Ximena
Three days later ay hindi pa rin kami nagkikita ni Julius. Pero bandang tanghali ng araw na umuwi ako mula sa hotel ay tumawag siya sa akin at kinukumusta ako. Tinanong kung may ginawa daw ba sa akin ang supervisor niya.
Dahil sa pagpapanggap niya ay nakakuha ako ng chance na magplano kung paano makakaganti sa kanya.
Nagpanggap ako na nasaktan sa ginawa niya at nagmakaawa naman siya sa akin sa pagsasabi na wala siyang alam doon.
“Sinabi ng lalaking ‘yon na pinambayad mo ako sa utang mo sa kanya kaya wala na akong naging lakas pa na makatutol.” Sinikap kong maging kaawa-awa ang tinig ko kahit na gusto ko ng ibato ang cellphone na hawak ko.
“No, love. Hindi totoo yon! Nagulat na lang ako ng sabihin niyang wala na akong utang sa kanya.”
“Ano ngayon ang gagawin ko?” Sinamahan ko pa ng iyak para mas kapani-paniwala.
“Don’t worry, love. Akong bahala.” Kunyari ay naniwala ako sa sinabi niya.
At ngayon nga, tatlong araw ang nakalipas ay papunta ako sa kanyang apartment. Nalaman ko na naroon si Mae, gusto kong hulihin sila sa akto ng kung ano ang ginagawa nila para i-video at gawing panakot sa career nila.
Dahan dahan akong lumakad papalapit sa unit. Sa likod ako nagdaan dahil iyon ang susi na meron ako. Ang walang hiyang Julius, kaya siguro hindi binigay sa akin ang susi ng front door ay dahil talagang may tinatago siya.
Well, this works to my advantage.
Pagpasok ko ay kusina agad. Marahan akong lumakad papunta sa living area na nahaharangan lamang ng isang malaking divider cabinet kaya hindi nila ako kita. Pero sila, rinig na rinig ko.
“Love, sa palagay mo ay uubra pa na makautang ka ulit kay Zael?” tanong ni Mae.
“Palagay ko ay oo. Mayaman ang siraulong ‘yon. Siya talaga ang nagmamay-ari ng isang malaking kumpanya nas nagpapanggap lang bilang regular supervisor.”
“Kung ganon ay mangutang ka ulit. May nakita akong magandang bag online eh, gustong gusto ko ‘yon…” Sumilip ako at kita ko kung paano hagurin ni Mae ang ari ni Julius dahil kapwa sila hubad.
“Paano naman ang pagbabayad?” tanong ng lalaki habang napapapikit pa.
“Hindi ba at sinabi niya na nasarapan siya kay Ximena? Bakit hindi na lang siya ulit ang pagbayarin mo?”
Kitang-kita ko ang pagkakangisi ng demonyong si Julius.
“Kung ganon, bakit hindi ko na lang lakihan ang uutangin?” Isang malakas na pagtawa ang pinagsaluhan ng dalawa habang nagpupuyos ako sa galit. Kuyom ang mga kamay at kagat-kagat ko ang loob ng aking pisngi para lang pigilan ko ang aking sarili na lusubin sila.
Hanggang sa dahan dahan akong lumakad paatras.
Gaguhan ang gusto niyo? Sige, ibibigay ko ‘yan sa inyo!
Paglabas ko sa likod ay mabilis akong naglakad palayo dala ang pangakong babalikan sila.
Pagdating sa bahay ay agad kong nakita ang aking ina na kumikilos para sa gawaing bahay. Naawa ako dahil simula ng mawalan ako ng trabaho ay mas lalo pa siyang nagmukhang alila sa bahay na ito ng aking tiyahin.
“Tulungan na kita, Ma.”
Nag-angat siya ng tingin sa akin habang nagpupunas ng lamesa.
“Naku nandyan ka na pala. Ang mabuti pa ay ang cellphone mo ang harapin mo dahil kanina pa tunog ng tunog. Hindi ko naman masagot dahil baka importante at mapasama ka pa.”
