Mainit ang ilaw sa studio, pero mas mainit ang kabog ng dibdib ni Elira habang nakaupo siya sa bench, kasabay ng halos dalawampung babaeng kagaya niya; magaganda, payat, bihis na bihis, at gutom na gutom sa tagumpay.
“Number 17, Elira Santillan,” tawag ng assistant director.
Tumayo siya, agad nag-angat ng baba, sinimot ang kumpiyansa sa katawan, at pumasok sa loob ng audition room na tila courtroom, puno ng mga matang huhusga sa kanya.
Sa gitna ng mahabang mesa, nakaupo ang isang lalaki. Naka-itim na polo shirt, simple lang, pero lutang ang awtoridad. Tahimik siyang nakatitig, walang sinasabi, pero sapat na ang presensya niya para mapanginig ang tuhod ng kahit sinong gustong sumikat.
“He’s the CEO,” bulong ng isang staff sa likod habang sinasara ang pinto.
‘CEO? Ng Golden Sun Entertainment?’ sa isip niya.
Ang kumpanya kung saan halos lahat ng sikat na artista ngayon ay dito nanggagaling. Elira’s throat tightened.
“Name?” tanong ng lalaking nasa gilid, pero hindi ang CEO.
“Elira Santillan, twenty-one years old,” sagot niya, diretsong tingin.
Tumango ang lalaki, pero ang CEO? Tahimik. Seryosong tingin. Hindi man lang sumilip sa papel. Sa kanya lang nakatutok. Parang may sinusukat.
“Why do you want this role?” tanong muli ng assistant.
Elira took a breath. Hindi ito acting contest lang para sa kanya. Ito ang lifeline.
“Because I’m tired of being invisible,” sagot niya. “I know I don’t have the connections, I’m not famous, and I didn’t come from some elite acting school. But I know how to fight. I know how to survive.”
Tahimik. Tila napako ang oras.
Then, finally, nagsalita ang CEO.
“Fight?” His voice was low, calm, but cutting. “How far are you willing to go?”
Napatigil siya. Hindi niya inaasahan na iyon ang unang tanong galing sa kanya.
“Kung anuman ang kailangan,” sagot ni Elira, hindi manlang . “I will do it.”
That caught his attention. Tumango ito nang bahagya. First reaction mula sa kanya.
“Magsimula ka. Scene 18. You’re begging your ex not to leave.”
Kumuha siya ng hangin. Then, action.
***
Nanginginig ang boses niya habang umiiyak sa harap ng imahinasyong lalaki. "Hindi kita pinaglaban noon kasi duwag ako... pero ngayon, ngayon kaya ko na. Kaya ko nang ipagsigawan na mahal kita kahit masaktan ako, kahit ako na lang ang lumaban!"
Dead silence.
Pagkatapos ng eksena, walang pumalakpak. Pero hindi rin siya pinigilan. Wala ring sinabing “thank you” o “next.”
Pagkalabas niya ng silid, parang sumabog ang dibdib niya.
Sa hallway, may sumunod na lalaki na tila taga-admin.
“Miss Santillan,” aniya. “The CEO wants to see you privately. Office niya, top floor.”
Napahinto siya.
“Ngayon?”
Tumango ang lalaki. “Ngayon.”
Pagdating niya sa top floor, parang ibang mundo. Tahimik, malamig, mamahalin ang bawat sulok.
Pagbukas ng pinto, nakita niya itong muli, ang CEO. Nakaupo sa harap ng glass wall, tanaw ang buong siyudad. Tumayo ito at humarap sa kanya.
“Maupo ka,” aniya.
Tahimik si Elira pero sumunod. Hindi niya alam kung anong mas nakakakaba, yung eksenang nilabanan niya kanina, o ito ngayon. Silang dalawa lang.
“You’re desperate,” ani ng CEO. “That’s not always a weakness. Sometimes, it’s power.”
Hindi siya umimik.
Then, he took a step closer. One slow, calculating step.
“You said you’ll do whatever it takes,” bulong nito. “Are you sure about that?”
“Bakit, may inaalok ka ba?” balik niya, pilit pinapakatatag ang boses.
He smirked.
“Magtanong ka. Baka may mas mabilis kang daan sa taas,” tugon ng CEO. “And I can open that road for you.”
Napalunok si Elira. Dangerous. This man is dangerous. Pero hindi niya matanggihan ang alok. Hindi ngayon. Hindi kung ito na ang pagkakataon niya.
“Then tell me what I need to do.”
He smiled. Hindi ngiti ng aliw, kundi ng kontrol.
“Start by having dinner with me tonight.”
