"Sino ang dalagang iyan?" tanong ni Maximus habang nakatingin sa dalagang nakasunod ang tingin sa papalayong sasakyan ni Arthuro.
Kasalukuyang naka-park ang sasakyan nila sa isang tabi na hindi mapapansin ni Arthuro kapag lumabas siya ng kanyang bahay. Kanina pa sila naghihintay ni Johnny sa paglabas ni Arthuro kasama si Clara ngunit wala pala doon ang babae. Akala ni Maximus, magkasama na ang dalawa. "Nakalimutan mo na ba? 'Di ba may nakatalik dati na babae si Arthuro noong nagpunta siya sa probinsya nila at may nabuntis siyang babae? Hindi niya pinanagutan pero ang alam ko, nagbibigay naman siya ng sustento. At sa tingin ko, ang dalagang iyan ang anak ni Arthuro. Dalaga na ito. Ikaw pa nga ang nagkuwento sa akin no'n eh! Kaya nga kayo naging magkumpare dahil inaanak mo ang dalagang iyan. Nakalimutan ko ang pangalan niya eh. Ano? Hindi mo matandaan? Kasi 'di ba no'ng pinabinyagan ang dalagang iyan, sinabi mo na ninong ka para lalong maging matibay ang pagkakaibigan ninyo. Hindi mo maalala?" bulalas ni Johnny. Doon na naalala ni Maximus ang ikinuwento ni Arthuro sa kanya noon. Hindi naman niya akalain na lalaking maganda ang dalaga. Nakalimutan niya ring inaanak niya pala ito. Legit siyang naging ninong dahil nagpadala siya ng mga gamit para kay Isabella noong baby pa lang ito. Naawa kasi siya dahil walang pakialam si Arthuro kay Isabella. Kaya biglang regalo noong binyag ni Isabella, nagpadala siya ng mga gamit ng baby. Pati na ilang box ng gatas at diaper. Laking pasasalamat ng ina ni Isabella sa kanya noon. Natigil lang ang pagpapadala niya noong nag-tatlong taong gulang na si Isabella dahil naging busy na siya kompanya at negosyo. Humugot ng malalim na paghinga si Maximus. Habang pinagmamasdan niya ang nakapikit na si Isabella dahil nagdadasal ito, hindi niya maiwasang humanga. Makinis at maputi ang dalaga. Nakasuot ito ng skinny jeans at shirt kung saan kita ang magandang kurbada ng katawan nito. Nagmana kasi si Isabella sa kanyang ina. Maganda ito at sexy. Kamukha niya ang kanyang ina. Kaya nga naakit sa kanyang ina ang ama niyang si Arthuro nang gabing may maganap sa kanila. At si Isabella na nga ang naging bunga. "Ang ganda ng anak ni Arthuro. Mukhang maganda ang nanay kaya ganiyan. Hindi naman guwapo ang kumpare mo. Mukha ngang dugyot na driver ang itsura," mapanglait na wika ni Johnny. Napakurap si Maximus sabay iwas ng tingin sa dalagang si Isabella nang mapagtanto niyang kanina pa pala siya nakatingin sa dalaga. Bumuga siya ng hangin bago binuhay ang makina ng kanyang sasakyan. Paglingon niya, wala na sa kinatatayuan kanina ang dalagang si Isabella. "Saan na tayo pupunta ngayon? Hindi pala magkasama ang asawa mo pati ang kumpare mo. Mukhang nasa ibang lugar ang asawa mo tapos pinuntahan ni Arthuro. Doon sila nagtagpo dahil naisip nilang pupunta ka dito." Asar na ngumisi si Maximus. "Babalik na tayo sa bahay. Samahan mo na lang muna akong uminom. Naisip ko na bakit ko pa pala sila kailangang sundan? Magmumukhang tanga lang pala ako kasusunod sa kanina at masasaktan lang sa makikita ko. Mainam na sa bahay na muna ako at mag-isip ng maaari kong maging plano para makaganti sa kanila." "Tama ka diyan. Buti naisip mo ang bagay na iyan. Sige, sasamahan kitang uminom pero huwag naman sa bahay mo. Maigi doon na lang tayo sa bar na madalas kong puntahan kapag gusto kong mag-relax. Mas maigi na