Halos tumatagaktak ang pawis ni Felicie sa noo habang binabaybay ang pilapil ng tubigan. Katanghaliang tapat. Patungo siya sa bukid upang maihatid ang pananghalian ng kanyang ama.
Panganay sa apat na magkakapatid si Felicie, anak nina Mang Sergio at Aling Emma, na kapwa magsasaka. Salat man sila sa buhay, masasabing masuwerte pa rin silang magkakapatid dahil biniyayaan sila ng mga magulang na mababait at mapagmahal. Habang patuloy sa paglalakad sa makipot na pilapil, bigla niyang naramdaman na tila may tao sa kanyang likuran. “Hoy, Ernesto! Kung balak mo na naman akong gulatin, huwag na! Baka maihampas ko sa ’yo itong dala-dala kong kaldero. O baka gusto mong maligo sa putikan?” Saad niya, hindi na nag-aksaya ng panahon upang lingunin ang likod. Kilalang-kilala niya ang kaibigang si Ernesto, na madalas siyang gulatin sa tuwing siya’y dumaraan sa lugar na iyon. “Ay, grabe ka ah! Wala pa nga ako, ate. Masyado kang harsh! At Ines, hindi Ernesto. Eww!” Ani Ernesto, ang kanyang kababatang may pusong babae. “Saan mo dadalhin ’yan? At anong laman?” tanong nito, sabay turo sa kanyang kaldero. Tumaas ang kilay ni Felicie. Parang bago na naman ang tanong gayong halos araw-araw ay iyon ang ginagawa niya—maghatid ng pananghalian sa kanyang ama. Inayos niya ang salamin sa mata at masamang tingin ang ibinigay sa kaibigan. “Hoy, Ernesto, kung nagbabalak ka na namang humingi, sorry ka. Dalawang gatang lang ang sinaing ko. Kulang pa nga para sa mga kapatid ko. Tutong na nga lang ang natira para kay Itay.” Patuloy siya sa paglalakad papunta sa kabilang panig ng bukid. “Ay, grabe ka, ate! Hingi agad? Nagtatanong lang naman ako. Pero pwede mo rin naman akong bigyan, kung gusto mo,” sagot ni Ernesto sabay peace sign. Tulad ng inaasahan—hindi ligtas ang baon ng kanyang ama sa gutom ng kanyang kaibigan. “Ay, hindi pwede! Maawa ka naman sa Itay ko. Gutom ’yon.” Sabay talikod niya at tinuloy ang pagtawid sa kabilang pangpang. Bago makarating sa kanilang bukid, kailangang dumaan sa isang maliit na batis. “Uy, ateng! Nakikita mo ba ang nakikita ko?” tanong ni Ernesto habang patuloy na sumusunod sa kanya. “Ano na naman ang nakikita mo na hindi ko nakikita, huh, bakla? Maliban sa punong mangga at tubigan, wala akong ibang makita.” “Ay, ateng! Ang sarap ng pandesal niya at ang sawa niya... ang laki!” impit na tili nito na may malanding tono. Nilingon ni Felicie ang kaibigan at sinundan ng tingin ang direksyon nito. Sa may batis, naroon si Joaquin, anak ng kapitan ng barangay. Naliligo ito, hubad ang pang-itaas at tanging boxer shorts ang suot. Wala sa sariling naihampas ni Felicie ang mauling kaldero sa balikat ni Ernesto. “Anong masarap d’yan? Hindi naman nakakain! At anong sawa at pandesal ang pinagsasasabi mo?” pairap niyang tanong. “Ay, ateng! Mukhang kailangan mong ipaayos grado ng salamin mo. Apat na nga mata mo, labo pa rin!” sabay abot sa salamin ni Felicie, ngunit agad niya itong inambahan ng suntok. "Tumigil ka, bakla, ah!" Saad niya, saka nagpatuloy sa paglalakad. "Hay naku, ateng! Mukhang panahon ka pa ng Kastila kung maka-react. Ano ka ba, bakit ganyan ka? Wala ka man lang nararamdaman kapag nakakakita ng gwapings, lalo na at yummy tummy pa!" Saad nito sa malantod at malanding pananalita, sabay ikot ng dalawang mata. "Wala! Wala akong pakialam sa kanilang abs or tabs!" Sagot pa niya dito. Wala naman talaga siyang ka-interes-interes pagdating sa mga lalaking dinaig mo pa ang katawan ni Tarzan. Ang mas mahalaga sa kanya ngayon ay ang makatulong sa mga naghihikahos na mga magulang. Lalo na ngayon—hindi man sabihin ng kanyang ama’t ina—pero alam niyang nalulungkot at nangangamba ang mga ito kung paano matutubos ang lupa. Nakasangla kasi ang lupang sinasaka ng kanyang ama kay Don Elias. At sa pagkakaalam niya ay malapit na ang araw na ibinigay nito sa kanyang ama para matubos ang kanilang tatlong ektaryang lupang