Tahimik sa loob ng sasakyan. Tanging tunog ng ulan at mahinang ugong ng makina ang bumabasag sa katahimikan. Nakatitig si Elira sa harapan, mahigpit ang pagkakahawak sa maliit niyang clutch bag. Ramdam niya ang lamig ng aircon sa balat ng kanyang mga braso, pero mas malamig ang presensya ng lalaking katabi niya.
Ngunit sa kabila ng tila malamig na kilos ng lalaki, may init sa mga mata nito, parang may sinusuri. Hindi lang basta panlabas na anyo. Parang binabasa nito ang buong pagkatao niya.
“Ano’ng pangalan mo ulit?” tanong nito habang nakatingin sa daan. Hindi niya nakalimutan ang pangalan ni Elira, ngunit tila sinadya para magbukas ng usapan.
“Elira po,” sagot niya, mabilis, mahina, pero malinaw.
Tumango ang lalaki. “Ilang taon ka na?”
“Twenty-one,” halos pabulong ang sagot niya, sabay iwas ng tingin.
Napalingon ang lalaki. Matagal. Mapagmatyag. “Twenty-one?” ulit nito.
Tumango si Elira. Kumakabog ang dibdib. May kung anong bumibigat sa pagitan ng mga tanong nito, parang may hinahanap, o kinukumpirma.
“Sinong kasama mo sa bahay niyo, Elira?” tanong ni Gavin, kaswal ngunit may timbang.
Nagulat si Elira. Isang personal na tanong. Pero sumagot siya.
“Ang nanay ko.”
Saglit na nanigas ang katawan ng lalaki. Kumunot ang noo. “Nanay mo lang?” tila inuulit sa sarili, halos pabulong.
Napatingin si Elira sa kanya, bahagyang nagduda. “Yes po, ang nanay ko lang. Bakit niyo po natanong?”
Umiling si Gavin, mabilis, saka tipid na ngumiti. “Wala naman. Your father must be working?”
Biglang tumigas ang katawan ni Elira. Lalong hinigpitan ang hawak sa kanyang bag. May inis na umakyat mula sa dibdib.
“Mawalang galang na po, Sir. Pero pwede po bang huwag niyo na pong itanong tungkol sa pamilya ko?” Bakas sa tinig niya ang pigil na emosyon.
Naramdaman iyon ni Gavin. Kita sa bahagyang pagtaas ng kilay niya ang pagtataka, pero tumango lamang siya.
Tumahimik silang muli.
Pagdating sa isang private restaurant sa Pasig, agad silang sinalubong ng isang staff. Exclusive ang lugar, madilim ang ilaw, mamahalin ang mga chandelier, may huni ng classical music sa background. Parang hindi makagalaw si Elira. Iba ang mundo rito.
“Private room tayo,” wika ni Gavin. Parang awtomatiko na lang.
Sumunod siya, nanginginig ang tuhod. Pero pinilit niyang huwag ipahalata. Laban kung laban.
Sa loob ng kwarto, naupo siya sa dulo ng mesa. Sa kabila naman si Gavin, relaks, pero may dating. Parang hari sa sariling teritoryo.
“Uminom ka muna ng tubig,” alok nito, sabay turo sa wine glass.
Kinuha ni Elira iyon. Napansin ni Gavin ang bahagyang panginginig ng kamay niya.
“Nerbyosa ka ba?” tanong nito, bahagyang nakangiti.
“K-kaunti po. Hindi kasi ako sanay sa ganito…”
“Anong klaseng ‘ganito’?”
“Yong... mamahaling lugar. Private dinner. Tapos ang kasama ko po ay CEO ng company,” pag-amin niya, bahagyang natawa sa sarili.
Tumahimik muli si Gavin. Pinagmasdan siya.
“Mukhang hindi ito ang unang beses mong sumubok pumasok sa industriya,” wika nito. Hindi tanong, kundi obserbasyon.
Tumango si Elira. “Ilang taon na rin po. Commercials, auditions, minsan extra. Pero laging bitin. Parang laging may kulang.”
“Hindi talento ang kulang mo,” agad na sagot ni Gavin, matatag ang tono. “Yong mundo lang, hindi palaging patas.”
