Kararating pa lamang ni Calex sa bar na pagmamay-ari ng kaibigang si Dustin. Kaka-upo niya pa lang nang may lumapit na babae.
“Hey, handsome,” bati nito na may mapang-akit na ngiti. Tumaas ang kilay ni Calex. Napailing siya matapos suriin ang mukha ng babae—punong-puno ng kolorete, halos hindi na makita ang natural nitong anyo. Hindi niya tinatago ang pagkainip sa mukha. “You want?” tanong pa ng babae, saka walang paalam na umupo sa kanyang kandungan at ibinuka pa ang hita. “Wait. Wait.” mariing sabi niya. Napakunot ang noo ng babae, tila hindi sanay na tinatanggihan. “I’m not in the mood. At higit sa lahat, hindi ako pumapatol sa babaeng cheap at mukhang desperate,” malamig niyang tugon, sabay lagok ng beer na hawak. Halatang wala siyang gana. Ang totoo, hindi pa rin siya maka-get over sa ginawa sa kanya ni Stacey. Babaeng halos maglupasay noon sa kama kapag siya ang kahalubilo—ngayo’y bigla siyang iniwan para sa isang fashion show. Napangisi siya habang nakatingin sa babae. Halos mamula ito sa galit at hiya sa tinamong insulto. “Ang yabang mo!” galit na tugon ng babae. “Hindi lang ikaw ang gwapo rito! Marami pa diyan!” Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ni Calex. Ramdam niya ang lagapak, pero ngumisi lang siya. Tumayo siya at mariing hinawakan ang babae sa braso—mahigpit, ngunit hindi brutal. Kitang-kita niya ang gulat at takot sa mga mata nito. “Hindi mo ba ako kilala?” marahan ngunit matalim ang tinig niya. “Hindi mo alam kung sinong kinasasabikan ng mga model at sosyalera. Unlike you.” Pinaglakad niya ito palabas ng bar, pasakay sa kanyang sasakyan. Tahimik ang babae—dahil sa takot o dahil sa anticipation, hindi niya tiyak. Pagkapasok sa kotse, isinara ni Calex ang pinto, pinatay ang ilaw, at tuluyang siniil ng halik ang babae. Marahas ang mga halik—hindi nag-aanyaya kundi nagdedeklara. Ang bawat galaw niya ay may layuning takasan ang inis at init ng katawan. “Ganito ang gusto mo, ‘di ba?” bulong niya. Isa-isang tinanggal ni Calex ang saplot ng babae. Wala nang pagtutol, bagkus ay para pang sabik itong tumugon sa bawat dampi ng kanyang labi. Ang halik niya ay lumandas mula leeg, pababa sa dibdib ng babae—hinagkan, nilaro, at minasahe nang may kontrol at kabaliwan. Impit na ungol ang tanging maririnig sa loob ng kotse, tila sinadyang lunurin ng init ang lamig ng gabi. Maya-maya pa, huminto si Calex, dinukot ang condom mula sa compartment at mabilis na sinuot iyon. “What? You’re using that?” tanong ng babae, tila may panghihinayang. “Of course,” malamig niyang sagot. “Hindi ako pumapasok sa giyera nang walang bala. At hindi ako nag-iiwan ng palahi sa babaeng isang gabi ko lang titikman .” Nang matapos isuot ang proteksyon, muling bumalik si Calex sa ibabaw ng babae. Sa isang iglap, pinagsaluhan nila ang gabi sa isang mabangis ngunit kontroladong ritmo ng pagnanasa—na parang sining sa kanyang kamay, at isang panandaliang pagtakas sa reyalidad ng parehong nag aapoy na buhay nila. Hindi niya mabilang kung ilang ulit ang kanilang paulit-ulit na pagsayaw sa init ng katawan. Ngunit nang matapos, halos mawalan ng ulirat ang babae—humihingal, pawisan, at tila wala nang lakas ni gumalaw. Natatawang umiling si Calex habang pinagmamasdan ang babaeng tila himbing sa pag tulog dala ng pagod. “I told you, honey... Never dare me. Lalo na sa kama.” Tahimik niyang pinaandar ang sasakyan, at lumisan na parang walang nangyari. Para kay Calex, isa lamang iyong gabi sa libo pa niyang gabi ng kalibugan at pagtakbo mula sa kung anong kulang sa puso niya.Para sa kanya,ang babae ay parang isang laruan lamang. Pwede mong palitan kapag ayaw,o nag sawa kana. Maari ka ulit maghanap ng bago. Yung bago sa sa paningin.