Kinabukasan, tinawagan kaagad ni Maximus ang kanyang kaibigan na si Johnny. Bago pa man umalis si Clara, nakasunod na silang dalawa. Kabadong-kabado si Maximus habang nagmamaneho.
"Sa tingin mo ba, nagsasabi ng totoo ang asawa mo?" tanong ni Johnny sa kanya habang nakasunod ang tingin sa sasakyan ni Clara sa kanilang unahan. "Hindi ko alam, Johnny. Magulo ang isip ko kagabi pa. Kung ano-ano ang iniisip ko," mabilis na sabi ni Maximus. Patuloy lang silang nakasunod sa sasakyan ni Clara hanggang sa huminto ito sa isang gusali. Nanlaki ang mga mata ni Maximus sa kaniyang nakita. Lumakad patungo ang kanyang asawa sa lalaking kanina pa naghihintay sa kanya sa gusaling iyon at saka niya ito niyakap bago hinalikan sa labi. Kitang-kita ni Maximus ang kaganapang iyon at ang labis pa niyang ikinagulat.... Ang lalaking kahalikan ng asawa niya ay walang iba kun'di ang malapit niyang kumpare. Ang kumpare niyang pinaka-close niya sa lahat ng mga kumpare niya. Ang kumpare niyang madalas niyang nakakainuman kapag may problema siya. Ang kumpareng akala niya may pakialam sa kanya at kaibigan ang turing sa kanya pero hindi pala. Dahil ang asawa niya pala ang nais ng kumpare niya. "Tangina! Si kumpareng Arthuro mo iyon, ah?" bulalas ni Johnny sa labis na pagkagulat. "Putangina nilang dalawa! Mga gago!" sigaw ni Maximus sabay hampas ng manibela. Hinawakan siya sa balikat ni Johnny at saka tinapik-tapik. "Kumalma ka lang. Susundan natin sila. Aalamin natin kung saan sila pupunta. At kapag nalaman natin, doon mo sila komprontahin. Ang kapal din ng mukha ng kumpare mong iyan, ha. Hindi ba ikaw ang tumulong sa kanya noong nalugmok siya? Tapos ito lang pala ang isusukli niya sa iyo? Aahasin ang asawa mo? Ibang klase ang kakapalan ng mukha!" "Walang hiya silang dalawa. Lalo na si Clara! Saan siya humugot ng lakas ng loob para lokohin ako? Anong ginawa ko sa kanya para gawin niya sa akin ang panlolokong ito? Naging tapat ako sa kanya at hindi ko nagawang tumingin sa iba pero siya pa itong unang nagloko sa amin? Binigay ko ang lahat ng gusto niya! Lahat! Napakagago niyang babae! Malandi! Makati siyang putangina siya!" hindi napigilang sigaw ni Maximus. "Maximus... alam kong masakit pero subukan mo munang kumalma at huwag sumabog. Kailangan natin silang mahuli sa akto. Bilang ebidensya. Nakuhaan ko naman sila ng picture. Mas maigi na mas matibay talagang ebidensya. Huli sa akto." Humugot ng malalim na hininga si Maximus habang naghihintay sa muling paglabas ng kanyang asawa pati na ng kumpare niya sa gusaling iyon. Mayamaya pa, may dalang bag ang kanyang kumpare. Pumasok na sila sa loob ng sasakyan at ang kumpare niyang si Arthuro ang nagmaneho. "Sundan na natin," sambit ni Johnny. Sinundan nga nila ang dalawa. Mahaba ang kanilang naging byahe dahil medyo malayo ang La Union mula sa kanilang bahay. Huminto sila sa isang resort doon. Agad na sumunod ang sasakyan nila papasok sa loob ng resort. Nang lumabas na ang asawa niya pati ang kumpare niya, lumabas na rin silang dalawa ni Johnny. Lakad takbo ang ginawa nila upang sundan ang dalawa. Modern kubo ang design ng mga