doon kaysa naman sa club, 'di ba? Wala ka namang planong magparaos ngayon, tama? Kaya doon na lang tayo sa bar na pinupuntahan ko. May kumakanta pa doon kaya siguradong makakapag-relax ka kahit kaunti," suhestiyon ni Johnny. Tumango na lang si Maximus bago pinaandar ang kanyang sasakyan. At habang nagmamaneho niya, biglang pumasok sa isipan niya ang magandang mukha ng dalagang si Isabella. Mabilis siyang napailing bago pilit na inalis sa isipan ang mukha ng dalaga at nag-focus sa kanyang pagmamaneho. SA KABILANG BANDA NAMAN, walang magawa si Isabella kaya naman naisipan na lang niyang maglinis na lamang ng bahay na iyon para kapag umuwi ang kanyang ama, malinis na ito. Saglit lang niyang nilinis ang buong bahay at saka nagpahinga. Nang makaramdam siya ng gutom, doon nagluto ng kanyang makakain. Napangiti siya habang nakatingin sa kanyang pagkain dahil marami iyon. Hindi katulad ng kakarampot na pagkaing ibinibigay sa kanya ng tiyahin niya. Makalipas ang ilang oras, gabi na naman. Tumambay muna sa labas ng bahay si Isabella. Nakatingin siya sa mga dumadaan doon. Ilang oras din siyang nasa labas bago pumasok sa loob. Tumingin siya sa orasan at nakitang ala una na. Inaantok na siya kaya nahiga na siya sa sofa at doon nakatulog. Makalipas ang dalawang oras, nagising siya sa ingay mula sa gate. Dali-dali siyang bumangon. "Papa..." aniya bago tumingin sa kasama nitong babae. "Pasensya ka na kung naistorbo ko ang tulog mo. Siya pala ang tita Clara mo. Dito na siya titira. Siya ang girlfriend ko na magiging asawa ko na rin. Hinihintay ko lang na mag-divorce sila ng dati niyang asawa," paliwanag ng kanyang amang si Arthuro. Nginitian ng matamis ni Isabella si Clara. "Hello po sa inyo, tita Clara. Ako po si Isabella." "Hello sa iyo, Isabella. Naikuwento ka na sa akin ng papa mo. Magpahinga ka na. Pasensya na sa abala," tugon ni Clara. "Isabella, doon ka na sa kuwartong iyon. Linisin mo na lang dahil medyo marumi diyan. Kuwarto iyon ng kapatid mong si Lance dati. Matagal na siyang wala diyan kaya madumi. Magpapahinga na kami. Magpahinga ka na rin," ani Arthuro bago pumasok sa kanilang kuwarto ni Clara. Nakangiting nagtungo si Isabella sa magiging kuwarto niya. Nang buksan niya iyon, makalat nga. Maalikabok at maraming kailangang linisin. "Bukas ko na lang lilinisin ito. Sa sofa na lang ako matutulog ngayong gabi," mahinang usal niya bago isinara ang pinto. Pagsikat ng araw, bumangon na kaagad si Isabella. Nagtimpla muna siya ng kape bago nagsimulang maglinis ng kanyang magiging kuwarto. Ilang oras din ang ginugol niya sa paglilinis no'n bago siya natapos. Lumipas pa ang isang oras, lumabas na ang kaniyang ama pati na si Clara sa kuwarto nito. "Good morning, pa, good morning po, tita. Mag-almusal na po kayo. Magluluto po sana ako ng ulam ngayong tanghali kaso po wala akong nakitang karne sa ref," magalang niyang sabi. "Hindi mo na kailangang gawin iyon. Sa labas na kami palagi kakain. Iiwanan na lang kita ng pera dito pambili mo ng pagkain. Kasama na rin ang ibibigay ko sa iyong pera makapaghanap ka ng trabaho. Bilisan mo sana ang paghananap dahil gusto kong kami na lang dito ng tita Clara mo," seryosong wika ni Arthuro. Napakurap si Isabella bago pilit na ngumiti. "O-Opo, papa... hahanap po kaagad ako ng trabaho." "Okay sige. Mabuti naman. Kainin mo na iyang niluto mo. Sa labas kami kakain ng tita