252 3RD POV Pareho silang napatitig sa isa't-isa, habang napalunok si Hanma. Sa kanyang laway. “A-Aaron…” Sambit niya, habang nilapit ni Aaron ang mukha niya sa mukha ni Hanma, pero malakas na napasigaw si Hanma, dahil sinuka-an ang mukha niya ni Aaron. “Kainis ka naman!” Inis niya itong tinulak, kaya napahiga ulit ito sa kanyang kama.“Ahh!! Nakakainis talaga!!” Muling sigaw niya, habang pinaghahampas si Aaron. Inis siyang pumasok sa banyo, para maligo, dahil nasusuka siya sa baho na nasa mukha niya. Matapos niyang maligo ay binalikan niya si Aaron. Mahimbing na itong natutulog, kaya kinuha niya muli ang basang towel, at pinunas ulit ito sa mukha niya. “Kainis ka naman, akala ko pa naman.” Wika niya, habang ang kanyang mga mata ay nakatingin sa umbok sa pagitan ng mga hita ni Aaron. “Malaki kaya ‘yan?” Ngiting wika niya at dahan-dahan na inabot ang gitna ni Aaron. “Hanma!!” Inis na sigaw niya sa kanyang sarili. “Tumigil ka nga! Ang manyak mo talaga!” Napapikit siya sa kanyan
2533RD POV Tulala na napatingin ang babae, sa lalaking humawak sa kanyang braso. “Anong ginagawa niyo sa kanila?” Kunot-noo na tanong ni Evo, sa mga guard, na nakahawak pa rin sa mga kamay ni Hanma at Dell. “Binalak po nilang magnakaw, dito.” Wika ng isang babae, kaya napatingin sila rito. Sa nakikita nilang suot nito, ay napansin nilang Isa ito, sa mga staff ng Mall. “Anong magnakaw? Hoy! May pera kami, at wala pa sa kalahati ‘yang sahod mo sa pera ko!!” Malakas na sigaw ni Hanma. “Ano pang ginagawa niyo. Bitawan niyo sila.” Walang emosyon na wika ni Aaron. “‘Wag niyo silang pakawalan!” Muling sigaw ng babae, matapos siyang bitawan ni Aaron. “Hindi niyo ba kami susundin?” Galit na tanong ni Evo, habang sinuntok ang guard, na may hawak kay Dell. Napasinghap naman ang mga tao, dahil sa ginawa ni Evo. “Hindi niyo ba alam, na pwede kayong makulong dahil sa ginawa niyo!” Sigaw ng babae, sa kanila. “Wala kaming pakialam!” Malakas na sigaw ni Hanma.“Bitawan mo siya, kung ayaw mon
254 3RD POV “Paano ka nakarating dito?” Takot na tanong ni Hanma, sa kanya. Habang ngumiti ito ng nakakaloko. “Alam mo kasi, kahit saan ka pa, pumunta. Susundan pa rin kita, at ito ang tatandaan mo. Balewala ang lahat ng sakit na natamo ko, Basta masundan at makita lang kita.” Ngiting wika nito sa kanya. “Jake, pwede bang ‘wag mo na akong guluhin! Hindi kaba nakukontinto sa mga babae mo?” Galit na wika niya rito. “Bakit ako makuntento sa kanila? Ikaw nga ang gusto ko… Ang gusto kung saktan, tulad sa ginawa nila sa akin.” Wika nito, kaya napa-atras si Hanma. “Jake. Ilang beses ko bang sasabihin sa 'yo, na wala akong kinalaman, sa nangyari sa 'yo.” “Wala? Hindi ako bobo Hanmarie! Ni sumama kana nga sa lalaking dahilan ng pagbagsak ng pamilya ko!” Taka siyang napatingin dito, dahil sa kanyang sinabi. “Anong ibig mong sabihin?” Tanong niya, habang patuloy pa rin na uma-atras. “Tsk, ‘wag ka nang mag-maang-maangan pa! Kilala na kita!” “Totoo ang sinasabi ko sa 'yo!” Sigaw niya hab