rooms doon. Nang huminto ang asawa niya pati na ang kumpare niya sa isa sa mga iyon, dali-daling tumakbo palapit sa dalawa. Hindi na nakapasok pa ang dalawa sa loob dahil hinatak ni Maximus si Arthuro at saka sinuntok ng malakas sa mukha. Bumagsak ito. "Putangina mo ka! Ang lakas ng loob mong ahasin ang asawa ko!" malakas niyang sigaw. "Arturo!" sigaw ni Clara bago nilapitan ang lalaki. Nanlaki ang mata ni Maximus at asar na tumawa. "Wow naman, Clara! Mahal na mahal? Labis ang pag-aalala mo, ha? Ang kapal ng pagmumukha mong babae ka! Ang landi mo! Hindi ka pa nakontento sa akin? Ano pa ba ang hinahanap mo sa isang lalaki? Ano pa ba ang naging kulang sa akin para magkaroon ka ng kabit? Bakit? Mas malaki ba ang títí ng lalaking iyan para ipagpalit mo ako sa kanya? Malandi!" Nakatikim ng malakas na sampal si Clara mula kay Maximus. Hindi niya sinaktan ni isang beses si Clara simula nang magsama sila. Ngayon lang dahil sa labis na kanyang nararamdaman. Bumangon si Arthuro at niyakap si Clara. "Alam mo kung bakit ako humanap ng iba? Dahil pinabayaan mo na ako! Hindi mo namalayan na wala ka na halos oras sa akin? Puro ka na lang trabaho! Puro ka na lang negosyo! Puro ka na lang pera! Kaya hindi mo rin ako magawang mabuntis dahil wala kang oras sa akin! Gustong-gusto ko ng magkaroon tayo ng anak noon pa pero ano? Hanggang ngayon, wala pa rin tayong anak! Lumagpas na lang sa kalendaryo ang edad ko, hindi pa rin tayo nabibiyayaan ng anak dahil inuuna mo iyang pagpapayaman mo! Imbes na ang asawa mo! Imbes na ang pagbuo mo ng pamilya!" umiiyak na sigaw ni Clara. Napaawang ang labi ni Maximus. Naisip niya nga ang lahat. Naisip niya ngang nagkulang siya sa kanyang asawa ngunit hindi naman iyon sapat para lokohin siya nito. At isa pa, kapag free time niya, nilalabas niya ang kanyang asawa para bumawi. Hindi niya alam na may iba na pala ito. "Alam kong nagkulang ako sa iyo dahil naging abala ako pero sapat na bang dahilan iyan para lokohin mo ako? Bago tayo kinasal, alam mo na kung gaano ako ka-busy na tao. At sabi mo sa akin, tanggap mo iyon basta huwag lang akong magloloko. Pero ikaw pala itong magloloko sa ating dalawa?" Umagos ang luha sa mga mata ni Maximus. Unang beses na umiyak siya sa harapan ng kanyang asawa. Unang beses na nadurog ng husto ang kanyang puso para lang kay Clara. Ang puso niyang inalay niya lang sa asawa at hindi humanap ng iba pa. Tumingin siya sa kanyang kumpare. "Noong pumayag akong maging ninong ng anak mo, iyon ang araw na tinanggap kita sa buhay ko bilang kaibigan ko. Alam mong mapili ako sa kaibigan. Iilan lang kayong tinuturing kong kaibigan pero hindi mo pinahalagahan iyon. Kahit hindi ko na isumbat ang lahat sa iyo, Arthur... alam mo kung gaano karami at kalaki ang naitulong ko sa iyo kaya hindi ko matanggap na ito lang pala ang isusukli mo sa lahat ng kabutihan ko sa iyo. Doble ang sakit sa akin na ikaw pa ang kabit ng asawa ko. Ikaw na kumpare at kaibigan ko." Tinuon ni Maximus ang tingin niya sa kanyang asawa. "Clara... alam mo kung gaano kita kamahal. Alam mo iyan. Pero dahil sa ginawa mong ito, hindi na kita