Napatitig si Elira sa lalaking nasa harap niya. Napalunok. Hindi siya sigurado kung ito ba ay isang bitag, o isang tulay patungo sa pangarap niya. Pero isang bagay ang malinaw, wala na siyang babalikan kung aatras pa siya.
“You look like you’ve seen a ghost,” sabing muli ng CEO habang nakatitig sa kanya, malamig pero hindi bastos.
“Hindi ako sanay sa ganitong... alok,” sagot niya.
“Hindi ko sinabing may kapalit agad,” sagot nito. “But I can give you something you need, like exposure, opportunity, visibility. In exchange, gusto ko lang makilala ka.”
“M-me?” naguguluhan niyang tanong.
“Marami akong gustong malaman. Like... saan ka lumaki? Paano ka napunta rito?”
Nagulat si Elira. Ang CEO ng pinakamalaking entertainment company, interesado sa buhay niya?
“Tondo. Slum area. Panganay ako. Inaalagaan ko ang nanay kong may sakit. I audition everywhere. Kahit sa mga role na walang pangalan like waitress 2, passerby, dead girl in a morgue... you name it.”
Napakibit-balikat siya, pilit itinatago ang hiya. Pero sa loob niya, gusto na niyang mapaiyak. Wala nang dignidad minsan sa ginagawa niya. Pero ito ang pinili niyang laban.
Tumango ang CEO. Sa unang pagkakataon, parang may bakas ng paghanga kay Elira.
“Persistent. Gutom. I like that,” aniya. “Dinner. Seven o’clock. I’ll send a car.”
Paglabas ni Elira sa opisina, parang wala siyang naririnig. Parang lumulutang. Halo ang kaba, takot, at kakaibang kilig. Pero sa ilalim ng lahat ng iyon ay ang paulit-ulit na boses ng ina sa isipan niya.
“Huwag mong isusugal ang dangal mo, anak. Kahit gaano kahirap ang buhay, piliin mong manatiling marangal.”
Pero paano kung ang marangal ay magugutom? Paano kung ang marangal ay hindi nakakabayad ng gamot? At paano kung... ang tinutulungan mo pala, ay isang taong mas malapit sa’yo kaysa sa inaakala mo?
***
Mula sa itaas ng building, tahimik na pinanood ng CEO ang pagbaba ni Elira.
“She doesn’t remember me,” bulong niya sa sarili. “Not yet.”
Tumalikod siya at binuksan ang drawer ng kanyang desk.
Sa loob, isang lumang larawan.
Isang batang babae, naka-costume ng school play, nakangiti sa gitna ng entablado. Sa likod ng larawan, may sulat kamay.
“To Ninong Gavin, salamat po sa pag-sponsor ng costume ko! One day, I’ll be a star.” , Elira, age 7
“But what happened? Bakit nagkaganito ang dating makulit at sweet na bata? Alam ba ng tatay mo ang ginagawa mo?” banggit niya habang nakatingin pa rin sa litrato at sa labas ng bintana. Wala na si Elira.
Mayamaya, kumatok ang secretary niya. Agad itong pumasok.
“Sir, we already have the final list of auditionee, and we need your final decision, ”
“Pick Elira Santillan.”
Napatigil si Elira. Parang may umalingawngaw sa tenga niya. Ramdam niya ang biglang pagbigat ng hangin sa pagitan nila. Hindi niya alam kung paano sasagutin iyon at kung paano kikilalanin ang buhol-buhol na damdaming nararamdaman niya ngayon.Gusto niyang sabihing galit siya dahil sinaktan siya ng ama niya. Gusto rin niyang isumbat kay Gavin na niloko siya nito sa loob ng dalawang linggo, pinaniwala siyang walang ibang agenda kundi tulungan siya. Pero mas gusto niyang takasan ang katotohanang sa loob ng maikling panahon na iyon, naging mahalaga na sa kanya si Gavin, higit pa sa dapat, higit pa sa tama. Minsan niya nang nakalimutan na may konenksyon si Gavin sa ama niya, dahil natabunan ito sa pagtulong ni Gavin sa kanya.At ngayon, sa isang iglap, parang giniba ang pader na itinayo niya para protektahan ang puso niya. Naisip niya na kasabwat ni Gavin ang ama at gustong bumalik ni Enrico sa buhay niya, sa buhay nila ng ina niya.Napakagat siya sa labi, pilit pinipigil ang luhang nagbab