mo. Ipagtimpla mo na lang kami ng kape." Simpleng tango ang tinugon ni Isabella. Nagtungo siya sa kusina at saka nagtimpla ng kape. Hindi niya maiwasang maging malungkot. Sa totoo lang, sabik siya sa pagmamahal ng kanyang ama. Akala niya, magiging masaya ang ama niya kung makakasama siya nito ngunit hindi pala. Mas gusto ni Arthuro na umalis na kaagad siya sa bahay na iyon. Naalala niyang bigla ang sinabi sa kanya ng yumao niyang ina... hindi siya magagawang mahalin ni Arthuro dahil bunga lamang siya ng isang pagkakamali. At ang tunay na nais talaga ng ama niya noon ay ipaglaglag siya ng kanyang ina. Hindi niya maiwasang masaktan. Si Arthuro na lang ang natitira niyang magulang ngunit hindi pa siya nito mahal. Hindi siya nito nais makasama. At wala na siyang magagawa pa roon.KATE ISANG TAON ANG LUMIPAS naghilom na kahit papaano ang sugat ni Mario. Ngunit sariwa pa rin sa loob ng dibdib nito kaya ibayong pag-iingat pa rin ang kanilang ginagawa. Limang buwan na rin ang lumipas simula ng ikasal sila. At isang buwan na siyang buntis ngayon. Biniyayaan silang dalawa ng kambal na anak. Sobrang saya nilang mag-asawa. "Ang galing mo talaga, love! Nakadalawa ka agad! Kinakabahan ako nito kapag manganganak na ako. Sana kayanin ko. Pero maigi na itong kambal ang anak natin para dalawa agad," nakangiting sabi ni Kate. Kagagaling lang kasi nila sa ospital upang kumpirmahin kung buntis ba talaga siya. At ngayon lang nila nalaman na buntis nga siya at kambal pa. "Huwag kang matakot, love dahil nandito ako para alagaan ka at magbigay ng lakas ng loob sa iyo. Salamat dahil matutupad na ang pangarap kong bumuo ng pamilya," nakangiti sabi ni Mario. "Pupunta ka ba mamaya sa bahay ninyo?" tanong ni Kate sa asawa. "Hindi na. Kapupunta lang natin doon nakaraan. Sa s
MARIO Isang linggo na ang lumipas simula nang mangyari ang insidenteng iyon, nagiging maayos na ang lagay ni Mario. Hindi pa man tuluyang gumagaling ang sugat sa niya sa kanang dibdib, nakakakilos na siya ng ayos."Love, ano iyang niluluto mo?" tanong niya kay Kate nang maamoy niya ang mabangong lutuin sa kusina."Nagluluto ako ng chicken curry tapos may pritong isda rin. Sandali lang, ha? Pinalalambot ko lang ng husto ang manok para masarap ang kain natin," tugon niya kay Kate.Nilapitan niya ang kanyang nobya at saka niyakap sa likod. Nilayo ni Kate ang likod niya kaya bahagya siyang nakatuwàd kay Mario."Hindi pa magaling ang sugat mo kaya huwag mong idikit-dikit muna iyan. Baka mapasigaw ka na lang sa sakit kapag nasanggi ko iyan," saad ni Kate."Ang tagal ngaang gumaling. Naiinis na ako."Humarap sa kanya si Kate. "At bakit ka naman naiinis?" Ngumisi siya ng naloloko. "Kasi hindi kita mabayo. Gustong-gusto na kitang angkinin, love. Gigil na gigil na ako sa iyo."Pagkasabi niyan
Kate Umikot ang paningin ni Kate kasabay ng pag-agos ng dugo sa kanyang mukha. Masyadong malakas ang pagkakahampas ng baril ni Jake sa kanyang mukha. Napapikit siya ngunit narinig niya ang malakas na sigaw ni Mario. Nawalan siya ng balanse at inaasahang babagsak na lang sa lupa pero sinalo siya ni Jake. "Tangina mo umayos ka ng tayo!" malakas na sigaw ni Jake sa kanya. Sinusubukan niyang tumayo pero nanghihina talaga ang katawan niya. Pagmulat ng kanyang mata, nakita na lang niya si Jake na may tama ng bala sa balikat. "Kate!" sigaw ni Mario at dali-daling tumakbo sa kinaroroonan niya. "Mario!" malakas na sigaw ni Carlos. "Putangina niyong lahat!" sigaw naman ni Jake bago itinutok ang baril sa kanya. Nanlaki ang mga mata ni Kate at inasahan na ang kanyang katapusan. Ngunit hindi iyon nangyari dahil humarang si Mario. Natamaan si Mario sa kanang dibdib. Napanganga siya at malakas na sumigaw. "Mario!!!" Pinaulanan naman ng bala si Jake ng mga pulis dahilan para bawian ito kagaa
