Share

08

Penulis: Anoushka
last update Terakhir Diperbarui: 2025-08-03 13:46:15
Nagkatinginan lang ang lahat sa loob ng opisina, kahit gusto nilang magreklamo ay hindi nila magawa dahil alam nila ang susunod na mangyayari. Sa oras na kumontra sila sa utos ni Gavin, sila ang mawawalan ng trabaho.

“Alright, Sir Gavin. We will do our best,” sabi ng head director at saka inutosan ang lahat na lumabas na.

Pagkalabas na pagkalabas nila, nagsimula na silang suminghap at magrekalmo. Kahit ang iilang staff na nasa kanya-kanyang cubicle ay nagtataka rin sa nangyayari dahil kanina pa sila nasa loob ng opisina ni Gavin.

“Ano bang meron sa bagohan na iyon at ganoon na lang ka-special kay Sir Gavin?”

“Hindi ko ba malaman kung bakit, ilang linggo palang naman iyon nagsisimula sa ginagawa natin pero ayaw pakawalanan.”

“Ang balita ko nga, magkakilala sila sa personal kaya ganoon, nakuha ni Elira ang big role ng project na ito.”

Maraming discussion ang iba sa kanila habang naglalakad pabalik sa kanya-kanyang cubicle, maliban sa head director na tahimik simula nang lumabas sa opi
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • My Ninong’s Secret Desire   85

    Pagkatapos ng mahabang pag-iikot sa unit at pagpapaliwanag ng may-ari tungkol sa bawat sulok ng condo, mula sa smart features hanggang sa emergency access, nagpasya na rin silang bumaba. Tahimik silang naglakad palabas ng building pero hindi mabigat ang katahimikan ngayon. Mas magaan at mas malinaw.Pagdating nila sa parking area, inunahan ni Gavin si Elira sa pagbukas ng pinto ng sasakyan. Napailing si Elira, hindi dahil sa inis, kundi dahil sa hindi niya maunawaang lambing na dahan-dahan nang bumabalot sa kanya.“Hindi mo kailangang gawin ‘yan lagi,” sabi niya habang sumasakay.Tumango si Gavin habang umiikot sa driver’s side. “I know.” Umupo na ito at isinara ang pinto. “Pero gusto kong gawin palagi.”Hindi siya nakaimik. Nang umandar ang sasakyan, doon lang muling nagsalita si Gavin.“So… what do you think?” tanong nitong may sinusukat sa tono. “About the place.”Huminga si Elira nang malalim, naka-sandal, at nakatingin sa mga streetlights na dumadaan sa bintana. “Maganda. Sobra.”

  • My Ninong’s Secret Desire   84

    Sa kabilang banda, lumabas na si Gavin mula sa tent ni Elira at saka dumiretso sa director area para magbigay pa ng instructions patungkol kay Katty. Wala namang nagawa ang direktor kundi gawin ang inutos si Gavin. Si Elira naman, hinayaan niya muna ang sarili na umayos dahil bago lumabas si Gavin, hinalikan pa siya nito kahit sa saan sa katawan niya na may kasamang paghaplos. Dahilan para manghina siya. Huminga siya nang malalim, tumingin sa salamin na nasa harap niya at saka ngumiti ng tipid. Hindi niya kayang maging masaya lalo na’t siya ang naging dahilan kung bakit may nawalan ng project. Naisip niya narin na kausapin muli si Katty pero agad din sumagi sa kabilang isip niya na hindi nito tatanggapin ang kahit ano mang sabihin niya, baka lalo lang lumala ang gulo. Nang matapos na siyang ayusin at pakalmahin ang sarili, lumabas siya ng tent. Nakita niya na abala na muli ang mga staff. Wala narin si Gavin pero nang bumaling siya sa kaliwa niya, nakita niya si Marco na nakatayo a

