Bago pa man bumukas nang tuluyan ang gate ng kanilang barung-barong na bahay sa Tondo, mabilis nang sumingaw ang amoy ng luma, ng kahoy na basa. Pamilyar. Bahay nga nila. Kahit gaano kasimple, ito pa rin ang pinakaiingatang mundo ni Elira. Isang lugar na kahit bitak-bitak, ay punô ng alaala, masaya man o masakit.
Bitbit ang maliit na paper bag mula sa botika, maingat siyang pumasok, iniiwasang gumawa ng ingay.
“Ma?” tawag niya, mahina at may pag-aalala.
Nagulat siya nang makita ang ina na halos nakatayo na mula sa pagkakahiga sa lumang sofa, pilit inaabot ang baso ng tubig sa mesa. Namimilipit ang katawan nito, nanginginig ang mga kamay.
“Ma!” Nilapag agad ni Elira ang dala at mabilis na lumapit, agad inalalayan ang ina. “Ano ba? Sabi ko ‘di ba, magpahinga ka lang?”
“Anak, kailangan ko lang naman uminom ng tubig. Ayoko namang parang inutil na lang ako dito,” sagot ng ina, pilit na ngumiti, pero halata sa mata ang hirap at pagod. Sa bawat salita nito ay parang may kasamang paghingal.
Hinawakan ni Elira ang baso, iniabot ito sa ina, saka siya inalalayan pabalik sa sofa.
“Edi tawagin mo ako, Ma. Kahit anong oras. Kahit dis-oras ng gabi. Basta huwag kang tumatayo mag-isa,” mariing sambit ni Elira habang kinukusot ang likod ng ina, parang sinusuyo.
“O, eto na ‘yong gamot mo.” Inabot niya ang papel bag.
Napalambot ang tingin ng ina. Tila ba napaiyak sa simpleng bagay na iyon. “Anak… saan mo kinuha ‘to? Ang dami. Sobra pa sa binilin ko. Sabi mo sa Lunes ka pa magkaka-pera?”
Bahagyang ngumiti si Elira. Pilit, pero may laman. “May in-apply-an ako kanina. May konting allowance. At may possibility na makuha ako para sa mas malaking role. Hindi pa sure, pero... baka.”
Sa Golden Sun Entertainment, kahit auditionee pa lang sila, mayroon na talaga silang allowance o talent f*e. Makapasa man o hindi. Kaya laking pasasalamat din ni Elira dahil nagkaroon siya ng budget para sa gamot ng ina.
Tumango ang ina. Kinuha nito ang gamot at sinimulang inumin. Ilang segundo rin ang lumipas bago ito muling nagsalita.
“’Li...”
“Hm?” sagot niya habang inaayos ang kumot ng ina.
“Hindi ko na tinatanong kung ano ang mga ginagawa mo para lang makatawid tayo. Kasi kilala kita. Marunong kang lumaban. Pero anak… wag mong i-aalay ang sarili mo sa mundong ‘yon. Hindi lahat ng pinto ay dapat mong pasukin.”
Napayuko si Elira, hawak pa rin ang baso ng tubig. Tahimik siya. Ramdam niya ang bigat ng mga salita ng ina. Hindi ito sermon. Isa itong paalala, mula sa isang pusong takot na muling mawalan.
“Mama… hindi ako kagaya ni Papa,” mahina niyang sagot, halos bulong.
“Hindi ko naman sinabing—”
“Iniwan niya tayo. Ikaw. Ako. Para sa babaeng may kotse, may bahay, may koneksyon. Para sa buhay na mas madali.”
Matalim na ang tinig ni Elira, pinipigilang tumulo ang luha. Hindi niya gustong maalala. Pero lumilitaw pa rin, gaya ng uling na hindi lubusang napapawi.
“Tapos anong iniwan niya sa atin? Utang. Hiya. At ikaw, halos hindi na makalakad. Lahat ng pangarap ko, Mama, gumuho noong gabi na hindi na siya umuwi.”
Nakikinig lang ang ina. Parang sinasalo ang bawat salitang may sugat.
“Tapos hanggang ngayon, wala. Ni isang tawag, text, kahit simpleng sorry. Wala,” dagdag ni Elira, mas mahigpit na ngayon ang hawak sa baso.
“Elira...” mahina ang boses ng ina, tila gustong magpaliwanag pero walang sapat na lakas. “Hindi lahat ng tao, anak… hindi lahat tulad niya. May mga mabubuti pa rin.”
“Ayaw kong marinig ‘yan, Ma. Kasi minsan... ang mga mabubuting tao, sila rin ang unang umaalis.”
Hinawakan siya ng ina sa kamay. Mahina, pero matatag.
“Pero anak, kahit gano kahirap, kahit anong tawid ang kailangan mong gawin, huwag mong hayaang alisin nila sa ‘yo ang kabuuan mo. Ginto ka. Alagaan mo ‘yan.”