2553RD POV “Umupo ka.” Wika ng kanyang ina, habang madilim ang mukha niya, na tumingin sa babae, na nasa kanyang harapan. “Ano ang pag-usapan natin?” Wika niya habang hindi umupo. Napakunot ang noo ni Aira, dahil sa narinig niya mula sa kanyang anak. “Hindi mo na ba ako kilala Aaron?” Wika nito, kaya nilingon siya ni Aaron. “Kung ipipilit niyo na ipakasal ako sa babaeng ‘yan. Alam niyo na hindi na mangyayari ‘yon, dahil kasal na ako.” “Alam kung peke ang kasal niyo!” Sigaw ni Nica, kaya Galit niya itong tiningnan. “Hindi ka lang pala pangit. Bobo ka pa.” Wika ni Aaron, habang namula ang pisngi ni Nica, dahil napahiya ito sa sinabi ni Aaron, sa kanya. “Tumigil kana Aaron.” Wika ni Aira, kaya napatingin ulit siya rito. “‘Yan ba ang gusto niyo Mom? Ang maikasal ako sa babaeng bobo?” “Sinabi kung tama na! Bakit ba lagi mo nalang akong sinu-suway Aaron?” “Dahil hindi ko siya gusto! Bakit niyo ba ako pinipilit na pakasalan siya? Hindi ko siya mahal!” Inis na sigaw ni Aaron. “Mat
2563RD POV “Hanma!” Masayang wika ni Junas, habang nilapitan ang anak at niyakap. “Mabuti at umuwi kana.” Ngiting wika nito habang binitawan siya. “May kasama po ako Dad.” Wika niya, kaya napatingin si Junas, sa likod ni Hanma. Gulat itong napatingin kay Aaron, habang marami itong bitbit. “A-ano ba ‘tong pinaggagawa mo Hanma?” Tanong niya, habang dali-dali na nilapitan si Aaron, at kinuha ang mga bitbit nito. “Bakit kayo magkasama?” Tanong niya rito. “Dad, pwede bang papasukin niyo muna kami. Pagod kaya kami.” Maktol na wika nito. “Pasok ka.” Wika niya kay Aaron. “Mr. Martinez. Bakit kayo magkasama ng anak ko?” Muling tanong niya, nang makapasok sila, sa loob ng bahay. “Dad, asawa ko na siya, kaya isinama ko siya rito.” Sagot ni Hanma, habang naubo si Aaron. Hindi niya inakala, na sasabihin agad ni Hanma, sa kanyang ama. Ang sekreto nila. “Anong sinabi ko Anak?” Tanong nito sa kanya. “Pinakasalan ko na siya Dad.” Balewala na wika nito, habang umupo ito sa sofa. Napatingin
257 3RD POV “Ano ang itatago ko sa ‘yo?” Tanong ni Junas, habang muling binuhay ang makina ng kanyang kotse. “Hindi ko alam, at ‘yon ang aalamin ko.” Sagot ni Aaron, kaya napatingin siya rito. Ilang sandali pa, ay hininto niya ang kanyang kotse. Napatingin si Aaron, sa labas habang nauna na lumabas si Junas. “Ito ang isa na binebenta nila rito.” Wika nito sa kanya, matapos siyang makalabas sa kotse. Nag-angat siya nang kanyang mukha, para tingnan ang itaas. “Maganda siya, pero hindi masyadong matao.” Wika nito. “Marami pa ritong binebenta. Kung gusto mo, pasa-samahan kita sa secretar-.” “Hindi na. Ako nalang.” Wika niya. “Pero pwede ko bang magamit ang kotse mo, pansamantala?” Muling wika niya kay Junas. “Baka mawala ka rito.” Napangiti si Aaron, dahil sa sinabi ni Junas. “Bata pa lang ako, kabisado ko na ang lugar na ‘to.” Sagot niya rito. “Kung ganun, ihatid mo na ako sa opisina ko.” “Anong oras ka uuwi? Para masundo kita.” “‘Wag na. Magtaxi nalang ako.” Wika ni Junas
258 3RD POV Napangiti si Aaron, matapos niyang bitawan ang labi ni Hanma, napansin niya kasi na tulala pa rin ito. “Gusto mo pa ba?” Tanong nito, kaya agad na namula ang kanyang pisngi. “Anong gusto? Bal*w kaba?” Inis na wika niya rito matapos niya itong hampasin sa kanyang braso. “Alam mo nakakainis ka!” Asar na wika nito habang papasok sila sa loob ng bahay. “Bakit naman?” Sagot ni Aaron, sa kanya, kaya huminto siya at nilingon ito. “Bakit mo ba kasi ako hinahalikan?” “Normal lang ‘yon, dahil asawa kita.” Inirapan siya ni Hanma, sa mga mata nito, dahil sa kanyang sinabi. “Ngayon, sagutin mo na ang tanong ko! Isa pa, akala ko ba wala kanang pera? Pero bakit kumuha ka ng bago mong bodyguard, at bumili ka pa, ng mamahalin na kotse?” Asar na tanong nito. Dahil iniisip niya kung paano nalang sila, kapag wala na itong pera.“‘Wag kang mag-alala. Bigay lang ‘yan sa akin ng Lola ko.” Sagot nito, kaya napakunot ang kanyang noo. “Lola mo? Hindi ba galit sila sa ‘yo?” Taka na tanong