  • My Ninong’s Secret Desire   83

    Si Gavin ang biglang dumating, nagulat ang lahat at ang kaninang tila excited sa kung ano ang pwedeng mangyari sa sagutan nina Elira at Katty ay napalitan ng kaba. Hindi nila kayang makagawa ng gulo kapag nariyan si Gavin. “S-sir Gavin…ano pong ginagawa ninyo rito? May kailangan po ba kayo?” kinakabahang tanong ng direktor na may kabadong ngiti sa kanyang labi. Tinignan lang siya saglit ni Gavin at ang buong atensyon nito ay nakay Elira na. ‘Naku, patay na tayo. Kung sana ay hindi nalang sumagot si Elira kay Katty baka mapag-usapan pa.’ isip ng direktor. Nag-aalala siya para kay Elira, at ayaw niyang mawala ito sa project. Dahil sa nangyari na biglaang dumating ni Gavin ay baka mas lalo lang mapaalis si Elira.Si Katty naman ay ngumisi na para bang siya na ang nanalo sa laro na ginawa niya. Tumingin siya kay Gavin, tumabi ito sa kanya. “Tito Gavin…mabuti nandito ka. This woman—”“Remove your hands off me,” malamig na sabi ni Gavin dahilan para mas lalong magulat ang lahat, pati si

  • My Ninong’s Secret Desire   82

    Dalawang araw ang lumipas nang magka-usap sina Gavin, Elira at Josephine, at dalawang araw narin ang lumipas na para bang may nabawasang pinapasang mabigat si Elira sa dibdib niya. Lalo na, pinapayagan na siya ni Josephine na makasama si Gavin, basta ang mahalaga raw ay mag-iingat. Ngayong araw, Biyernes. Huling araw ng Linggo para may trabaho si Elira. Bumalik narin siya sa prime era niya kung saan ginawa niya na lahat ng naiwan na list of schedules. Bumawi na siya sa mga shooting na wala siya kaya bakbakan na talaga. “Elira, ready?” tanong ng direktor. Tumayo naman si Elira mula sa upuan niya at naglakad papunta sa pwesto niya para sa unang shoot. Ang eksena ay magkikita sila ni Marco sa isang sikat na restuarant, may kasamang ibang babae si Marco. Nagtagal hanggang sampung take ang scene na iyon dahil baguhan ang babaeng karakter kaya nahihirapan silang ituro agad dito. “Mabuti pa si Elira noon, kahit baguhan mabilis siya matuto. Hindi tayo nahihirapan, napapadali ang trabaho n

  • My Ninong’s Secret Desire   81

    Nanatiling nakababa ang tingin ni Gavin matapos marinig ang huling sinabi ni Josephine. Hindi iyon utos, hindi rin pakiusap. Isa iyong deklarasyon mula sa isang ina na buong buhay ay nagsakripisyo para sa anak, at ngayon ay nakaharap ang lalaking pinili nitong pagmulan ng responsibilidad.Bahagya siyang tumango, ngunit hindi pa nakakasagot nang tuluyang dumulas si Josephine pabalik sa pagkakaupo. Hindi na galit ang mukha nito, pero hindi rin maluwag. Para bang may hinihintay pa itong patunay mula sa kanya bago ito huminga nang kumpleto.Ang sala ay muling binalot ng tahimik na hangin. Sa labas, may humintong tricycle, umandar ulit, at unti-unting nawala ang ingay. Sa loob, halos marinig ni Gavin ang tibok ng sarili niyang dibdib. Nasanay siyang humarap sa board members, investors, artists, at kahit mga basher, pero ang pag-upo ngayon sa harap ni Josephine ay parang mas mabigat pa kaysa lahat ng iyon.“Josephine…” simulang sambit ni Gavin, nilalapatan ng maingat na tono ang boses. “Ala

  • My Ninong’s Secret Desire   80

    Nang bumukas ang pintuan ng bahay, agad na bumaling si Josephine, tumayo na tila kanina pa nag-aantay dahil sa sabik at lungkot nitong mukha. At sa oras na nakita niya si Elira napaluha siya. Mabigat parin ang pakiramdam niya pero hindi na tulad kahapon na umalis si Elira, ngayon ay para bang may nabawasan na kaunting bigat. “M-ma…” mahinang sabi ni Elira, nagsimula narin manubig ang gilid sa kanyang mga mata. Sakto naman ay lumabas si Klarise mula sa kusina, may dala itong baso ng tubig na ibibigay kay Josephine, at akmang ibibigay na nito nang bigla siyang nilapitan ni Elira at kinuha ang baso na hawak ni Klarise. Tumango siya kay Klarise na tila senyas na siya nalang ang magbibigay ng tubig sa ina. Pumayag naman si Klarise at nagpaalam na lalabas muna ng bahay. Paglabas niya, nagulat siya nang makita si Gavin. Tumayo naman ng tuwid si Gavin nang maramdaman na may lumabas mula sa bahay, ang akala niya ay si Elira iyon pero nang makita niya si Klarise ay tinignan niya lang ito nan

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status