Ximena’s POV
Masakit ang ulo ko ng magising at ayon sa nararamdaman ko, pati buong katawan lalo na sa pagitan ng aking mga hita. Bakit? Bumangon ako kasabay ang pag-libot ng tingin sa paligid. Hindi pamilyar ang lugar kaya pilit kong inalala kung bakit ako nandito.
Pumikit ako upang pilit alalahanin ang naganap, basta ang huling natatandaan ko ay iniwan ako ni Julius para balikan ang naiwan niyang cellphone at pinauna na ako sa room ng supervisor niya.
Shit, si Julius! Nasaan na siya?
Bumaba ako sa kama at doon ko lang napansin na hubad na hubad ako. As in, walang saplot kahit na isa.
Mabilis kong hinila ang comforter para lang makita ang pulang mantsa na nasa bedsheet. Doon ko na-realize ang nangyari.
“Gumuho na ang Bataan ko!” pigil kong bulalas. “Pero kanino? Sino ang–?” tanong ko pa sa aking sarili.
Muli kong nilibot ng tingin ang buong silid habang isa-isa kong dinadampot ang aking mga damit, base sa malamlam na liwanag na nagmumula sa siwang ng kurtina ay umaga na. Or should I say, maaga pa dahil parang papasikat pa lang ang araw. Kahit medyo madilim ay malinaw ko pa rin naaaninag ang paligid. Hindi kagaya kagabi na blurry ang lahat dahil sa hilo.
Mabilis akong nagbihis kahit na dama ko pa ang sakit ng katawan dulot ng nangyari ng nagdaang gabi. Napalingon ako sa isang nakasarang pintuan na sa palagay ko ay bathroom. Nandoon kaya ang nakaniig ko kagabi?
Pinilig ko ang aking ulo bago mabilis na dinampot ang aking handbag na nakita kong nakapatong sa ibabaw ng bedside table. Binuksan ko iyon at tinignan ang laman, okay naman at kumpleto ang alam kong gamit kong nakalagay doon.
Agad akong lumakad papunta sa pintuan at dahan dahan binuksan iyon. Sumilip ako sa labas at ng masiguro na walang kahit na sino ang naroon ay agad akong lumabas. Narinig ko ang tunog ng elevator pero imbis na doon dumiretso ay nagtago ako sa kabilang bahagi non kung nasaan ang hagdanan.
Nanatili ako saglit nakasandal doon para pakalmahin ang aking sarili at paalis na ako ng marinig ko ang pamilyar ng tinig.
“Are you sure na bayad na ang utang mo?” tanong ng boses ng isang babae. Hindi ako maaaring magkamali, si Mae na kaibigan ni Julius ‘yon. Pero sino ang kausap niya?
Hindi ko kinailangan na maghintay ng matagal dahil biglang tumugon ang kasama niya.
“I drugged her last night. Isa pa, sabi ng siraulong Ador na yon ay willing na willing daw si Ximena.”
“Talaga? Epekto siguro ng drugs na nilagay mo sa inumin niya,” excited na tugon ni Mae. Bigla kong natakpan ang aking bibig. Hindi ko akalain na magagawa sa akin iyon ni Julius.
“Siguro nga. Pero ang importante ay nasarapan siya ng husto at dahil don ay nilinaw na niya sa akin na wala na akong utang sa kanya.” Masaya rin ang tono ng hayop na si Julius.
“Sa tingin mo ba ay interesado pa siya kay Ximena ulit? Alam mo na, kapalit ng malaking halaga.”
“Shit na babaeng ‘yon, hindi pa ako ang pinauna. Limang taon na kami pero hanggang halik lang ang pinaranas sa akin gayong magaling naman pala siyang magpaligaya. Na-curious tuloy ako kung gaano siya kagaling.”
“Julius!” galit na sigaw ni Mae.
“Ano ka ba, ‘wag kang sumigaw dyan!” awat ng walang hiya kong kasintahan. Ay ex na pala. Simula sa mga oras na ‘to, tapos na sa amin ang lahat. “Sinasabi ko lang. Damn, nagpanggap pa ako na nag-iipon na para sa aming kasal para lang mapapayag siyang humarap kay Ador tapos makati rin naman pala.”
“Tigilan mo ang kakaisip sa kung gaano siya kagaling o ako ang puputol niyang kaligayahan mo!” banta ni Mae sa lalaki.
“Oo na, sige na. Alam mo naman na pagdating sa kama ay the best ka at walang katulad.”
“Sige na, puntahan mo na ang girlfriend-girlfriend-an mo. Siguraduhin mo na tatapusin mo na ang lahat sa relasyon niyo pag nakita mo siya sa kama ng Ador na ‘yon. Napakatanga pala niya, ang akala ko ay matalino. Ni hindi man lang niya napansin ni minsan na may relasyon na tayo bago pa man naging kayo.” Nangungutya ang tono ni Mae, nanliit ako dahil sa katotohanan ng kanyang sinabi.