Napakunot ako ng noo dahil sa sinabi ni Mama. Doon ko lang naalala na nag-apply nga pala ako sa Roccaforte Empire bilang office assistant. Agad akong nagtungo sa silid naming mag-iina na nasa ilalim ng hagdan, sakto, tumutunog ang aking phone.
Kinuha ko iyon mula sa ibabaw ng orocan na lagayan ng damit namin at tinignan. Number lamang iyon kaya agad kong sinagot.
“Hello,” kinakabahan kong sabi.
“Good afternoon, is this Ms. Ximena Santiago?”
“Yes, po. Sino sila?”
“I’m Beth, HR assistant ng Roccaforte Empire. I called to inform you na tanggap ka na and we are expecting you to report tomorrow for an interview na for formality na lang. Then orientation and briefing.”
“Talaga po?” gulat kong tanong. Gusto kong makasiguro. Kailan pa kasi ako nagpasa ng resume doon at hindi na rin ako umasa.
“Yes, Ms. Santiago.”
“Sige po, pupunta po ako bukas.”
Sobrang saya ang naramdaman ko kaya mabilis akong lumabas ng maliit naming silid at sinabi sa aking ina ang masayang balita.
“Kahit papaano ay makakabigay ng tayo kay Tita. Nahihiya na rin ako sa kanya dahil alam kong nagtatalo na sila ni Tito ng dahil sa atin.”
“Salamat sa pang-unawa mo anak.” Maluha-luha pa ang aking ina. Hindi ko napigilan at niyapos siya. Ito ba ang kapalit ng ginawa sa akin ni Julius? Pero hindi ibig sabihin non ay hindi ko sila gagantihan.
“Mabait sa atin si Tita kaya hinding hindi ko magagawang magalit sa kanya.” ‘Yon naman ang totoo. Minsan ko na silang narinig ni Tito na nag-aaway dahil gusto kaming palayasin nito pero mapilit ang kapatid ni Mama. Kapag talaga nagkaroon ako ay sisiguraduhin ko na hindi siya mawawala sa isip ko.
“Hala, ang sabi mo ay bukas ka pinagre-report, ano pang hinihintay mo? Maghanda ka ng susuotin mo bukas. Siguraduhin mo na maayos ang pagkakaplantsa ng damit mo. Pagkatapos ko dito ay susunduin ko na ang kapatid mo sa paaralan.”
Ngumiti ako at agad na tumalima sa sinabi ni Mama at bumalik sa aming silid tsaka nagsimulang maghanap ng maayos na masusuot.
Sisikapin kong maging desente ang itsura dahil ayaw ko na maulit pa ang nangyari sa una kong trabaho. Ang maliit na empleyadong kagaya ko ay walang laban sa mga supervisor na madaling pinapaniwalaan ng mga nasa mas matataas na posisyon.
Sumunod na araw, maaga akong nagising. Mas nauna pa kay Mama na siyang tagahanda ng almusal ng pamilya ni Tita. Sinimulan ko ng magluto at kaya halos patapos na ako ng magising ang aking ina, na sinundan ko na ng pagligo para hindi ako makasabay sa pagkilos ng mga may-ari ng bahay at hindi makaabala sa kanila.
Kumakain na ang pamilya ng matapos ako.
“Aba at mukhang may lakad ang pabigat,” sabi ni Tito. Pero hindi ko na pinansin dahil ayaw kong sirain ang araw na ito.
“May interview po ako ngayon, gusto ko na makapasok na sa trabaho para makatulong din kay Tita kay papaano,” magalang kong tugon. Gusto ko na maging good vibes lang ako ngayon.
“Mabuti naman!” singhal ng aking tiyuhin.
“Ano ka ba naman, mahal. Ang linis ng intensyon ni Mena, tapos ganyan la magsalita.”
“Matagal na silang palamunin dito,” tugon ng aking tiyuhin. Ang dalawang pinsan ko ay napayuko na lang dala ng hiya. Wala naman ako masabi sa dalawa dahil mababait sila.
“Si Mena ang nagtuturo sa mga anak natin kapag meron silang hindi maunawaan sa school, si Ate naman ang gumagawa ng mga gawaing bahay dito. Binabayaran mo ba ang pagiging katulong at tutor nila?” Tikom ang bibig ni Tito.