(CALEX P.O.V) Nagulat siya nang salubungin siya ng magkasunod na sampal ni Felicie. Naguguluhan siyang tiningnan ang asawa—bakás sa mukha nito ang labis na galit sa kanya, sa hindi niya malamang dahilan. Almost three days din siyang nawala, pero sa pag-uwi niya ay dalawang magkasunod na sampal ang natikman niya mula kay Felicie. Na-miss niya ang asawa at tangka sana niyang hahalikan ito, ngunit umiwas si Felicie at agad siyang sinampal. Nahawakan niya ang sariling panga. Pakiramdam pa nga niya ay tumabingi ang mukha niya sa lakas ng sampal na ginawa nito. Maging ang palad ng asawa, ramdam niyang bumakat pa sa kanyang pisngi. "What's wrong? Bakit mo ako sinampal? It’s just a kiss. Na-miss kita, almost three days din akong nawala, Felicie. Then ito ang isasalubong mo sa akin?" saad niya sa asawang nanlilisik ang mga mata dala ng sobrang galit. Matigas itong umiling at akma namang susuntukin siya, ngunit mabilis niyang naiwasan iyon. Naguguluhan niyang tiningnan ang asawa. Hindi niya
(FELICIE P.O.V) "Apaka-sinungaling mo! Kung kailan nagawa kitang mahalin, doon mo pa ako sinaktan! Kung kailan naibigay ko na sa’yo ang lahat-lahat, lolokohin mo lang pala ako!" ani niya na nagsimula nang magsipag-unahan ang mga luha sa mga mata niya. Paulit-ulit na sakit ang nararamdaman niya kapag naaalala niya ang mga kagaguhan na ginawa sa kanya ni Calex. "Ang tanga-tanga ko, dahil naniwala ako sa mga matatamis na pananalita mo! Sino nga ba ang magmamahal at magse-seryoso sa katulad ko? Ano pa nga ba ang panama ko sa malanding Stacey na ‘yon! Isang probinsyanang nerd lang naman ako! Isang hamak na mahirap! Pero bakit kailangan mo pang paglaruan at saktan ang damdamin ko," ani niya na umiiyak at animo’y kaharap ang asawa. Nakailang beses ding tumawag sa kanya si Calex ngunit hindi niya iyon sinagot. Wala na siyang lakas pa para pakinggan ang mga kasinungalingan na sasabihin nito sa kanya. Huling-huli na niya ito. Tinarantado siya ni Calex, at pinapangako niya na hinding-hindi na
(FELICIE P.O.V) Malalim na ang gabi ngunit hindi pa rin siya dalawin ng antok. Paulit-ulit ang malalim na pagbuga ng hangin na ginagawa niya. Pakiramdam niya ay sasabog ang dibdib niya dahil sa bigat ng nararamdaman niya sa mga oras na iyon. Wala siyang ibang iniisip buong maghapon kundi ang kataksilang ginawa sa kanya ni Calex. Marahil nga ay hindi na magtitino ang kanyang asawa. Masakit lang isipin na ginawa na niya ang lahat para maging maayos ang pagsasama nila—pero wala rin palang saysay lahat ng iyon. Kahit pa ibinigay na niya ang lahat, maging ang iniingatan niyang dangal, ay isinuko rin niya sa pag-aakalang totoong nagbago na si Calex. Ngunit mali pala siya. Napasinghot siya. Naiinis na siya sa sarili niya. Kanina pa walang tigil ang pagtulo ng kanyang mga luha kahit anong pigil ang gawin niya. Dinampot niya ang cellphone nang mag-vibrate iyon. Kunot-noo niyang tiningnan ang isang message request. Isang link iyon. Kunot na kunot ang kanyang noo habang binubuksan iyon. Ngun