Muntik na akong mapatili ng dahan dahang bumukas ang pinto ng exit at nakita doon ang isang lalaki. Napansin ko ang pagbuka ng kanyang bibig kaya agad ko iyong tinakpan ng aking kamay sabay tapat ng aking hintuturo sa aking bibig na ibig sabihin ay ‘wag siyang maingay. Ayaw kong malaman ng dalawang demonyo na narinig ko sila.
Hindi nagsalita ang lalaki pero nanatiling nakatingin sa akin na hindi ko na pinansin dahil ang buong atensyon ko ay nabaling na ulit sa dalawang hayop na nag-uusap.
“Hala, sige na.” Narinig kong sabi ni Mae.
“Okay, love. Umalis ka na rin at magkita na lang tayo mamaya.” Pagkatapos non ay tunog ng kanilang halikan kasunod ang tunog ng elevator. Hanggang sa tuluyan ng tumahimik.
Love. Iyon din ang tawag niya sa akin.
Doon na tuluyang pumatak ang aking luha. Ang engot-engot ko talaga.
“Eherm..” Nag-angat ako ng tingin at doon ko lang napansin na nasa bibig pa rin ng lalaki ang aking kamay. Doon ko lang napansin na matangkad ito, may facial hair, matangos ang ilong at mukhang masungit. Napasinghot ako kaya naamoy ko siya, bakit parang pamilyar sa akin ang pabango niya?
“I’m sorry,” sabi ko sabay tanggal ng kamay sa kanyang bibig at binuksan ang pinto sa likod niya bago ko siya iniwan na. Mabuti pa na maghagdan na lang ako, baka sakaling mas makapag-isip ako ng mabuti.
Pagdating sa bahay ay ang nag-aalalang mukha ni Mama ang sumalubong sa akin kaya hindi ko pinahalata na sobrang durog na durog ang pakiramdam ko. Ayaw kong dagdagan pa ang isipin niya dahil alam kong nahihirapan rin siya.
Nagtuloy ako sa silid namin at nadatnan ko ang aking natutulog na kapatid. Tinabihan ko siya at niyapos, hanggang sa muling tumulo ang aking luha at nakatulugan na lang ang tanong na paulit-ulit umuukilkil sa isip ko.
Paanong nagawa sa akin ni Julius iyon?
Paanong nagawa ng isang lalaking pinagkatiwalaan ko at pinangarap na makasama sa habang buhay ang isang bagay na sisira sa akin at sa buong pagkatao ko?
Humanda siya, lintik lang ang walang ganti.
XimenaDumating na ang mga order namin at tuloy ang kwentuhan, Ay, mali. Tuloy ang talentadong plastikan.Ang tamis ng ngiti ko, parang si Darna lang kung ngumiti pero si Valentina ang laman ng utak. Sa bawat “Haha, oo nga!” na sinasabi ko, may katumbas iyong “Gusto mo ng gulo, te?” sa isip ko.Sa totoo lang, dinamihan ko talaga ang order ko, pati dessert, appetizer, extra rice at ang pinakamahal na inumin sa menu, isinama ko na. Lalo akong ginanahan nang makita kong halos mapangiwi si Julius sa presyo habang pinipilit maging cool.Aba eh gusto mo pala akong gamitin bilang shortcut sa pera? Eh di maglabas ka muna ng wallet hanggang maubos ang laman.Gusto mo akong gawing investment?Sorry, mahal, walang ROI dito.Nakita ko talaga sa mga mata niya 'yung “ano ba 'to” moment habang tahimik lang si Mae, obvious na hindi makaimik. Nagkasya na lang siya sa pagkabigla at paminsan-minsang sulyap sa kinain niya, na halos hindi niya na nga ginagalaw.‘Yan ang gusto ko, yung pareho kayong kumak
XimenaPaglabas ko ng restroom, diretso na ako sa restaurant. May kaba sa dibdib, pero mas matigas ang loob. Kumpiyansa akong ako ang may hawak ng alas sa gabing ito at ang paborito nilang gawin sa iba? Sa akin nila ngayon mararanasan. Kaya kong umarte, magpaka-anghel kung gusto nila. Pero sa huli, sa akin pa rin ang huling halakhak.Gaano man kalaki ang inutang niyo, kayo din ang magbabayad. At babayaran niyo ‘to ng buo, pati interest.“Do you have a reservation, Ma’am?” nakangiting tanong ng receptionist. Mabuti na lang at kahit simpleng bihis lang ako, hindi niya ako tiningnan mula ulo hanggang paa gaya ng iba.“Reservation under Mr. Julius Mauricio?” sabay ngiti kong magiliw. Mahirap na. Baka isipin pa ng ale na hindi ako karapat-dapat sa presyuhan ng wine dito.“Yes, Ma’am. This way please.” Umuna na siya sa paglalakad, at sinundan ko, mataas ang noo pero magaan ang mga hakbang na parang wala lang, pero sa loob ko, sumisipa na ang adrenaline.Paglapit namin sa mesa, tumayo agad si
