Share

K-133

Author: LonelyPen
last update Last Updated: 2025-06-23 01:06:00

MARIO

Palagi ng nagpupunta si Mario sa restaurant ni Kate kapag natapos na siyang asikasuhin ang kanyang negosyo. Sa isang iglap, nabura sa kanyang puso si Sunshine. At biglang napalitan ni Kate.

"Mario, seryoso ka ba talaga kay Kate? Baka naman gawin mo lang panakip butas ang kaibigan kong iyon. Huwag sanang ganoon. Kahit na maldita ang babaeng iyon, mabait naman iyon. Ganiyan lang talaga siya dahil nag-iisa lang siyang anak. Walang kapatid. Wala na ring magulang. Kung sasaktan mo lang siya, kawawa naman iyon," wika ni Robin.

Tinawanan niya ito. "Tanga, hindi ko siya gagawing panakip-butas. Hindi ko nga rin alam kung ano ang nangyari sa akin eh. Bigla na lang siyang pumasok sa isipan ko. Bigla na lang akong nahumaling sa kanya. 'Di ko talaga alam."

"Siguro dahil parehas kayong may pusong malungkot at kulang sa pagmamahal. Kaya ganoon. Nagkaroon kayo ng koneksyon sa isa't isa."

Nagkibit-balikat si Mario. "Hindi ko alam. Pero isa lang ang alam ko ngayon, gusto ko siyang makit
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • My Ninong's Contract Wife   K-134

    KATE Dalawang linggo ang lumipas matapos tumira ni Mario sa kanyang bahay, naging komportable na si Kate na kasama ang binata. At naiinis nga siya kapag may araw na ginagabi ito ng uwi. "Saan ka galing? Nag-bar ka na naman? Siguro may pinopormahan ka sa bar na iyon, 'no?" mataray na sabi ni Kate nang umuwi si Mario. Sumeryoso ang mukha ni Mario. "At sino naman ang popormahan ko doon? Si Robin lang ang palagi kong kasama. Siya lang ang matalik kong kaibigan. Kapag niyaya ako no'n, sumasama talaga ako dahil noon, siya ang ganoon sa akin. Hindi kami nambababae. Wala pa ngang girlfriend ang lalaking iyon." Umirap si Kate bago padabog na umupo sa sofa. "Dapat hindi ka nag-iinom palagi. Bumabaho dito eh. Amoy na amoy mula sa iyo." "I'm sorry. Maglilinis na lang ako kaagad ng katawan at sipilyo," halos pabulong na sabi ni Mario bago nagtungo sa banyo. Umirap si Kate. Naiinis siya sa kanyang sarili dahil alam naman niyang wala siyang karapatang magselos ngunit hindi niya mapigilan

  • My Ninong's Contract Wife   K-133

    MARIO Palagi ng nagpupunta si Mario sa restaurant ni Kate kapag natapos na siyang asikasuhin ang kanyang negosyo. Sa isang iglap, nabura sa kanyang puso si Sunshine. At biglang napalitan ni Kate. "Mario, seryoso ka ba talaga kay Kate? Baka naman gawin mo lang panakip butas ang kaibigan kong iyon. Huwag sanang ganoon. Kahit na maldita ang babaeng iyon, mabait naman iyon. Ganiyan lang talaga siya dahil nag-iisa lang siyang anak. Walang kapatid. Wala na ring magulang. Kung sasaktan mo lang siya, kawawa naman iyon," wika ni Robin. Tinawanan niya ito. "Tanga, hindi ko siya gagawing panakip-butas. Hindi ko nga rin alam kung ano ang nangyari sa akin eh. Bigla na lang siyang pumasok sa isipan ko. Bigla na lang akong nahumaling sa kanya. 'Di ko talaga alam." "Siguro dahil parehas kayong may pusong malungkot at kulang sa pagmamahal. Kaya ganoon. Nagkaroon kayo ng koneksyon sa isa't isa." Nagkibit-balikat si Mario. "Hindi ko alam. Pero isa lang ang alam ko ngayon, gusto ko siyang makit

