LOGINTahimik ang loob ng bahay nang gabing iyon.Pagkapasok nina Elira at Enrico, tila nanlalamig ang hangin sa paligid, parang may mabigat na bagay na nakabitin sa pagitan ng nakaraan at kasalukuyan. Ilang segundo ring walang nagsalita, lalo na nang makita ni Josephine ang lalaking matagal na niyang hindi nasilayan.Nakatayo siya sa may sala, hawak ang baso ng tubig, ngunit tila nakalimutan na niya itong inumin.“Enrico…” mahinang sambit niya, halos hindi makapaniwala.Napayuko si Enrico. Hindi niya kayang salubungin ang tingin ng dating asawa. “Josephine… pasensya na kung… kung bigla akong dumating.”Naramdaman ni Elira ang tensyon sa pagitan nilang dalawa kaya marahan siyang huminga bago nagsalita.“Ma… ako po ang nagdala sa kanya rito…” Huminto siya saka naglakad patungo sa ina niya. “Umupo po muna tayo sa sala,” dagdag niya. Bumaling siya kay Enrico para ayain din ito na umupo sa sala. Sumunod naman ang ama. “Ma, may kailangan kang malaman,” maingat na saad ni Elira.Naguguluhan man,
Dalawang buwan na ang lumipas, magaling na si Elira at bumalik narin siya sa trabaho. Pero hindi rin niya kinuha agad ang projects dahil advise ni Suzy na dahan-dahan muna. Ang kinuha niya ay mga photoshoots lang sa mga brands, at isang movie project. Sa loob ng tent niya, pumasok si Amelie, may dala siyang paboritong kape ni Elira, sa make-up artist at sa kanya. “Thank you, Amelie,” sabi ni Elira. “By the way, lumapit sa akin ang guard ng production pagkapasok ko rito. May naghahanap daw sa’yo, hindi niya muna pinapasok dahil kailangan niya muna ng confirmation saiyo. Hindi ko kilala ang tao,” paliwanag ni Amelie. Kumunot ang noo ni Elira. Wala naman siyang inasahan na bisita. “Ano raw ang pangalan?” tanong niya. Tumingin siya sa make-up artist para patigilin muna sa ginagawa nito sa pag-aayos sa kanya. “Magkape ka muna,” saad niya. “Okay, thank you, Miss Elira,” sagot ng make-up artist. Tumayo si Elira saka lumapit kay Amelie. “Enrico raw,” sagot ni Amelie. Napatigil si Elir
Kinabukasan, doon palang dumating ang mga abogado nina Lorelyn at ng magulang niya sa presinto. Isa-isa silang kinausap kasama ang tig-iisang officer sa isang room. “Do something, Attorney. Hindi ako pwedeng makulong.” giit na sabi ni Lorelyn. Sa totoo lang, nahihirapan ang abogado niya na ipanalo ang kaso dahil alam niya mas makapangyarihan ang kabila. “Wala naman silang pruweba, hindi ba?” galit na tanong ni Lorelyn.“Meron, Miss Lorelyn. Iyong dalawang taong inutusan mo na dukutin si Mr. Cordova, umamin.”“So, si Gavin ang nagsabi na dinukot ko siya?” Mas lalong lumala ang galit niya.“No, he just told the police that you kidnapped Miss Elira Santillan. Pero nawala na iyong lalaking dumukot sa kanya, ginamit ni Mr. Cordova ang mga lalaking sinabi niyang kumuha sa kanya,” paliwanag ng abogado. Napahawak si Lorelyn sa ulo niya, halos pukpokin niya iyon. ‘Napaka-tanga ko. I trusted him! Kahit alam kong gagawin niya rin ito.’ Hindi niya maiwasang isipan ang pagkahindi ni Gavin sa
Napuno ng mga bulungan ang buong simbahan, kahit ang pari sa harap ay naguguluhan sa nangyayari. Kaagad na tumayo ang magulang ni Lorelyn, lumapit sa mga police. “Sir, mali yata kayo ng pinasukan. This is a big event,” seryosong sabi ng ama ni Lorelyn. “This is my daughter’s wedding. Ang bastos niyo yata na biglaan nalang kayong pumasok.”Hindi nagpatinag ang pulis na nasa unahan. Maingat niyang inilabas ang dokumentong hawak at inilahad iyon sa harap ng ama ni Lorelyn, sapat para mabasa nito ang nakasulat.“Sir, may dala kaming warrant of arrest,” mahinahon ngunit matigas ang boses niya. “Para po ito kay Miss Lorelyn Dela Paz, kaugnay sa kasong kidnapping.”Parang biglang bumigat ang hangin sa loob ng simbahan. Lalong lumakas ang bulungan ng mga bisita, may ilan pang napatayo mula sa upuan para mas makita ang nangyayari sa harap.Nanigas ang ama ni Lorelyn, hindi agad nakapagsalita. “Kidnapping? That’s ridiculous,” mariin niyang sagot, pilit pinananatiling kalmado ang tono. “Sigurad
