Share

Kabanata: 8

Author: Miss Jesszz
last update Last Updated: 2025-07-28 10:44:54

"Ano iha? Payag ka ba?" untag sa kanya ni Don Elias na nakapagpabalik-diwa sa kanyang pagmumuni-muni. Inayos niya ang suot-suot na salamin saka isang pilit na pagngiti ang ginawa sa Don.

"Don Elias, pwede po bang pag-isipan ko muna? Lalo na at usaping pag-aasawa. E ni hindi pa nga po ako nagkaka-boyfriend e."

Dere-deretsong sagot niya sa matanda. Tumango-tango naman ito sa kanya. Maya-maya ay may inabot ito sa kanyang calling card.

"Kapag nakapag-desisyon ka na, iha, tawagan mo lang ako sa number na 'yan."

Nakangiting tumango siya rito at iniabot ang calling card. Saka nagpaalam na din.

Pakiramdam niya ay parang sumakit ang kanyang ulo sa pakikipag-usap kay Don Elias. Mayroon bang ganoon? Magulang ang humahanap ng magiging asawa ng anak?

Teka, hindi kaya? Hindi kaya may kaunti si Don Elias?

Naipilig niya ang sariling ulo. Mukhang matino naman, sa loob-loob niya habang binabagtas niya ang daan pabalik ng kanilang bahay.

---

"I said, pabagsakin mo ang Montereal Company! Kunin mo lahat ng mga investors nila!"

Nanggagalaiting saad ni Calex kay Luke isang hapon sa kanyang opisina. Halos mabingi ang kanyang kaibigan dahil sa lakas ng kanyang boses.

"What?! I can't, Calex," pagtutol sa kanya ng pinsan at kaibigang si Luke. Naningkit ang tingin niya rito saka napatayo sa pagkakaupo sa kanyang swivel chair.

"Yes, you can! Baka nakakalimutan mo, Luke, isa kang Saavedra. Makapangyarihan at kayang-kaya mong gawan ng paraan ang ipinag-uutos ko sa’yo!"

Pagalit niyang sabi sa kaibigan at pinsang si Luke.

Ilang beses na pag-iling ang ginawa nito sa kanya saka napabuga ng hangin. Nagkamali ng binangga ang Ezekiel na ‘yun. Isang linggo na ang nakakalipas buhat ng naganap sa bar—ang panununtok na ginawa nito sa kanya. At hindi pa rin niya matanggap iyon. Walang kahit na sino man ang pwedeng gumawa noon, lalo na sa kanya—na isang Saavedra.

"Hindi ko nakakalimutan, Calex. Paano ko ba naman makakalimutan ang apelyido ko na kulang na lang pati ako, damay sa mga kalokohang pinaggagawa mo? Kung puwede ko lang itakwil ang pagiging Saavedra, ay ginawa ko na."

Inis na sagot sa kanya ni Luke.

Yes! Sa tuwing may nagagawa siyang kalokohan, damay ang pinsan niya. Dahil ito ang gumagawa o naglilinis ng mga kalat niya.

"Dapat bago ako makabalik dito next week, ay nakuha mo na lahat ng mga investors ng mga Montereal."

Muli ay saad niya sa pinsan na malalim na paghinga ang ginawa.

"And where are you going?" usisa nito sa kanya. Wala sa sariling pinagsalikop ang mga daliri sa sariling ulo saka sumandal sa swivel chair.

"I need to go to Quezon. I hate that place!"

Sagot niya sa pinsang hindi naitago ang pagkadismaya.

Ayaw na ayaw niyang pumunta sa lugar na ‘yon. Bukod sa pangit at bako-bakong daan patungo roon, ay masyado pang bukid. Ewan ba naman kung ano ba’ng nagustuhan ng kanyang ama at kapatid para maglagi sa lugar na ‘yon, gayong bukid iyon at malayo sa kabihasnan.

May kuryente nga, ngunit wala namang signal doon. Kaya kung magdadala din siya ng cellphone at laptop, ay hindi rin mapapakinabangan. Sobrang-sobra pa sa tahimik ang lugar na ‘yon. Pakiramdam niya kapag naroroon, ay ubod ng lungkot ang kanyang buhay. Walang mapaglilibangan na katulad sa siyudad.