  • My Ninong's Contract Wife   K-132

    KATE "So? Ang ibig mong sabihin, hindi mo na talaga mahal si Carlos? Talagang hinayaan mo na siya sa asawa niya?" tanong ng kaibigan niya. Mabilis na tumango si Kate. "Oo. Mabait naman pala ang asawa niya. Matapang lang talaga. Naisip ko kasi na kaya siguro walang direksyon ang buhay ko dahil malandi ako. Kaya walang lalaking nagseseryoso sa akin. At isa pa, wala namang magandang kahihinatnan ang pang-aagaw. Kakarmahin lang ako. Kapag galing sa agaw, asahan na hindi iyan nagtatagal." Biglang pumalakpak si Erra. "My gosh! Hindi ko akalain na dadating ka sa ganiyang point! Madalas na puro ka kalokohan! Puro kagagahan at kalandian! Pero ngayon, nag-iba ka na! Bigla kang naging mabait!" Umirap si Kate. "Ano? Hindi puwedeng magbago? Hindi puwedeng magkaroon ng character development?" Tumawa si Erra. "Wala naman akong sinabing hindi puwede! Talagang hindi ko lang in-expect! But anyway, I'm happy for you. Kasi ako natagpuan ko na rin ang the one ko. At pinangako ko sa kanya na mag

  • My Ninong's Contract Wife   K-131

    KATE "Bakit? Ano ba ang ginawa nila sa iyo?" bakas sa tinig niya ang pag-aalala sa binata. Humugot ng malalim na paghinga si Mario. Nakita niya ang pangangalit ng ngipin nito. "Ang kapal ng mukha nila. Lalo na ng mga magulang ko. Si mama at papa, parehas pa lang nalulong sa sugal. Kaya iyong bahay namin, nakasanla na pala. Iyong sumunod sa akin, gumagamit. Iyong isa, nabuntis. Tanginang buhay iyan. Ginawa ko ang lahat. Tiis ko ang hirap at lungkot sa ibang bansa para mabigyan sila ng magandang buhay pero anong ginagawa nila? Ginagagó lang pala nila ako! Nagsayang lang ako ng pagod sa ibang bansa!" Bumuntong hininga si Kate bago hinaplos ang likod ni Mario. "Alam kong wala akong karapatang magsabi sa iyo ng kahit ano pero... maigi na lumayo ka na sa kanila. I mean, matuto kang mag-cut off ng tao kahit na kapamilya mo pa sila." "Hindi na sila naawa sa akin. Matagal kong pinangarap na maging mayaman.... na umangat sa buhay dahil gusto kong mabigyan sila ng magandang buhay. Pero g

  • My Ninong's Contract Wife   K-130

    SUNSHINE MABILIS na lumipas ang mga araw, tuluyan na ngang nanganak si Sunshine. Nagsilang siya ng healthy baby boy. Mangiyak-ngiyak si Carlos nang masilayan ang kanilang anak. Ngunit una siyang nilapitan ng kanyang asawa kaysa sa anak nila. "Kumusta ka mahal ko? Anong nararamdaman mo ngayon? Sobra akong nagpapasalamat sa iyo. Ang tapang mo sobra! Natupad na rin sa wakas ang pinapangarap ko matagal na. Ang magkaroon ng anak at ikaw ang tumupad no'n. Mahal na mahal ko kayong dalawa ng anak natin," umiiyak na sabi ni Carlos habang yakap ang kanyang braso. Napangiti si Sunshine at saka hinaplos ang buhok ng kanyang asawa. Kahit siya sobrang saya dahil makakasama na nila ang kanilang anak. "Salamat din sa iyo, mahal ko dahil inaalagaan mo ako ng mabuti. Kasama na natin ang anak natin. Aalagaan natin siya ng maayos at bubusugin ng pagmamahal," sambit ni Sunshíne bago tumulo ang butil na luha sa kanyang mata. Ngumiti si Sunshine. "Talagang dapat lang na alagaan mo kami ng anak mo

  • My Ninong's Contract Wife   K-129

    SUNSHINE Naawa naman si Sunshine sa ginawa niya sa kanyang asawa lalo pa't nahimatay ito sa lakas ng pagkakaumpog niya sa ulo nito. Ngunit iyon lang ang nakikita niyang paraan para maalala siyang muli ni Carlos. Dali-dali siyang nagtungo sa kusina upang kumuha ng yelo. Pagkatapos, kumuha siya ng tela at inilagay niya iyon sa ulo ni Carlos. "Sana lang talaga hindi magbukol," bulong niya sa kanyang sarili. Hindi niya kayang buhatin si Carlos kaya naman hinayaan niya lamang ito sa sahig nakahiga. Sinarado na lamang niya ang pinto. Ilang minuto din niyang nilagyan ng yelo ang ulo ni Carlos at mabuti na lang, umimpis ang bukod doon hanggang sa nawala na nga. Kabado siyang humiga sa kama. Mabilis ang tibok ng kanyang puso habang nakatingin sa asawa niyang mahimbing ang tulog sa sahig. Hiling niya na sana umepekto ang ginawa niya sa kanyang asawa. Dahil kung hindi, wala na siyang ibang choice kun'di ang hintaying maalala siyang muli ni Carlos. Hindi namalayan ni Sunshine na nakai

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status