Share

K-3

Author: LonelyPen
last update Last Updated: 2025-03-06 19:03:15

"Maximus... tahan na."

Naniningkit na ang mga mata ni Maximus dahil kanina pa siya iyak nang iyak sa loob ng kanyang sasakyan. Durog na durog ang kanyang puso. Sobrang mahal niya ang kanyang asawa kaya hindi niya matanggap na matagal na pala siyang may ipot sa ulo. Ang babaeng pinagmamalaki niya, tinitikman na pala ng iba. At dahil ang kanyang asawa lang niya ang tanging mahal niya, masakit sa kanya na hindi na sila magkakabalikan pa.

Dahil iyon ang pangako niya sa kanyang sarili.

Na kapag niloko ng sinuman sa kanilang dalawang mag-asawa ang isa't isa, hindi na sila maaaring magkabalikan pa. Hindi na rin naman maganda ang kalalabasan dahil paulit-ulit lang na maisusumbat ang pagkakamaling iyon.

"Umuwi na tayo. Ay teka, anong oras na rin pala. Mukhang wala ka rin sa wisyo nagmaneho. Ako naman ay gusto ring magpahinga. Maigi pang mag-booked na lang muna tayo ng matutuluyan sa lugar na ito."

Patuloy lamang ang pag-agos ng kanyang luha. Idinadaan na lamang niya sa pag-iyak ang sakit na kanyang nararamdaman. Para siyang sasabog sa galit kanina pa ngunit napigilan niya pa rin ang sariling gumawa ng eksena.

"Teka nga, bakit pala hindi mo man lang binugbog ng sobra si Arthuro? Para man lang nakaganti ka kahit papaano. Iyong bang ginawa mo siyang punching bag? At least sa paraang iyon, mababawasan ang galit mo. Kung ako ang nasa posisyon mo, binasag ko ang pagmumukha ng lalaking iyon. Sobrang kapal ng mukha. Walang utang na loob," tumawa ng naaasar si Johnny sabay iling.

"Tama na iyon. Ayokong magmukhang walang pinag-aralan sa aming dalawa. Ayokong mag-eskandalo. Masyado ng nadumihan ang kamao ko nang lumapat sa madumi niyang pagmumukha. Hindi ko na kakayanin pa kung paulit-ulit na lalapat ang kamao ko sa pagmumukha niyang iyon," mayabang na wika ni Maximus nang huminto siya sa pag-iyak.

Pumalakpak naman si Johnny doon. "Gusto ko iyan. Gusto ko ang mindset mong iyan. Tama ka naman diyan sa sinabi mo. Basura ang taong iyon at madumi. At ang katulad iyang ganoon, hindi dapat hinahawakan. Pero ano ang plano mo ngayon? Wala ka bang gagawin? Hahayaan mo na lang ba silang ganoon? Huwag kang papayag na maging masaya lang sila ng ganoon. Masyado ka namang mabait."

Ngumisi si Maximus bago tumingin kay Johnny. "Hindi ako papayag na maging masaya na lang sila basta. Paki-send sa email ang mga nakuha mong pictures nilang dalawa. Aayusin ko ang divorce papers naming dalawa ni Clara. At sisiguraduhin kong wala siyang makukuha sa akin. Magsama silang dalawa. Sumama siya sa pagbagsak ni Arthuro."

Muling pumalakpak si Johnny. "Susuportahan kita diyan, Maximus. Ipakita mo sa kanila kung ano ang kaya mong gawin. Kung ano ang kabayaran ng ginawa nila sa iyo."

Kinuyom ni Maximus ang kaniyang kamao bago suminghap ng hangin. Nanginginig ang kaniyang kamay sa galit. Kalmado lang siya sa panlabas na anyo ngunit sa loob-loob niya, daig niya pa ang bulkang nag-aalburoto.

"Humanda kayo sa aking dalawa... magbabayad kayo sa ginawa niyong panggago sa akin," bulong niya sa sarili bago pinaandar ang sasakyan niya paalis.

SA KABILANG BANDA NAMAN, malungkot na nakatanaw sa labas mula sa bintana ang dalagang si Isabella. Tatlong buwan na ang nakalilipas simula nang mamatay ang kanyang ina. Natigil siya sa pag-aaral dahil sa kakulangan ng pinansyal. Walang naiwan sa kanya na kahit ano sa kanya ang kaniyang ina dahil mahirap lang ito. At dagdag pa doon, pinaalis na rin siya ng kanyang tiyahin dahil ayaw nito ng dagdag palamunin pa.

