MasukCiara's point of view
It's been shít and ito na ang araw ng dinner sa bahay ni Dr. Collins. Kinakabahan man ako, kinakailangan ko pa rin itong itago. Kahit simpleng paghinga, parang nahihirapan ako, lalo’t kanina pa nakatitig si Luca sa akin sa loob ng sasakyan. Para bang kahit pagbukas ng bibig ko ay may mali na agad. Bukod pa roon, bukas na ang next check-up namin kay Dr. Collins. Hindi ko alam kung paano ako mag-a-act kapag kaharap na naman ang doktor. Kanina pa naglalaro sa isip ko ang mga tanong na baka biglang magwala na naman si Luca. Minsan, pakiramdam ko ubos na ubos na ang pasensya ko sa asawa ko. Pagdating namin sa malaking bahay ni Dr. Collins, bumukas agad ang pinto. Napasikip ang dibdib ko. Ito na. Nakatayo si Colton sa may foyer, napakarelax niya at cool, nakaitim na long sleeves na nakarolyo ang manggas hanggang siko. Masyadong gwapo naman ng doktor na 'to. Well, hindi lang alam na parang may panganib din na dinadala. He gave me a polite but lingering look before shifting his eyes to Luca. “Good evening,” Colton greeted, he's so calm and professional. Hanggang dito ba naman sa bahay niya dala pa rin 'yun? “My house is yours tonight.” Luca forced a smile, “Thanks, Doc.” Wow. Parang hindi magpinsan, ah. Ganito ba talaga 'to kapag nagkita sila? Lumiwanag naman bigla ang mukha ni Colton. May dumating pang isang kotse at nang bumukas ang pinto, lumabas si Tita Zelda at ang asawa nito. “Oh, Tita Zelda! Tito!” agad na lumapit si Colton, na genuine na ang tuwa. He kissed Zelda’s cheeks and hugged her husband. “It’s really nice to see you make it up here. Matagal-tagal na rin nung last na punta n’yo rito.” Napahagikhik si Zelda, “Ay, Ijo, alam mo naman kami. Masyadong busy nitong mga nakaraang buwan. Puro business trips ang tito mo. Kaya ngayong wala nang aberya sa schedule, hindi na namin pinalampas. Besides,” tumingin siya sa amin ni Luca, “gusto ko ring makita mo ang patients mo na sobrang pinagmamalaki mo.” Ngumiti lang din si Colton. He stepped aside and gestured toward the open door. “Come in, everyone. The table’s ready. Make yourselves comfortable.” Zelda’s eyes lit up. “Ay ang ganda pa rin ng bahay, Ijo. Mas lalo pang gumanda ngayon. Bagong renovation?” Colton chuckled, “Konting ayos lang, Tita. Para mas presentable kapag may special guests, like tonight.” Tumango si Luca, at proud pang ngumiti, “Ganyan talaga si Doc, hindi nagtitipid sa presentation. Basta tungkol sa baby-making, perfect ambience daw.” Natawa si Zelda, “Ay naku, Luca, ikaw talaga.” Pagpasok namin sa sala, may babaeng nag-aayos na ng wine glasses sa mesa. Maganda siya, charming, and classy-looking. Nakangiti rin habang inaabot ang wine. “That’s my girlfriend, Nurse Althea,” sabi ni Colton, it was so straight na wala manlang pag-aatubili. At that moment, my heart jolted. Girlfriend? So… totoo nga. Tapos ang ganda pa. Pero makapaglandi naman sa akin si Colton nung nasa clinic akala mo walang GF. Althea smiled warmly, “Hi! I’m Althea. I usually assist Dr. Collins, pero nung pumunta kayo, I wasn’t on duty. It’s nice to finally meet you, Mrs. Castillione.” Ngumiti ako pabalik. “Nice meeting you rin.” Pumakawala naman si Colton ng maliit na ngiti, it was fake na parang scripted, well, totoo naman, sapat na rin para kay Luca na hindi magduda. They all sat at the table. Yung ina at ama naman ni Luca may sarili nang mundo, kausap ang mga magulang ni Colton. Nabati na rin sila kanina ni Luca and me. Ngayon naman may sarili na rin kaming mundo kasama sila Colton and Althea. “So, Doc,” Luca started immediately, hindi pa man nagsisimula ang main course, “about our baby… how exactly will this work? Paano mo kami matutulungan?” Colton took a sip of wine before answering. Umismid muna siya and controlled his emotion. Well, sanay naman siya magtago ng tunay na emosyon. “Well,” he started, “I’ll do a full evaluation kay Ciara tomorrow. We’ll do ultrasound scans and hormone assessments. After that, gagawa