minana pa iyon ng kanyang Itay sa kanyang lolo na namayapa na. At hindi nila alam kung paano iyon matutubos kay Don Elias. "Oy, Baks, baka naman may kilala kang puwedeng mapag-extrahan?" Baling niya sa kaibigan nang malapit na sila sa bukid na sinasaka ng kanyang ama. "Ay, tamang-tama! Ateng, kailangan mo ng talong!" Saad nito sa kanya na nakangiti. Hindi niya agad nakuha ang ibig nitong sabihin. Bagkus ay binato niya ito ng suot-suot niyang tsinelas. "Hoy, bakla! Kung iaalok mo din lang sa akin ay ang pagpasok sa cabaret diyan sa bayan, hindi na!" Saad niya, saka tinungo ang kubo kung saan ay pahingahan ng kanyang ama kapag nasa bukid iyon at nagtatanim. Ibinaba niya ang dalang kaldero, saka kumuha ng dahon ng saging at inihain doon ang dala-dalang pagkain. "Ay, gaga! Sinong may sabi na pumasok ka ng cabaret, aber?" Sagot nito na nakataas ang kilay, sabay dukwang sa pagkain na hinain niya. Napailing na lang siya dito. "E, anong talong pinagsasabi mo diyan?" Naguguluhan niyang tanong sa kaibigan. "E, gaga! Ibang talong yata ang iniisip mo, Felicie!" Saad nito, saka malulutong na pagtawa ang ginawa. "Si Aling Yolanda kasi, nakita ko kahapon sa bayan. Naulit sa akin na naghahanap sila ng pwedeng mamuti ng aanihin nilang talong," Muli ay saad nito habang punong-puno ang bibig ng pagkain. "O, ano, gusto mo ba? Mamuti tayo ng mahahabang talong?" Tanong pa nito sa kanya. Ngumiti siya dito. Kailan ba siya tumanggi pagdating sa trabaho? Basta kaya niya at marangal ay pinapasok niya. "Sige, payag ako mamuti ng talong mo—ay este, talong ni Aling Yolanda," birong sagot niya sa kaibigan. Tumingin naman ito sa kanya na parang diring-diri sa sinabi niya. "Gaga! Mani ang akin, mani!" Hindi niya mapigilan ang hindi matawa dahil sa sinabi nito.(FELICIE P.O.V) Malalim na ang gabi ngunit hindi pa rin siya dalawin ng antok. Paulit-ulit ang malalim na pagbuga ng hangin na ginagawa niya. Pakiramdam niya ay sasabog ang dibdib niya dahil sa bigat ng nararamdaman niya sa mga oras na iyon. Wala siyang ibang iniisip buong maghapon kundi ang kataksilang ginawa sa kanya ni Calex. Marahil nga ay hindi na magtitino ang kanyang asawa. Masakit lang isipin na ginawa na niya ang lahat para maging maayos ang pagsasama nila—pero wala rin palang saysay lahat ng iyon. Kahit pa ibinigay na niya ang lahat, maging ang iniingatan niyang dangal, ay isinuko rin niya sa pag-aakalang totoong nagbago na si Calex. Ngunit mali pala siya. Napasinghot siya. Naiinis na siya sa sarili niya. Kanina pa walang tigil ang pagtulo ng kanyang mga luha kahit anong pigil ang gawin niya. Dinampot niya ang cellphone nang mag-vibrate iyon. Kunot-noo niyang tiningnan ang isang message request. Isang link iyon. Kunot na kunot ang kanyang noo habang binubuksan iyon. Ngun
(STACEY P.O.V) Napangisi siya habang titig na titig kay Calex na hanggang ngayon ay tulog na tulog sa kama. Wala itong kamalay-malay sa ginawa niya. Nilagyan lang naman niya ng matinding pampatulog ang inumin nito kanina. Maaga pa lang ay pinapunta na niya si Calex sa bahay niya para pag-usapan ang mga projects na ginagawa nila para sa condo na bine-build ng Saavedra. Ayaw sana niyang gawin ito dahil dati-rati naman ay nakukuha niya ang lalaki nang walang sapilitan. Ngunit mukhang hindi na umuubra ang ganda at karisma niya ngayon—lalo na pagdating sa kama, dahil humaling na humaling ito sa bwisit na nerd nitong asawa. At hindi siya papayag na basta na lang siyang talikuran ni Calex. Marami na siyang sakripisyong ginawa para sa lalaki. Lahat ginawa niya para mapasakanya lang si Calex. Kaya hindi siya papayag na basta na lang siyang iiwan nito para sa asawa niya. It's time para bawian niya ito. Hinubad niya ang lahat ng saplot at humiga sa kama, tumabi kay Calex na tulog na tulog pa
