “K-kaya pwedeng hayaan mo nalang muna siya.. D-dahil papakasalan niya ako kapag ibibigay ko sa kanya ang lahat ng gusto niya, at kahit pa ang pagkatao ko ibibiga-.” “Tu
CHAPTER 7 3RD POV “Naku! Manang! Mali kayo, hindi siya ang ama nila. Boss ko po siya.” Nahihiya na wika niya. “Ay, akala ko po siya ang asawa niyo. Kamukhang-kamukha po kasi siya ng mga bata.” Wika nitong muli, kaya napatingin siya rito. “Hindi po, Sir. Dito muna kayo, pakainin lang namin ang mga bata.” Wika nito sa kanya. “Sige.” Sagot niya rito. Habang pumasok sa kusina ang mga bata ay tinitigan niya ito. ‘Damn! Paano ko naman sila maging anak? Hindi ko naman nagalaw si Arya.’ Napailing siya habang tumayo. Nang marinig ang kanyang phone, ay agad niya itong sinagot. “Bakit?” Tanong niya, matapos itong sagutin. “Boss, kumain daw po kayo.” Wika ng isang bata, kaya gulat siyang napatingin dito. “Sino ‘yon?” Tanong ni Apple sa kanya. “Busog na ako, kayo nalang ang kumain.” Sagot niya sa bata. “Hoy! Gray, sino ‘yon?!” Sigaw nito sa kabilang linya, kaya nailayo niya ang kanyang phone sa kanyang tainga. “Anak ng tauhan ko.” Sagot niya rito. “Anak? Bakit?” Napakunot ang kanyan
CHAPTER 6 3RD POV “Hindi siya ang ama ng mga Anak ko.” Narinig niyang sagot nito. “Tara na po Sir.” Mahina na wika niya rito. “Ang ganda naman ng kotse na ‘to Mommy!” Tuwang wika ng isang bata, nang makapasok ito sa kanyang kotse. “Alexander, pwede bang manahimik ka.” Narinig niyang wika ni Arya. “Mommy, sabi ni Lolo, ayaw na niya kaming patirahin sa bahay niya, kasi magulo raw kami, kaya dapat daw naming hanapin ang Daddy namin, nasa’n ba siya?” Napakunot ang noo ni Gray, dahil sa kanyang narinig. “Bakit? Hindi ba nila kilala ang kanilang ama?” Tanong niya rito, habang umiling si Arya. “Sir, pwede bang hindi na muna ako bumalik sa opisina niyo? Kailangan ko pong maghanap ng bahay para sa mga Anak ko.” Wika nito sa kanya. “Kung gusto mo, ro’n nalang kayo sa bahay. Wala kasing nakatira roon.” Taka itong napatingin sa kanya, dahil sa kanyang sinabi. “Bakit po Sir? Sa’n po nakatira ang mga magulang niyo?” “Ang ibig kung sabihin, sa kabilang bahay. Marami kasing binili na bahay
CHAPTER 5 3RD POV “Magandang umaga Sir..” Ngiting bati nito sa kanya, matapos siyang makapasok sa kanyang opisina.“Kumusta ang mga anak mo?” Tanong niya rito, habang bakas sa mukha nito anh pagkagulat. “Maayos naman po sila Sir. ‘Yon nga lang, baka pwede ko silang dalhin dito.” Napakunot ang kanyang noo, dahil sa kanyang narinig. “Dalhin? Nagpapatawa kaba? Baka nakalimutan mong opisina ‘to at hindi palaruan.” Galit na wika niya rito, habang nag-yuko ito ng mukha. “Ipaghanda mo ako ng kape.” Utos niya habang umupo siya sa kanyang swivel chair. Binuksan niya naman ang kanyang monitor at tiningnan ang mga files na hindi niya natapos pag-aralan kagabi, dahil sa kanyang kapatid. “Narito na po ang kape niyo Sir.” Wika nito, kaya nag-angat siya ng kanyang mukha at tinitigan ito. “Galit kaba?” Tanong niya habang mabilis itong ngumiti. “Hindi po Sir, hindi niyo ba nakikita na nakangiti ako?” Sagot nito habang nanatili na nakangiti. “Hindi ako nakikipag-biruan sa ‘yo Arya.” Madiin n