tayo ng treatment plan.” Luca leaned forward, “Gaano katagal bago mabuntis ang asawa ko, Doc? One month? Two months?” My cheeks burned in embarrassment. “Luca…” bulong ko, trying to stop him, pero hindi niya ako pinakinggan. Colton remained polite though. “Luca, fertility treatments are not instant. Minsan months, minsan years. Pero I’ll do everything I can to help.” “That’s why we chose you, Doc,” Luca replied proudly. “Kasi ang dami daw nabuntis dahil sa sistema mo. Sabi ng Mama ko, ikaw ang the best.” Althea stepped in, smiling sweetly, “Colton is one of the best in the country. You’re in good hands.” Pero ang ngiting iyon ay pagkukunwari lamang. Colton’s eyes just happened to drift over the table, and they locked on mine for a moment, a really intense, long moment, before he finally managed to look away. Nag-serve naman ng pagkain si Althea. Luca dug in like nothing was wrong. I tried to eat, pero ang lakas ng tibok ng puso ko. “So, Doc,” Luca spoke again, “bakit ka pa walang anak? Ang galing mo sa baby-making. Dapat ikaw may sarili ka na nun.” Nanlaki ang mata ni Althea sa tanong na 'yun, at saglit siyang natigilan sa ginagawa. Colton smiled. “Hindi pa namin priority.” “Soon?” Luca asked. “Maybe,” Althea replied quickly, chuckling. “When Colton finally proposes.” Tumawa si Luca. “Ah! So hindi pa kayo engaged?” “No,” Colton answered simply. Naramdaman ko na may pumitik sa loob ng dibdib ko. I didn’t know why. Hindi ko karapatan. Pero naramdaman ko pa rin. Luca leaned back smugly, “Doc, may tanong ulit ako how to… you know, ah, like position? Love making para mas ma-exercise si Ciara?” I almost choked. “Luca!” bulong ko. “We’re at dinner!” But Luca only smirked, looking at Colton. Medyo nag-subtly tighten 'yung jaw ni Colton, pero siyempre nahuli ko agad. Damn, Luca! Feeling ko tuloy, nasa giyera kami ni Colton, as in, war na walang armas man lang na dala. “Well,” Colton answered, “depende na sa'yo 'yun. Stress affects fertility. Pag masyadong mataas ang pressure, mas mabagal ang progress. Kaya mas maganda kung relaxed nga si Ciara. Comfortable and happy. ” “Happy?” Luca scoffed. “Siyempre happy siya. May asawa siya. May bahay. Kulang na lang baby.”Ciara's point of view Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Ang init na dumadaloy sa mga ugat ko ay parang bulkang sasabog. Parang nakalimutan ko ang pagod at ang takot. Ang nakita ko na lang ay ang makitid na balat ni Leila na pilit idinidikit sa asawa ko.Padabog kong itinulak ang pinto ng veranda. Ang kalabog niyon ay sapat na para mapatalon si Leila at mapaharap sa akin si Luca na nanlalaki ang mata. "Wow. Ang ganda ng view dito sa veranda, ah? May kasama pang live show," sarkastiko kong bungad habang naglalakad palapit sa kanila. "Leila, hindi ko alam na pati sa patay na lamay, naghahanap ka pa rin ng lalakeng masasandalan. O baka naman sadyang makati lang talaga 'yang suot mong silk robe?""Ciara! It’s not what you think," mabilis na sabi ni Luca, lumalayo agad kay Leila."Hindi ang iniisip ko ang problema rito, Luca! Ang problema ay 'tong linta na 'to na hindi alam kung saan lulugar!" Baling ko kay Leila na ngayon ay nag-aala-kawa
Ciara's point of view Lumipas ang dalawang araw na parang isang mahabang bangungot na ayaw matapos. Sa wakas, na-release na rin ang katawan ni Papa Eduardo mula sa punerarya matapos ang autopsy. Dahil sa tindi ng tensyon at sa banta ng mga naniningil, nag-decide si Luca na sa funeral chapel na lang ganapin ang burol, sa isang exclusive mortuary para kahit papaano ay may security.Two days lang ang viewing. Maikli lang talaga at masyadong mabilis, parang minamadali ang pamamaalam dahil lahat kami, nakakaramdam na may nakamasid sa bawat galaw namin.Huling gabi na ng burol. Ang amoy ng sandamakmak na puting bulaklak ay humahalo sa amoy ng kandila. It was suffocating. Nakaupo ako sa front row, suot ang isang itim na dress na medyo maluwag sa bewang. Kahit puyat at pagod, kailangan kong maging matatag para kay Luca."Ciara, you should eat. Kanina ka pa walang laman ang tiyan," bulong ni Caden sa tabi ko. Dumating siya para damayan ako, at kahit sa ga