KATE Mabilis na lumipas ang ilang araw, payapa ang araw ni Kate na naglalakad patungo sa parking lot. May binili siyang damit at sapatos para kay Mario. Hindi niya nga napansin ang mga araw. First monthsary na kaagad nila. Kaya naisipan niyang bumili ng regalo sa kanyang nobyo. Hindi pa man siya nakakapasok sa loob ng kanyang sasakyan, bigla na lang may humila sa kanya. Hindi kaagad siya nakasigaw dahil tinakpan ng panyo ang kanyang bibig At saka siya tinurukan ng pampatulog sa leeg. "Sa wakas, makakasama na ulit kita," rinig niyang sabi ng pamilyar na boses bago siya tuluyang nawalan ng malay. Nagising na lamang siya sa isang kuwarto na hindi pamilyar sa kanya. Nanlaki ang mga mata niya nang maalala ang huling nangyari kanina. "Tulong! Tulong!" malakas niyang sigaw. Nakatali ang kamay niya at paa habang nakaupo sa upuan na gawa sa kahoy. Panay ang agos ng kanyang luha. Iniisip niya si Mario. Kung kailan magse-celebrate sila ng kanilang monthsary, saka pa iyo nangyari.
KATE "Sigurado ka ba talaga na ikaw na lang ang mamalengke mag-isa?" tanong sa kanya ni Mario. Ngumiti siya ng matamis. "Yes, love. Mag-asikaso ka na. Ang dami mong dapat lakarin ngayon na permit. Hayaan mo na ako. Para matuto ako. Syempre, hindi naman puwedeng palagi lang akong nakadepende sa iyo. Parang wala na akong natutunan niyan." Bumuntong hininga si Mario sabay ngiti. "Hindi naman sa wala kang natutunan, gusto ko lang din na magbuhat prinsesa ka sa piling ko. Gusto kong ipakita sa iyo kung ano ang magiging buhay mo kapag naging mag-asawa na tayo." Kinilig naman si Kate at saka niyakap ng mahigpit ang kanyang nobyo. "Excited na akong dumating ang araw na iyon. Gustong-gusto ko ng maging asawa mo. Tapos bubuo tayo ng anim na anak!" Nanlaki ang mga mata ni Mario. "Anim talaga ang gusto mo? Hindi ba iyon masyadong marami? At saka ikaw ang mahihirapan kapag nanganak ka ng maraming beses." Ngumiti si Kate. "Mas marami, mas masaya! Gusto ko talaga ng maraming anak dahil
KATE Isang linggo ang lumipas matapos ang pangyayaring iyon, naging maayos na ulit ang buhay ni Kate. Naging masipag na ulit siya sa kanyang negosyo. Palagi siyang sinusundo ni Marko. At kapag walang ginagawa ang nobyo niya, dumidiretso ito sa restaurant niya. "Ano? Kumusta ka naman? Pasensya ka na ngayon lang ulit ako nakadalaw dito. Naging busy lang ako. Ginugulo ka pa rin ba ng gagóng Jake na iyon?" tanong ni Erra sa kanya. Bakas sa tinig nito ang pag-aalala. "Ayos lang naman ako. Pinipilit kong maging maayos ulit. Grabe, bumali iyong trauma ko. Iyong pananakit sa akin ni Jake, sobra akong na-trauma doon. Mabaliw-baliw ako noong nakipaghiwalay ako sa kanya. Iniisip ko na ang susunod na magiging boyfriend ko, baka saktan din ako. Kaya natakot akong magmahal ng iba at si Carlos sagad ang hinahanap ko. Kasi si Carlos, never niya akong sinaktan. At kapag galit na galit lang siya, doon niya ako magagawang sigawan. Pero bihirang-bihira," salaysay niya. "Kaya nga dapat magdoble inga