Home / Romance / My Nerd Wife Felicie / Chapter 9:Unang pagtatagpo

Share

Chapter 9:Unang pagtatagpo

Author: Miss Jesszz
last update Huling Na-update: 2025-07-30 13:46:22

Hapon at nagmamadali na sa pag-uwi si Felicie. Galing sa bukid nina Aling Yolanda. Katatapos lang nila mag-harvest ng mga talong doon ni Ernesto. Mukhang uulan dahil sa makulimlim na kalangitan. Napatalon pa ang dalaga nang biglang kumidlat nang pagkakalakas-lakas.

"Naku naman o! Mamaya ka na umulan. Wala akong dalang payong. Parang awa mo na. Maghapon ako sa initan, e! Hindi ako pwedeng mabasa," ani niya sa sarili habang nagmamadaling binabagtas ang baybayin ng tubigan.

Ilang hakbang na lang para makarating siya sa kabilang pangpang nang may masalubong siyang isang lalaki na tila nagmamadali ding makalampas sa pilapilang kanyang daraanan. Napatingin siya sa pinanggalingang pangpang. Malayo na siya para siya pa ang umatras at magbigay-daan sa lalaki.

Ang lalaki ay hindi pa naman ganoon nakakalayo sa pinanggalingan nito, kaya puwedeng ito na ang umatras para makadaan siya. Sa tingin niya ay dayo ang lalaki, base na rin sa suot nito. Muntik pa siyang bumunghalit ng tawa nang makita ang suot nito. Pormang-porma. Sino kaya pupurmahan nito dito sa kabukiran? Mga kalabaw at baka siguro. Sa isip-isip niya na natatawa. Abay, dinaig pa naman ang nasa siyudad. Pigil ang kanyang pagtawa habang papalapit sa lalaking kasalubong niya. Saglit siyang napakurap-kurap nang makita ang kabuuan nito sa malapitan.

Jusmiyo ang gwapo! Saan bang lupalop ng langit ito nanggaling? Marami na siyang nakitang gwapo. Katulad na lang ni Joaquin, na anak ng kapitan ng barangay nila, at ng mga modelong nakikita niya sa magazine. Pero kakaiba ang isang 'to. Sa tindig pa lang ay maaakit ka na. Bigla siyang nakaramdam ng pagka-uhaw nang pasimpleng pinasadahan ng tingin ang labi nito. Halos mag-rosas-rosas ang kulay noon. Animo'y kay lambot at kay sarap halikan. Ang mata nitong kulay hazel na kay pupungay kung tumingin. Napalunok siya. At biglang napangiwi nang makita ang kabuuan ng katawan ng lalaki.

"Tinamaan naman ng magaling, oh! Okay na sana, eh. Wala na sanang problema, perfect na sana. Kaso yung katawan... parang katawan ni Tarzan sa kagubatan. Sobra sa abs."

Muli, ay sa isip-isip niya saka napakamot sa ulo at saka inayos ang suot na salamin. Agad niyang ipinilig ang sariling ulo saka muling ipinagpatuloy ang paglalakad. Ngunit agad din siyang napahinto dahil sa lalaking kasalubong. Hindi sila pwedeng magsabay dahil sa liit ng daan. Napatitig sa kanya ang lalaking kasalubong at tila inis pa ito. Hindi lang iyon simpleng titig kundi titig na titig na ewan niya kung bakit, pero nagbibigay iyon ng kakaibang kilabot sa buo niyang katawan.

Wala sa sariling napakamot ulit siya sa sariling ulo. Abay, wala yatang balak umatras ang isang 'to. Alanganing ngiti ang kanyang ginawa dito, ngunit ang lalaking kanyang kasalubong ay nanatiling seryoso ang tingin sa kanya.

"Sir, pwede po ba kayo na ang umatras? Total naman po iilang hakbang pa lang kayo."

Nakangiting pakiusap niya sa binatang kasalubong, ngunit pinaningkitan pa siya ng tingin nito sabay taas ng kilay, marahil dahil sa kanyang sinabi rito.

"Abay, suplado ang kumag."

Saad niya sa isip. Hindi kumibo ang binatang kasalubong niya, bagkus ay nanatili lang itong nakaharang sa kanyang daraanan. At titig na titig pa rin sa kanya. Problema ng mukhang Tarzan na 'to.