(STACEY P.O.V) Napangisi siya habang titig na titig kay Calex na hanggang ngayon ay tulog na tulog sa kama. Wala itong kamalay-malay sa ginawa niya. Nilagyan lang naman niya ng matinding pampatulog ang inumin nito kanina. Maaga pa lang ay pinapunta na niya si Calex sa bahay niya para pag-usapan ang mga projects na ginagawa nila para sa condo na bine-build ng Saavedra. Ayaw sana niyang gawin ito dahil dati-rati naman ay nakukuha niya ang lalaki nang walang sapilitan. Ngunit mukhang hindi na umuubra ang ganda at karisma niya ngayon—lalo na pagdating sa kama, dahil humaling na humaling ito sa bwisit na nerd nitong asawa. At hindi siya papayag na basta na lang siyang talikuran ni Calex. Marami na siyang sakripisyong ginawa para sa lalaki. Lahat ginawa niya para mapasakanya lang si Calex. Kaya hindi siya papayag na basta na lang siyang iiwan nito para sa asawa niya. It's time para bawian niya ito. Hinubad niya ang lahat ng saplot at humiga sa kama, tumabi kay Calex na tulog na tulog pa
Itinago na muna niya sa drawer ang PT na kaniyang ginamit. Halo-halo ang nararamdaman niya. Hindi niya malaman ang gagawin kaya naman ay nagpasya siya na tawagan ang asawa. Kailangan niya itong makausap, tungkol sa kanilang dalawa. Hindi niya alam kung paano haharapin ang mga magulang, lalo na sa sitwasyon niya ngayon. Hindi magtatagal ay lalaki ang kaniyang tiyan, at bago pa man mangyari iyon ay dapat malaman ng mga magulang niya ang pag-aasawa na ginawa niya. Malalim siyang humugot ng hininga habang hinihintay na i-pick up ni Calex ang tawag niya. Ngunit sa mahaba-habang pag-ring ng telepono nito ay hindi pa rin iyon sinasagot. Kaya naman nagpasya siya na mamaya na lang niya kakausapin ang asawa pagdating nito. Minabuti na lang niya na lumabas at bumili ng damit na maisusuot sa party ni Ezekiel. Wala na siyang oras sa mga susunod na araw dahil may pasok na ulit siya sa Megaplex. Mabilisan lang ang pagligo niya, at pagkatapos ay pumili siya ng simpleng white shirt na tinernuhan n
Nagising si Felicie sa malakas na tunog ng kanyang telepono. Dahil sa mainit na tagpong nangyari sa kanila ni Calex kagabi, talaga namang napuyat siya. Kaya antok na antok pa rin siya ngayon. Pikit ang mga mata niyang kinapa sa ilalim ng unan ang cellphone na walang tigil sa pag-ring. "Hello?" inaantok niyang sagot sa tawag. "Hi Fel, good morning. Si Ezzekiel ’to." Bigla siyang napadilat nang marinig kung sino ang nasa kabilang linya. Nakusot-kusot pa niya ang sariling mata. "Good morning. Napatawag ka," ani niya at tuluyan nang bumangon mula sa kama. Nilingon niya ang kaliwang bahagi ng kama ngunit wala na roon si Calex. Napatingin siya sa orasan sa pader at doon lang niya napagtanto na magtatanghali na pala. Past ten na. Wala sa sariling napakamot siya ng ulo. Sobrang napuyat talaga siya dahil sa nangyari sa kanila ng asawa kagabi. "I'm sorry kung naistorbo kita. Gusto ko lang itanong kung nareceive mo na ’yung invitation card para sa birthday party ko?" ani Ezzekiel sa ka