Ciara's point of view Gulong-gulo ang buong hallway ng ospital. Luca was practically roaring, bawat nurse na humaharang sa kanya ay halos itulak niya na para lang makapasok sa loob. Pero matigas ang mga pulis, security protocol daw dahil crime scene ang turing sa nangyari kay Papa Eduardo."Sir, kailangan po ng autopsy. Hindi niyo pa pwedeng lapitan ang katawan," giit ng isang pulis habang nakaharang sa double doors."That's my father! Hindi siya gamit na basta-basta niyo lang i-eexamine!" sigaw ni Luca, his fists clenched so tight na namumuti na ang knuckles niya.Sa huli, wala kaming nagawa. Pinauwi muna kami ng madaling araw dahil wala rin naman kaming mapapala doon habang pino-process ang documents. Zelda and Leila decided to stay, Zelda was hysterical, ayaw niyang iwan ang asawa niya, at si Leila naman ay todo-asikaso sa kanya, feeling daing sa gitna ng trahedya.Pagdating namin sa bahay, sinalubong kami ng nakabibinging katahimikan
Ciara's point of view Pag-akyat namin sa kwarto, halos ayaw na akong paglakarin ni Luca. He looked so guilty, parang siya 'yung nasugatan sa sobrang pag-aalala."Sit here, love. Don't move," bulong niya habang dahan-dahang inaalalayan ako sa dulo ng kama.Kumuha siya ng maligamgam na tubig at malinis na bimpo. He knelt in front of me, taking his time to clean my face and neck, then my arms. Maingat na maingat siya nang madaanan ng bimpo ang balikat ko, as if I would break at any second. Hindi rin siya nagsasalita, pero ang mga mata niya, kitang-kita ang pagsisisi."Luca, okay na ako," mahina kong sabi nang simulang hubarin ang floral dress ko para palitan ng silk nightgown."No, let me," he insisted. Siya na ang nag-suot sa akin ng pantulog, ang mga kamay niya ay nanginginig pa nang bahagya. Nang matapos, dahan-dahan niyang kinuha ang bandaged hand ko. He didn't let go. He brought my palm to his lips, giving it soft, lingering kisses aro
Ciara's point of view "Grabe, Ciara. This is deep. Muntik na maabot 'yung muscle," sermon ni Kate habang maingat na nililinis ang sugat ko. Napapikit ako sa hapdi nang dampiin niya ang antiseptic. "Sino ba talagang gumawa nito? Hindi 'to mukhang aksidente lang sa kusina.""I told you, Kate. May linta sa bahay. Nag-drama, at ako 'yung naging casualty," sagot ko habang nakakuyom ang kabilang kamay ko sa upuan."If I were you, girl, I'd slap that bítch with this medical bill," hirit ni Caden habang nakasandal sa pader, naniningkit na ang mga mata sa galit. "You're carrying a life now. Hindi ka pwedeng ma-stress o masaktan nang ganyan. What if natamaan ka sa tyan?"Natigilan ako sa sinabi ni Caden. Tama siya. Isang maling galaw lang ni Leila kanina, baka hindi lang palad ko ang may sugat ngayon.Tinatapos na ni Kate ang pagbendita sa kamay ko nang biglang mag-vibrate nang malakas ang phone ko sa table."Luca Calling..."
Ciara's point of view Finally, nakalayo na rin ako ng bahay, nakahinga na rin nang maluwag. Narito ako ngayon sa labas ng clinic, nakaupo sa isang shed habang hinihintay ang kaisa-isa at pinaka-mamahal kong best friend.Si Caden.Kakarating niya lang galing France two days ago. He’s the definition of perfection, galing sa mayamang pamilya, matangkad, at kahit gay siya, he carries himself with such a manly vibe na marami pa ring babae ang nagkakandarapa sa kanya. Pogi kasi talaga, eh. Half-French, half-Pinoy, and a hundred percent my ride-or-die. Minsan nga kapag kaming dalawa lang at malayo sa mga kakilala napagkakamalan pa kaming mag-jowa, e. Maya-maya lang, isang itim na Porsche ang huminto sa tapat ko. Lumabas mula roon ang isang lalaking naka-linen shirt at designer sunglasses. Kahit dalawang taon kaming hindi nagkita, kilalang-kilala ko pa rin ang lakad niya."Ciara! Oh mon Dieu, look at you!" sigaw niya habang binababa ang sung