"Ano na, Isabella? Gusto mo bang ipagsigawan ko pa sa mga kapitbahay natin na pinalalayas na kita? Wala akong pera para buhayin ka pa! Nasa hustong gulang ka na rin naman! Twenty years old ka na kaya dapat buhayin mo na ang sarili mo! Ayokong dumagdag ka pa sa palamunin ko! Kita mo namang ako lang ang bumubuhay sa lima kong anak. Hindi sapat ang sahod ko bilang bayarang babae kaya ang mabuti pa, doon ka na muna sa tatay mo. May pera iyon kahit papaano. Doon ka humingi!" sigaw ng ginang na kanyang tiyahin.

Malungkot na tumango si Isabella. Nagtungo siya sa kuwarto doon at saka pinaglalagay sa malaking bag ang kanyang gamit. Alam naman niya kung nasaan nakatira ang tatay Athuro niya dahil nakapunta na siya doon dalawang beses na.

"Oh ito! Pamasahe mo! May pang kain ka pa diyan, ha? Huwag ka ng babalik pa dito! Pagdating mo doon sa Maynila, humingi ka ng pera sa tatay mo at gamitin mo iyong ibibigay niya sa iyo para asikasuhin mo ang requirements mo! Magtrabaho ka para may sarili kang pera! Iba pa rin iyong kumikita ng sariling pera kaysa naman nanghihingi ka lang."

"S-Salamat po, tita..." nauutal na wika ni Isabella bago tinanggap ang pera.

Humugot ng malalim na paghinga si Isabella. Inayos niya ang higaan niya sa lapag at saka dahan-dahang nahiga. Nagdasal siya na sana makarating siya ng ligtas sa kanyang pupuntahan.

Kinabukasan, umalis na si Isabella. Ilang oras din ang naging byahe niya bago makarating sa bahay ng kanyang ama. Laking gulat ni Arthuro nang makita siya.

"Isabella? Anong ginagawa mo dito?"

Alanganing ngumiti si Isabella. "P-Papa... puwede po bang dito muna ako manatili hangga't hindi pa ako nakakahanap ng trabaho? Wala na po si mama. Tatlong buwan na ang nakalipas simula nang mamatay siya."

"Ano? Wala na siya?"

"Opo. Tapos si tita, pinaalis ako sa bahay nila kasi wala naman siyang maipapakain sa akin dahil lima ang anak niya. At saka tama naman siya, dapat ako na mismo ang bumuhay sa sarili ko. Kung ayos lang po sana sa inyo, dito muna ako tumira pansamantala. Kung maaari din po sana, pahiram po muna ako ng panggastos ko po para sa requirements. Maghahanap po ako ng trabaho dito sa Maynila."

Humugot ng malalim na paghinga si Arthuro. "Sige. Pero bilisan mo ang paghanap mo ng trabaho. Hindi ka puwedeng manatili pa ng matagal dito dahil dito na titira ang girlfriend ko na hindi rin magtatagal, magiging asawa ko na rin. Bibigyan kita ng pera panggastos mo. Hindi mo na kailangang bayaran pa ito."

Nangilid kaagad ang luha ni Isabella. "Salamat po, papa. Pasensya na po sa abala. Pangako po, hahanap kaagad ako ng trabaho at kapag nagkapera na po ako, hahanap ako ng murang paupahan dito."

"Basta humanap ka ng trabaho mo. At kapag nakahanap ka, sabihin mo kaagad sa akin dahil sunod mong hahanapin ay ang mauupahan mo. Ako na muna ang bahala sa tatlong buwan mong upa at sa mga susunod pang buwan, ikaw na ang bahala doon dahil may sahod ka na rin naman," mahinahong wika ni Arthuro.

"Salamat po ulit, papa. Marami pong salamat."

"Oh sige na. Aalis na muna ako. May lakad ako. Pupuntahan ko ang girlfriend ko. Maiwan na muna kita dito. Ikaw lang ang mag-isa dito dahil wala na dito ang kapatid mo. Nandoon sa nanay niya nakatira. Hiwalay na kami ng nanay no'n matagal na. Hindi naman kami kasal kaya puwede akong ikasal sa iba."