kayang mahalin pa. Hindi ko kayang tanggapin pa ang babaeng nilawayan na ng ibang lalaki," ani Maximus bago mabilis na lumakad paalis. Doble ang sakit na kanyang nararamdaman sa araw na iyon. Dalawang taong mahalaga sa kanya ang dumurog sa kanyang puso.KATE ISANG TAON ANG LUMIPAS naghilom na kahit papaano ang sugat ni Mario. Ngunit sariwa pa rin sa loob ng dibdib nito kaya ibayong pag-iingat pa rin ang kanilang ginagawa. Limang buwan na rin ang lumipas simula ng ikasal sila. At isang buwan na siyang buntis ngayon. Biniyayaan silang dalawa ng kambal na anak. Sobrang saya nilang mag-asawa. "Ang galing mo talaga, love! Nakadalawa ka agad! Kinakabahan ako nito kapag manganganak na ako. Sana kayanin ko. Pero maigi na itong kambal ang anak natin para dalawa agad," nakangiting sabi ni Kate. Kagagaling lang kasi nila sa ospital upang kumpirmahin kung buntis ba talaga siya. At ngayon lang nila nalaman na buntis nga siya at kambal pa. "Huwag kang matakot, love dahil nandito ako para alagaan ka at magbigay ng lakas ng loob sa iyo. Salamat dahil matutupad na ang pangarap kong bumuo ng pamilya," nakangiti sabi ni Mario. "Pupunta ka ba mamaya sa bahay ninyo?" tanong ni Kate sa asawa. "Hindi na. Kapupunta lang natin doon nakaraan. Sa s
MARIO Isang linggo na ang lumipas simula nang mangyari ang insidenteng iyon, nagiging maayos na ang lagay ni Mario. Hindi pa man tuluyang gumagaling ang sugat sa niya sa kanang dibdib, nakakakilos na siya ng ayos."Love, ano iyang niluluto mo?" tanong niya kay Kate nang maamoy niya ang mabangong lutuin sa kusina."Nagluluto ako ng chicken curry tapos may pritong isda rin. Sandali lang, ha? Pinalalambot ko lang ng husto ang manok para masarap ang kain natin," tugon niya kay Kate.Nilapitan niya ang kanyang nobya at saka niyakap sa likod. Nilayo ni Kate ang likod niya kaya bahagya siyang nakatuwàd kay Mario."Hindi pa magaling ang sugat mo kaya huwag mong idikit-dikit muna iyan. Baka mapasigaw ka na lang sa sakit kapag nasanggi ko iyan," saad ni Kate."Ang tagal ngaang gumaling. Naiinis na ako."Humarap sa kanya si Kate. "At bakit ka naman naiinis?" Ngumisi siya ng naloloko. "Kasi hindi kita mabayo. Gustong-gusto na kitang angkinin, love. Gigil na gigil na ako sa iyo."Pagkasabi niyan
Kate Umikot ang paningin ni Kate kasabay ng pag-agos ng dugo sa kanyang mukha. Masyadong malakas ang pagkakahampas ng baril ni Jake sa kanyang mukha. Napapikit siya ngunit narinig niya ang malakas na sigaw ni Mario. Nawalan siya ng balanse at inaasahang babagsak na lang sa lupa pero sinalo siya ni Jake. "Tangina mo umayos ka ng tayo!" malakas na sigaw ni Jake sa kanya. Sinusubukan niyang tumayo pero nanghihina talaga ang katawan niya. Pagmulat ng kanyang mata, nakita na lang niya si Jake na may tama ng bala sa balikat. "Kate!" sigaw ni Mario at dali-daling tumakbo sa kinaroroonan niya. "Mario!" malakas na sigaw ni Carlos. "Putangina niyong lahat!" sigaw naman ni Jake bago itinutok ang baril sa kanya. Nanlaki ang mga mata ni Kate at inasahan na ang kanyang katapusan. Ngunit hindi iyon nangyari dahil humarang si Mario. Natamaan si Mario sa kanang dibdib. Napanganga siya at malakas na sumigaw. "Mario!!!" Pinaulanan naman ng bala si Jake ng mga pulis dahilan para bawian ito kagaa