Itinago na muna niya sa drawer ang PT na kaniyang ginamit. Halo-halo ang nararamdaman niya. Hindi niya malaman ang gagawin kaya naman ay nagpasya siya na tawagan ang asawa. Kailangan niya itong makausap, tungkol sa kanilang dalawa. Hindi niya alam kung paano haharapin ang mga magulang, lalo na sa sitwasyon niya ngayon. Hindi magtatagal ay lalaki ang kaniyang tiyan, at bago pa man mangyari iyon ay dapat malaman ng mga magulang niya ang pag-aasawa na ginawa niya. Malalim siyang humugot ng hininga habang hinihintay na i-pick up ni Calex ang tawag niya. Ngunit sa mahaba-habang pag-ring ng telepono nito ay hindi pa rin iyon sinasagot. Kaya naman nagpasya siya na mamaya na lang niya kakausapin ang asawa pagdating nito. Minabuti na lang niya na lumabas at bumili ng damit na maisusuot sa party ni Ezekiel. Wala na siyang oras sa mga susunod na araw dahil may pasok na ulit siya sa Megaplex. Mabilisan lang ang pagligo niya, at pagkatapos ay pumili siya ng simpleng white shirt na tinernuhan n
Nagising si Felicie sa malakas na tunog ng kanyang telepono. Dahil sa mainit na tagpong nangyari sa kanila ni Calex kagabi, talaga namang napuyat siya. Kaya antok na antok pa rin siya ngayon. Pikit ang mga mata niyang kinapa sa ilalim ng unan ang cellphone na walang tigil sa pag-ring. "Hello?" inaantok niyang sagot sa tawag. "Hi Fel, good morning. Si Ezzekiel ’to." Bigla siyang napadilat nang marinig kung sino ang nasa kabilang linya. Nakusot-kusot pa niya ang sariling mata. "Good morning. Napatawag ka," ani niya at tuluyan nang bumangon mula sa kama. Nilingon niya ang kaliwang bahagi ng kama ngunit wala na roon si Calex. Napatingin siya sa orasan sa pader at doon lang niya napagtanto na magtatanghali na pala. Past ten na. Wala sa sariling napakamot siya ng ulo. Sobrang napuyat talaga siya dahil sa nangyari sa kanila ng asawa kagabi. "I'm sorry kung naistorbo kita. Gusto ko lang itanong kung nareceive mo na ’yung invitation card para sa birthday party ko?" ani Ezzekiel sa ka
“Bakit ‘di mo ako agad ginising?” sita niya sa asawa na wala pa ring tigil sa paghalik-halik sa kanya.“‘Di’ba ito na nga, ginising na kita,” pabulong na sagot ni Calex sa kanya. Napakislot pa siya nang biglang dumako ang kamay nito sa ibabang bahagi ng pagkababae niya at pinasadahan iyon ng haplos. Nag-init ang buong sistema niya dahil sa ginawang iyon ng kanyang asawa.“Calex…” babala niya, pigil sa asawa. Alam niya kung saan na naman papunta ang ginagawa nito. Ngunit tila bingi si Calex. Akmang gagapang na ang isa pang kamay nito sa dibdib niya nang pigilan niya iyon.“Hindi pa ako kumakain. Nagugutom na ako.”“Hindi pa rin ako kumakain, kaya ikaw na muna ang kakainin ko,” ani nito at pilyong ngumiti sa kanya. Biglang uminit ang magkabilang pisngi niya sa sinabi ng asawa, dahilan para matampal niya ito sa balikat.“Puro ka kalokohan. Seryoso ako, gutom na ako.”“Hon, makakapagtiis pa naman siguro ‘yang mga alaga sa tiyan mo. Pero itong alaga ko, kanina pa sa office pinasasakit ang
“And who are you, para questionin ang pagpunta ko rito?” “Baka nakakalimutan mo lang, I’m his wife, Miss Anaconda,” saad niya na sinadyang tawagin itong Anaconda. Eh totoo naman kasi—kung makalapit ito kay Calex ay parang ahas kung lumingkis. “How dare you! To call me like that, bitch!” galit at nanlilisik ang mata na saad nito sa kanya. Lihim siyang nagdiwang dahil sa nakikitang mukha ng babae. “Bitch mo ‘yang mukha mo,” ganting saad niya. Nanlaki ang mata nito, tila hindi makapaniwala sa mga salitang ibinabato rin niya sa babae. Kita niya na nanggigigil ito at akmang sasampalin na siya, ngunit mabilis na nahawakan ni Calex ang kamay nito na dapat ay dadapo sa kanyang pisngi. “Stacey!” maagap na saway ni Calex at iniharang ang katawan nito sa kanya. Binalingan siya ng asawa at tiningnan nang may pakikiusap. “Please hon, mag-uusap lang kami.” Ayaw man sana niyang iwanan ang asawa na kasama nito si Stacey, ay wala na siyang magawa nang makiusap si Calex. Malalim siyang humugot ng