259 3RD POV “Lola, ito na ang pagkain mo!” Wika ni Hanma, matapos niyang makita si Paula. “Bakit ikaw ang nagdala niyan Apo?” Tanong niya rito. “Gusto ko lang po, na ako ang mag-alaga sa ‘yo, umalis na kasi si Aaron, ang sabi niya papasok na raw siya sa opisina.” “Ganun ba, mabuti naman Apo, dahil kailangan niya rin na bisitahin ang lahat ng negosyo ko. Hindi ko na kasi mapupuntahan ang iba.” Wika nito sa kanya. “Pwede naman kitang samahan Lola.” Wika niya, kaya napangiti ito sa kanya. “‘Wag na Apo, nando’n naman si Aaron, alam ko na kaya niyang puntahan ang lahat ng negosyo namin.” Sagot nito, habang umupo siya sa tabi nito. “Kung ganun, mag-shopping nalang tayo Lola, at ‘wag kang mag-alala. Ako ang magbabayad sa lahat ng bibilhin mo.” Ngiting wika niya, habang napatitig si Paula sa kanya. “Bakit Lola, hindi ba kayo naniniwala sa akin?” Tanong niya, rito. Habang taka na napatitig sa matanda, dahil sa pag-halakhak nito. Napakunot naman ang noo ni Hanma, dahil pakiramdam niya
CHAPTER 33 WARNING MATURED CONTEXT!!! SPG!!!3RD POV “Ano pang ginagawa mo r'yan?” Napatingin siya kay June, dahil sa kanyang narinig. “Titingnan mo nalang ba ako?” Muling wika nito. “Hoy! June! Manahimik ka nga! Baka nakakalimutan mong nasa hospital tayo?” “Hindi ko nakalimutan ‘yan. Ang gusto ko gumawa na tayo ng anak natin, dahil honeymoon naman natin ngayon.” Namilog ang kanyang mga mata, dahil sa sinabi nito.‘Tama nga ang hinala ko, manyak pa rin ang lalaking ‘to.’ Napakuyom siya sa kanyang kamao, habang pilit na ngumiti rito. “Hindi mo ba nakikita na maliwanag pa?” Wika niya, kaya napatingin ito sa bintana. “Ano naman kung maliwanag pa?” Napapikit siya sa kanyang mga mata, habang pilit na kinalma ang sarili. Hindi niya kasi maintindihan kung bakit kinakabahan siya. Hindi naman sana ganito ang nararamdaman niya noon. Noong kumalong siya kay Johnson, ina-akit ito. “Halika kana. Tabihan mo na ako.” Muling wika nito. Ayaw niya sana itong susundin, pero akmang kukunin nito
CHAPTER 32 3RD POV “A-ahh… W-wala po Mommy, Daddy… B-bakit po pala kayo nandito?” Tanong niya sa kanila. “Gusto namin na dalawin si Dan, at magpasalamat sa kanya.” “Sinabi ko na sa inyo na ayos lang ‘yon.” Wika ni June, kaya masama niya itong tiningnan. “Mom, Dad, ayos lang po siya. ‘Wag na po kayong mag-alala.” “June Hijo, ‘wag kang mag-alala. Kukuha kami ng mga magagaling na doctor, sa iba’t-ibang bansa, para gumaling ka.” Wika ng kanyang ina. “Sa tingin niyo ba, gagaling pa ako?” Wika nito habang nakikita niya ang mga luha sa mga mata nito. “‘Wag ka nang umiyak. Kahit hindi ka makakalakad, hindi naman kita iiwan. Handa akong magiging mga paa mo.” Wika niya rito, kaya nag-angat ito ng mukha at tumingin sa kanya. “A-Anak, s-sigurado kaba sa desisyon mong ‘yan?” Tanong ng kanyang ina. Habang bakas sa mukha nito ang pag-alala. “Opo Mom, kaya handa na po akong pakasalan siya.” Sagot niya rito. “Kung ganun, mas mabuti siguro na maikasal na kayo, habang nandito pa kami. Ayos la