Tumango si Elira. Tinitigan niya ang ina. Walang mamahaling hikaw, walang kolorete. Pero sa gabing iyon, sa liwanag ng isang dim na bombilya, nakita niyang muli ang ina bilang isang Reyna.
At hindi niya hahayaang mawala pa ito. Kahit pa anong kapalit.
***
Makalipas ang ilang oras, tahimik na naghuhugas ng pinggan si Elira habang umuulan sa labas. Bawat patak sa bubong ay tila ba tumutugma sa tibok ng puso niya. Mabilis. Hindi dahil sa lamig. Kundi dahil sa kaba.
Dinner. Seven o’clock.
Bumalik sa isip niya ang tinig ng CEO.
Tumingin siya sa orasan sa sala. 5:01 PM. Dalawang oras na lang.
Nang matapos sa kusina, tinakpan niya ang mga pagkain at dinala ang ilan sa kwarto ng ina. Nakita niyang tumayo ito, kaya agad niya itong nilapitan.
“Ma, magbabanyo ka ba? Tara na, samahan na kita.”
“Hindi, anak. Tutulong lang sana ako, ”
“Ma naman,” agad niyang putol. “Maliit lang ito, kaya ko. Para namang hindi ka na nasanay sa akin.”
Napabuntong-hininga ang ina, saka umupo muli. Sanay na siya sa anak niyang mas mabilis pa sa alas kuwatro. Bata pa lang si Elira, siya na ang tagapag-alaga ng bahay.
“Pero anak, nanggaling ka pa ng QC. Pagod ka rin. Kailangan mong magpahinga.”
Ngumiti si Elira. Hindi niya sinunod. Alam niya, kapag napagod ang nanay niya, isa rin siya sa mahihirapan. Kaya tinapos niya ang mga gawain habang tahimik lang ang ina, dinala niya na rin ang ina sa kwarto nito.
Pagkatapos ng lahat, pumasok si Elira sa banyo at naligo. Paglabas, suot niya ang simpleng puting slip dress. Manipis, makinis. Kita ang makinis niyang balikat. Nakalugay ang buhok, pinatuyo ng konti, at saka nilagyan ng light makeup ang kanyang mukha; konting blush, tinted lip balm, mascara. Sapat na.
Tumingin siya sa salamin.
“Kaya mo ‘to.”
Pumasok siya sa kwarto ng ina para magpaalam. Pero nang makitang mahimbing na itong natutulog, napangiti na lang siya. Lumapit siya at hinalikan ito sa noo.
“Goodnight, Ma. Babalik ako.”
Paglabas niya ng bahay, bitbit ang kulay itim na payong, agad siyang lumakad papunta sa kanto, kung saan sinabi niyang doon siya sunduin. Hindi niya isinama ang address mismo nila, ayaw niyang malaman kung gaano kababa ang pinanggalingan niya. Hindi pa ngayon.
Mayamaya, dumaan ang isang itim na Aston Martin. Walang ibang sasakyan na gano’n kabangis at kamahal sa buong lugar nila. Kaya agad siyang lumapit.
Nang bumukas ang pintuan at pumasok siya, at sa hindi malamang dahilan, tumigil ang mundo niya nang makita kung sino ang nasa loob.
Malapit, mas gwapo pa ito ngayon. Nakasuot ng itim na long sleeves, bahagyang nakabukas ang top buttons. Seryoso ang tingin.
Napalunok si Elira, ang kaba niyang kanina pa nag-aalburoto ay mas lalong lumala ngayon.
“Good. You’re early,” anito, malamig ang boses pero may ngiting bahagya sa sulok ng labi.
Nanuyo ang lalamunan ni Elira. Hindi siya makapagsalita.
Hindi niya alam kung excitement ba ito... o babala ng isang bagay na hindi na niya mababawi.