Lumabas na nga ng bahay na iyon si Arthuro at sumakay na ng kanyang sasakyan. Naiwan naman si Isabella. Sinundan niya ng tingin ang papalayong sasakyan ng kanyang ama. At nang mawala ito sa kanyang paningin, pinagdikit niya ang kanyang palad at nagpasalamat dahil nakarating siyang ligtas sa bahay ng kanyang ama at pumayag pa ito sa hiling niyang manatili muna doon.

Hindi man siya ganoon kamahal ni Arthuro bilang anak ngunit may pakialam naman ito sa kanya kahit papaano.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • My Ninong's Contract Wife   K-143

    KATE ISANG TAON ANG LUMIPAS naghilom na kahit papaano ang sugat ni Mario. Ngunit sariwa pa rin sa loob ng dibdib nito kaya ibayong pag-iingat pa rin ang kanilang ginagawa. Limang buwan na rin ang lumipas simula ng ikasal sila. At isang buwan na siyang buntis ngayon. Biniyayaan silang dalawa ng kambal na anak. Sobrang saya nilang mag-asawa. "Ang galing mo talaga, love! Nakadalawa ka agad! Kinakabahan ako nito kapag manganganak na ako. Sana kayanin ko. Pero maigi na itong kambal ang anak natin para dalawa agad," nakangiting sabi ni Kate. Kagagaling lang kasi nila sa ospital upang kumpirmahin kung buntis ba talaga siya. At ngayon lang nila nalaman na buntis nga siya at kambal pa. "Huwag kang matakot, love dahil nandito ako para alagaan ka at magbigay ng lakas ng loob sa iyo. Salamat dahil matutupad na ang pangarap kong bumuo ng pamilya," nakangiti sabi ni Mario. "Pupunta ka ba mamaya sa bahay ninyo?" tanong ni Kate sa asawa. "Hindi na. Kapupunta lang natin doon nakaraan. Sa s

  • My Ninong's Contract Wife   K-142

    MARIO Isang linggo na ang lumipas simula nang mangyari ang insidenteng iyon, nagiging maayos na ang lagay ni Mario. Hindi pa man tuluyang gumagaling ang sugat sa niya sa kanang dibdib, nakakakilos na siya ng ayos."Love, ano iyang niluluto mo?" tanong niya kay Kate nang maamoy niya ang mabangong lutuin sa kusina."Nagluluto ako ng chicken curry tapos may pritong isda rin. Sandali lang, ha? Pinalalambot ko lang ng husto ang manok para masarap ang kain natin," tugon niya kay Kate.Nilapitan niya ang kanyang nobya at saka niyakap sa likod. Nilayo ni Kate ang likod niya kaya bahagya siyang nakatuwàd kay Mario."Hindi pa magaling ang sugat mo kaya huwag mong idikit-dikit muna iyan. Baka mapasigaw ka na lang sa sakit kapag nasanggi ko iyan," saad ni Kate."Ang tagal ngaang gumaling. Naiinis na ako."Humarap sa kanya si Kate. "At bakit ka naman naiinis?" Ngumisi siya ng naloloko. "Kasi hindi kita mabayo. Gustong-gusto na kitang angkinin, love. Gigil na gigil na ako sa iyo."Pagkasabi niyan

  • My Ninong's Contract Wife   K-141

    Kate Umikot ang paningin ni Kate kasabay ng pag-agos ng dugo sa kanyang mukha. Masyadong malakas ang pagkakahampas ng baril ni Jake sa kanyang mukha. Napapikit siya ngunit narinig niya ang malakas na sigaw ni Mario. Nawalan siya ng balanse at inaasahang babagsak na lang sa lupa pero sinalo siya ni Jake. "Tangina mo umayos ka ng tayo!" malakas na sigaw ni Jake sa kanya. Sinusubukan niyang tumayo pero nanghihina talaga ang katawan niya. Pagmulat ng kanyang mata, nakita na lang niya si Jake na may tama ng bala sa balikat. "Kate!" sigaw ni Mario at dali-daling tumakbo sa kinaroroonan niya. "Mario!" malakas na sigaw ni Carlos. "Putangina niyong lahat!" sigaw naman ni Jake bago itinutok ang baril sa kanya. Nanlaki ang mga mata ni Kate at inasahan na ang kanyang katapusan. Ngunit hindi iyon nangyari dahil humarang si Mario. Natamaan si Mario sa kanang dibdib. Napanganga siya at malakas na sumigaw. "Mario!!!" Pinaulanan naman ng bala si Jake ng mga pulis dahilan para bawian ito kagaa