Nagtaas siya ng tingin. Nakatingin pa rin si Gavin sa kanya, hindi nanliligaw, hindi nanunukso, kundi... parang may hinahanap.
“Santillan,” banggit ni Gavin, mabagal. “Anong pangalan ng tatay mo?”
Biglang tumigas ang katawan ni Elira. Pangalawang beses na ito. Puro ama ang tanong. Parang tinutusok ang sugat na matagal na niyang pilit kinakalimutan.
“Hindi po ba napag-usapan na natin na sana po ay huwag niyo nang tanungin ang tungkol sa pamilya ko, ”
“You will be my artist, Elira. Kaya dapat lang na malaman ko, hindi ba?”
Napabuntonghininga si Elira. Alam niyang may punto ang lalaki, pero sa loob niya, ayaw na niyang ungkatin ang nakaraan. Wala na siyang makukuha roon kundi sakit.
“Wala na po siya,” sagot niya. Direkta. Pilit pinanatiling kalmado ang tinig.
“Wala na? Paanong wala na?”
Nagtataka si Gavin, pero hindi agresibo. Parang... mas nasaktan pa siya sa narinig.
Napayuko si Elira. Hindi agad nakasagot. Sa loob ng puso niya, may kirot na muling gumising.
“Sorry,” sabi ni Gavin, mahinang tinig. “Hindi ko intensyong makialam. Natanong ko lang kasi... may kakilala akong Santillan. Kaibigan ko dati. Matagal na.”
Napalingon si Elira, bahagyang nanlaki ang mata.
“Anong pangalan niya?” tanong niya, halos pabulong.
“Enrico. Enrico Santillan. Kaibigan ko noong college. Matalino. Magaling sa photography. Lagi siyang may dalang kamera.”
Biglang tumayo ang balahibo ni Elira. Napalunok siya. Mabilis.
‘So, kilala niya ang tatay ko.’ sa isip ni Elira. Mas lalo siyang nasaktan ngayon dahil kaharap niya ang isa sa parte ng buhay ng kanyang ama.
“’Yon po ang pangalan ng tatay ko,” bulong niya.
Nagkatinginan sila. Mabigat. Parang sa isang iglap, may bumukas na pinto sa pagitan nila. Isang alaala. Isang ugnayang hindi nila inaasahang mabubuksan muli.
Muling nagsalita si Gavin. Mahina at mabagal. “You’ve grown.”
Kumunot ang noo ni Elira. “Kilala mo ako?” tanong niya.
Agad na umiling si Gavin. “Not personally. Nakwento ka lang ng ama mo sa akin noon.”
“Psh, may gana pa siyang ikwento ako sa iba,” bulong niya pero narinig iyon ni Gavin.
Hindi na lamang iyon tinanong ni Gavin, ramdam niya na may galit si Elira sa ama nito.
“Iniwan niya kami,” sabi ni Elira, matigas ang tinig kahit nanginginig ang dibdib. “Hindi ko na siya nakita mula noong natapos ako ng high school.”
Hindi agad sumagot si Gavin. May kumislap sa mga mata nito. Alaala. Gulat. Lungkot. Parang may hindi siya masabi.
“Ilang taon ka na noon?” tanong nito, halos bulong.
“Sixteen,” sagot ni Elira.
Napatingin si Gavin sa mesa. Parang may gustong buwagin sa pagitan nila, pero hindi niya alam kung paano.
Tumayo si Elira nang diretso ang likod. Sa dami ng tanong, sa dami ng sagot na hindi niya alam kung totoo, isa lang ang gusto niyang gawin ngayon: ilihis ang usapan. Ibalik sa kung bakit siya narito.
“Sir Gavin,” panimula niya, may pormal na tinig. “Kung gusto niyo po akong maging artista ng Golden Sun, sabihin niyo po sa akin kung anong dapat kong gawin. Hindi ko po kailangan ng special treatment. Gusto ko lang po... ang pagkakataong mapatunayan ang sarili ko na kaya ko rin ang kayang gawin ng mga nauna at sikat sa akin.”
Hindi agad sumagot si Gavin. Titig pa rin ito sa kanya, pero ngayon ay may paggalang. May pagpigil.