CHAPTER 31 3RD POV “Nagpapatawa kaba?” Wika nito habang nanatiling nakakunot ang noo. “Alam mong hindi ako magaling magpatawa.” Sagot niya rito, habang nilapitan ito.“Bakit bigla kang bumait? Hindi ba diring-diri ka sa akin?” Muling wika nito, kaya hindi niya napigilan na makaramdam ng hiya. “Sa nagawa ko patawad.” Hinging tawad niya rito. “Kung pakakasalan mo lang ako, dahil sa awa na nararamdaman mo ay makakaalis kana.” Muling wika nito. “Ito ang tandaan mo Daisy, hindi mo kasalanan ang nangyari sa akin.” Wika nito at itinaas ang kumot. Dali-dali naman siyang lumapit dito, para tulungan ito. “Hindi kaba nakakaintindi? Sinabi ko na sa ‘yo na hindi ko kailangan ang tulong mo, kaya makakaalis kana!” Sigaw nito, pero hindi niya ito pinansin. “Pwede ba, manahimik ka nalang, dahil kahit anong pagtataboy pa ang gagawin mo sa akin, ay hindi ako aalis dito!” Sigaw Niya at inis na hinablot dito ang kumot. “Gusto mo bang mabinat ako?” Galit na wika nito sa kanya. “Kung mangyari man
CHAPTER 303RD POV “P-paanong naaksidente?” Utal na wika niya habang kibit balikat lang ang sagot ng kanyang kapatid. Mabilis niya naman itong tinalikuran at tinawagan si Hazel. “Ma'am Daisy, bakit po?” Tanong nito, matapos masagot ang kanyang tawag. “Alamin mo, kung saang bansa pumunta ang mga Woo.” Utos niya rito. “Masusunod po Ma'am Daisy.” Sagot nito, kaya agad niyang pinutol ang tawag. “Kailangan kung humingi ng tawad sa kanya… S-sana lang hindi pa huli ang lahat…” Hindi niya napigilan na makonsensya dahil sa nalaman niya. Ngayon niya lang na-realize ang kasalanan na nagawa niya, sa taong nagligtas sa buhay ng kanyang ina. “Sa'n ka pupunta?” Taka na tanong niya sa kakambal niya. Nang makita itong sumunod sa kanya, pero para itong walang naririnig. “Dahlia!” Sigaw niya rito. “Daisy, gusto kung puntahan si Fico.” Iyak na wika nito, kaya niyakap niya ito. “‘Wag kang mag-alala, ibabalik ko siya sa ‘yo.” Wika niya, kaya gulat itong napatingin sa kanya. “A-anong ibig mong sa
CHAPTER 29 3RD POV “Hoy! Ano ba ‘yang pinagsasabi mo? Mahiya ka naman.” Inis na wika niya, habang ngumiti sa pari. “Pasensya na po kayo Father.” Hinging tawad niya at hinawakan ang braso ni June. “Halika na.” Madiin na wika niya, habang hinila ito. “Bakit tayo aalis? Magpapakasal pa nga tayo.” Wika nitong muli, habang patuloy niya itong hinila. “Bal*w ka talaga!” Galit na wika niya, habang nasa labas na sila ng simbahan. “Bal*w ba ang taong pakasalan ka?” Nailing siya habang tinitigan ito. “Pakasalan? Sinabi ko na sa ‘yo na hindi ako magpapakasa-.” Hindi niya na-ituloy ang sasabihin niya nang bigla na naman siya nitong buhatin. “Hindi ka magpakasal sa akin? Pwe's ibalik kita sa loob para pkasalan mo ako.” Napasigaw si Daisy, dahil sa narinig niya mula rito. “‘Wag! M-mahiya ka naman. Ginugulo mo sila sa loob.” Wika niya rito. “Ginugulo? Bakit mo nasabi ‘yan? Ang gusto ko lang naman ay pakasalan ka.” “Manahimik ka.” Madiin na wika niya. “Ayaw mo akong pakasalan ‘di ba? Kaya
CHAPTER 28 3RD POV “Ikakasal? Bakit kami ikakasal?” Gulat na wika ni Dahlia, sa mga magulang niya. “Noon paman ay pinag-planohan na ng pamilya natin ang kasal niyo Anak.” Muling wika ng kanyang ina. “Pero bakit? Hindi ba alam niyo na magka-ibigan lang kam-.” “Tama na Dahlia, sumunod ka nalang sa gusto ng mga magulang natin.” Wika sa kanya ng kanyang kuya River. “Isa pa, alam namin na may gusto ka kay Dan.” Wika ng kanyang kuya Ryker, kaya napatingin siya rito. “Ano ba ‘yang pinagsasabi mo Kuya?” Inis na wika niya, habang hindi makatingin kay Dan Fico. “Hija, mga bata pa lang kayo, ay napag-kasunduan na ng pamilya namin at mga magulang mo ang kasal ninyo. Pati na rin ikaw Hija.” Wika nito, habang gulat na napatingin si Daisy, sa ginang. “A-anong ako?” Utal na wika niya, habang kunot-noo na tumingin dito. “Alam mo bang nagkatampuhan kami noon ng iyong ina, noong nalaman namin na ikakasal kana. Mabuti nalang at hindi ‘yon, natuloy.” Ngiting wika nito, kaya napatingin siya sa ka