Isang beses lang siyang nakarating sa lugar na ‘yon. At kamalas-malasan pa, ay tumirik pa sa maputik at bako-bakong kalsada ang kanyang sasakyan. Mula noon, ay hindi na siya umulit pa na pumunta doon.

"Anong gagawin mo doon?" takang tanong sa kanya ni Luke. Napailing siya sa pinsan.

"Hindi ko alam. Hindi ko rin alam kung bakit biglaan ang pagpapapunta sa akin doon ni Dad."

Palatak na saad niya. Hindi rin niya alam kung bakit bigla-bigla ang pagpapapunta sa kanya sa Quezon ng kanyang Daddy. Na kahit ayaw niya, ay wala siyang magawa.

Dahil once na tumanggi siya dito, automatic na may gagawin sa kanya ang sariling ama na ‘di niya magugustuhan. Alam niya kung ano ang kayang gawin sa kanya ni Don Elias—lalo na sa usaping mana.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • My Nerd Wife Felicie   Kabanata:97

    (CALEX P.O.V) Nagulat siya nang salubungin siya ng magkasunod na sampal ni Felicie. Naguguluhan siyang tiningnan ang asawa—bakás sa mukha nito ang labis na galit sa kanya, sa hindi niya malamang dahilan. Almost three days din siyang nawala, pero sa pag-uwi niya ay dalawang magkasunod na sampal ang natikman niya mula kay Felicie. Na-miss niya ang asawa at tangka sana niyang hahalikan ito, ngunit umiwas si Felicie at agad siyang sinampal. Nahawakan niya ang sariling panga. Pakiramdam pa nga niya ay tumabingi ang mukha niya sa lakas ng sampal na ginawa nito. Maging ang palad ng asawa, ramdam niyang bumakat pa sa kanyang pisngi. "What's wrong? Bakit mo ako sinampal? It’s just a kiss. Na-miss kita, almost three days din akong nawala, Felicie. Then ito ang isasalubong mo sa akin?" saad niya sa asawang nanlilisik ang mga mata dala ng sobrang galit. Matigas itong umiling at akma namang susuntukin siya, ngunit mabilis niyang naiwasan iyon. Naguguluhan niyang tiningnan ang asawa. Hindi niya

  • My Nerd Wife Felicie   Kabanata:96

    (FELICIE P.O.V) "Apaka-sinungaling mo! Kung kailan nagawa kitang mahalin, doon mo pa ako sinaktan! Kung kailan naibigay ko na sa’yo ang lahat-lahat, lolokohin mo lang pala ako!" ani niya na nagsimula nang magsipag-unahan ang mga luha sa mga mata niya. Paulit-ulit na sakit ang nararamdaman niya kapag naaalala niya ang mga kagaguhan na ginawa sa kanya ni Calex. "Ang tanga-tanga ko, dahil naniwala ako sa mga matatamis na pananalita mo! Sino nga ba ang magmamahal at magse-seryoso sa katulad ko? Ano pa nga ba ang panama ko sa malanding Stacey na ‘yon! Isang probinsyanang nerd lang naman ako! Isang hamak na mahirap! Pero bakit kailangan mo pang paglaruan at saktan ang damdamin ko," ani niya na umiiyak at animo’y kaharap ang asawa. Nakailang beses ding tumawag sa kanya si Calex ngunit hindi niya iyon sinagot. Wala na siyang lakas pa para pakinggan ang mga kasinungalingan na sasabihin nito sa kanya. Huling-huli na niya ito. Tinarantado siya ni Calex, at pinapangako niya na hinding-hindi na

  • My Nerd Wife Felicie   Kabanata:95

    (FELICIE P.O.V) Malalim na ang gabi ngunit hindi pa rin siya dalawin ng antok. Paulit-ulit ang malalim na pagbuga ng hangin na ginagawa niya. Pakiramdam niya ay sasabog ang dibdib niya dahil sa bigat ng nararamdaman niya sa mga oras na iyon. Wala siyang ibang iniisip buong maghapon kundi ang kataksilang ginawa sa kanya ni Calex. Marahil nga ay hindi na magtitino ang kanyang asawa. Masakit lang isipin na ginawa na niya ang lahat para maging maayos ang pagsasama nila—pero wala rin palang saysay lahat ng iyon. Kahit pa ibinigay na niya ang lahat, maging ang iniingatan niyang dangal, ay isinuko rin niya sa pag-aakalang totoong nagbago na si Calex. Ngunit mali pala siya. Napasinghot siya. Naiinis na siya sa sarili niya. Kanina pa walang tigil ang pagtulo ng kanyang mga luha kahit anong pigil ang gawin niya. Dinampot niya ang cellphone nang mag-vibrate iyon. Kunot-noo niyang tiningnan ang isang message request. Isang link iyon. Kunot na kunot ang kanyang noo habang binubuksan iyon. Ngun