KATE Mabilis na lumipas ang ilang araw, payapa ang araw ni Kate na naglalakad patungo sa parking lot. May binili siyang damit at sapatos para kay Mario. Hindi niya nga napansin ang mga araw. First monthsary na kaagad nila. Kaya naisipan niyang bumili ng regalo sa kanyang nobyo. Hindi pa man siya nakakapasok sa loob ng kanyang sasakyan, bigla na lang may humila sa kanya. Hindi kaagad siya nakasigaw dahil tinakpan ng panyo ang kanyang bibig At saka siya tinurukan ng pampatulog sa leeg. "Sa wakas, makakasama na ulit kita," rinig niyang sabi ng pamilyar na boses bago siya tuluyang nawalan ng malay. Nagising na lamang siya sa isang kuwarto na hindi pamilyar sa kanya. Nanlaki ang mga mata niya nang maalala ang huling nangyari kanina. "Tulong! Tulong!" malakas niyang sigaw. Nakatali ang kamay niya at paa habang nakaupo sa upuan na gawa sa kahoy. Panay ang agos ng kanyang luha. Iniisip niya si Mario. Kung kailan magse-celebrate sila ng kanilang monthsary, saka pa iyo nangyari.
KATE "Sigurado ka ba talaga na ikaw na lang ang mamalengke mag-isa?" tanong sa kanya ni Mario. Ngumiti siya ng matamis. "Yes, love. Mag-asikaso ka na. Ang dami mong dapat lakarin ngayon na permit. Hayaan mo na ako. Para matuto ako. Syempre, hindi naman puwedeng palagi lang akong nakadepende sa iyo. Parang wala na akong natutunan niyan." Bumuntong hininga si Mario sabay ngiti. "Hindi naman sa wala kang natutunan, gusto ko lang din na magbuhat prinsesa ka sa piling ko. Gusto kong ipakita sa iyo kung ano ang magiging buhay mo kapag naging mag-asawa na tayo." Kinilig naman si Kate at saka niyakap ng mahigpit ang kanyang nobyo. "Excited na akong dumating ang araw na iyon. Gustong-gusto ko ng maging asawa mo. Tapos bubuo tayo ng anim na anak!" Nanlaki ang mga mata ni Mario. "Anim talaga ang gusto mo? Hindi ba iyon masyadong marami? At saka ikaw ang mahihirapan kapag nanganak ka ng maraming beses." Ngumiti si Kate. "Mas marami, mas masaya! Gusto ko talaga ng maraming anak dahil
KATE Isang linggo ang lumipas matapos ang pangyayaring iyon, naging maayos na ulit ang buhay ni Kate. Naging masipag na ulit siya sa kanyang negosyo. Palagi siyang sinusundo ni Marko. At kapag walang ginagawa ang nobyo niya, dumidiretso ito sa restaurant niya. "Ano? Kumusta ka naman? Pasensya ka na ngayon lang ulit ako nakadalaw dito. Naging busy lang ako. Ginugulo ka pa rin ba ng gagóng Jake na iyon?" tanong ni Erra sa kanya. Bakas sa tinig nito ang pag-aalala. "Ayos lang naman ako. Pinipilit kong maging maayos ulit. Grabe, bumali iyong trauma ko. Iyong pananakit sa akin ni Jake, sobra akong na-trauma doon. Mabaliw-baliw ako noong nakipaghiwalay ako sa kanya. Iniisip ko na ang susunod na magiging boyfriend ko, baka saktan din ako. Kaya natakot akong magmahal ng iba at si Carlos sagad ang hinahanap ko. Kasi si Carlos, never niya akong sinaktan. At kapag galit na galit lang siya, doon niya ako magagawang sigawan. Pero bihirang-bihira," salaysay niya. "Kaya nga dapat magdoble inga