XimenaAlas-siyete ng gabi, nakatayo na ako sa harap ng Hotelier, isa ding high-end na hotel na paniguradong hindi basta-basta ang presyo. Para itong huling eksena sa isang pelikula kung saan ako ang bida at sila ang sasalo ng karma. Ang tanong lang ay kung paano ko gagawin.Napatingin ako sa façade ng gusali, eleganteng lighting, mga mamahaling sasakyang pumaparada, at mga taong mukhang mabango ang buhay. Siguradong malaki ang nakuhang pera ng mga hayop na sina Julius at Mae sa Zael na 'yon kaya naman wala lang para sa kanila ang gumastos dito.Kagaya ng sinabi ko noon pa, hindi naman salat sa buhay si Julius. Hindi siya mukhang naghihikahos. May trabaho ang parehong magulang niya, at may sariling kabuhayan din siya. Hindi siya mahirap, oo. Pero alam kong hindi rin siya basta-basta gumagastos kung wala siyang kapalit na makukuha. Hindi niya kayang magpaandar ng bongga kung hindi rin lang siya magbe-benefit sa huli.Ganyan siya. Laging may kapalit. Laging may dahilan sa bawat "kabaitan
XimenaPangatlong araw ko nang naka-bakasyon sa bahay, o dapat ko na bang sabihing, nakatambay. Hindi naman ako nababagot, sa totoo lang, dahil kasama ko sina Mama at tinutulungan siya sa gawaing bahay. Masaya akong masiguro na nakakatulong ako sa kanya kapag may pagkakataon. Pero habang naglalampaso ako ng sahig kanina, bigla akong napatigil."Bakit nga ba hindi na lang ako kumuha ng kasambahay?" Napabulong ako sa sarili.Napaisip ako agad kung okay lang ba ‘yon kila Tita. Baka sabihan akong maarte? O baka mas okay kung si Mama na lang ang tanungin ko mismo? Ayoko ring mapahiya o mapagsabihan ng "Aba'y may kaya ka na pala!"Sa gitna ng pag-iisip kong ‘yon, narealize kong wala ni isa sa opisina ang kumokontak sa akin. Walang tawag. Walang text. Tahimik ang buong mundo.Pati si Sir Simon na siyang OIC habang wala ang aming amo ay wala ring paramdam. Hindi ko alam kung dapat ba akong kabahan o mag-relax. Pero dahil sa tahimik na lahat, pinili kong magpaka-chill muna. Wala namang sunog na
XimenaKa-grabe talaga, uy!Gusto kong maglampahog sa sahig gaya ng mga mga bata na hindi nasusunod ang gusto, yung literal na dumudulas sa pag-iyak dahil hindi ako nakasama sa out of the country trip ni Sir Roccaforte. Alam mo ‘yung gigil na parang gusto mong kumagat ng unan? Gano’n.Nakakainis lang kasi ‘yung ka-meeting niya sa New York, nagkaroon ng emergency flight pa-Switzerland kaya bigla silang nagkita nang mabilisan bago umalis. Ang ending? Naiwan akong parang basang sisiw dahil hindi pa ready ang passport ko.Heto ako ngayon, nakahilata sa kwarto namin nila Mama, naka-pajama whole day, staring at the ceiling habang naka-loop ang sad playlist ko sa Spotify. Hindi ako pumasok, syempre, wala ang amo ko.Walang amo, walang pasok.Sounds fun, 'di ba?Pero ang totoo? Gusto kong sumama sa New York!Gusto kong maglakad sa Central Park, bumili ng hotdog sa tabi ng kalsada, at mag-selfie na parang hindi ako galit sa buhay. Isang linggo sana 'yon na makakaamoy ako ng imported na hangin,
Ximena"May passport ka ba, Ximena?" tanong ni Sir habang sabay kaming kumakain ng dinner sa loob ng office niya. Overtime kami dahil sa biglaang request ni Sir Simon, document daw na kailangan first thing bukas ng umaga. Kaloka talaga.Napatingin ako sa kanya at bahagyang umiling. “Wala pa po,” sagot ko.“I’ll ask Simon to process one for you. May out-of-the-country business trip ako sa susunod na linggo and I’m bringing you with me,” aniya na parang simpleng lakad lang ‘yon sa grocery.Napapitik ang puso ko. Out of the country?! Legit ba ‘to?Parang biglang may sumabog na confetti sa loob ng dibdib ko. Ngayon lang ako makakalabas ng bansa. Kahit na hindi naman iyon bakasyon dahil kasama si boss ay iba pa rin yung may maipo-post ako sa aking social media na bansang narating. Ngayon pa lang ay nai-imagine ko na ang itsura ni Tito kapag nalaman ito.Pero pinigilan ko ang sarili ko. Baka magmukha akong masyadong excited. Baka isipin niyang... clingy? Char... hahaha!"Why are you not talk