  • My Nerd Wife Felicie   Kabanata:94

    (STACEY P.O.V) Napangisi siya habang titig na titig kay Calex na hanggang ngayon ay tulog na tulog sa kama. Wala itong kamalay-malay sa ginawa niya. Nilagyan lang naman niya ng matinding pampatulog ang inumin nito kanina. Maaga pa lang ay pinapunta na niya si Calex sa bahay niya para pag-usapan ang mga projects na ginagawa nila para sa condo na bine-build ng Saavedra. Ayaw sana niyang gawin ito dahil dati-rati naman ay nakukuha niya ang lalaki nang walang sapilitan. Ngunit mukhang hindi na umuubra ang ganda at karisma niya ngayon—lalo na pagdating sa kama, dahil humaling na humaling ito sa bwisit na nerd nitong asawa. At hindi siya papayag na basta na lang siyang talikuran ni Calex. Marami na siyang sakripisyong ginawa para sa lalaki. Lahat ginawa niya para mapasakanya lang si Calex. Kaya hindi siya papayag na basta na lang siyang iiwan nito para sa asawa niya. It's time para bawian niya ito. Hinubad niya ang lahat ng saplot at humiga sa kama, tumabi kay Calex na tulog na tulog pa

  • My Nerd Wife Felicie   Kabanata:93

    Itinago na muna niya sa drawer ang PT na kaniyang ginamit. Halo-halo ang nararamdaman niya. Hindi niya malaman ang gagawin kaya naman ay nagpasya siya na tawagan ang asawa. Kailangan niya itong makausap, tungkol sa kanilang dalawa. Hindi niya alam kung paano haharapin ang mga magulang, lalo na sa sitwasyon niya ngayon. Hindi magtatagal ay lalaki ang kaniyang tiyan, at bago pa man mangyari iyon ay dapat malaman ng mga magulang niya ang pag-aasawa na ginawa niya. Malalim siyang humugot ng hininga habang hinihintay na i-pick up ni Calex ang tawag niya. Ngunit sa mahaba-habang pag-ring ng telepono nito ay hindi pa rin iyon sinasagot. Kaya naman nagpasya siya na mamaya na lang niya kakausapin ang asawa pagdating nito. Minabuti na lang niya na lumabas at bumili ng damit na maisusuot sa party ni Ezekiel. Wala na siyang oras sa mga susunod na araw dahil may pasok na ulit siya sa Megaplex. Mabilisan lang ang pagligo niya, at pagkatapos ay pumili siya ng simpleng white shirt na tinernuhan n

  • My Nerd Wife Felicie   Kabanata:92

    Nagising si Felicie sa malakas na tunog ng kanyang telepono. Dahil sa mainit na tagpong nangyari sa kanila ni Calex kagabi, talaga namang napuyat siya. Kaya antok na antok pa rin siya ngayon. Pikit ang mga mata niyang kinapa sa ilalim ng unan ang cellphone na walang tigil sa pag-ring. "Hello?" inaantok niyang sagot sa tawag. "Hi Fel, good morning. Si Ezzekiel ’to." Bigla siyang napadilat nang marinig kung sino ang nasa kabilang linya. Nakusot-kusot pa niya ang sariling mata. "Good morning. Napatawag ka," ani niya at tuluyan nang bumangon mula sa kama. Nilingon niya ang kaliwang bahagi ng kama ngunit wala na roon si Calex. Napatingin siya sa orasan sa pader at doon lang niya napagtanto na magtatanghali na pala. Past ten na. Wala sa sariling napakamot siya ng ulo. Sobrang napuyat talaga siya dahil sa nangyari sa kanila ng asawa kagabi. "I'm sorry kung naistorbo kita. Gusto ko lang itanong kung nareceive mo na ’yung invitation card para sa birthday party ko?" ani Ezzekiel sa ka

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status