MasukCiara's point of view
Kinabukasan, abala na ako at si Luca sa paghahanda para pumunta sa clinic na ni-recommend ni Zelda. Before heading home yesterday, she called up Dr. Collins to give him a heads-up that we were planning to see him. Habang nag-aayos ng sintas ng sapatos ko, nagtanong ako kay Luca, in the gentlest way I could, keeping my cool, afraid Luca might lose his temper again. “Luca… kung sakali lang sabihin ng doctor na kailangan nating pareho magpa-check, papayag ka ba ngayon?” Napangiwi naman si Luca, agad niya akong nilingon na parang nabwisit na kaagad. “Paulit-ulit na tayo rito, Ciara. Ilang beses na tayong nagpatingin, at wala akong problema. Ikaw lang ang magpapatingin. Kung wala pa man tayong anak, malas lang 'yun. Huwag mo akong idamay sa issue ko.” Napakagat-labi naman ako at dahan-dahang tumango. “Sige, Luca…” Lumabas kami ng bahay at dumiretso agad sa garahe. Luca slid into the driver’s seat ng company car na nakuha niya after five years of service. He fastened his seatbelt and said, “Pagdating natin doon, don’t talk to the doctor much. Mag-consult lang, ’yon lang,” paalala niya bago inilabas ang kotse mula sa ungated garage. Walang kibo ako na nakatingin sa bintana habang bumuntong-hininga nang malalim. I didn’t want to argue with my husband who always had to win an argument. Sa dalawang taon namin kasal, never pa talaga siyang nakinig sa mga reklamo ko. We married out of love, hindi dahil sa pilitan, pero habang tumatagal, si Luca ay naging mas malamig at halos hindi na matantya ang ugali. Habang nagda-drive si Luca, hindi na siya mapakali lalo na nang sumabit kami sa matinding trapik sa highway. Parang hindi na talaga umuusad ang mga sasakyan. “Luca, baka may iba pang daan?” maingat na suhestyon ko. Napalingon siya sa akin na agad namang ikinaasim ng mukha niya. “Ang kulit mo rin minsan, ’no? Kita mong barado lahat, tapos ako pa sisisihin kung bakit trapik? Ano gusto mo, liparin ko ’tong sasakyan?” I was taken aback by his curt response, my lips tightening into a thin line. Hindi ko naman siya sinisisi? Nagtanong lang naman ako. “Tsk!” pinukpok na ni Luca ang manibela, at seryosong tumingin sa harap. “Bwisit! Ang aga-aga, stress na agad. Kung alam kong ganito, nagtrabaho na lang sana ako. Ikaw kasi, schedule ka nang schedule nang hindi nag-iisip!” I dropped my gaze, my fingers nervously twisting together as I struggled to keep the tears from spilling. After a few seconds of silence, Luca suddenly shot me a sharp glare. “Alam mo, bumaba ka na lang. Mag-angkas ka nalang papunta doon. Ako na bahala rito, susunod ako. Nakaka-init ka lang ng ulo.” “Luca…” I called out softly, startled by his sudden decision. “Wala nang pero pero. Get out now.” Wala na akong nagawa kundi buksan ang pinto at marahang bumaba. “Remember this, ha, 'wag ka na magsabi ng kung ano-ano. Just consult about your pregnancy lang,” paalala ni Luca habang pinaandar na ang sasakyan. Ni hindi man lang ako nakasagot sa paalala niya. Naiwan nalang akong nakatayo sa gilid ng kalsada, pa-simple lang ang pag-usad ng sasakyan niya na parang pagong na maglakad, parang mas gusto pa niyang maiwan ako kaysa marinig pa ang boses ko. Soon enough, the Angkas driver I booked showed up. I took the helmet right away, slipped it on, and climbed onto the back seat of the motorbike. “Kuya, sa clinic po ng naka-pin sa app. Medyo nagmamadali po ako, may appointment po kasi ako kay Dr. Collins,” sabi ko na halos nanginginig pa rin ang boses. “Sige po, ma’am, kapit lang kayo,” sagot ng driver bago pinaandar ang motor. Habang binabaybay namin ang makipot na kalsada, ramdam ko ang bilis ng hangin na dumadampi sa pisngi ko. Sa gitna ng traffic na halos gumagapang na, nakakalusot na ang motor sa pagitan ng mga sasakyan. I blinked my eyes shut a few times from the nerves, but I let it slide. After all, it was better than showing up late to my appointment. “Tagasaan kayo, ma’am?” the driver asked, glancing back while we waited at the red light. “Sa San Jose, Antique lang po. Pero dito na ako tumuloy kasi dito clinic ng OB-GYN na nirekomenda ng pamilya ng asawa ko.” “Ah, si Dr. Collins?” mabilis na tugon ng driver. “Sikat talaga ‘yon dito. May kapitbahay nga ako, halos labinlimang taon nang walang anak. Doon siya kay Dr. Collins nagpagamot, tatlong buwan lang, ayun, buntis agad. Magaling daw kasi talaga na OB.” I felt a small smile tug at my lips. Kahit papaano, nagkaroon ako ng konting pag-asa. Maybe this was the moment, the beginning of what we had long been waiting for. I am an only child lang kaya lahat ng pag-asa ng pamilya naka-focus sa akin. Hindi naman kami super mayaman, pero may ilang hectares ng lupa, mga palayan at isang maliit na paupahan sa baryo, na balang araw mapupunta rin sa akin. Sa side naman ni Luca, may isa pa siyang kapatid na babae pero single pa rin hanggang ngayon. Kaya lalo akong naiipit kasi pati parents ni Luca, sabik na sabik din sa apo. At ‘pag nagkataon, ‘yung magiging anak namin ang magmamana ng lahat, lupa at mga properties ng parehong pamilya. Muli kaming bumilis sa pagtakbo, at 'di nagtagal ay lumiko kami papasok sa isang mas tahimik na kalsada. Huminto ang driver sa tapat ng isang shophouse na ginawang private clinic. May malaki ring karatulang nakasulat na hindi ko na napansin, nasa pinto lang kasi ang tingin ko. “Ma’am, dito na po tayo,” sabi ng driver, sabay abot ng resibo. “Salamat, kuya.” Bumaba na ako at inabot ang bayad, maingat na inalis ang helmet. Habang papalapit ako sa pinto, ramdam ko ang bigat sa dibdib na may halong kaba at pag-asa. Mula sa labas, kita ko na ang waiting area. Marami nang nakaupo, may mga batang mag-asawa, may mga medyo may edad na rin. Pare-parehong may dalang dasal at pag-asa. Carefully, I pushed the glass door open and made my way to the receptionist’s desk, my steps a little hesitant. “Good morning po. Ako si Ciara, asawa ni Luca. May appointment po ako kay Dr. Collins. Pinabook po ng biyenan ko,” I said politely as I handed over the paper I was holding. “Ah, Mrs. Ciara?” ngumiti ang receptionist at mabilis na nag-check sa listahan. “Yes po, expected na po kayo. Diretso na po kayo sa office ni Dr. Collins, doon sa kanan.” “Salamat po.” I gave a small nod and tried to smile, though my hands were shaking and already sweaty from nervousness. Habang naglalakad papunta sa consultation room, hindi ko maiwasang mag-isip. Ito na kaya ang simula? Matutupad na kaya nito ang pangarap naming magkaanak? O baka isa na namang pagkadismaya ang haharapin ko? Huminto ako sa harap ng pinto, saglit akong huminga nang malalim bago kumatok at marahang pinihit ang seradura. “Please, come in,” narinig kong sabi ng isang lalaking naka-puting coat, nakatalikod pa ito sa akin. Dahan-dahan naman akong pumasok, hawak-hawak ang lahat ng takot at pag-asang bumibigat sa puso ko.Ciara's point of view Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Ang init na dumadaloy sa mga ugat ko ay parang bulkang sasabog. Parang nakalimutan ko ang pagod at ang takot. Ang nakita ko na lang ay ang makitid na balat ni Leila na pilit idinidikit sa asawa ko.Padabog kong itinulak ang pinto ng veranda. Ang kalabog niyon ay sapat na para mapatalon si Leila at mapaharap sa akin si Luca na nanlalaki ang mata. "Wow. Ang ganda ng view dito sa veranda, ah? May kasama pang live show," sarkastiko kong bungad habang naglalakad palapit sa kanila. "Leila, hindi ko alam na pati sa patay na lamay, naghahanap ka pa rin ng lalakeng masasandalan. O baka naman sadyang makati lang talaga 'yang suot mong silk robe?""Ciara! It’s not what you think," mabilis na sabi ni Luca, lumalayo agad kay Leila."Hindi ang iniisip ko ang problema rito, Luca! Ang problema ay 'tong linta na 'to na hindi alam kung saan lulugar!" Baling ko kay Leila na ngayon ay nag-aala-kawa
Ciara's point of view Lumipas ang dalawang araw na parang isang mahabang bangungot na ayaw matapos. Sa wakas, na-release na rin ang katawan ni Papa Eduardo mula sa punerarya matapos ang autopsy. Dahil sa tindi ng tensyon at sa banta ng mga naniningil, nag-decide si Luca na sa funeral chapel na lang ganapin ang burol, sa isang exclusive mortuary para kahit papaano ay may security.Two days lang ang viewing. Maikli lang talaga at masyadong mabilis, parang minamadali ang pamamaalam dahil lahat kami, nakakaramdam na may nakamasid sa bawat galaw namin.Huling gabi na ng burol. Ang amoy ng sandamakmak na puting bulaklak ay humahalo sa amoy ng kandila. It was suffocating. Nakaupo ako sa front row, suot ang isang itim na dress na medyo maluwag sa bewang. Kahit puyat at pagod, kailangan kong maging matatag para kay Luca."Ciara, you should eat. Kanina ka pa walang laman ang tiyan," bulong ni Caden sa tabi ko. Dumating siya para damayan ako, at kahit sa ga