Kinabukasan, magkatabi parin sina Elira at Gavin sa kama. Naunang magising si Elira, dahan-dahan siyang tumingin sa gilid niya, at nang makita niya si Gavin sa tabi niya, napabangon siya. Tumingin siya sa orasan na nasa side table. “Nako naman, malapit na ang oras.” Bulong niya. Iniisip niya na kailangan nang umalis ni Gavin kaya ginising niya ito. “Hmm, hug me more,” Mahina nitong sabi. “Araw na ng kasal. Baka mahuli ka,” Mahina niyang sabi. Pero hindi siya pinakinggan ni Gavin, hinila siya nito para yakapin. “Gavin… baka mahuli ka kasi,” sabi niya. “Hmm, hayaan mo na iyon. My men are already there,” saad nito. Hinalikan niya si Elira sa labi, tumugon naman si Elira at may maliliit na ungol ang lumalabas. Mayamaya, siya rin ang tumigil. "You should prepare now, we need to stick to the plan. "Nagreklamo si Gavin, ngumuso siya. "Alright. Pero bago ako umalis, we need to have a breakfast first. Gusto kong kasama kita sa breakfast."Natawa nang mahina si Elira saka tumango. "Ok
Hindi nagmamadali si Gavin habang hinahawakan si Elira, bawat galaw ay may halong pag-aalinlangan at pag-iingat, na para bang natatakot siyang masaktan muli ang babaeng nasa harapan niya.Tahimik ang silid, tanging ang magaan nilang paghinga ang maririnig. Sa bawat paglapit ng katawan nila sa isa’t isa, mas lalong umiinit ang hangin sa pagitan nila.Nakatitig si Gavin kay Elira, sa mga mata nitong puno ng lambing ngunit may halong lungkot. Para bang sa kabila ng sandaling iyon, pareho nilang alam na hindi ito simpleng gabi lamang.“Hindi pa huli ang lahat para umatras…” mahinang bulong ni Gavin, halos hindi marinig.Kahit hindi niya narin kayang pigilan ang sariling nararamdaman na sensasyon sa kanyang katawan, ang iniisip niya parin ay si Elira. Hindi pa naman talaga buong maayos ang kalayan ng dalaga. Kaya nagtataka siya kung bakit tila si Elira na mismo ang unang gumalaw. Ngunit marahang umiling si Elira. Inabot niya ang mukha ni Gavin at hinaplos iyon, ang kanyang mga daliri ay d
Tahimik silang dalawa habang bumabaybay sa kalsadang patungo sa gilid ng bundok. Sa labas, nakapila ang mga punong niyog at santol, nakahapay sa malamig na hangin ng gabi. Tanging tunog ng makina at ng mga kuliglig sa malayo ang maririnig. Paminsan-minsan, sumasayad ang liwanag ng headlights sa mga
Nabasa niya rin ang kasunod na text mula kay Gavin kung saan siya nag-aantay. Hindi na siya nakasagot. Sa halip, tumayo siya mula sa kama at marahang binuksan ang aparador. Isinuot niya ang itim na hoodie, itim na pantalon, cap, at sunglasses. Nilagay niya sa bulsa ang cellphone at susi ng bahay.
Buong gabi, hindi mapakali si Elira. Pagkatapos ng nangyari sa restobar sa Antipolo, parang paulit-ulit lang na bumabalik sa isip niya ang bawat eksena, ang halik ni Marco, ang biglang pagdating ni Gavin, at ang malamig pero sugatang tingin nito bago siya umalis.Tahimik lang sila ni Marco sa biyah
Napansin ni Gavin ang katahimikan ni Elira, hindi siya mapakali kaya inayos niya ng upo si Elira sa tabi niya at tinignan ng may pagtataka.“Hey, tell me what’s wrong. Kanina ko pa napapansin na tahimik ka. May nangyari ba?” sunod-sunod na sabi ni Gavin. Tumingin si Elira sa kanya, hindi nito kaya