"Anak ka ng tipaklong, kuya oh! Aabutin ako ng ulan sa ginagawa mo! Pwede, tumabi ka muna," muli ay sa isip-isip niya saka inayos ang kanyang nanlalabong salamin dahil sa hamog na rin.

"Sir, kako baka pwedeng pakiatras ka muna nang makadaan ako."

Ulit niya sa binatang wala yatang balak na magbigay-daan sa kanya. Makulimlim ang mukha nitong tumingin ulit sa kanya.

"Seryoso ka, Miss? Ako pa talaga ang magbibigay ng daan sa'yo? Para lang makadaan ka?!"

Masungit at taas-kilay nitong pagkakasabi saka inilagay ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa. Napangiwi pa ito na parang diring-diri sa maputik na pilapilang tinatapakan.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • My Nerd Wife Felicie   Kabanata:12

    Napatigil sa paglalakad si Felicie patungo ng kanilang bahay nang makita ang isang magarang sasakyan sa tapat ng kanilang bakuran. Mula sa di-kalayuan ay tanaw na tanaw niya ang kanyang Itay Sergio at si Don Elias. Habang kausap ng kanyang itay si Don Elias ay kita niya ang paglukot ng mukha ng kanyang ama. At alam niya kung ano ang dahilan niyon—ang lupa nilang nakasanla kay Don Elias. Isang linggo na ang nakakalipas nang magpunta siya sa mansyon ng mga Saavedra at kausapin si Don Elias tungkol sa lupa. Ngunit hindi niya gusto ang alok nito—kapalit ang kanilang lupang nakasanla rito. Napatitig siya sa mukha ng kanyang ama at hindi nakaligtas sa kanya ang sobra-sobrang lungkot na nasa mukha nito. Isang malalim na paghinga ang kanyang ginawa. Paano ba niya tatanggapin ang alok ni Don Elias kung ang kapalit nito ay ang kanyang sariling kaligayahan at kalayaan? Ngunit matitiis ba niya ang kalagayan ng kanyang magulang kung alam naman niyang may magagawa siya para sa mga ito? Ang unf

  • My Nerd Wife Felicie   Kabanata 11

    "Kuya, anong nangyari sa'yo?" Nagpipigil na pagtawang tanong sa kanya ng kapatid na si Ahlily nang makita ang kanyang hitsura. Matalim na tingin ang ibinigay niya sa nakababatang kapatid. Alam niyang kanina pa nito gustong bumunghalit ng tawa, ngunit 'di nito magawa. "You know what, this is all your fault!" Asik niya sa kapatid na pigil pa rin ang pagtawa. Napanaguso ito sa kanya. "At ano namang kinalaman ko d'yan, kuya? Hindi ko naman alam na sa tubigan mo pala gustong mag-swimming." Anang kanyang kapatid na hindi na napigilan pa ang matawa dahil sa hitsura niya. Napailing na lang siya. Sino nga ba naman ang 'di matatawa sa hitsura niya? Nagngingitngit siya nang maalala ang babaeng nerd na may kagagawan noon sa kanya. Sa inis na nararamdaman ay inihagis niya ang maputik na sapatos kay Ahlily. "Kuya naman, eh!" Asik nito sa kanya nang malagyan ito ng putik. Taas ang kanyang kilay na tumingin sa kapatid, saka dumiretso ng bathroom. Habang naliligo, ay 'di niya maiwasang

  • My Nerd Wife Felicie   Kabanata 10

    Tinamaan ka na naman ng magaling, kuya oh! Naku, may kasamaan at pagka maarte yata itong kaanak ni Tarzan..."ani niya sa isip."Eh, sir, pasuyo na po ako. Hindi naman puwedeng ako pa ang bumalik doon sa kabilang pangpang. Kita mo naman po, malayo na, oh. Ikaw na lang malapit, at pwe—""Hey, Miss Nerdy. I don't have so much time for this, okay? So ikaw na lang ang magbigay ng daan. Bumalik ka kung kinakailangan. Nagmamadali ako! Kapag umulan, mababasa at mapuputikan itong mga suot ko. So it's better na ikaw na lang ang umatras para matapos na 'to."Putol nito sa kanya na hindi naitago ang pagka-irita. Abay, ang mukhang na ito! Hindi lang pala suplado, kundi may pagka antipatiko at ubod sama ng ugali. Higit sa lahat, ubod arte—akala mo babae."Ay sir, hindi naman po pwede 'yun. Kita mo naman, oh, ang layu-layo ko na doon sa kabilang pangpang. Tapos papabalikin mo pa ako? Pwedeng ikaw na lang muna ang tumabi nang makadaan na ako. Kaya pakiusap na ho. Ikaw na ang umatras. Nagmamadali din