“Ah, Tita, ‘wag na po kayong mag-away. Naiintindihan ko po si Tito. Basta po kapag natanggap na ako ay magbibigay po ako sa inyo pangdagdag ng panggastos.”
“Unahin mo ang para sa medication ng kapatid mo, mas kailangan niya ‘yon kaysa sa amin. Tandaan mo, hindi kayo pabigat nila Ate dito.”
Nagpasalamat ako at nauna ng nagpaalam. Mabuti na lang talaga at mabait ang aking Tiyahin.
Sa Roccaforte Empire Building, dumiretso ako sa HR. Ganon na lang ang gulat ko ng sabihin sa akin ni Beth, ang HR assistant na nakausap ko ng nagdaang araw na sa office of the CEO na ako maa-assign bilang personal assistant nito!
Bakit? Anong nangyari?
XimenaDumating na ang mga order namin at tuloy ang kwentuhan, Ay, mali. Tuloy ang talentadong plastikan.Ang tamis ng ngiti ko, parang si Darna lang kung ngumiti pero si Valentina ang laman ng utak. Sa bawat “Haha, oo nga!” na sinasabi ko, may katumbas iyong “Gusto mo ng gulo, te?” sa isip ko.Sa totoo lang, dinamihan ko talaga ang order ko, pati dessert, appetizer, extra rice at ang pinakamahal na inumin sa menu, isinama ko na. Lalo akong ginanahan nang makita kong halos mapangiwi si Julius sa presyo habang pinipilit maging cool.Aba eh gusto mo pala akong gamitin bilang shortcut sa pera? Eh di maglabas ka muna ng wallet hanggang maubos ang laman.Gusto mo akong gawing investment?Sorry, mahal, walang ROI dito.Nakita ko talaga sa mga mata niya 'yung “ano ba 'to” moment habang tahimik lang si Mae, obvious na hindi makaimik. Nagkasya na lang siya sa pagkabigla at paminsan-minsang sulyap sa kinain niya, na halos hindi niya na nga ginagalaw.‘Yan ang gusto ko, yung pareho kayong kumak
XimenaPaglabas ko ng restroom, diretso na ako sa restaurant. May kaba sa dibdib, pero mas matigas ang loob. Kumpiyansa akong ako ang may hawak ng alas sa gabing ito at ang paborito nilang gawin sa iba? Sa akin nila ngayon mararanasan. Kaya kong umarte, magpaka-anghel kung gusto nila. Pero sa huli, sa akin pa rin ang huling halakhak.Gaano man kalaki ang inutang niyo, kayo din ang magbabayad. At babayaran niyo ‘to ng buo, pati interest.“Do you have a reservation, Ma’am?” nakangiting tanong ng receptionist. Mabuti na lang at kahit simpleng bihis lang ako, hindi niya ako tiningnan mula ulo hanggang paa gaya ng iba.“Reservation under Mr. Julius Mauricio?” sabay ngiti kong magiliw. Mahirap na. Baka isipin pa ng ale na hindi ako karapat-dapat sa presyuhan ng wine dito.“Yes, Ma’am. This way please.” Umuna na siya sa paglalakad, at sinundan ko, mataas ang noo pero magaan ang mga hakbang na parang wala lang, pero sa loob ko, sumisipa na ang adrenaline.Paglapit namin sa mesa, tumayo agad si
XimenaAlas-siyete ng gabi, nakatayo na ako sa harap ng Hotelier, isa ding high-end na hotel na paniguradong hindi basta-basta ang presyo. Para itong huling eksena sa isang pelikula kung saan ako ang bida at sila ang sasalo ng karma. Ang tanong lang ay kung paano ko gagawin.Napatingin ako sa façade ng gusali, eleganteng lighting, mga mamahaling sasakyang pumaparada, at mga taong mukhang mabango ang buhay. Siguradong malaki ang nakuhang pera ng mga hayop na sina Julius at Mae sa Zael na 'yon kaya naman wala lang para sa kanila ang gumastos dito.Kagaya ng sinabi ko noon pa, hindi naman salat sa buhay si Julius. Hindi siya mukhang naghihikahos. May trabaho ang parehong magulang niya, at may sariling kabuhayan din siya. Hindi siya mahirap, oo. Pero alam kong hindi rin siya basta-basta gumagastos kung wala siyang kapalit na makukuha. Hindi niya kayang magpaandar ng bongga kung hindi rin lang siya magbe-benefit sa huli.Ganyan siya. Laging may kapalit. Laging may dahilan sa bawat "kabaitan