Dalawang linggo na ang lumipas mula nang huli silang nag-usap ni Gavin. Simula noon, araw-araw nang uma-attend si Elira ng acting workshop. Una’y parang panaginip, mga ilaw ng entablado, direktor na sumisigaw ng “Action!”, at mga beteranong artista na parang hindi kailanman nawawalan ng emosyon sa bawat eksena.Sa unang araw pa lang, muntik na siyang umurong. Pero tiniis niya ang kaba, pinili ang tapang. Sa bawat eksenang kinailangan niyang sumigaw, humikbi, o manginig sa galit, inisip niya ang lahat ng sakit na pinagdaanan niya, mula sa pagkabata hanggang ngayon. Doon siya humuhugot. Kaya bawat luha niya sa eksena, totoo. Bawat sigaw, may ugat.At sa kabila ng pagod, ramdam niya, she’s growing. As an actress. As a woman. As someone reclaiming her place in the world.Tahimik siyang lumabas ng rehearsal room, pinupunasan ang pawis sa noo. Dumiretso siya sa CR. Sa wakas, sandali ng katahimikan. Sa loob ng cubicle, sinandal niya ang noo sa malamig na pader. Sandaling pahinga. “Kaya ko ’t
Tahimik sa loob ng sasakyan. Tanging tunog ng ulan at mahinang ugong ng makina ang bumabasag sa katahimikan. Nakatitig si Elira sa harapan, mahigpit ang pagkakahawak sa maliit niyang clutch bag. Ramdam niya ang lamig ng aircon sa balat ng kanyang mga braso, pero mas malamig ang presensya ng lalaking katabi niya.Ngunit sa kabila ng tila malamig na kilos ng lalaki, may init sa mga mata nito, parang may sinusuri. Hindi lang basta panlabas na anyo. Parang binabasa nito ang buong pagkatao niya.“Ano’ng pangalan mo ulit?” tanong nito habang nakatingin sa daan. Hindi niya nakalimutan ang pangalan ni Elira, ngunit tila sinadya para magbukas ng usapan. “Elira po,” sagot niya, mabilis, mahina, pero malinaw.Tumango ang lalaki. “Ilang taon ka na?”“Twenty-one,” halos pabulong ang sagot niya, sabay iwas ng tingin.Napalingon ang lalaki. Matagal. Mapagmatyag. “Twenty-one?” ulit nito.Tumango si Elira. Kumakabog ang dibdib. May kung anong bumibigat sa pagitan ng mga tanong nito, parang may hinaha
Bago pa man bumukas nang tuluyan ang gate ng kanilang barung-barong na bahay sa Tondo, mabilis nang sumingaw ang amoy ng luma, ng kahoy na basa. Pamilyar. Bahay nga nila. Kahit gaano kasimple, ito pa rin ang pinakaiingatang mundo ni Elira. Isang lugar na kahit bitak-bitak, ay punô ng alaala, masaya man o masakit.Bitbit ang maliit na paper bag mula sa botika, maingat siyang pumasok, iniiwasang gumawa ng ingay.“Ma?” tawag niya, mahina at may pag-aalala.Nagulat siya nang makita ang ina na halos nakatayo na mula sa pagkakahiga sa lumang sofa, pilit inaabot ang baso ng tubig sa mesa. Namimilipit ang katawan nito, nanginginig ang mga kamay.“Ma!” Nilapag agad ni Elira ang dala at mabilis na lumapit, agad inalalayan ang ina. “Ano ba? Sabi ko ‘di ba, magpahinga ka lang?”“Anak, kailangan ko lang naman uminom ng tubig. Ayoko namang parang inutil na lang ako dito,” sagot ng ina, pilit na ngumiti, pero halata sa mata ang hirap at pagod. Sa bawat salita nito ay parang may kasamang paghingal.H
Mainit ang ilaw sa studio, pero mas mainit ang kabog ng dibdib ni Elira habang nakaupo siya sa bench, kasabay ng halos dalawampung babaeng kagaya niya; magaganda, payat, bihis na bihis, at gutom na gutom sa tagumpay.“Number 17, Elira Santillan,” tawag ng assistant director.Tumayo siya, agad nag-angat ng baba, sinimot ang kumpiyansa sa katawan, at pumasok sa loob ng audition room na tila courtroom, puno ng mga matang huhusga sa kanya.Sa gitna ng mahabang mesa, nakaupo ang isang lalaki. Naka-itim na polo shirt, simple lang, pero lutang ang awtoridad. Tahimik siyang nakatitig, walang sinasabi, pero sapat na ang presensya niya para mapanginig ang tuhod ng kahit sinong gustong sumikat.“He’s the CEO,” bulong ng isang staff sa likod habang sinasara ang pinto.‘CEO? Ng Golden Sun Entertainment?’ sa isip niya.Ang kumpanya kung saan halos lahat ng sikat na artista ngayon ay dito nanggagaling. Elira’s throat tightened.“Name?” tanong ng lalaking nasa gilid, pero hindi ang CEO.“Elira Santil