“At gusto ko pong mapabilang sa malalaking roles. Ayoko pong puro background lang habang buhay,” dagdag niya, buo ang loob.
Bahagyang ngumiti si Gavin. Tipid. May respeto sa tapang ng babae sa harap niya. Hindi na bata. Hindi na inosente. May bigat, may layunin.
“Tama ka,” sagot niya. “Simula bukas, may acting workshop ka sa studio. Diretso tayo. Walang palakasan. Pero kung ano ang nakita ko sa ‘yo ngayon... baka hindi lang background role ang mapasaiyo.”
Napatitig si Elira. At kahit hindi pa niya alam kung gaano katatag ang pagkakilala ng ama niya at ng CEO noon, isa lang ang malinaw.
Ito na ang simula ng laban ng pangarap niya. At hindi na siya aatras.
Naroon na si Amelie sa harap ng bahay nila Elira, nakasandal sa pinto ng itim na van ng kumpanya, hawak ang clipboard at tila abala sa pagbabasa ng schedule. Paglabas ni Elira mula sa gate, agad siyang nginitian ni Amelie at kumaway.“Good morning, Elira!” masigla nitong bati.“Good morning din, Amelie,” sagot niya, bitbit ang lunch bag na iniabot ng kanyang ina kanina.Pagpasok niya sa van, ramdam agad ang malamig na aircon at ang kaunting amoy ng bagong linis na sasakyan. Umupo siya sa likod, at agad na sinara ang pinto ng staff na sumalubong. Si Amelie naman ay umupo sa tabi niya, hawak pa rin ang listahan ng mga gagawin.“Okay, eto na. Ready ka na ba? Busy tayo ngayong araw,” bungad agad ni Amelie habang pinapakita ang schedule.Napakurap si Elira at tumango na lang. Kahit hindi pa nagsisimula, ramdam na niya ang bigat ng araw.“Una, punta tayo sa bagong location sa Tondo. May tatlong eksena kang kukunan roon. Alam kong medyo masikip at matao sa lugar, pero iyon mismo ang kailanga
Hindi nakapagsalita si Elira, dahil hindi niya alam kung ano ang sasabihin sa sinabi ni Gavin. Napalunok na lang siya ng laway at umiwas ng tingin.“Mauuna na po ako,” sabi niya, sabay dahan-dahang binuksan ang pintuan ng passenger seat.Sakto naman ay papalapit na si Josephine. “Anak, ikaw pala iyan. Sino ang kasama mo? Patuloyin mo muna, sila Amelie ba iyan?” usisa nito, pilit na sumisilip sa loob ng kotse. Ngunit mabilis nang naisara ni Elira ang pintuan bago pa makasilip ang kanyang ina.“Opo, Ma. Pero aalis din po agad sila dahil may inutos po sa kanila,” pagsisinungaling niya, pilit pinapakalma ang sarili.Napakunot-noo si Josephine. “Sayang naman,” saad nito, tila may konting pagtataka.At sakto ring umandar ang kotse ni Gavin, kaya doon lang nakahinga nang maluwag si Elira. Bumaling siya kay Josephine at hinawakan ito sa braso. “Pasok na po tayo sa loob, Ma,” nakangiti niyang sabi, pilit na iniiwasan ang karagdagang tanong.Sumunod naman ang ina, kahit ramdam niya ang pagtatak
Napakurap-kurap si Gavin, nakaawang ang kanyang bibig hanggang sa sumilay ang matamis na ngiti sa labi niya.“Really?” tanong nito, mababa ngunit may halong tuwa sa tinig.Mabilis namang umiwas ng tingin si Elira, ramdam ang init sa pisngi niya. Nahihiya siya sa nagawa, at ni hindi niya alam kung bakit lumabas iyon sa bibig niya gayong dapat ay nasa isipan lang.“N-nasaan po ba ang kotse ninyo?” tanong niya agad, pilit na iniiba ang usapan. Nauna siyang naglakad at kunyari’y abala sa paghahanap ng kotse ni Gavin, kahit na wala naman talaga siyang ideya kung saan nakaparada.Narinig niya ang mahinang tawa ni Gavin mula sa likuran. Kahit simpleng tawa lang iyon, tila dumaan ang kiliti sa pandinig niya. Ang gaan pakinggan, nakakaaliw, at higit sa lahat, nakakabighani.“Gaga ka, Elira. Ninong mo iyan, boss pa. Tumigil ka,” giit niya sa sarili habang patuloy sa paglalakad, pero hindi mapigilan ang bahagyang pagngiti.“Saan na ba kasi iyong kotse niya…” bulong niya sa sarili, nagmamasid sa