CHAPTER 273RD POV “‘Wag kang magpahalata Dahlia.” Wika ni Daisy, habang hinigpitan ang paghawak sa kamay ng kapatid niya. Nang dumaan sila sa harapan ni Dan, ay mas lalo pang lumakas ang kaba na nararamdaman niya. Habang nasa loob na sila ng elevator ay muli niyang inisip ang itsura nito kanina. Hindi niya alam kung si Dan Fico ba ito o si Dan June. “Dais-.” Mabilis na tinakpan ni Hazel ang bibig ni Dahlia, kaya hindi nito natuloy ang sasabihin niya. Nang tumingin sa kanya si Dahlia, ay agad siyang umiling. Nang makalabas sila sa elevator ay napakunot ang kanyang noo, nang makitang ibang floor ang pinuntahan nila. Magtatanong sana siya rito, pero natigilan siya nang may nakasalubong silang dalawang lalaki.Napahawak si Dahlia, sa kanyang dibdib matapos silang makapasok sa isang silid. “Kaninong silid ‘to? Bakit tayo nandito?” Tanong niya kay Hazel. “Maupo po muna kayo Ma'am Daisy, isa rin po ito sa pag-aari ko.” Sagot nito habang giniya siya sa sofa. “Bakit ang dami mong pa
CHAPTER 26 3RD POV “Mukhang hindi kana kilala ng bestfriend mo.” Iling na wika ni Dan, habang napatingin sa lalaking pumasok.“F-Fico.. A-ano ba ‘yang pinagsasabi mo? A-at sino siya?” Galit na sigaw niya rito. “Ako ‘to Dahlia.” Wika nito, kaya napatingin siya rito. “Mahal ko, alam mo bang ayaw na ayaw kung makita kang may kasamang ibang lalaki. Alam mo naman na minsan na kitang pinagbigyan. Pero ‘yon na ang huli.” Namilog ang mga mata ni Daisy, habang nakatingin dito. “I-ibig sabihin… Hindi ka si Dan?” Utal na wika niya, habang palipat-lipat ang tingin sa dalawang lalaki na magkamukha. “Mali ka, ako pa rin si Dan.” Ngiting sagot nito. “Siya ang kapatid ko Dahlia. Si Dan June.” Wika ng kamukha nito. “Ayaw ko pa sana na magpakilala pa, pero hindi ko na kaya. Baka ikamamatay ko pa kung tagalan ko pang puntahan ka rito sa lalaking ‘yan!” Galit na wika nito. Habang tinuro si Hazel. “B-bakit? Bakit niyo ‘to ginawa Fico?” Iyak na wika ni Dahlia. “Patawarin mo ako Dahlia, pero sady
CHAPTER 253RD POV Habang nasa loob na sila sa kotse, ay agad na suminyas sa kanya si Hazel, at agad na nilambingan ang boses niya habang kausap niya ito. Nang makarating sila sa condo ni Hazel, ay roon lang nakahinga si Daisy nang maluwag. “Bakit hindi mo kinuha ang camera na nilagay niya sa kotse?” Tanong niya rito. “Kapag ginawa ko ‘yon Ma’am. Maghi-hinala po siya.” Sagot nito, kaya napatitig siya rito. “At malalaman niya na alam natin ang ginagawa niya.” Muling wika sa kanya ni Hazel. “Tama ka, pero sigurado kaba na safe talaga rito?” Tanong niya habang umupo. “Opo Ma’am Daisy, marami po akong nilagay sa condo ko, para walang ibang makakapasok dito basta-basta.” Sagot nito habang napatango siya. Bigla niya naman naisip ang sinabi nito sa kanya kanina. ‘Hindi alam kung hindi siya si Dan, dahil napatunayan ko na ‘yon.’Napatingin siya kay Hazel, nang marinig niya ito. “Ano po ang sinasabi ng lalaking ‘yon, kanina Ma’am Daisy?” Tanong nito sa kanya. “Pinapagulo niya lang an