Ciara's point of view Gulong-gulo ang buong hallway ng ospital. Luca was practically roaring, bawat nurse na humaharang sa kanya ay halos itulak niya na para lang makapasok sa loob. Pero matigas ang mga pulis, security protocol daw dahil crime scene ang turing sa nangyari kay Papa Eduardo."Sir, kailangan po ng autopsy. Hindi niyo pa pwedeng lapitan ang katawan," giit ng isang pulis habang nakaharang sa double doors."That's my father! Hindi siya gamit na basta-basta niyo lang i-eexamine!" sigaw ni Luca, his fists clenched so tight na namumuti na ang knuckles niya.Sa huli, wala kaming nagawa. Pinauwi muna kami ng madaling araw dahil wala rin naman kaming mapapala doon habang pino-process ang documents. Zelda and Leila decided to stay, Zelda was hysterical, ayaw niyang iwan ang asawa niya, at si Leila naman ay todo-asikaso sa kanya, feeling daing sa gitna ng trahedya.Pagdating namin sa bahay, sinalubong kami ng nakabibinging katahimikan
Ciara's point of view Pag-akyat namin sa kwarto, halos ayaw na akong paglakarin ni Luca. He looked so guilty, parang siya 'yung nasugatan sa sobrang pag-aalala."Sit here, love. Don't move," bulong niya habang dahan-dahang inaalalayan ako sa dulo ng kama.Kumuha siya ng maligamgam na tubig at malinis na bimpo. He knelt in front of me, taking his time to clean my face and neck, then my arms. Maingat na maingat siya nang madaanan ng bimpo ang balikat ko, as if I would break at any second. Hindi rin siya nagsasalita, pero ang mga mata niya, kitang-kita ang pagsisisi."Luca, okay na ako," mahina kong sabi nang simulang hubarin ang floral dress ko para palitan ng silk nightgown."No, let me," he insisted. Siya na ang nag-suot sa akin ng pantulog, ang mga kamay niya ay nanginginig pa nang bahagya. Nang matapos, dahan-dahan niyang kinuha ang bandaged hand ko. He didn't let go. He brought my palm to his lips, giving it soft, lingering kisses aro
Ciara's point of view "Grabe, Ciara. This is deep. Muntik na maabot 'yung muscle," sermon ni Kate habang maingat na nililinis ang sugat ko. Napapikit ako sa hapdi nang dampiin niya ang antiseptic. "Sino ba talagang gumawa nito? Hindi 'to mukhang aksidente lang sa kusina.""I told you, Kate. May linta sa bahay. Nag-drama, at ako 'yung naging casualty," sagot ko habang nakakuyom ang kabilang kamay ko sa upuan."If I were you, girl, I'd slap that bítch with this medical bill," hirit ni Caden habang nakasandal sa pader, naniningkit na ang mga mata sa galit. "You're carrying a life now. Hindi ka pwedeng ma-stress o masaktan nang ganyan. What if natamaan ka sa tyan?"Natigilan ako sa sinabi ni Caden. Tama siya. Isang maling galaw lang ni Leila kanina, baka hindi lang palad ko ang may sugat ngayon.Tinatapos na ni Kate ang pagbendita sa kamay ko nang biglang mag-vibrate nang malakas ang phone ko sa table."Luca Calling..."
Ciara's point of view Finally, nakalayo na rin ako ng bahay, nakahinga na rin nang maluwag. Narito ako ngayon sa labas ng clinic, nakaupo sa isang shed habang hinihintay ang kaisa-isa at pinaka-mamahal kong best friend.Si Caden.Kakarating niya lang galing France two days ago. He’s the definition of perfection, galing sa mayamang pamilya, matangkad, at kahit gay siya, he carries himself with such a manly vibe na marami pa ring babae ang nagkakandarapa sa kanya. Pogi kasi talaga, eh. Half-French, half-Pinoy, and a hundred percent my ride-or-die. Minsan nga kapag kaming dalawa lang at malayo sa mga kakilala napagkakamalan pa kaming mag-jowa, e. Maya-maya lang, isang itim na Porsche ang huminto sa tapat ko. Lumabas mula roon ang isang lalaking naka-linen shirt at designer sunglasses. Kahit dalawang taon kaming hindi nagkita, kilalang-kilala ko pa rin ang lakad niya."Ciara! Oh mon Dieu, look at you!" sigaw niya habang binababa ang sung