  • My Ninong's Contract Wife   K-140

    KATE Mabilis na lumipas ang ilang araw, payapa ang araw ni Kate na naglalakad patungo sa parking lot. May binili siyang damit at sapatos para kay Mario. Hindi niya nga napansin ang mga araw. First monthsary na kaagad nila. Kaya naisipan niyang bumili ng regalo sa kanyang nobyo. Hindi pa man siya nakakapasok sa loob ng kanyang sasakyan, bigla na lang may humila sa kanya. Hindi kaagad siya nakasigaw dahil tinakpan ng panyo ang kanyang bibig At saka siya tinurukan ng pampatulog sa leeg. "Sa wakas, makakasama na ulit kita," rinig niyang sabi ng pamilyar na boses bago siya tuluyang nawalan ng malay. Nagising na lamang siya sa isang kuwarto na hindi pamilyar sa kanya. Nanlaki ang mga mata niya nang maalala ang huling nangyari kanina. "Tulong! Tulong!" malakas niyang sigaw. Nakatali ang kamay niya at paa habang nakaupo sa upuan na gawa sa kahoy. Panay ang agos ng kanyang luha. Iniisip niya si Mario. Kung kailan magse-celebrate sila ng kanilang monthsary, saka pa iyo nangyari.

  • My Ninong's Contract Wife   K-139

    KATE "Sigurado ka ba talaga na ikaw na lang ang mamalengke mag-isa?" tanong sa kanya ni Mario. Ngumiti siya ng matamis. "Yes, love. Mag-asikaso ka na. Ang dami mong dapat lakarin ngayon na permit. Hayaan mo na ako. Para matuto ako. Syempre, hindi naman puwedeng palagi lang akong nakadepende sa iyo. Parang wala na akong natutunan niyan." Bumuntong hininga si Mario sabay ngiti. "Hindi naman sa wala kang natutunan, gusto ko lang din na magbuhat prinsesa ka sa piling ko. Gusto kong ipakita sa iyo kung ano ang magiging buhay mo kapag naging mag-asawa na tayo." Kinilig naman si Kate at saka niyakap ng mahigpit ang kanyang nobyo. "Excited na akong dumating ang araw na iyon. Gustong-gusto ko ng maging asawa mo. Tapos bubuo tayo ng anim na anak!" Nanlaki ang mga mata ni Mario. "Anim talaga ang gusto mo? Hindi ba iyon masyadong marami? At saka ikaw ang mahihirapan kapag nanganak ka ng maraming beses." Ngumiti si Kate. "Mas marami, mas masaya! Gusto ko talaga ng maraming anak dahil

  • My Ninong's Contract Wife   K-138

    KATE Isang linggo ang lumipas matapos ang pangyayaring iyon, naging maayos na ulit ang buhay ni Kate. Naging masipag na ulit siya sa kanyang negosyo. Palagi siyang sinusundo ni Marko. At kapag walang ginagawa ang nobyo niya, dumidiretso ito sa restaurant niya. "Ano? Kumusta ka naman? Pasensya ka na ngayon lang ulit ako nakadalaw dito. Naging busy lang ako. Ginugulo ka pa rin ba ng gagóng Jake na iyon?" tanong ni Erra sa kanya. Bakas sa tinig nito ang pag-aalala. "Ayos lang naman ako. Pinipilit kong maging maayos ulit. Grabe, bumali iyong trauma ko. Iyong pananakit sa akin ni Jake, sobra akong na-trauma doon. Mabaliw-baliw ako noong nakipaghiwalay ako sa kanya. Iniisip ko na ang susunod na magiging boyfriend ko, baka saktan din ako. Kaya natakot akong magmahal ng iba at si Carlos sagad ang hinahanap ko. Kasi si Carlos, never niya akong sinaktan. At kapag galit na galit lang siya, doon niya ako magagawang sigawan. Pero bihirang-bihira," salaysay niya. "Kaya nga dapat magdoble inga

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status