“P-po?” gulat na tanong ni Elira, napakurap-kurap siya habang nakatingin kay Gavin.Si Gavin naman, tila natauhan sa naging sagot niya. Nalito siya sa reaksyon ng dalaga pero nang maisip niya ang pagkakasabi niya, mabilis siyang umiling at agad naghanap ng tamang salita. Para bang handa na siyang magpaliwanag bago pa man siya maliitin o pagtawanan.“What I mean,” malumanay na sabi niya, “you can call me if you need me… o kung gusto mong samahan kita sa kung saan mo gusto. But anyway…” Huminto siya sa pagsasalita, bahagyang umayos ng upo at tumikhim. “Are you done? Ihahatid na kita sa inyo—”“Babalik po ako sa set. Baka po kailangan na ako roon,” mabilis na sagot ni Elira, halos nagmamadali ang tono para maiwasan ang alok ni Gavin.Ngunit mabilis ding sumagot si Gavin, hindi man lang nagpadaig. “I think wala ka naman ng kailangan i-shoot doon. Tapos ka na sa mga parts mo, hindi ba?”Napakurap si Elira, lalo siyang nagtaka kung bakit parang mas kabisado pa ni Gavin ang schedule niya kay
Hindi pa rin maitindihan ni Elira ang lahat. Una, gumamit si Gavin ng isang tao para lang madala siya sa loob ng hotel room kung nasaan sila ngayon, pangalawa, marami pa itong sinasabi at panghuli ay gusto lang naman pala siyang isama sa isang party. Umiling-iling siya, malalim ang iniisip. Napansin iyon ni Gavin kaya muli siyang nagsalita. “Look, Elira. Simple lang naman ang hiningi ko, you’re going to join me in the party—”“Yeah, gets ko naman po. Pero bakit nga po ako? Hindi ba nandyan naman si Ninang Lorelyn? Bakit po hindi siya?” sunod-sunod na tanong niya. Napatigil si Gavin, napagtanto na kung bakit tila nagdadalawang isip si Elira. Bumuntong hininga siya. “She’s gone. Pumunta muna siya sa Taiwan for her business, kaya hindi siya pwede,” paliwanag ni Gavin. Hindi nagsalita si Elira, mas lalo niya pa ring pinag-isipan ang desisyon niya pero si Gavin ay patuloy parin sa pagsasalita. “Don’t worry, you won’t get in trouble, beside ako naman ang kasama mo, not some other actors
Pagkapasok ni Elira sa loob ng presidential suite, hindi niya maiwasang kabahan. Ang unang bumungad sa kanya ay ang king-size bed na para bang iniukit para sa isang pelikula, apat na poste, may disenyo ng mga diyosa mula sa Greek mythology. Parang may sinasabi ang paligid: power, beauty, at desire.Lumingon si Elira kay Boss Kim na kanina ay si Gavin mismo ang hinahanap pero mayamaya ay inaya siya nitong umalis sa set. ***Flashback:“Anong ibig mo pong sabihin?” tanong ni Elira, kinakabahan na siya dahil binanggit na ni Boss Kim si Gavin mismo at tungkol sa pagbisita nito. Lumapit naman si Boss Kim kay Elira dahilan para mapaatras si Elira. “I know you…Miss Elira. Ikaw ang binisita niya rito noong nakaraan, hindi ba?”Natigilan si Elira sa kinatayuan niya. “Well, kung ayaw mong sabihin ko sa kanilang lahat, sumama ka sa’kin…dahil alam ko, na kung isasama kita, lalabas siya at magpapakita sa akin,” dagdag pa nito na kinatakot ni Elira. Hindi niya alam ang gagawin niya. “Hindi ko po