  • My Nerd Wife Felicie   Chapter 9:Unang pagtatagpo

    Hapon at nagmamadali na sa pag-uwi si Felicie. Galing sa bukid nina Aling Yolanda. Katatapos lang nila mag-harvest ng mga talong doon ni Ernesto. Mukhang uulan dahil sa makulimlim na kalangitan. Napatalon pa ang dalaga nang biglang kumidlat nang pagkakalakas-lakas. "Naku naman o! Mamaya ka na umulan. Wala akong dalang payong. Parang awa mo na. Maghapon ako sa initan, e! Hindi ako pwedeng mabasa," ani niya sa sarili habang nagmamadaling binabagtas ang baybayin ng tubigan. Ilang hakbang na lang para makarating siya sa kabilang pangpang nang may masalubong siyang isang lalaki na tila nagmamadali ding makalampas sa pilapilang kanyang daraanan. Napatingin siya sa pinanggalingang pangpang. Malayo na siya para siya pa ang umatras at magbigay-daan sa lalaki. Ang lalaki ay hindi pa naman ganoon nakakalayo sa pinanggalingan nito, kaya puwedeng ito na ang umatras para makadaan siya. Sa tingin niya ay dayo ang lalaki, base na rin sa suot nito. Muntik pa siyang bumunghalit ng tawa nang makit

  • My Nerd Wife Felicie   Kabanata: 8

    "Ano iha? Payag ka ba?" untag sa kanya ni Don Elias na nakapagpabalik-diwa sa kanyang pagmumuni-muni. Inayos niya ang suot-suot na salamin saka isang pilit na pagngiti ang ginawa sa Don. "Don Elias, pwede po bang pag-isipan ko muna? Lalo na at usaping pag-aasawa. E ni hindi pa nga po ako nagkaka-boyfriend e." Dere-deretsong sagot niya sa matanda. Tumango-tango naman ito sa kanya. Maya-maya ay may inabot ito sa kanyang calling card. "Kapag nakapag-desisyon ka na, iha, tawagan mo lang ako sa number na 'yan." Nakangiting tumango siya rito at iniabot ang calling card. Saka nagpaalam na din. Pakiramdam niya ay parang sumakit ang kanyang ulo sa pakikipag-usap kay Don Elias. Mayroon bang ganoon? Magulang ang humahanap ng magiging asawa ng anak? Teka, hindi kaya? Hindi kaya may kaunti si Don Elias? Naipilig niya ang sariling ulo. Mukhang matino naman, sa loob-loob niya habang binabagtas niya ang daan pabalik ng kanilang bahay. --- "I said, pabagsakin mo ang Montereal Company! Kunin m

  • My Nerd Wife Felicie   Kabanata 7:Ang kasal na alok kay Felicie.

    "Paano ba 'yan, Sergio? Balak nang kunin sa atin ni Don Elias ang ating natitirang lupa. Paano na ang mga bata? Lalo na si Junior." Narinig ni Felicie ang tanong ng kanyang inay sa kanyang ama isang hapon. Kagagaling lang niya sa pamumuti ng talong doon kina Aling Yolanda, at habang papasok nga siya ng bahay ay narinig niya ang pag-uusap ng kanyang mga magulang. Napatigil siya sa pagpasok ng kanilang bahay at palihim na nakinig sa usapan ng kanyang ama't ina. Kita niya ang lungkot sa mukha ng kanyang ama. "Kung may magagawa lang akong ibang paraan, Emma, ay nagawa ko na. Dahil ayaw ko ding mawala ang ating natitirang lupa. Lalo na't minana ko pa ang lupang iyon sa aking mga magulang." Narinig niyang malungkot na sagot ng kanyang Itay Sergio sa kanyang Inay Emma. "Paano na ang pag-aaral ng tatlo? Lalo na si Junior na madalas sumpungin ng kanyang asthma. Kapag tuluyan nang nakuha sa atin ang lupa, wala na tayong ibang mapagkukunan ng ating hanapbuhay. Doon lang tayo umaasa sa lupan

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status