XimenaPangatlong araw ko nang naka-bakasyon sa bahay, o dapat ko na bang sabihing, nakatambay. Hindi naman ako nababagot, sa totoo lang, dahil kasama ko sina Mama at tinutulungan siya sa gawaing bahay. Masaya akong masiguro na nakakatulong ako sa kanya kapag may pagkakataon. Pero habang naglalampaso ako ng sahig kanina, bigla akong napatigil."Bakit nga ba hindi na lang ako kumuha ng kasambahay?" Napabulong ako sa sarili.Napaisip ako agad kung okay lang ba ‘yon kila Tita. Baka sabihan akong maarte? O baka mas okay kung si Mama na lang ang tanungin ko mismo? Ayoko ring mapahiya o mapagsabihan ng "Aba'y may kaya ka na pala!"Sa gitna ng pag-iisip kong ‘yon, narealize kong wala ni isa sa opisina ang kumokontak sa akin. Walang tawag. Walang text. Tahimik ang buong mundo.Pati si Sir Simon na siyang OIC habang wala ang aming amo ay wala ring paramdam. Hindi ko alam kung dapat ba akong kabahan o mag-relax. Pero dahil sa tahimik na lahat, pinili kong magpaka-chill muna. Wala namang sunog na
XimenaKa-grabe talaga, uy!Gusto kong maglampahog sa sahig gaya ng mga mga bata na hindi nasusunod ang gusto, yung literal na dumudulas sa pag-iyak dahil hindi ako nakasama sa out of the country trip ni Sir Roccaforte. Alam mo ‘yung gigil na parang gusto mong kumagat ng unan? Gano’n.Nakakainis lang kasi ‘yung ka-meeting niya sa New York, nagkaroon ng emergency flight pa-Switzerland kaya bigla silang nagkita nang mabilisan bago umalis. Ang ending? Naiwan akong parang basang sisiw dahil hindi pa ready ang passport ko.Heto ako ngayon, nakahilata sa kwarto namin nila Mama, naka-pajama whole day, staring at the ceiling habang naka-loop ang sad playlist ko sa Spotify. Hindi ako pumasok, syempre, wala ang amo ko.Walang amo, walang pasok.Sounds fun, 'di ba?Pero ang totoo? Gusto kong sumama sa New York!Gusto kong maglakad sa Central Park, bumili ng hotdog sa tabi ng kalsada, at mag-selfie na parang hindi ako galit sa buhay. Isang linggo sana 'yon na makakaamoy ako ng imported na hangin,
Ximena"May passport ka ba, Ximena?" tanong ni Sir habang sabay kaming kumakain ng dinner sa loob ng office niya. Overtime kami dahil sa biglaang request ni Sir Simon, document daw na kailangan first thing bukas ng umaga. Kaloka talaga.Napatingin ako sa kanya at bahagyang umiling. “Wala pa po,” sagot ko.“I’ll ask Simon to process one for you. May out-of-the-country business trip ako sa susunod na linggo and I’m bringing you with me,” aniya na parang simpleng lakad lang ‘yon sa grocery.Napapitik ang puso ko. Out of the country?! Legit ba ‘to?Parang biglang may sumabog na confetti sa loob ng dibdib ko. Ngayon lang ako makakalabas ng bansa. Kahit na hindi naman iyon bakasyon dahil kasama si boss ay iba pa rin yung may maipo-post ako sa aking social media na bansang narating. Ngayon pa lang ay nai-imagine ko na ang itsura ni Tito kapag nalaman ito.Pero pinigilan ko ang sarili ko. Baka magmukha akong masyadong excited. Baka isipin niyang... clingy? Char... hahaha!"Why are you not talk