Napatigil si Elira. Parang may umalingawngaw sa tenga niya. Ramdam niya ang biglang pagbigat ng hangin sa pagitan nila. Hindi niya alam kung paano sasagutin iyon at kung paano kikilalanin ang buhol-buhol na damdaming nararamdaman niya ngayon.Gusto niyang sabihing galit siya dahil sinaktan siya ng ama niya. Gusto rin niyang isumbat kay Gavin na niloko siya nito sa loob ng dalawang linggo, pinaniwala siyang walang ibang agenda kundi tulungan siya. Pero mas gusto niyang takasan ang katotohanang sa loob ng maikling panahon na iyon, naging mahalaga na sa kanya si Gavin, higit pa sa dapat, higit pa sa tama. Minsan niya nang nakalimutan na may konenksyon si Gavin sa ama niya, dahil natabunan ito sa pagtulong ni Gavin sa kanya.At ngayon, sa isang iglap, parang giniba ang pader na itinayo niya para protektahan ang puso niya. Naisip niya na kasabwat ni Gavin ang ama at gustong bumalik ni Enrico sa buhay niya, sa buhay nila ng ina niya.Napakagat siya sa labi, pilit pinipigil ang luhang nagbab
Dalawang linggo na ang lumipas mula nang huli silang nag-usap ni Gavin. Simula noon, araw-araw nang uma-attend si Elira ng acting workshop. Una’y parang panaginip, mga ilaw ng entablado, direktor na sumisigaw ng “Action!”, at mga beteranong artista na parang hindi kailanman nawawalan ng emosyon sa bawat eksena.Sa unang araw pa lang, muntik na siyang umurong. Pero tiniis niya ang kaba, pinili ang tapang. Sa bawat eksenang kinailangan niyang sumigaw, humikbi, o manginig sa galit, inisip niya ang lahat ng sakit na pinagdaanan niya, mula sa pagkabata hanggang ngayon. Doon siya humuhugot. Kaya bawat luha niya sa eksena, totoo. Bawat sigaw, may ugat.At sa kabila ng pagod, ramdam niya, she’s growing. As an actress. As a woman. As someone reclaiming her place in the world.Tahimik siyang lumabas ng rehearsal room, pinupunasan ang pawis sa noo. Dumiretso siya sa CR. Sa wakas, sandali ng katahimikan. Sa loob ng cubicle, sinandal niya ang noo sa malamig na pader. Sandaling pahinga. “Kaya ko ’t
Tahimik sa loob ng sasakyan. Tanging tunog ng ulan at mahinang ugong ng makina ang bumabasag sa katahimikan. Nakatitig si Elira sa harapan, mahigpit ang pagkakahawak sa maliit niyang clutch bag. Ramdam niya ang lamig ng aircon sa balat ng kanyang mga braso, pero mas malamig ang presensya ng lalaking katabi niya.Ngunit sa kabila ng tila malamig na kilos ng lalaki, may init sa mga mata nito, parang may sinusuri. Hindi lang basta panlabas na anyo. Parang binabasa nito ang buong pagkatao niya.“Ano’ng pangalan mo ulit?” tanong nito habang nakatingin sa daan. Hindi niya nakalimutan ang pangalan ni Elira, ngunit tila sinadya para magbukas ng usapan. “Elira po,” sagot niya, mabilis, mahina, pero malinaw.Tumango ang lalaki. “Ilang taon ka na?”“Twenty-one,” halos pabulong ang sagot niya, sabay iwas ng tingin.Napalingon ang lalaki. Matagal. Mapagmatyag. “Twenty-one?” ulit nito.Tumango si Elira. Kumakabog ang dibdib. May kung anong bumibigat sa pagitan ng mga tanong nito, parang may hinaha
Bago pa man bumukas nang tuluyan ang gate ng kanilang barung-barong na bahay sa Tondo, mabilis nang sumingaw ang amoy ng luma, ng kahoy na basa. Pamilyar. Bahay nga nila. Kahit gaano kasimple, ito pa rin ang pinakaiingatang mundo ni Elira. Isang lugar na kahit bitak-bitak, ay punô ng alaala, masaya man o masakit.Bitbit ang maliit na paper bag mula sa botika, maingat siyang pumasok, iniiwasang gumawa ng ingay.“Ma?” tawag niya, mahina at may pag-aalala.Nagulat siya nang makita ang ina na halos nakatayo na mula sa pagkakahiga sa lumang sofa, pilit inaabot ang baso ng tubig sa mesa. Namimilipit ang katawan nito, nanginginig ang mga kamay.“Ma!” Nilapag agad ni Elira ang dala at mabilis na lumapit, agad inalalayan ang ina. “Ano ba? Sabi ko ‘di ba, magpahinga ka lang?”“Anak, kailangan ko lang naman uminom ng tubig. Ayoko namang parang inutil na lang ako dito,” sagot ng ina, pilit na ngumiti, pero halata sa mata ang hirap at pagod. Sa bawat salita nito ay parang may kasamang paghingal.H
Mainit ang ilaw sa studio, pero mas mainit ang kabog ng dibdib ni Elira habang nakaupo siya sa bench, kasabay ng halos dalawampung babaeng kagaya niya; magaganda, payat, bihis na bihis, at gutom na gutom sa tagumpay.“Number 17, Elira Santillan,” tawag ng assistant director.Tumayo siya, agad nag-angat ng baba, sinimot ang kumpiyansa sa katawan, at pumasok sa loob ng audition room na tila courtroom, puno ng mga matang huhusga sa kanya.Sa gitna ng mahabang mesa, nakaupo ang isang lalaki. Naka-itim na polo shirt, simple lang, pero lutang ang awtoridad. Tahimik siyang nakatitig, walang sinasabi, pero sapat na ang presensya niya para mapanginig ang tuhod ng kahit sinong gustong sumikat.“He’s the CEO,” bulong ng isang staff sa likod habang sinasara ang pinto.‘CEO? Ng Golden Sun Entertainment?’ sa isip niya.Ang kumpanya kung saan halos lahat ng sikat na artista ngayon ay dito nanggagaling. Elira’s throat tightened.“Name?” tanong ng lalaking nasa gilid, pero hindi ang CEO.“Elira Santil